Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Sapo ang ulo na bumangon ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nang makita ko ang lampshade ay sinindihan ko ngunit natigilan nang makita ang picture frame na nasa tabi ng lampshade.

Unti-unting bumalik ang mga pangyayari sa alaala ko.

Kinuha ko ang picture frame at pinakatitigan ang mga nakangiti nilang mukha maliban sa isang seryosong nakatingin sa camera. Magkakaakbay silang apat. Naibaling kong muli ang atensyon ko sa lampshade kung saan may mga nakapatong na journals na may kanya-kanyang mukha nila.

Tumayo ako habang yakap ang mga journals nila at binuksan ang ilaw saka umupo sa lapag at sabay sabay na binuksan ang mga journals nila.

Dear Cane,
     Alam mo bang si Taki ang nakaisip na gawin namin ito? Di ako makapaniwala, Cane. Alam kong tulad namin hindi ka rin makapaniwala na naisip ni Taki ito. Di ko sinasabing walang isip si Taki, Cane.

--Lihtan 💕

“Pfft~!”

Dear Cane,
     Kung nababasa mo ito, Cane. Kung mapapansin mo, maging ang bawat letrang sulat ko ay nagpapakita ng pagiging magandang lalaki ko.

--Tenere 💘

Napakamot ako sa kilay ko at mahinang natawa sa nababasa ko.

Dear Aking Binibini,
        AKING BINIBINIIIII! INAAPI AKO NILA!!! T______T

--TAKIIIIIII💞

Pfft! Natawa ako sa nabasang sumbong ni Taki, sa unang pahina pa lang. Kaya ba niya ito naisip para ibalita ang pang-aapi sakanya? Walang dudang iyon ang plano ni Taki.

Dear My Young Goddess,
      This is not my thing, you know that. But I’ll do this every single day to report to you how faithful I am. I love you.

--Your Fiancee 💝

Tuluyang sumabog ang tawa ko. Oh, Simone! How cute!

They are so adorable.

Patuloy kong binasa ang mga journals nila sa kada araw na lumilipas na ginagawa at nangyayari sa kanila, sa mga panahong wala ako. Nakita ko ang pagpatak ng alas-tres ng umaga sa gintong orasan. Napagpasyahan kong tumigil sa pagbabasa. Malaking tulong ang ilang mga nalaman ko sa journal nila. Ala-singko silang apat na bumabangon. Early birds.

Sabay sabay silang gumagayak at pumapasok ng eskwelahan maliban kay Simone. Si Lihtan ang laging nangunguna sa kusina para magluto na laging nirereklamo ni Taki sa journal niya dahil hindi niya matanggihan ang luto ni Lihtan dahil ayaw niyang malungkot ito na nakapagpangiti sa akin. Kung minsan ay si Simone ang nagluluto sa t’wing nasa mood daw ito na nagpapasaya kay Tenere na biktima ng mga niluluto rin ni Lihtan.

Masayang naligo at nag-ayos ako sa sarili at nang makapagbihis ay walang ingay na binuksan ang silid ko.

Naglakad ako patungo sa kusina at napangiti nang makitang kumpleto ang mga sangkap at gamit. Inalis ko ang anumang tunog sa bawat ginagawa ko na isa sa mga kaya ko nang magawa ngayon.

Sa loob ng dalawang taon na wala akong malay ay ang mga panahong nakikipaglaban akong bumalik ng buhay. Kung hindi dahil sa kapangyarihang mula kay Lord Gilbert ay wala na siguro ako ngayon. Napabuntong hininga ako nang malaman ang lahat ng kasagutan, nang makita ko ang librong nasa propesiya na nabasa ko sa kabilang buhay. Nagpakita sa akin si Anue Knight bilang mensahero ng tinatawag nilang Panginoon ng Liwanag na walang iba kundi si Lord Gilbert at nang mahawakan ko ang libro ay tuluyang naglaho si Anue Knight.

Nakapaloob sa libro ang bawat detalye ng mga paglalakbay ko kasama si Simone hanggang sa matagpuan namin sina Lihtan, Tenere at Taki na para bang nakatakda ang lahat na mangyari. Nabasa ko ang katapusan, ang katapusang binago ko. Ang katapusang walang makakapagdikta.

Gustuhin ko mang hindi tanggapin ang kapangyarihang mula kay Lord Sebastian ay wala akong magawa. Kinailangan kong mapasunod nang buo ang kapangyarihang mula rito. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga pinagdaanan kong ayoko nang ipaalam sa pamilya ko at kina Lihtan, Tenere, Taki at Simone.

Ang mahalaga ay nakabalik na ako.

Nakangiting hiniwa ko ang hawak kong manok dahil sa plano kong mag-inasimang manok. Nakangusong sinulyapan ko ang orasan dahil sa isa’t kalahating oras na lang ay magsisigising na sila. Binalingan ko ang sinaing kong bigas na naluto na sa rice cooker! Hinanda ko na rin ang toasted bread at scrambled eggs sa mesa. Pagsilip ko sa orasan na nakasabit ay saktong 5:00 AM.

“Waaaah! Nagluto si Simone!” napangiti ako nang narinig kong maingay na bulaslas ni Taki.

“Yun oh! Sweet ni Mahal! Makakaalis ako ng walang lbm! Hahahaha!” halakhak ni Tenere. Tinago ko ang presensya ko habang pinanonood silang nakatayo sa harap ng mesa.

Nakita ko ang pagnguso ni Lihtan pero kita ang ningning ng mata habang nakatingin sa mga nakahain. Napangiti ako at ilang saglit ay narinig ang mga dabog na yapak.

At nakita ang mukha ni...

“Simone! Di mo nasabing magluluto ka ngay-” naputol ang sasabihin ni Lihtan nang makita nila ang mukha ni Simone na parang naliligaw na bata at nangingilid ang mga mata habang dahan dahang lumipat ang mga mata sa mga nakahain sa mesa.

“A-Ayos ka lang, Simone?” nag-aalalang tanong ni Tenere.

“I...I d-didn’t cook anything.” nakita kong sabay sabay silang natigilan.

“A-Anong ibig mong sabihin...S-Simone.” Naguguluhan at hindi malamang tanong ni Taki.

“She’s not there.” halos ibulong sa hangin na sambit ni Simone. Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumunok dahil sa nagbabarang lalamunan ko habang pinanonood sila.

Pinaramdam ko ang presensya ko at parang tumigil ang oras nang sabay sabay silang apat na lumingon sa kinatatayuan ko.

“C-Cane...Cane?”

Ngumiti ako at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko at unti unting humakbang palapit sa nakapakong kinatatayuan nila na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin at sunod sunod ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata nila.

“Cane ikaw na ba talaga ‘yan?” puno ng luhang tanong ni Lihtan at bakas ang takot na hindi ako totoo. Tumango ako at ngumuso.

Sa isang iglap ay mabilis na yumakap silang apat sa akin at maingay na umiyak.

“Cane. Aaah. Cane... Bumalik ka na, aking Binibini.” -Taki

“Damn... Damn... You’re always giving me a heart attack.” -Simone

“Cane, I miss you. Marunong na akong mag-English.” -Lihtan

“Cane, sa wakas gumising ka na. Wag ka nang aalis ulit ah?” -Tenere

“Bumalik na ako. Mananatili na ako.” Nakangiting sambit ko habang umiiyak din.

“Waaaah! Aking binibini, wag kang umiyak.” -Taki

“Umiiyak kayo, dapat kasama ako.”

Bigla nilang pinigilan ang pag-iyak nila na kinasabog ng halakhak ko.

Wala pa rin silang pinagbago. Titigil sila sa pag-iyak para lang hindi na rin ako umiyak. Nakita ko ang pagpipigil nila ng iyak.

These crybabies.

Nakita ko ang pagliwanag ng mga mukha nila. Tiningnan ko si Simone at ngumiti.

Inangat ko ang kamay ko na sinundan niya ng tingin. Nilapat ko ang kaliwang kamay ko sa pisngi niya at nakita ko ang pagpikit niya nang saglit at muling hindi inalis ang mga mata sa akin.

“Nagpakabait ba kayo habang wala ako?” nakangiting tanong ko.

“I’m always faithful to you.” puno ng emosyong sambit ni Simone.

Naputol ang atensyon namin nang marinig namin ang tikhim ng tatlo.

Pfft.

“Ako, Cane. Ako, mabait ako, Cane! Marunong na akong magluto, Cane. Marunong na akong bumasa, magsulat at mag-English, Cane!” masayang balita ni Lihtan. Natatawang ginulo ko ang buhok nito.

Hay, ba’t parang mas lalo silang tumangkad?

Ang lalaki na nila, hehehe.

“Simula ngayon, magluluto na tayo nang magkasama, Lihtan.”

“Magluluto nang magkasama? G-Gusto ko ‘yon, Cane.” tuwang tuwa na sambit ni Lihtan at kita ang kislap ng mga mata.

“Mukhang di na tayo mamomoblema, hahahaha! Di na ako papasok nang hindi umiinom ng diatab!” halakhak ni Tenere at bakas ang sobrang saya.

“Mabuti na lang nandito ka na aking binibini! Marami kang dapat malaman! Nakakatakot si Simone.” ngawa ni Taki at nagtago sa likod ko nang tingnan siya ni Simone nang masama.

“Pfff~”

“That’s bad, Simone.” sambit ko na kinalaki ng mga mata ni Simone.

Humalakhak nang malakas si Tenere na parang kontrabida.

“HAHAHAHAHAHAHA—” nakatanggap ng batok si Tenere mula kay Simone.

“ARAY! Ang hard mo, Mahal!”

Natawa ako nang makita si Lihtan na napapailing habang nakatingin kina Tenere at Simone. Para itong stessed na nakatingin at ngumiti nang makitang nakatingin ako.

“Now, now. Male-late na kayo. Kain na tayo.” gulat na tiningnan nila ako at alam kong nagtataka kung paano kong alam.

“Cane, sasabay ka ba sa amin?” sabik na tanong ni Lihtan.

“Bibisitahin ko ang pamilya ko ngayon. May kailangan akong gawin pero sa oras na magawa ko na ang kailangan kong gawin, sabay sabay na tayong papasok.” sambit ko nang mapansin ang pagbagsak ng balikat nila.

“Pingke-twer?” Nakangiting tinaas ko ang kamay ko.

“Pingke-twer!” -Lihtan, Tenere at Taki.

Tiningnan ko si Simone.

“I’ll go with you.” naalala kong tanging si Simone lang ang hindi pumapasok ng eskwelahan. Di na nakakataka dahil marami na siyang natapos tulad ko.

Tumango ako at tinulak sa pag-upo.

“Kain na!”

Masayang kumain kami hanggang sa kaming dalawa na lang ni Simone ang natira. Naramdaman ko ang mainit na yakap sa likod ko.

“Simone, nahanap mo na ba ang apelyido mo?”

“W-Why?”

“Gusto na kitang pakasalan ngayon.”

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko.

“I’m using my mother’s surname, I’m Simone Giovanni.”

“Simone Giovanni.” mangha akong humarap sa kanya at nakita ko ang ningning ng mga mata niya na halos ikalambot ng mga binti ko.

“Then...” nagulat ako nang lumuhod ito sa harapan ko at may nilabas na singsing. Hindi gold o silver, kundi itim na singsing na napapalibutan ng mga diyamante. Nangilid ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata niyang puno ng pagmamahal at debosyon na parating nagpapalakas ng tibok ng puso ko.

“I made this ring thinking of this day to come.” nakatingalang saad niya at malambing na nakatingin sa mga mata ko.

“I want to propose to you in a very romantic way but you always have your ways so...” hinalikan niya ang likod ng palad ko nang hindi inaalis ang mga mata niyang mababakasan ng kaba.

“Please be mine ’til eternity, my Young Goddess. Marry me.” matatag na sambit ni Simone.

Hindi ko napigilan ang sarili kong lumuhod at yakapin siya nang sobrang higpit. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso niya na labis na nagpaiyak sa akin sa saya dahil ako ang tinitibok nito. Kung sa kabila ng lahat ay siya ang kapalit, ipaglalaban ko hanggang kamatayan.

At nalaman ko sa sarili kong simula nang unang makita siya ng mga mata ko ay alam kong siya na. Minahal ng batang puso ko noon ang lalaking nasa harapan ko. Masaya akong lagi siyang nasa tabi ko na parati ko siyang gusto ipagdamot kahit sa mga kapatid ko.

“Please say something.” may kaba at pag-aalalang sambit nito sa tainga ko.

“I’m so lucky to met you, baby.” umiiyak na sambit ko. Natigilan ang nakayakap na katawan nito sa akin.

“Di ka talaga makakawala sa akin, Simone. Akin ka lang.”

“You have to marry me.” naglalambing na sambit niya muli sa tainga ko at ramdam ko ang nakaguhit na ngiti nito.

“Pakakasal ako sa’yo, Simone.”

“Damn.”

Nanginginig na sinuot niya sa akin ang singsing. Sa pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa Immortal Realm na kami na paraiso sa ganda.

Sa harapan namin ay nakatayo si Lord Regis.

At sa paglingon ko sa buong Realm ay nakita ko ang pamilya ko at sina Lihtan, Tenere at Taki at ang buong nasasakupan ng Immortal Realm. Nakita ko ang suot kong napakandang wedding dress at ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.

Nakita kong tumikhim si Simone at kumamot sa batok.

“Is this romantic?”

Nakangiting tumango ako na nagbigay liwanag at nagpakawala ng pangamba sa mga mata nito.

“Sinong nagturo sa’yo nito?” Nakangiting tanong ko.

“Uh...” nakita ko ang namumulang mukha niya at tumingin sa direksyon ng mga kapatid ko na nakangisi.

“I asked my brother-in-laws f—for help to be romantic.”

“Hahahahaha, oh god! My Simone is being romantic.”

Isinabit ko ang mga kamay ko sa batok nito at kinabig ng mabilis na halik.

“Do you...like it?”

“I love everything, Simone. Thank you. I love you.” nakita ko ang malawak na ngiti niya na minsan lang makikita sa mga labi niyang nakakatulala sa ganda at parating pinuputol ang paghinga ko.

“I’ll be more romantic.” tila nangangakong sambit niya na nagpangiti sa akin ng husto.

“Why?” natatawang tanong ko.

“I’m the leading man, here.” Nakasimangot na saad niya.

Narinig ko ang tikhim sa harapan namin.

“In the presence of all the witnesses here, you may now exchange your vows with each other in front of everyone.” Nakangiting sambit ni Lord Regis.

Nakangiting hinarap ko si Simone at pinaglapat ang kamay naming may suot na singsing.

He’s really a masterpiece.

“Hayaan mong sa harap ng pamilya ko at ng mga kaibigan natin na ihayag ko kung gaano kita kamahal, Simone Giovanni.” Pinunasan ko ang pisngi niya nang may bumagsak na namang luha gamit ang isang kamay ko at napangiti nang dampian niya ng halik.

“Nang una kitang makita, alam ng batang puso kong magiging espesyal ka sa akin at hanggang sa magising na lang ako sa katotohanang gusto kitang ipagdamot. Gusto kong ako lang ang tingnan ng maganda mong mga mata kaya kahit hindi mo alam, inangkin na kita at pinormahan.” narinig ko ang tawanan ng lahat at mula sa pagkakatingin sa singsing namin ay inangat ko ang tingin sa lalaking nakatulala sa akin.

“Syempre hindi mo rin alam na pinormahan kita noon. Ayos lang, nakuha naman kita sa huli. Mas magaling at mabilis ako pumorma ng nililigawan kesa sa mga kapatid ko!” mayabang tiningnan ko ang mga nakangiwing mukha ng mga kapatid ko at nakita ko ang nakangiting mukha ng mga magulang ko. Nakangiting umiiling sina Lihtan, Tenere at Taki.

“Ipinapangako kong ikaw lang, Simone... Ikaw lang talaga. Ikaw lang ang Simone ko na iyakin, Simone na masungit, Simone na may magandang ngiti, Simone ni Cane.”

Kinuha niya ang dalawang palad ko at tinapat sa dibdib niyang mabilis at malakas ang tibok.

“You’re always doing this. My heart is beating like this the moment you gave your hand to me.”

Hindi ko maiwasang mamangha habang dinadama ang tibok ng puso nito.

“When you found me, I was dying, you gave me life. I was aimless, you gave me purpose. I was a nobody, you made me somebody. I felt unworthy, you gave me dignity. I was weak, you gave me strength. I am me because of you and I know I can only be whole when you’re with me. I thank you for all that you have given me and for who you have made me. You are the center of my world and there is no second of the day that passes that I thank God for allowing such an amazing woman to take part in my life... I will cherish the love you have given me and I will love you until God decides it is time to leave this earth...I love you, this is my promise to you.”

Nabalot ng katahimikan ang buong Realm.

Hinapit niya ang baywang ko at buong pagmamahal na hinagkan ang labi ko.

“The Lord of Dark and Light Realm are now one. I announce you as husband and wife.” pagtatapos ng pahayag ni Lord Regis.

Bumalot magsigrabong palakpakan sa buong Realm.

“MABUHAY ANG BAGONG KASAAAAL! MABUHAAAAY!” narinig kong malakas na hiyaw ni Taki na nangingibabaw sa lahat. Mahinang napangiti at natawa ako sa pagitan ng malalim na halik na pinagsasaluhan namin ng aking asawa.

Nang maghiwalay ay pareho kaming nakangiting hinarap ang mga saksi sa pag-iisa namin.

“Dad, Mom...” hinayaan ako ni Simone na maging ang pagbitaw sa kamay ko ay naglalambing.

“Our daughter is now married. Good job, anak. Ganyang ganyan ang Dad mo tumingin sa akin. Galing pumili ng baby namin.”

“Pinaghirapan ko ‘to, Mom.” nagmamalaking sambit ko na sabay naming kinatawa. Naiiling na tiningnan ako ng mga kapatid ko.

“You’re still my princess, my little Goddess.” nakangiting sambit ni Dad na nagpainit ng puso ko.

“Thank you, Dad.” niyakap ako nito at hinalikan ang noo.

Sunod kong nilapitan ang mga kapatid ko suot ang ngisi sa labi.

“Wazzup!”

Sabay sabay silang bumuntong hininga at niyakap.

“Congratulations.” sinserong sambit nila at isa isang ginulo ang buhok ko na kinasimangot ko at kalunan ay parang batang humagikhik.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa ulo ko at pagdungaw ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ng aking ama at pagbagsak ng butil na luha nito na nakapagpatulala sa akin.

“I’m proud of you, my daughter.”

Hindi ko alam kung may ideya ito sa nangyari noong mga panahong wala akong malay. Ngumiti ako nang malawak at tumango.

“Cane, masayang masaya kami para sa inyo.” sambit ni Lihtan na kitang kita ang galak sa nagniningning nitong mga mata.

“Salamat, Lihtan.”

“Ngayon lang namin nakita ganito kasaya si Simone. Masaya kaming lahat para sa inyo, Cane. Salamat dahil nandito ka na.” nakangiting sambit ni Tenere habang nakatingin kay Simone na nakangiting naglalakad patungo sa amin matapos kausapin ang pamilya ko. Nakita kong may sinasabi sina Thunder, Storm at Rain na nakapagpatawa rito.

Anong pinag-uusapan nila?

Napalingon ako kay Taki nang marinig ang buntong hininga nito habang nakangiting nakatingin kay Simone.

“Ano na ang plano mo, Cane?” tanong ni Taki.

“Oh? Anong nangyari sa ‘aking binibini’ ni Taki?” makulit na tanong ko. Napakamot si Taki sa ulo niya.

“Tawagin mo lang ako sa paraang gusto mo, Taki dahil ako ang unang mag-aabot ng kamay para sa inyo, walang magbabago.” nakangiting sambit ko.

“Hm...” naramdaman ko ang yakap ni Simone sa likod ko.

“Paano ba ‘yan, Mahal? Narinig mo sabi ni Cane?”

“Whatever.” walang pakealam na sagot ni Simone.

“Anong sunod mong gustong gawin, Cane?” -Lihtan

“Marami tayong gagawin!”

Nanlaki ang mga mata nila at nagkatinginan.

“Anong gagawin natin, aking binibini?” puno ng kasabikang tanong ni Taki na sinang-ayunan nina Tenere at Taki. Nanatiling nakayakap si Simone sa akin.

“Hm, my wife is planning something.” nakangiting sambit ni Simone.

“Gawin natin lahat, Cane!” sang-ayon ni Lihtan.

“Kahit ano pa ‘yan, Cane. Sasamahan ka namin!” sambit ni Tenere.

“Gusto kong malaman ang mga ginagawa niyo noong wala ako.” natigilan sila nang marinig ang sinabi ko na kinataka ko.

“You want to go on an adventure again, huh?” mabilis na tumango ako nang maraming beses kay Simone.

“So it’s settled. Maglalakbay ulit tayo, hahaha!” halakhak ni Tenere na naunang nakabawi.

“WAAAAH! Gusto ko ‘yan, aking binibini!” -Taki

“Excited na ako, Cane.” -Lihtan

Nakita ko ang paglapag ni Calih at ang pagpatong namin ni Simone rito.

Nakangiting kumaway ako sa lahat.

“Saan tayo pupunta?” nakangiting tanong ko.

“To our castle.”

Natigilan ako.

“Castle?”

“Hm, I made a castle here for us.”

Namangha ako nang makita ang puting kastilyo na napaliligiran ng mga bulaklak.

“Taki planted those flowers.”

Napangiti ako.

Binuhat ako ng asawa ko at karga akong inakyat sa magarang hagdan.

Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama.

“You’re so beautiful, my wife.” puno ng paghangang sambit nito. Di ko maiwasang mamula kaya kinabig ko ang labi nito.

“I love you, Simone Giovanni.”

Nagising akong nakahiga sa matipunong dibdib ng lalaking mahal ko at nahuling nakatingin sa akin.

“Hi, baby.” nakangiting sambit ko at inayos niya ang nakabalot na kumot sa akin at hinalikan ang noo ko.

“I love you.” sambit niya.

“I know, baby. Pinaramdam mo sa akin kanina.” ngisi ko na kinapula ng mukha nito.

“D-Does it hurt?” may pag-aalalang tanong niya.

“You’re really a monster. A handsome monster, baby.”

“Sorry, I love you.” parang batang hingi niya ng tawad habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

“Hahahahahaha, you’re so cute, Simone!” dumapa ako at pinugpog ng halik ang mukha niya.

“Careful.” inayos niya ako ng patong sa matipunong dibdib niya.

“Thank you for loving me. I love you with my whole heart, Simone.”

“Damn, you are my dream come true.” singhap na saad niya at hinalikan ako nang malalim hanggang sa mag-isa muli kami.

This is Hurricane Thurston Giovanni, the Mafia Heiress and now the God of Light Realm. This is not the end of our adventure.

Thank you for witnessing our adventures.


We are now signing off...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro