The Painful Goodbye
a/n:
sa title pa lang po ng story, siguro naman ay may idea na kayo na hindi ito for general consumption. haha! I mean to say, hindi ito puwede sa mga minors at mga inosente. you are about to enter the world of Lust--one of the seven sins. so beware, restricted access. kung ayaw mong mawindang ang katinuan mo sa mga mababasa mo sa story na ito, lipat ka na lang ng channel, hanu raw? hahaha.
kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko rito. seryoso na, kasi seryoso rin ang theme ng story na ito. yep, try ko 'yong iniiwasan kong gawing genre. try ko kung mapapaiyak kayo sa tuwa sa lupit ng mga male characters ko. malayo sila sa mga datingan nina Rafe, Zeke at Red. baka kasi maumay kayo kapag pare-pareho ang characters, deebah?
date started: April 15, 2018
~0~
Prologue
NAMAMAWIS ang mga kamay ni Krista habang nasa labas ng condo ni Vincent. Nakausap na niya ito at sinabihan siyang mauna na sa condo ng binata dahil hindi pa raw tapos ang photoshoot na ginagawa nito para sa isang billboard ads.
Napatingin siya sa kanyang relo. Quarter to six ng gabi. Magtatatlong oras na pala siyang naghihintay. Ayon dito ay malapit lamang ang location ng ginagawang photoshoot ng mga ito. Kung patapos na gaya ng sabi ni Vincent, kaunting oras na lamang siguro ang ipaghihintay niya.
Binigyan siya nito ng spare key sa condo. Ngunit noong huling beses na nagkita sila nito ay naiwan niya ang susi. Medyo nagkasamaan kasi sila ng loob noong huli nilang pagkikita--o mas siya lang siguro ang masama ang loob sa nangyari. Nali-link kasi ito sa isang artista. He didn't deny nor confirmed the news. He simply said it's part of his job.
Napahugot ng malalim na paghinga si Krista. Patung-patong na ang problema niya. May sakit ang kanyang ama at namimiligro pa siyang matigil sa pagpasok sa eskuwela dahil sa kakapusan nila sa pera. Tapos ngayon--wala sa loob siyang napahawak sa impis na tiyan.
Hindi pa alam ni Vincent ang kalagayan niya. Ever since they started their relationship--isang relasyong walang partikular na label--ay nilinaw nito sa kanya na hindi siya puwedeg magbuntis. Bukod sa hindi pa ito handang magpamilya nang maaga ay wala raw itong amor sa mga bata. Kasalanan niya. Dahil sa sunod-sunod na problema sa kanyang pamilya ay nakaligtaan niya ang mag-take ng pills. Hanggang sa hayun na nga ang problema. She's seven weeks pregnant.
Nang marinig ni Krista ang pagbukas ng elevator ay kaagad na dumako ang tingin niya roon. Ngunit parang sinaksak ang puso niya nang lumabas doon si Vincent na may babaing nakalingkis sa leeg at mainit na nakikipaghalikan dito. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang saglit na tumigil ang dalawa at isinandal ni Vincent ang babae sa dingding at mas mapusok pa itong hinagkan. Nakita niya ang kamay ng babae na dinakot ang harapan ni Vincent habang ang huli'y sumuot ang kamay sa hanging blouse ng babae at hinawakan ang isang umbok ng dibdib nito.
Nagsikip ang dibdib niya. Gusto niyang lapitan ang mga ito at hilahin ang buhok ng haliparot na kahalikan ni Vincent. Ngunit parang nasemento ang mga paa niya sa kinatatayuan at ni hindi nagawang makagalaw. Kung merong nai-stroke habang nakatayo, ganoon marahil ang nangyari sa kanya.
Patuloy sa mainit na paghahalikan ang dalawa. Daig pa niya ang nanonood ng live show dahil kulang na lang ay maghubad ang dalawa sa harapan niya. Hindi magkandatuto ang mga kamay ng mga ito sa pagdama ng katawan ng isa't isa. Ang kamay ni Vincent na kani-kanina lamang ay lumalamas sa suso ng babae ngayon ay sumuot na sa ilalim ng suot nitong palda. Ang puwetan naman ng babae ang ngayo'y nilalamas nito na tila may panggigigil.
Nang makitang susuot na sa pundilyo ni Vincent ang kamay ng babae ay nanginginig ang kamay na inabot ni Krista ang display vase sa gilid ng hallway. Tinabig niya iyon. Lumikha ng ingay ang nabasag na plorera.
"What the fuck...? Krista, you're still here?"
"Who is she, sweetie?" parang hindi man lang na-eskandalong tanong ng babae pagkakita sa kanya.
"Krista. She's my... PA."
PA. How convenient. Parausang assistant? Hindi niya akalaing may ititindi pa ang sakit na gumugutay sa dibdib niya matapos ang sinabi nito. Oo nga't paminsan-minsan ay ginagampanan niya ang pagiging personal assistant nito kapag may mga biglaan itong photoshoot. Pero hindi niya akalaing iyon pala talaga ang papel niya sa buhay nito.
"I-I need to talk to you. It's urgent," aniya sa kabila ng panginginig ng buong katawan. But she told herself to be strong. Hindi para sa sarili niya kundi para sa buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan.
"You can comeback tomorrow," pakli ng babae. "His schedule is already full for tonight."
"You heard her," kaswal na segunda ni Vincent.
Kahit wasak na wasak na ang pakiramdam ni Krista ay nagawa pa rin niyang itaas ang noo.
"You either talk to me now o abangan mo na lang sa tabloid ang dahilan ng sadya ko sa'yo?"
Nilingon ni Vincent ang babaing parang sawa sa pagkakalingkis sa beywang nito.
"I'm sorry, Gwen. I think we have to reschedule."
"Natatakot ka sa pamba-blackmail ng babaing 'yan? Hoy, babae--"
"Gwen, please. Some other time, alright?"
Naningkit ang mga mata ng babae matapos ang sinabi ni Vincent.
"Wala pang bumalewala sa akin, Vincent. Even if it's a matter of life and death, the men I dated always makes me on top of their priority. Good riddance, asshole."
Galit na nagmartsa ang babae patungo sa elevator. Nang bumukas iyon ay kaagad itong lumulan saka itinaas ang dalawang kamay sa bad finger sign.
"There goes a delectable pussy," sarkastikong turan ng binata bago nito binalingan si Krista. "Can you fill for her tonight?"
Mahigpit na naihawak ni Krista ang kamay sa shoulder bag na hawak. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay baka lumipad na ang kanyang kamay sa mukha nito na may nang-uuyam na ngisi.
"I guess it's a no," wika nito na binuksan na ang pinto ng condo. "After you."
Pumasok siya sa loob. Iniwan niya ang suot na flat shoes sa pinaka-foyer at isinuot ang isang pares ng pambahay na tsinelas. Hindi na niya ito nilingon. Ramdam niya ang panginginig ng mga binti at anumang oras pakiramdam niya ay ilulugmok siya niyon sa kinatatayuan. Tuloy-tuloy siya sa sala at naupo sa settee. Sa dalas niya roon ay saulado na niya ang bawat sulok ng unit. Bakit nga hindi? Halos lahat ng bahagi ng unit na iyon ay naging piping saksi sa mapupusok na sandali sa kanilang pagitan.
"Do you want something to drink?"
"T-tubig na lang."
Saglit itong nawala sa kanyang paningin. Nang magbalik ay may dala ng isang bote ng malamig na mineral water. Out of politeness o siguro ay force of habit, binuksan na nito ang bote bago iniabot sa kanya. Nang magdaiti ang kanilang mga daliri ay parang napapasong mabilis niyang kinuha ang bote. Kaagad siyang uminom hanggang sa mapangalahati ang laman. Tuyong-tuyo pala ang lalamunan niya. At ramdam niya, gutom na rin siya. Nakuyom niya ang isang kamay sa tapat ng tiyan.
Inokupa ni Vincent ang upuang katapat ng inuupuan niya. Komportable itong naupo roon at pinagkrus ang mga mahahabang biyas.
"Well, what is the urgent matter that you want to talk to me about?"
Tuwid na sinalubong ng dalaga ang mga mata ng lalaking pinagsukuan niya ng lahat-lahat sa kanya.
"I'm pregnant."
Saglit na napamaang si Vincent sa sinabi ni Krista. Bagama't inaasahan na ng dalaga ang magiging reaksyon nito sa katatapos niya pa lang ipahayag ay labis niyang ikinatulig ang sumunod nitong sinabi.
"Get rid of it."
"A-alam mo ba k-kung ano ang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang sabi niya sa pag-asang nagkakamali lamang siya ng dinig.
"Yes. You know my rules from the very beginning, Krista. Hindi ka puwedeng magbuntis. If you deliberately got yourself pregnant so you could trap me into marriage, well, I'm sorry to disappoint you. Hindi mo ako mabibitag sa ganitong paraan. Kung gusto mo itong ibunyag sa mga tabloids, go ahead. Pero hindi mo ako mapipilit na pakasalan ka."
"H-hindi ko hinihinging panagutan mo ako. G-gusto ko lang namang i-ipaalam sa'yo. Dahil ayaw kong dumating ang araw na i-isumbat mo sa akin na h-hindi ko ipinaalam ang kalagayan ko."
She heard him tsked. Pagkuwa'y tumayo ito at pumasok ng silid. Napayuko na lamang siya habang nagsisikip ang dibdib. Parang gripong nabuksan ang kanyang mga mata. Masaganang dumaloy ang kanyang mga luha. Nakagat niya ang ibabang labi at inimpit ang pagtakas ng mga hikbi.
Pagkuwa'y bigla siyang natigilan. May kung anong bumagsak sa ibabaw ng glass coffee table na nasa kanyang harapan. Nang magtaas siya ng tingin ay nakita niya ang isang bungkos ng pera. Nadagdagan iyon ng isa pa.
"Take the money and get rid of it. Kung kulang pa ay sabihin mo lang sa akin."
Matagal siyang napatitig sa perang nasa kanyang harapan. Her pride refused to take it. But she's in a dire situation to let her pride rule her decision. Pinatahan niyang pilit ang sarili at pinahiran ang magkabilang pisngi. Sa nanginginig na kamay ay dinampot niya ang dalawang bungkos ng salapi at inilagay sa kanyang shoulder bag. Inisip na lang niya na kahit paano ay madudugtungan niyon ang buhay ng kanyang ama.
She willed herself to stand up and walk to the door. Nakakailang hakbang na siya nang muling magsalita si Vincent.
"Don't I get a kiss before you leave?"
Marahan siyang pumihit paharap dito. Isang bahagi niya ang lihim na humihiling na sana ay sabihin nitong isang masamang biro lamang ang lahat. But he just stood there with a mocking smile on his face. Nilunok niya ang pait na umahon sa kanyang lalamunan at walang lingon-likod na diretsong tinungo ang pinto.
The minute she closed the door behind her, her pain poured out in a flood of uncontrollable tears. Sa mabuway na mga hakbang ay nagsimula siyang maglakad patungo sa lift. Hustong bumukas iyon ay biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Kung hindi siya mabilis na nasuportahan ng taong palabas ng elevator ay baka bumagsak na siya sa lapag.
"Hey, hey. Are you alright?" dalawang pares ng matitipunong braso ang umalalay sa kanya.
Marahil kung hindi lang wasak na wasak ang puso niya ay maa-appreciate niya kung gaano ka-guwapo ang lalaking ngayon ay halos nakayapos sa kanya.
"I'm... I'm okay. I am going to be okay." Ang sinabi niya'y mas na para sa kanyang sarili at hindi tugon sa tanong ng estranghero.
-
hello po! napahaba ang bakasyon :)
pero tulad ng pangako ko, heto na siya. next update on Thursday. slow update po muna tayo, ha?
bear with me.
follow, votes and comments. your feedback matters a lot.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro