Chapter 15
NANG makauwi sila sa apartment ng mga ito ay kaniya-kaniya sila nang asikaso. Kasalukuyan siyang tumutulong kay Heather. Nag ma-marinate ito ng baboy na binili nito sa market.
Heather was craving for some korean barbecue. Ngunit ayaw nito kumain lang sa isang restaurant. Gusto nito mismo ang gumawa. Nakita niya na may binili itong ilang korean seasonings powder.
Pulang-pula ang baboy naliligo sa ginawang sauce ni Heather. Panigurado na maanghang ito. Kinuha niya ang lettuce at hinugasan ito.
Ang mga lalaki naman ay nag aasikaso sa labas. Balak nila roon kumain. Maiba naman sa kadalasan nilang ginagawa kapag dinner.
Nang matapos sila sa pag pi-prepared ay dumiretso na sila ni Heather sa labas. Naka-bukas ang ilaw at may square na lamesa. Sa gilid nito ay may grill. Hawak ni Kale ang isang pamaypay at nag pa-pa-apoy.
Binaba naman ni Arche ang isang bowl na may kanin habang si Kenji naman ay tinanggal ang lid sa kaselora. May lumabas na usok dito. Patunayan na bagong luto pa ito.
Nilapag nila ni Heather ang mga dala. Lumapit naman si Arche para tumulong kunin ang marinated na baboy. Naiilang na nginitian niya si Kenji nang mag tapat ang mata nilang dalawa na walang sinasabi.
"Gutom na ako," ani Arche bago kumuha ng tong para ilipat ang baboy sa grill. Mas dumami naman ang usok sa paligid. Natapik niya ang dibdib nang maubo siya.
"Tubig." Inangat niya ang tingin kay Kenji. Nag pasalamat siya rito at kinuha ang basong may laman.
"After nito manood tayo ng movie!" Inakbayan siya ni Heather pagkatapos ay tumingin pa sa kaniya. Naka-ngiti ito at ilang beses siyang tinaasan ng kilay.
"Sissy, what do you like to watch?" Kenji asked. Nag isip naman si Heather pero wala ito nasabi kaya bumaling ito kala Kale at Arche.
"Wala akong alam na bagong palabas ngayon," ani Kale. Sumang-ayon naman si Arche. "Bayan!" naka-busangot na saad ni Heather. Binalik nito ang atensiyon sa kaniya.
"Ikaw, Cres? Do you have something in mind?"
"The Sea beast?" alanganin niyang saad. Hindi siya sigurado pero no'ng nakaraan niya pa gusto panoorin 'yon. Nahalata naman niya ang pagtataka sa apat.
In-explain niya kung ano ito. "It's an animated film. Trailer pa lang napapanood ko. About sa pirates nang huhuli ng mga beast sa dagat. Ang cute kasi may kasama rin siyang batang babae. Parang ang ganda lang."
"Then, let's watch it," ani Kale. Sumang-ayon naman ang iba. Nahihiya na ngumiti siya sa mga ito.
Naging maayos ang barbecue dinner nila. Nagustuhan niya ang ginawa ni Heather na marinate. Marami silang napagkwentuhan. Bigla niya rin nasabi sa mga ito ang tungkol sa kaniyang ina.
Halata sa mga ito ang pag-aalala. Nag tanong sila kung kumusta ito pero sa totoo lang ay wala siyang balita dahil hindi niya gusto malaman. Si Michael naman ay sobrang respectful sa kaniya at hindi siya nito pinipilit.
Ang tanging alam niya lang ay may sakit ito at nasa hospital pero other than that, hindi niya inalam ang kalagayan ng ina. Kung sabihin man na masama siyang anak. Ano ang magagawa niya? Buong buhay niya ay wala ito.
Tinanggap na niya na hindi na siya mag kakaroon pa ng pamilya o mahanap ang mga ito. Sinanay niya ang sarili na walang magulang pagkatapos sa isang iglap mababalitaan niyang hinahanap pala siya ng kaniyang ina?
Hindi niya alam ang mararamdaman. Hanggang ngayon ay nag pa-process pa rin ang kaniyang isipan. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyayari.
Kung sasabihan siyang masamang anak? Sige, tatanggapin niya. Ano magagawa niya? Tao lang siya. Nasasaktan.
PUMUWESTO sila sa sala nang matapos sila kumain ng gabihan. Pang pa-digest na rin sa kanilang kinain. Katabi niya si Arche sa right side niya habang katabi naman niya si Heather sa kaliwa. Sa tabi nito ay si Kale habang sa paanan ni Heather ay si Kenji.
Nag simula ang movie sa isang batang lalaki nasa dagat na pilit lumalangoy para makaligtas. Makikita rin ang nasusunog na malaking barko sa background hanggang may buntot ng sea beast ang nagpakita.
They were busy watching. Natuwa siya nang magustuhan ng apat ang pinapanood. Madalas siyang manood ng animation films. Minsan mas maganda pa iyon kaysa sa mga palabas sa ngayon. Marami pang lessons ang matutunan dito.
"When I was a kid, isa ang pagiging pirata ang pangarap ko," kwento ni Arche sa kanila. Yumakap naman siya rito at nilagay ang ulo sa dibdib nito.
"I like mermaids," aniya. Hinalikan siya ni Arche sa sintido bago bumaling. "Even when we were a kids, we're already meant for each other pala?"
Napalo niya tuloy ito. Ang dami kasing kalokohan. Meant for each other. Ang alam niya no'ng bata siya, nakatuluyan ni Ariel ay isang prinsipe pero kung tatanungin siya kung sinong prinsesa ang gusto niya sa mga disney princess. Mulan would be her answer.
Nasa kalagitnaan na sila ng palabas nang tumunog ang cellphone niya. Aabutin niya sana ito nang kunin ni Arche ito sa bulsa ng likod ng pantalon niya.
"It's Michael," bulong nito. Kumunot naman ang noo niya. Gabi na para tumawag ito pero kung tutuusin, late na rin ito tumawag sa kaniya no'ng unang beses.
Tumingin saglit sa kaniya sina Kale, Heather at Kenji bago niya sinagot ang tawag. Umalis din siya sa pagkakadagan kay Arche.
"Mic—"
"Ate." One word. He said one word pero grabe na 'yong takbo ng puso niya. Kinabahan siya. Bakit gano'n ang tono ng boses nito?
"Si mama—" Marami itong sinabi pero ang tanging paulit-ulit naririnig niya lang sa mga oras na iyon ang tono kung paano sabihin ni Michael ang salitang mama.
Parang tumigil ang mundo niya habang patuloy nag sasalita si Michael sa kabilang linya. Maski sina Arche ay hindi niya naririnig kung ano ang mga sinasabi ng mga ito.
"Crescent, what happened?"
"Babu?"
"What's wrong?"
"Cres."
Bigla niya naalala ang sinabi ni Michael. Matagal na siyang hinahanap ng ina. Gusto siya nito makikala at makita. Bakit nang sabihin iyon ng step-brother niya ay wala siyang ginawa? Natakot siya. Naduwag.
At sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung huli na ba ang lahat.
"Crescent! Look at me! Crescent!"
Rinig na rinig niya ang ingay sa buong paligid pero mas maingay ang sinasabi ng kaniyang utak. Tuloy-tuloy na bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata.
What is happening?
"Ate Cres? Are you—"
"Crescent!" buong lakas na sigaw ni Arche para tawagin siya. Bigla siya bumalik sa realidad. Naabutan niya si Arche na hawak ang magkabilaan niyang balikat at pilit siyang niyuyugyog.
Nag aalala nakatingin ito sa kaniya. Nasa gilid niya rin si Heather. Hawak ang kaniyang kamay.
"Si m-mama," nasabi na rin niya ang kanina pang nakabara sa kaniyang lalamunan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro