2nd Rain
2nd Rain
Voluntary
"Rain?" mahinang tawag ko sa'kanya
"Yes, baby?" tanong niya habang nakayakap sa likuran ko >///<
Nasa Cloud University Hospital pa'rin kami ngayon at nakaupo ako sa kandungan niya. Kinakabahan ako b-baka may biglang pumasok. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang naghuhumerentado kong puso.
"B-Bakit may tama ka ng baril?"
Tumaas ang balahibo ko at napalunok ako nang maramdaman ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko kung saan siya nakasiksik.
"Sasabihin ko sayo...you don't have to worry, di kita pababayaan"
"P-pero, Rain, paano kung maulit 'yon? Alam na ba nila Tita Eve ang nangyari sayo?" nag aalalang sambit ko
"It's alright, trust me...everything's alright" nakangising sambit niya
Di ko pa'rin maiwasan...lalo na sa nangyari. Nagulat ako nang iikot niya ako at biglang sakupin ang labi ko!
"I love you, Eloise Thurston.." malambing na sambit niya at dinampian ng halik ang noo ko
"R-Rain.."
"I can't believe that you are mine now, I can hold you like this in my arms, hug you and kiss you...like this" muli na namang lumapat ang labi niya sa labi ko at naramdaman ko ang pagngiti niya.
"Nakakarami ka na!"
"Baby, h'wag madamot. That's...bad"
Napatili ako sa gulat nang bigla niya akong ihiga sa hospital bed at binalot niya kami ng kumot.
"Rain!" saway ko dito pero ang loko nginisihan lang ako
"Let's stay like this, baby...wala akong gagawin kung hindi ito lang.." sabay yakap niya na naman sa'akin
"I love you, Rain.."
"Damn...I want to rubbish your lips right now...stop biting your lips, baby" nahihirapang sambit niya at parang lasing na nakatingin sa labi ko.
"S-Sorry?"
Natawa siya sa akin at hinalikang muli ang noo ko.
"Rain? Eloise?" nagulat ako ng marinig ang boses ni Tito Sky
Omy...god
"Yes, Tito Sky?" biglang upo ni Rain. Nakita ko ang paglipat lipat ng tingin ni Tito Sky sa aming dalawa
"Rain.." seryosong sambit ni Tito Sky
"Hm?" sagot ni Rain
Napalunok ako.
"Di kayo kasya diyan, lumipat kayo sa executive room.." napanganga ako sa sinabi ni Tito Sky
"Thanks, Tito"
Nang makalabas na si Tito Sky ay tumayo siya inabot ang kamay niya sa akin. Nung nakatanga pa 'ko sa'kanya ay siya na ang kumuha sa kamay ko.
"R-Rain I think it's really a bad idea na nagtatabi tayo...uwi na'lang tayo?"
Napahinto siya bigla at nag aalalang tumingin sa'akin. Bigla na'lang siyang natahimik at bumuntong hininga.
"Alright..uuwi na tayo" nakangiti na niyang tanong. Bigla akong nag alala sa'kanya.
Mali ba 'yung sinabi ko? :(
Napatingin ako sa mga napapatingin sa'kanya at sa mga nilang bumababa sa kamay naming magkahawak. Mariin kong kinagat ang labi ko dahil nahihiya ako, napayuko na'lang ako hanggang sa makapasok kami ng elevator at tanging kami lang ni Rain ang nasa loob.
Napasinghap ako nang isandal niya ako sa elevator, at sakupin ang labi ko. Dahan dahan ko'ng iginalaw ang labi ko sa unang pagkakataon, at sinundan ang ritmo ng paghalik niyang nakakapanghina. Marahan niyang kinagat ang ibabang labi ko at saka pinakawalan.
"You're biting your sweet lips again.." bulong niya sa tainga ko at nanindig ang balahibo ko ng halikan niya ang leeg ko ng mabilis at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napapikit ako at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"I'm sorry for being too clingy, baby hindi ko lang mapigilan ang sarili ko pagdating sayo.." malambing at seryoso niyang sambit
"R-Rain w-wala naman akong sinasabing ganon" nag aalalang sambit ko dahil hindi iyon ang ibig kong sabihin
"Hm, you mean ayos lang na ganito ako sayo, baby?" nakangiti niyang sambit at yumukap mula sa likuran ko at pinatong baba sa balikat ko.
Namula ako dahil malinaw na nakikita ko ang repleksyon namin sa elevator.
"B-Basta sa akin lang.." sobrang hinang sambit ko, at nakatingin lang sa doll shoes ko at sunod sunod na napalunok lalo na nang hindi ito magsalita.
Nag angat ako nang tingin sa'kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa baywang ko pero hindi sa paraang masasaktan ako.
Nakita ko siyang nakangisi na parang bata habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Tumingin siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
"Sayo lang, sayo lang.." sambit niya ng may napakagandang ngiti sa labi.
Wala ng ulan at tuyo na 'rin ang kalsada. Nasa driver's seat siya at nagsabing kaya niya mag drive gusto ko siyang sawayin kaso t'wing makikita ko ang mukha niyang sobrang saya ay wala akong magawa kung hindi hayaan siya.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Anong meron sa akin? Bakit ako? Makita ko pa'lang ang sarili ko sa salamin kitang kita ko ang mga kakulangan ko. Marami naman'g iba diyan pero kung tumingin siya sa akin parang napakaganda ko.
A-At ang hilig niya mang-kiss >///<
Aaaah! Namula ako at nakita ko 'yon sa side mirror!
Narinig ko ang pagsipol ng katabi ko na para ba'ng tuwang tuwa sa nangyayari sa akin! Nakangisi pa ito dahan dahang kinuha ang isang kamay ko at dinala sa labi niya na mas lalong kinapula ng mukha ko!
"That's right, baby...that's right" sambit niya pa at lumakas at mas bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko na namalayan na nakatitig ako sa labi niya at sinusundan ang bawat pag galaw 'non!
Waaaah!!!
Inikot ko ang ulo ko para tumingin sa bintana.
"Pfft, baby?"
"H-Ha?"
"You can have me anytime.."
"Ha?!"
"HAHAHAHA! My baby is so cute.." hindi niya mapigilang pag iling at aliw na tinitingnan-tingnan ako.
Kinurot ko siya sa braso, at napalunok dahil sa tigas.
"Ano ba'ng klaseng katawan 'to?" bulong ko sa sarili ko at kinurot kurot ulit
"This class of body is made for you, baby.." kindat na sambit niya pa
"Umamin ka nga, nakailang girlfriend ka na?" nagulat ako nang biglaan siyang pumreno at gulat na gulat tiningnan ako
"What?"
"K-Kasi kung magsalita ka ang galing mo mangbola? T-Tapos m-marunong kang k-kumiss?" mahina at nakayukong sambit ko habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko
"D-Dang! Hahahahahaha" napanguso ako at sinamaan siya ng tingin, nagulat ako nang alisin niya ang seatbelt ko at mabilis na pinaupo ako sa kandungan niya!!
"RAIN!!"
"What? Hahahahaha"
"P-Pakawalan mo ko"
"No.." niyakap niya pa ako. Tumigil na'lang ako at napasimangot. Ang bilis niya talaga akong napapasunod sa mga gusto niya.
"You knew I'm too busy pursuing my love for you baby, wala akong iba...ikaw lang" mas lalo akong nanghina sa pagbulong niya ng mga salitang 'yon sa tainga ko
"......"
"About the kiss...pfft it's an voluntary action"
"V-Voluntary?"
"Pfft. Yes, baby...voluntary"
"F-First time mo?"
"Yes, baby...you're my first kiss"
Di ko namalayan nakangiti na ako sa'kanya.
"Are you happy?" ngiting tanong niya. Tumango ako.
"Good.." pinat niya ang ulo ko at hinalikan ang noo ko bago maingat na binalik sa upuan ko at binalik niya ulit ang seatbelt ko.
Rain Thurston? Are you for...real?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro