Extra Untold Moments: Simone & Lihtan
Lihtan ‘The Monster Cook’
Nakangiting nagluluto ako habang naririnig ang mga ingay na hatid ng pagsasaya nina Taki at Tenere dahil sa pagbabalik ni Simone. Ramdam ko ang maya't mayang pagyanig. Masaya ako dahil nagbalik na si Simone kaya naman nais ko siyang ipagluto.
Masayang masaya ako dahil natutunan ko ang pagluluto, sabi ni Cane kung marunong daw ako kumain ay dapat alam ko rin magluto. Ang galing ni Cane dahil naisip niya iyon :) tama si Cane kaya naman naging inspirasyon ko iyon upang matuto.
“What are you doing?” nakangiting nilingon ko si Simone.
Tumabi sa kanya si Taki at Tenere.
“Simone, salamat sa lahat ng alaala! Hindi ka namin malilimutan!” sambit ni Taki
“Pfft! Tsk! Rest in peace, Mahal!”
“....” bumaba ang tingin ni Simone sa niluluto ko at parang namutla?
Tiningnan ko ang niluluto ko.
“Ipagluluto kita dahil nagbalik ka na, Simone!” masayang sambit ko.
“F—For me?”
“Hihihi! Ihahanda ko na ang banyo para sayo, Mahal!” bulong ni Tenere na di ko narinig at biglang umalis.
“Simone, ayaw ng aking binibini na nagsasayang ng pagkain at malulungkot si Lihtan pag di mo tinanggap..” bulong ni Taki na di ko rin narinig.
Kumunot ang noo ko.
“Anong pinag uusapan niyo?” mabilis akong lumingon kay Cane!
“Cane!” nakangiting ginulo ni Cane ang ulo ko na nagbigay ng masayang pakiramdam sa puso ko.
“Cane, nagbubulungan sila..” bulong ko kay Cane na kinakunot ng noo ni Simone at Taki.
Akala nila sila lang maaaring magbulungan. Buti nalang nandito si Cane, di niya ako pababayaan na walang kabulungan.
“Oh..” tumatangong bulong ni Cane at tiningnan ang niluluto ko at tiningnan si Simone.
“Pfft!”
“Bakit Cane?”
“Nah, magaling, Lihtan..” nakangiting puri ni Cane na bulong sa akin na mas lalong kinangiti ko dahil masayang masaya ako sa t'wing pinupuri ako ni Cane!
Pursigido ako matuto ng maraming bagay upang lagi akong makatulong kay Cane.
“Gusto mo bang tulungan kita, Lihtan?” nakangiting tanong ni Cane.
“Wag ka mag alala, Cane. Kaya ko ‘to!” masayang sambit ko.
“Okay, payting, Lihtan..” nakangiting tinanaw ko ang pag alis ni Cane at ang pagsunod ni Taki na tawa ng tawa habang hinahampas ang nakatulalang si Simone. Mukhang nagugutom na talaga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro