Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

prologo

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

prologo

Nakadungaw ang aking mukha sa bintana, tahimik na dinarama ang kalamigan ng gabi. Magandang pwesto ito para sa masilayan ang maliliit na animo'y alitaptap na nakadikit sa madilim na kalangitan.

Para sa iba, mahihina sila kasi tanging pagkutitap lang ang nagagawa nila, ngunit kabaliktaran ito sa akin. Nakikita ko kasi sila bilang mga matatapang na kislap dahil kahit na alam nilang kaunti lang ang maaari nilang ibigay na liwanag, nainiwala pa rin silang makapagbibigay sila ng pag-asa.

Basta maniwala ka, mangyayari 'yun.

Habang ang buwan naman, nandoon lang siya sa isang tabi, tahimik na binabantayan ang kaniyang mga minamahal habang wala pa ang araw. Pakiramdam ko nga sa tuwing tinitignan ko ito, pinapahiwatig niya sa akin na isa ako sa mga binabantayan niya sa tuwing siya ang kasalukuyang nakikita namin.

Kumurba ang labi ko at napuno ng kasiyahan ang dibdib.

Ang mga matatapang na bituin at maamong buwan, sapat na dahilan na para sumaya ang kalooban ko. Totoo naman, pero may mas malalim pang dahilan kung bakit paborito ko ang kalamigan ng gabi kaysa ang mahinahong haplos ng hangin ni reynang araw.

Mas lumawak ang sinag ng araw sa aking labi at kusang napapikit nang salubungin ng malamig na hangin ang aking presensya. Wala sa sariling umangat sa ere ang aking dalawang kamay, buong pusong sinasalo ang mahigpit niyang yakap.

Ang mga puno na malinaw kong natatanaw ay tila nagdiriwang din sa saya. Kahit sila ay yakapin din ng hanging ito. Napangiti ako sa aking napuna - hindi lang pala ako ang nabibigyan niya ng saya sa kalooban, marami pala kami. Ang kaso mas masaya siguro kung sa kaniyang yakap mismo ang bumabalot sa amin ngayon. . . lalo na sa akin. Masaya siguro.

Sayang.

Bata palang ako nakasanayan ko na itong gawin kaya kahit na ilang dekada na ang lumipas matapos ang mahiwagang panahon na 'yun, hindi ko na ito maalis pa sa aking pagkatao. Kaya imbes na mahiya ay mas itinaas ko pa sa ere ang aking kamay. Matapos ang ilang segundong tahimik dinadama ang yakap niya, iniyapos ko ito saaking sariling katawan. Niyakap ko ang aking sarili at inisip ang init na dala ng braso niyang mararamdaman ko kung nandito lang sana siya sa tabi ko.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro