Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 01 : ang tunay na kinatatakutan

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

kabanata 01 :
ang tunay na kinatatakutan


Nagsimula ang lahat sa isang pamilyar na panaginip.

Sa loob ng isang malawak at makalumang mansyon, nasa gitna siya ng isang napakalawak na hagdan. Kita ang mga naglalakihang larawan ng mga hindi maisapaliwanag sa salitang mga nilalang. May mga naglalakihang paso at kita ang mga nakatanim na halaman ngunit nakakapagtaka lang dahil mga wala itong buhay. Mayroon ding mga nakakakilabot sa higanteng binata ngunit nanatili itong natatakpan ng mga makakapal na kurtina, pursigidong harangan ang kahit anong posibleng sinag na maaaring makalusot.

Kung iisipin ay dapat nang natatakot si Catherine ngayon-hindi niya magawa dahil nakadikit ang kaniyang mata sa isang presensya na matagal na niyang nais kilalalin.

"Bakit ka ba tumatakbo?!" maliit ang kaniyang tinig kagaya ng kaniyang maliit na binhi at braso. Mahinhin ngunit may kalakasan, maihahalintulad sa kaniyang matibay paniniwala.

Inilibot niya ang kaniyang paningin at inulit ang pasigaw na tanong. Namulat siyang tumatakbo ang kaniyang katawan, at masasabi niyang kanina pa ito nagsimula, ngunit hindi man lamang siya makaramdam ng pagod. Sa halip ay mas nasiyahan pa siyang hanapin ang boses dahil sa hindi malamang direksyon ay may isang boses na sumagot pabalik sa kaniya: "Kasi hinahabol mo ako!"

Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ang bata dahil kahit na matagal na niya itong kilala, hindi niya pa rin ito nakikita sa malapitan. Tanging masungit na boses lamang nito ang kaniyang naririnig.

Sa sagot na 'yun ay natatarantang inilibot ni Catherine pakaliwa't kanan ang kaniyang ulo-pilit hinahanap ang pinanggalingan ng boses. Sawi pa ring matauhan ang bata sa kung gaano nakakikilabot ang mansyong kaniyang ginagalawan. Sa halip ay dumapo ang kaniyang mata ang isang tila hangin sa bilis na presensya, papunta ito sa likod ng isang manipis at kulay puting kurtina!

Nakakapagtaka naman, sumagi sa isip ng bata, bakit kaya naiiba ang kurtina na 'yun sa lahat ng makakapal at maiitim na kurtina dito sa loob ng kastillo? Ipinagkibit balikat niya ang tanong at mas binilisan nalang ang pagtakbo patungo doon. Sinadya niya kaya?

Napatunayan ng bata na rito nga talaga nagtago ang kaniyang hinahabol nang makita nito ang marahas na paghampas ng tela sa iba't ibang direksyon, tila nagsasayaw sa taranta matapos abalahin ng isang masungit na hangin. Nagdiwang ang kalooban ni Catherine at nangati ang palad para hawiin ang kurtina upang makita ang nagtatago sa likod nito.

Napangiti siya, sa wakas! Makikita ko rin siya!

Dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas, nagkaroon si Catherine ng dahilan para makita ang anino nang kung ano o sino man ang kaniyang palaging hinahabol. Nakakapagtaka talaga dahil ito ang kurtinang pinakakakaiba sa lahat, at dito pa siya nagtago, punto ng bata.

Natutop siya sa kaniyang kinatatayuan at napaawang ang kaniyang maliit na labi sa nakita. Sa hula ng bata ay kaunti lamang ang layo ng tangkad ng pigurang ito sakaniya. Katamtaman ang hulma ng katawan nito at base sa ikli ng kaniyang buhok, masasabi ni Catherine na isa itong lalaki. . . isang batang lalaki.

Bubuksan niya na dapat ang telang naghaharang sa kanilang dalawa nang kusa itong bumukas. Marahas, mabilis, at biglaan: tila natunugan ang presensya ni Catherine kaya't nagmamadaling tumakas. Tinangay siya ng hangin na ito. Hindi kaagad nakabawi ang bata at napasalampak pa ito sa karpetadong sahig.

Malakas ang pagkakabagsak niya sa lapag na nagdahilan sa unti-unting panunubig ng kaniyang munting mga mata. Sa oras na mawala ang tanging nagpapasigla sa kaniyang mukha, tila napundi ang nag-iisang ilaw sa kaniyang paligid at siya'y nilamon ng kadiliman. Blanko, katahimikan, pag-iisa: ito pala ang kinatatakutan ng bata. Kaya naman pala walang wala ang nakakakilabot na aura ng mansyon kumpara sa ganito.

Sinubukan niyang takasan ang kinalalagyan niya ngayon. Nangiginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para tumakbo. Tumakbo siya nang tumakbo kahit na pakiramdam niya ay walang katapusan ang kadiliman na ito. Hindi ako susuko! Tumakbo siya nang tumakbo patungo sa walang hanggang kalungkutan ng pag-iisa. Makakaalis ako dito! Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa lauminin siya ng pagod at kusa nalang bumagsak ang kaniyang katawan. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. . . Nawalan ng malay tao ang kalunos-lunos na bata.

Sa oras na imulat niya ang kaniyang mga mata ay malimlim na paligid ang bumungad sa kaniya-maliit na ilaw galing sa kaniyang gilid, malambot na kama, makapal na unan, at malamig na kwarto. Yakap-yakap ang kaniyang maliit na manika, siya ay natulala. Humigpit ang kapit sa kaniyang kumot at malungkot na umayos nang higa. Binalot ng buntong-hininga ang kaniyang sistema.

Lumipas ang ilang minutong ganito lang ang kaniyang estado. Nang unti-unti na siya muling dalawin ng antok, kusa nalang lumabas ang nanghihinang tinig sa kaniyang pagod na labi, "Siya na naman ang napanaginipan ko. . ."


-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro