Pahina 16
Pahina 16
Attacked
Hurricane’s Point of View
Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Malamig na tiningnan ko ang mga paparating.
Ang mga kawal ng Hideus.
Tumalon ako mula sa puno at bumagsak sa harapan nila. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata nila at malamig ko lamang silang tiningnan.
"Binibining Cane..."
"Anong ginagawa niyo rito?" seryosong tanong ko.
"Nandito kami upang dakpin ang halimaw na kasama niyo at nais kang makitang muli ng Hari."
"Ngunit hanggang diyan lang kayo sa kinatatayuan niyo."
Nakita kong naalarma sila. Sinuyod ko sila ng bilang at sa tingin ko'y aabot sila ng tatlumpu. Binalik ko ang tingin sa harapan ko, ang kanilang Heneral.
"Sasama ako sa inyo nang maayos, ngunit hindi kasama si Tenere." malamig na sambit ko.
Nakita ko ang pagdadalawang isip nito.
"Kailangan naming dakpin ang halimaw."
"At mahihirapan kayo bago niyo siya makuha." nilabas ko ang arnis ko. Wala akong planong maging madugo ang tagpong ito.
Nang makita nila 'yon ay hindi sila makapaniwala.
"Naghihintay ako ng kasagutan." seryosong sambit kong muli.
"Kailangan naming sundin ang inatang sa amin, binibini, at hindi mo kami mapipigilan."
Mabilis na inikot ko sa mga kamay ko ang dalawang arnis na hawak ko at hinampas sa unang pangahas na nagtangkang lumagpas sa akin. Napaigik ito sa sa sakit nang tamaan ko ang sikmura nito.
Gumuhit ang galit sa mukha ng Heneral. Mabilis na inikot ko sa mga palad ko ang dalawang arnis at seryoso silang tiningnan.
Sabay sabay silang nagsisugod at isa isa ko rin silang pinatamaan. Nawalan ng malay ang iba at ang iba ay hirap nang makatayo. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. May naglabas ng pana na nakatayo sa sanga habang may mga papasugod sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko at tumusok ang pana nito sa puno. Ang ibang lumilipad na pana ay hinahampas ko ng aking arnis.
Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin ang Heneral.
May natitira pang sampu sa likuran niya.
Binalik ko ang dalawang arnis ko sa likuran ko ngunit hindi pa rin sumusuko ang nagpapana sa direksyon ko. Sinalo ko gamit ang kamay ko ang pana nito at sinira at naputol sa mga kamay ko. Umulit na naman ito kaya sa inis ko ay binato ko ito pabalik sa kanya. Tumama sa braso niya at tumagos sa puno. Nakita ko ang sakit sa mukha nito at hindi mabunot ang sarili niyang pana.
Binalik ko ang tingin sa Heneral. Humakbang ako, umatras naman sila na kinailing ko at tumalon sa puno at binunot ang pana.
Pinunit ko ang palda ko para binenda nang mahigpit sa braso nito at muling tumalon.
Nag-iwas sila ng tingin sa ginawa ko. Napatingin ako sa palda ko na hanggang tuhod na lang.
"Binibini, bakit mo ito ginagawa? Mapanganib ang halimaw na kasama niyo."
"Nasa pangangalaga ko ang taong 'yon, kaya naman sa huling pagkakataon, isama mo ako sa Hideus at hayaan siya."
"Mananagot kami sa Hari, binibini."
"Ako ang kakausap sa kanya."
Nakita ko ang hirap nitong magdesisyon. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila dahil sumusunod lang sila sa utos ng kinatataas.
"Dalhin ang binibini." pinapasok nila ako sa karwahe. Hirap na hirap na tumayo ang mga na-arnis ko kaya nakonsensya ako at lumabas ako.
"Paumanhin sa ginawa ko, hehehe, kayo na lang ang sumakay."
"Ayos lang k-kami, binibini."
"Tama siya, binibini."
"Sige na payag na kayo! Hahahahaha." pinagtutulak ko sila sa loob. Kakasya ang anim sa loob, at pinaangkas ko sa likuran ng mga nakasakay sa kabayo ang iba. Naglakad kami ng Heneral kasama ang sampu na hindi sumugod kanina.
May anim na oras na lang akong natitira bago pa magkamalay sila Simone.
Gaya ng dati'y buhay na buhay ang nasasakupan ng 'Hideus'.
"🎶Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayron pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis
Bawang at luya
Sa paligid nito puno ng linga.🎶"
Napalingon ako sa mga batang kumanta no’n! At natawa nang makita ang mga nilalaro nila. Paulit ulit na narinig ko ang 'Bahay Kubo' sa paligid. Nakakatuwa naman at umuso ito sa mga bata. Nag-aapiran sila. Parang may mainit na haplos ang naramdaman ko sa puso ko dahil talagang naalala pa nila 'yon.
May mga napapatingin sa akin na parang nag-aalala na sinuklian ko ng ngiti. Dumami ang mga nagkukumpulan na nakatingin sa amin. Seryoso ang mukha ng mga kawal na kasama ko.
Di ko mapigilang matuwa sa puso ko dahil kahit na hindi nila ako lubusang kilala ay tinanggap nila ako nang bukas ang mga palad at bisig. Napakabubuti nila. Huminto ako sa paglakad at humarap sa mga mamamayan ng 'Hideus'.
"Binibini."
"Sandali lang, Heneral."
Ngumiti ako sa mga nasa paligid at yumuko.
"Maraming salamat po sa lahat. Maraming salamat." sambit ko habang nakayuko at pagkatapos ay dumiretso ng tayo.
Tinanggal ko pansamantala ang taklob ko.
"Sana manatiling masigla ang lahat at mabuti. Mapalad akong makilala kayo, salamat po. Hanggang sa muli!" nakangiting kumaway ako.
"Tayo na Heneral." sambit ko sa gulat na Heneral at ngumiti.
Kumaway sa akin ang mga mamamayan ng Hideus.
"Alam mo ba na ang tao ay parang salamin? Heneral?"
"B-Binibini?" gulat na sambit nito.
"Kapag ngumiti ka, ngingiti sila. Kapag seryoso ka, seryoso sila. Parang nararamdaman nila ang nararamdaman kung titingnan."
Nakangusong sinulyapan ko ito. Sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad namim, nakakahanga na isa na siyang Heneral.
"Anong pangalan mo, Heneral?" tanong ko habang naglalakad kami at pagbuksan sa palasyo.
"Sen."
"Heneral Sen, hehehe, ang seryoso mong tao para kang si Simone." natatawang sambit ko.
"Nobyo mo?" kinakabahan at maingat na tanong nito.
Nilibot ko ang paningin sa mga antigo at rebulto ng namamangha.
"Hindi, ngunit pag-aari ko siya." nilingon ko ito na nagulat at nagtaka sa sagot ko.
"Binili mo? Kung ganoon ay alipin mo ito."
"Hindi, hindi ko siya binili dahil walang katumbas na halaga ang sarili niya at isa pa, kusa niyang ibinigay ang sarili niya sa akin." seryosong sambit ko habang nakangiti rito.
Nakita ko ang paglunok nito at pag iwas ng tingin sa akin.
Binalik ko rin ang tingin sa harap.
"Kamahalan, nandirito na ang binibini." sambit ni Heneral Sen nang seryoso.
"Patuluyin siya."
Bumukas ang higanteng pinto. Naabutan ko sina Haring Agnol, may katabi ito na sa tingin ay kanyang Reyna. Naroon din si Prinsesa Shea at Prinsipe Hasil.
Yumuko ako sa mga ito bilang pagbibigay galang.
"Nasaan ang halimaw, Heneral Sen?" tanong ni Haring Agnol.
Naramdaman ko ang takot ni Heneral Sen.
"Hindi ko sila hinayaang makuha si Tenere. Nabalian ko ng buto at nasaktan ang iba sa kanila." sambit ko.
Kumunot ang noo ni Haring Agnol at bakas ang galit.
"At bakit mo iyon ginawa?"
"Dahil nasa pangangalaga ko ang taong 'yon, Kamahalan." mahinahong sagot ko habang sinasalubong ang paningin nito.
"Hindi dahil mabuti ako sa’yo ay sasagarin mo, binibini. Gusto kita ngunit ayaw ko sa inaasal mo at pangingialam." ramdam ko ang galit nito.
"Kung pagdating sa kanila ay mangingialam ako." malamig na sambit ko.
"Walang galang!" sigaw ng Reyna. Napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses nito.
Sa pagdilat ko ay masama ko itong tiningnan na kinagulat nilang lahat.
"Lapastangan! Anong karapatan mong tingnan ang aking Ina ng ganyan?!" sigaw ni Prinsesa Shea.
"Binibining Cane." seryosong tawag ni Prinsipe Hasil sa akin.
"Sabihin niyo sa akin, anong kasalanan ni Tenere sa inyo para dakpin siya?" malamig at nagpipigil ng galit na tanong ko.
Nabigla sila sa sinabi kong iyon.
"Ang kakapal ng mukha niyo para umastang mga inosente. Mas nakikita kong halimaw kayo at mas tao pa siya sa inyo." madiing sambit ko. Tumutok ang napakaraming espada sa leeg ko.
"Ibaba niyo yan!" utos ni Prinsipe Hasil
Hindi siya pinakinggan na kinainis nito.
"Ayos lang." sambit ko nang seryoso kay Prinsipe Hasil at bumaling sa mga magulang niya.
"Pero bago niyo ibaon ang mga sandatang 'yan itutuloy ko ang mensahe kong ito." sambit ko.
Nagtagis ang panga ng Hari at parehong namumula sa galit ang mukha ng Reyna at ni Prinsesa Shea.
Napabuntong hininga ako. Kailangan kong kumalma dahil walang Simone na pipigil sa akin ngayon.
"Haring Agnol, sino si Matilda sa buhay mo?" nabigla si Haring Agnol sa tanong ko.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha ng Reyna na kinangisi ko.
Parang naputol ang dila ni Haring Agnol.
"Sino si Matilda, Kamahalan?" ulit ko pang tanong.
"Isa siyang malanding alipi-" naputol ang sinasabi ni Prinsesa Shea.
"Si Matilda ay minahal ko na pinatay ng halimaw na 'yon!" sigaw ni Haring Agnol at bakas sa mukha nito ang galit at paghihinagpis.
"Mahal na Reyna? Sino si Matilda para sa’yo?" seryosong tanong ko at nakita ko ang pamumutla nito at paglunok.
"Tinatanong kita, Reyna?"
"Lapastangan!!" -Prinsesa Shea
"Mamaya ka na sumagot kapag ikaw na ang tinanong ko." baling kong sagot kay Prinsesa Shea.
"P-Papatayin kita!!!"
"Gawin mo, walang pumipigil sa’yo."
Bigla itong bumunot ng espada sa mga kawal. May mga nakatutok pa ring patalim sa leeg ko. Pinanood ko ang pagsugod nito na mabilis na pinigil ni Prinsipe Hasil.
"Itigil mo ang ginagawa mo, Shea!!"
"Hasil! Hibang ka nang talaga! Hindi mo ba nakikita? Binabastos niya tayo! Lapastangan ang babaeng 'yan!! Hindi ako makapapayag na maging parte siya ng pamilyang ito! Ang isang mababang uri na tulad niya ay walang puwang sa atin!" -Prinsesa Shea
"Tumigil ka!!! At kayo alisin niyo ang mga sandata niyo sa kanya!!" -Prinsipe Hasil
Nasulyapan ko si Heneral Sen na nag-aalala sa akin. Nawala ang mga nakatutok sa akin.
Walang kabuhay-buhay na natawa ako.
"Bakit mo naisip na kasalanan ni Tenere ang pagkamatay ni Matilda? Nag-imbestiga ka ba, Kamahalan?" tanong ko rito.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ng Hari.
Hindi ko mapigilang maasar. Yung gusto kong iuntog ang ulo ko sa Haring kaharap ko? Naalala ko tuloy si Mom dahil ganoon siya kapag naaasar, di tulad ni Dad na mahaba ang pasensya pero pag sumabog, gugustuhin mo na lang na hindi na huminga. May mga pagkakataong lumalabas ang ugali ni Mom sa pagkatao ko.
Napabuntong hininga ako.
Si Dad na tinuruan akong kumalma sa lahat ng sitwasyon at humarap ng walang takot kung tama ang pinaglalaban ko.
Napahilot ako sa noo ko dahil sa genes ng parents ko na 50/50 kong nakuha. Hahaha.
Pero sila ang bumuo sa akin, ang nagturo sa akin na maging mabuting tao, maging malakas. Silang dalawa ang pinakahinahangaan at tinitingala kong tao sa buong buhay ko, na hindi nagkulang sa lahat lalo na sa pagkalinga at pagmamahal na kahit wala sila sa tabi ko nararamdaman ko pa rin sila sa puso ko.
Dahil sa naiisip ko ay tuluyan nang humupa ang inis ko.
"Sino ang may pinaka may motibo para patayin si Matilda? Napaka-imposibleng si Tenere, Kamahalan, dahil naniniwala akong tanga lang ang mag-iisip ng ganoon. Paanong magagawa ng isang walang muwang na bata iyon sa kanyang tinitingalang ina? Buksan mo ang mata at tainga mo, Kamahalan. Isipin mong mabuti. Sa tingin mo bakit gagawin 'yon ni Tenere?"
Natahimik ito at parang tinamaan.
"May ideya ka pero mas pinili mo ibaling ang galit sa iba." malamig na sambit ko dahil sa reaksyong nakikita ko rito.
"Tao si Tenere, halimaw na kung halimaw ang tingin niyo. Sila ang pinakataong halimaw na nakilala ko. Hindi na kayo naawa. Anong ginawa niyo sa kanya?! Dahil lang sa naiiba siya?! Kailangan niyo na tratuhing hayop?!" napapikit ako nang mariin nang maalala ang bakas ng latigo sa katawan ni Tenere.
"Hindi dahil nasa mataas na posisyon kayo ay may karapatan na kayong umapak ng tao!! Hindi kasalanang ipanganak na mahirap!!" dagdag ko pang sambit na puno ng galit.
Ramdam ko ang mabigat na paghinga ko at pagtaas baba ng balikat ko sa pagkokontrol na h'wag silang saktan.
Nag-angat ako ng tingin kay Prinsesa Shea na napaatras nang tingnan ko.
"Ang mga katulad mo ang pinakakinamumuhian ko sa lahat." sambit ko at tumingin sa kanyang ina.
"Matapang ka dahil sa antas mo. Wala ka pang napapatunayan sa buhay, puro ka lang gusto mo, makukuha mo. Nakakawalang gana ang tulad mo." malamig na sambit ko.
Napaawang ang mga labi nito at hindi makasagot.
"Prinsipe Hasil, patawad kung ganito ako magsalita. Sinabi ko naman sa inyo hindi ako sing-buti ng iniisip niyo pero hindi ako masamang tao." mahinahon kong sambit ditto.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag, naiintindihan ko." seryosong sambit ni Prinsipe Hasil. Tipid na nginitian ko ito.
"Kamahalan, patawad din kung naging lapastangan nga ako sa inyo. Ang gusto ko lang ay itigil niyo na ang pagtugis sa kasama ko, kay Tenere."
Nabalot ng katahimikan ang paligid.
"Naiintindihan ko..." mahinahong sambit ni Haring Agnol. Nang sabihin niya 'yon ay...
"Nakikita kong isa kayong mabuting Hari dahil marunong kayong magmahal." nakangiting sambit ko na kinagulat nito. May tuwa at halong lungkot itong ngumiti.
Mas nakikita ko na ngayon ang tunay na siya sa likod ng kinatatakutan nilang Hari.
Yumuko ako rito at kay Prinsipe Hasil.
"Mauuna na 'ko." seryosong sambit ko at tinalikuran na sila. Tipid na nginitian ko si Heneral Sen na tulala sa mga nangyari.
Tumakbo ako nang mabilis dahil alam kong nagkamalay na sila Simone. Yari ako!
Mabuti na lang ay nasaulo ko ang tinahak naming daan ni Taki! Kaya mabilis akong nakalabas ng Hideus.
"Where the hell are you, Cane?!"
"Aking Binibini! Magpakita ka! Paano na si Taki? Kailangan ka ni Taki! Malulungkot si Takiii! Waaah!"
Napahagikhik ako nang ambahan siya ni Simone ng batok. Hahaha.
"Cane! Ang ganda kong lalaki! Bagay tayo! Araaaay!" sigaw ni Tenere at binatukan siya ni Simone. Hahaha.
"Cane, nasaan ka na?" malungkot na sambit ni Lihtan. Yaah! Ang cute niya habang palinga-linga. My innocent Lihtan. Hihihi.
"Nakita na ni Taki ang kanyang binibini!!" nagulat ako nang nasa harapan ko na si Taki.
Paano niya nalaman kung nasaan ako? Maingat kong tinago ang presensya ko.
"Hey! Get down here!" sigaw ni Simone na kinangiwi ko dahil sa salubong na kilay nito.
"SI TAKI ANG NAUNA SA KANYANG BINIBINI!!"
Yumakap sa akin si Taki at nagulat ako nang umuga ang puno!
Sinisipa ni Tenere ang puno!
"WAAAAAH!!" natawa ako sa ngawa ni Taki.
Bigla ako nitong binaba sa puno habang buhat. Nakatulala ako kay Taki. May kakaiba talaga sa kanya.
"Is there a problem?" tanong ni Simone nang makarating sa tabi ko.
"Paano mo nalaman na naroon ako?" tanong ko kay Taki. Saglit na sumeryoso ang mukha nito pero agad ding ngumiti malawak.
"Naamoy ko ang dugo mo." bumaba ang mata ni Taki sa leeg ko.
"Anong nangyari diyan?" alalang tanong ni Lihtan at ni Tenere
Ang talas ng pang-amoy niya, maliksi at napakabilis kumilos na parang hangin.
Napahawak ako sa leeg ko na may kaunting dugo at napanguso.
Napatingin ako kay Simone na matalas ang tingin sa leeg ko at alam ko hindi ako makakapagsinungaling.
"What happened?" malamig na tanong niya. Kinuha niya ang kamay ko at binuksan. Doon ay nakita nila ang kaunting galos at dugo.
Napabuntong hininga ako at napanguso.
"May mga nagtungo na kawal ng Hideus kanina at sumama ako." sambit ko nang mahinahon pero hindi 'yon nakatulong para kumalma si Simone at ang iba pa.
"Sumama ako para kausapin ang Hari at nagkasundo kami... sa tingin ko." wala sa sariling sambit ko habang napapakamot sa ulo.
"Cane..." alalang tawag sa akin ni Lihtan habang nakatingin sa isang direksyon.
Tenere’s Point of View
Nakita ko ang napakaraming kawal.
"Damn them." malamig na sambit ni Cane na hindi ko maintindihan. Kunot ang noo niya at nakabilog ang mga kamay.
Humarang si Simone sa harapan ni Cane.
"Simone, don't kill them yet." malamig na sambit ni Cane at tumango naman si Simone na blangko ang mukha sa mga paparating.
"Lihtan, kaya mo bang lumaban? At protektahan si Taki?" sambit ni Cane.
Tumango si Lihtan nang seryoso.
Wala akong makitang reaksyon sa mukha ni Taki.
"Kaya ko ang sarili ko, aking binibini." seryosong sambit ni Taki at tumingin kay Cane na kinukuha ang kanyang tinatawag na mga arnis na itim ang kulay.
"Alam ko kaya ipapakiusap ko sanang..." tumingin siya kay Taki "-protektahan mo rin si Lihtan para sa akin." nakangiting sambit niya dito na kinagulat ni Taki, maging ako at ni Lihtan.
"NAROON ANG HALIMAW!!"
"PATAYIIIN!!"
Nagulat ako nang tumabi si Simone sa akin.
"H'wag kang tumulala lang diyan, baliw. Mukha ka kang impakto." napangiwi ako sa sinabi ni Simone.
"H'wag kang mag-aalala sa akin nang sobra, mahal ko. Walang mangyayaring masama sa akin..." sinadya ko pang lambingan para mas dama niya, haha. Napatingin ako rito nang hindi ito sumagot sa pang-aalaska ko.
Natigilan ako nang mahuli ko ang mga mata niyang nag-aalalang nakatingin kay Cane, at parang walang kahit na sinuman ang makakapagpaalis ng paningin niya rito.
Sobrang lalim, Simone... sobrang lalim.
Napabuntong hininga ako kaya napatingin ito sa akin.
"Bakit hindi ka pumunta sa tabi niya kung nag-aalala ka para sa kanya?"
Sumeryoso ang mukha niya
"Dahil ito ang gusto niya." naguluhan ako sa naging sagot niya at bago pa man ako mapaisip ay may mga nagliliparang pana sa direksyon ko.
Mabilis na humarang sa harapan ko si Simone at pinagpira-piraso ang mga pana gamit ang kanyang espada.
Wag mo sabihing...
Mabilis na nilingon ko si Cane na saglit na sumulyap sa amin habang pinaghahampas ang mga sumusugod sa kanya at tumitingin din sa direksyon nina Lihtan at Taki.
Napatulala ako sa husay niya makipaglaban. Parang nababasa niya ang mga susunod na sugod na gagawin ng mga kalaban niya.
Cane...
Seryosong tiningnan ko ang mga kawal ng Hideus. Nakita ko na lang ang sarili ko na pinatatalsik ang mga ito gamit ang hindi ordinaryo kong paa, habang patuloy na sinisira ni Simone ang mga nagliliparang pana. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Lihtan na pinatutumba ang mga puno at doon naglaglagan ang mga nagpapalipad ng pana. Mabilis na nawalan ng malay ang mga ito sa ginawang paghampas ni Taki sa mga leeg nito.
Nakita ko ang pag-angat ng mata ni Taki sa akin na seryoso, malayo sa baliw na katauhan niya.
Paano ko nakilala ang mga ito? At paanong nasa ganito kaming sitwasyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro