Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 7

Hindi ko halos maproseso lahat ng nangyayari ngayon. Tinotoo nga ni Blade ang hintayin ako. Alas onse ng tanghali nang magpasyang umuwi ang mga kasama ko. Pero naiwan ako.

“Are you sure na hindi ka na sasabay? Akala ko nagkatampuhan kayo,” nilingon ko ang manager ko at kinunutan siya ng noo. “He told me last night. After you went up to your room. I saw him on the lobby. And he said nga na nagkatampuhan kayo. Kaya pala biglang nagbago ang isip mo na sumabay sa amin bigla after you declare na hindi ka sasabay.”

Inirapan ko siya, “I was just upset to him. Hindi naman niya kasalanan ‘yon.”

“Well, he’s persistent to get you, huh. Sinundan ka talaga rito.”

After that, they bid goodbye and get in the vehicles they have. Kumaway ako at nginitian sila. Nasa tabi ko si Blade at tahimik lang din.

“Anong oras ang klase mo bukas?” he asked quietly.

“Hmm, 9:30am ang first class ko.”

“We’ll travel back to Manila via airplane. We’ll go to Laoag International tomorrow. Mas mabilis ang biyahe para makaabot ka sa klase mo.” Tumango ako. “Is that okay with you?” he asked carefully.

“What about your car?” I asked worriedly. Hindi p’wedeng iwan niya ‘yon sa airport dahil hindi naman na siguro siya babalik dito para lang kunin ‘yon.

“I’ll send someone to get my car here,”

Oh, right. They’re much wealthy than my family.

Tumango na lang ako.

Pumasok na ulit kami sa loob ng hotel. Nag-extend ng isang araw si Blade. Mabuti na lang at presidential suit ang kinuha niya at may dalawang kuwarto. Hindi ko naman maiwasan ang sariling mag-isip ng kung ano-ano dahil nasa iisang hotel room kaming dalawa. I should stop my self for thinking about that.

Inilagay ko sa hotel room na inuukupa niya ang mga gamit na dala ko.

“We can try anything they offer here. Ang alam ko ay may snorkeling sila rito. May kayak din.” Tumango ako.

“Magbibihis lang ako,” dumiretso ako sa kuwarto ay kumuha ng gamit. Isang banyo lang ang meron kaya naman hinayaan muna ako ni Blade na maunang magbihis.

Hindi ko nga lang alam kung magbibihis pa siya, dahil nakasuot na siya ng itim na board short at puting t-shirt. Baka hindi na siya magbihis at hihintayin na lang ako. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko siyang nakatingin sa kaniyang cellphone. Nang mag-angat siya ng tingin ay agad na nagtama ang tingin naming dalawa. His gaze then went down to my body. He arched a brow but didn’t say anything. Naka-sundress ako at naka-bikini na rin.

“I’m done,” sabi ko matapos ilagay sa kuwarto ang damit ko.

Tumango siya, “let’s go then.”

“I think we can hire a glass boat here. Maganda ‘yon. And I haven’t tried that one yet.” I said excitedly while we’re on the elevator.

“Alright, we’ll hire one.”

“Yes!” I replied under my breath.

He really hired one! At mabuti na lang ay mayroon talaga silang gano’n dito. Tuwang-tuwa ako nang sasakay na roon. Inalalayan pa ako ni Blade na makasakay dahil gumagalaw ang bangka.

Nakatingin ako sa paligid at sa tubig na kitang-kita mula rito sa sinasakyan naming bangka. I feel like my inner child has come out, and enjoying this scenery… with Blade. And he’s the one who brought it up.

I was smiling the whole trip. Nag-picture pa ako roon. At siyempre, I have my very own photographer. The one and only Blade Montillo. The love of my life — charing! Baka bigla akong iwan dito.

“Hey! Stop taking candid pictures of me!” saway ko sa kaniya nang mapansing hawak niya ang cellphone niya at kinukuhaan ako ng litrato kahit hindi ako nakatingin. “Baka ang pangit ko riyan, ah!”

“You’re a model, kahit stolen picture, maganda ang kuha basta ikaw ang kukuhaan.” wala sa sariling sagot niya dahil abala siya sa pagtingin sa cellphone niya.

My heart leap a moment. Hindi ko na alam kung ano’ng ginagawa ng lalaking ito sa puso ko at grabe na lang kung makapag-react.

Bumalik kami sa dalampasigan at ibinalik na ang bangka. Hindi naman kami naligo roon sa malayo dahil takot ako sa malalalim na taas ng dagat. I might get drown myself because of panic. So I rather swim in the low area of water. At least kung malunod ako, mare-rescue agad ako. At isa pa, nandito naman si Blade. He knows how to rescue me.

“Wow, now, I enjoyed this place.” I said while smiling and closing eyes, feeling my vacation today.

“We can go to other beaches, if you want.” Napabaling ako kay Blade nang magsalita siya sa gilid ko. He was looking at me intently, enjoying my beauty. Kinilig ako sa sariling banat.

“Hmm, maybe after finals na lang. Masyado pang maaga para mag-enjoy.” Tumango siya.

Lumangoy siya habang ako naman ay naiwan sa puwesto ko dahil hindi naman ako gano’n kagaling lumangoy. Siguro kung swimming pool ito, kaya kong lumangoy, pero sa ganito kalawak na dagat ay hindi ko kaya. Napapangunahan ako ng takot na baka tangayin ng alon at mapunta sa mas malalim na parte. Hindi ko alam pero iyon na ang nakasanayan kong isipin mula pagkabata ko. Hindi naman ako takot sa dagat, pero takot akong malunod. I love my precious life, ‘no!

“Hey, miss!” Nagulat ako nang may lumapit sa aking lalaki. Matipuno at mestizo. He looks fine, but… thinking about Blade, this man won’t surpass him.

“H-Hi,” alanganing bati ko pabalik.

“Are you alone? I can accompany you. Where’s your room?” What?! Is this man think I’m that kind of girl?!

Sasagot na sana ako nang may kumapit sa aking binti at umahon sa harapan namin. Blade brush his hair backwards. Making him more damn attractive. Masama ang tinging iginawad niya sa lalaking nasa harap ko. Ipinulupot nito ang braso sa aking beywang. Sa nang-aangkin na paraan.

“Who’s this, baby?” hindi agad ako nakasagot dahil nagulat ako sa tinawag niya sa akin! What the hell— wait! I can’t breathe!

“Uh… I don’t know him.” I answered him and blinked.

“May problema ba tayo, pare?”

Agad na nagtaas ng kamay ang lalaking bigla na lamang sumulpot kanina.

“He’s asking where’s my room…” nagsusumbong kong sambit.

“I’m sorry, miss. I’m sorry. I didn’t know he’s with someone.” depensa ng lalaki.

I smiled devilishly inwardly for the man who looks so scared.

Umalis ang lalaki. Sinundan siya ng tingin ni Blade.

“Hey, stop glaring at him.” saway ko kay Blade.

Sa akin naman siya ngayon bumaling. “Naiwan lang kita saglit, may gano’n na. Itali kaya kita sa katawan ko para hindi ka na nila lapitan.”

Pinigilan ko ang ngumiti dahil sa sinabi niya. “Hindi ko naman inasahan na may lalapit. I was waiting for you.” humalukipkip ako.

He sighed. Nagpasya na lang kaming magpatuloy sa paliligo. At ang kupal, hindi na niya ako iniwan. Hindi na siya pumunta sa malalim para maiwan ako ng matagal. Nanatili siya sa tabi ko at nakikipagkulitan sa akin, kahit mukhang hindi niya gusto. Well, what do you expect with this cold guy?

The sun is already setting when I stopped splashing water in his face. Natahimik din siya at pinagmasdan akong tinitingnan ang sunset.

This is the most beautiful sunset I ever had. It was a slow motion of setting down. I waited there patiently, admiring the beauty of it.

This is like a life of a person. A beauty of a person. It is slowly fading. You can witness and admire its beauty slowly fading in time. You are one lucky person if you witness it fading… because not all people can witness it. Not all people appreciate it.

While looking at it, I felt Blade’s warm hand on the small of my back.

“I really love sunsets,” I murmured.

I can see him frown at my peripheral vision. “Why do you like sunsets?”

“I don’t know, either. Sometimes I appreciate the day when it’s already sunset. Siguro dahil… matatapos na ang trabaho ko. Suwerte ko kapag nakikita o nasasaksihan ko ang paglubog ng araw.” I look at him. I saw how dark his expression is while looking at me. His face illuminated by the sun. “When I was in Cebu, I always love going to Dane’s parent’s flower plantation, after having a heated argument with my parents. Pupunta ako roon para magpakalma. Hanggang sa lumubog ang araw. Kasi iniisip ko noon, when the goes down, my problem is also done. Uuwi ako sa amin na maayos na ang pakiramdam at wala nang problemang iniisip.”

Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa beywang ko. Nakatingin siya sa akin ng matiim.

“Palagi kong iniisip na… kailangan sa buong araw… masaya ako. At kapag lulubog na ang araw… hudyat iyon para… ilabas ko lahat ng pagod ko at emosyon ko. Dahil gabi na, ako na lang mag-isa, magpapahinga ako, iiyak, matutulog, at titigil sa pag-iisip ng problema. Then after that, same cycle of life. Gano’n palagi. That’s why I love sunset. Kasi, gaya ni haring araw, may pahinga rin ako sa gabi para magbigay liwanag sa ibang tao.”

I stopped to swallow the bile on my throat. I looked away from his gaze. Pinagmasdan kong muli ang araw na papalubog na.

“You can think I am a jolly and happy person, but I am also an opposite one. After the day. At night, I am a lonely and sad person.” I smiled and just look at the horizon.

“You’re not alone now,” napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon.

“I still am…” I croaked.

“I am here. You’ll not be alone anymore.”

“Mananatili ka kaya?” I asked doubtfully.

“Yeah.” he said with finality.

“I hope so,” I smiled at him. “At kahit hindi ka manatili, ayos lang. Walang problema.” I genuinely said.

Hindi siya nagsalita. Gano’n din ako at pinagmasdan na lamang ang unti-unting pagkawala ng araw sa paningin namin. And slowly… darkness consumed us.

“Let’s get inside, it’s getting cold here.” aniya nang mapansing lumalamig na ang hangin.

Tumango ako at nagpasya nang umalis doon. Ramdam ko ang mabibigat at mapanuring tingin niya sa akin hanggang sa makapasok kami sa hotel. I’m now already wearing the sundress and he’s topless. Pansin ko agad ang mapanuring tingin ng mga nakakakita sa kaniya kaya tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Napatigil din siya at tinaasan ako ng kilay. Ginugulo niya ang buhok dahil basa.

“Wear your shirt,” mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

Nang makitang seryoso ako ay agad niyang sinuot ang damit niya. I smiled when I got satisfied. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa hotel room namin.

“Do you want our dinner to be serve here or we’ll go to the seaside restaurant?” he asked when he entered the room.

“Baba na lang tayo para mas makapili ng meals,”

“Alright, then.”

Pumasok na ako sa kuwarto ko at kumuha ng damit pamalit. Siya naman ay pumunta sa swimming pool na nasa labas ng room. Hindi ko napansin ‘yon kanina. Hindi ko alam na may swimming pool pala roon. Hindi ko na susubukan ‘yon dahil napagod naman na ako sa dagat.

Nang makaligo at makapagbihis ay lumabas ako. Sa kuwarto na ako nagpatuyo ng buhok habang siya naman ay naligo na rin. Saktong pagkalabas ko ng kuwarto pagkatapos magpatuyo ng buhok ay siyang paglabas niya ng banyo. Naka-shirt na siya at board shorts.

Hindi niya na kailangang magpatuyo ng buhok dahil nag-aya na siya papunta sa restaurant sa baba. I am wearing a floral dress na hanggang sakong ang haba. Maganda ito at sakto naman na gamitin ito dahil nasa beach kami.

Nagpa-reserve na pala siya ng lamesa kaya iginiya na kami roon para makakain na. We ordered our food and waited for minutes for it to be served. Habang naghihintay ay nagkukwentuhan naman kami.

“I miss Trouble,” sambit ko nang mapagkwentuhan namin ang mga alagang pusa ng mommy niya.

“Who’s Trouble?” he asked curiously.

“My dog. I bought him years three years ago. He’s my best friend. Binili ko siya para kapag mag-isa ako, may makakausap ako tungkol sa problema ko. I brought him with me in Manila because… mom doesn’t like… pets. So I have no choice but to bring with me when I was approved to study in Manila. Mom, though, gave me one maid to come after me. Kaya kapag wala ako sa bahay, siya ang nag-aalaga kay Trouble.” I explained.

“What kind of dog he is?” he asked carefully.

I smiled, “he’s a German Shepherd. He’s a good fur baby. Malaki na siya ngayon.” I said like a proud mom. “Do you… like dogs?” I asked carefully at him.

“Actually, I am not into pets. Siguro dahil wala lang akong time mag-alaga.” napasimangot ako sa sagot niya.

“My baby’s a good boy. You’ll like him.” I smiled at him.

“I’ll meet him soon,”

Dumating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Nag-uusap pa rin naman kapag may naiisipang pag-usapan. He’s so casual, though. Hindi naman gaya noon na sobrang malamig ang tungo sa akin. Ngayon, yes medyo cold pa rin, pero siguro dahil ugali na talaga ‘yan.

We enjoyed our last night there. Nanood kami ng bandang tumutugtog sa kabilang side, may mga nagsasayaw pa habang naglalaro ng apoy, I don’t know what it is but it‘s so damn cool. Nang mag-alas diez na ng gabi ay nagpasya na kaming bumalik sa hotel room namin.

“I already booked us a flight for tomorrow,” napalingon ako sa kaniya habang hinuhubad ang cardigan na suot.

“That was fast.” I murmured. He stared at me but didn’t say a word.

We talked about the details of our flight and we parted our ways to sleep in our own bedroom here.

Mas lalo lang ‘ata akong nahulog dahil sa ginawa niyang ito. He respects me so much. He made sure that we enjoyed our day here, and even in just a short period of time… I really did enjoyed our day here. Because he’s with me.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, at pagkalabas ko ay nasa sala na siya at may tasa ng kape nang hawak. Nagulat pa siya nang lumabas ako sa kuwarto. He didn’t expect me to wake up this early.

We had our early breakfast for us to have time to prepare for our flight. After our breakfast and preparation, we checkout and he drove our way to Laoag International.

Naging mabilis ang pangyayari para sa akin, kahit ang biyahe. Nang nasa eroplano kami ay hindi na rin kami natulog dahil saglit lang din ang biyahe papuntang Manila. Nang nasa Manila na kami ay may sumundo pa sa amin. It’s their driver. Nag-uusap sila tungkol sa kotseng naiwan sa airport ng Laoag at narinig kong may pinapunta na siya roon para kunin ‘yon. I am amazed how… rich he is. He never brag and I think he don’t like the idea of bragging about their wealth. He stayed low key about it.

And I remember what we talked about last time…

“Ano’ng trabaho ng Mommy mo?” I asked curiously.

“She’s a Physician. OB-Gynaecologist.” Nanlaki ang mga mata ko roon.

“And… your father?”

“He’s a retired Army, an Engineer, and a businessman.”

That explains… everything.

Masyadong… mataas.

Hinatid niya ako sa condo tower ko. Gusto pa sana niya akong hintayin para maihatid ako sa school pero hindi na ako pumayag.

“You have your class, too. Mas mabuti pang umuwi ka na sa condo mo or sa bahay n’yo para maghanda sa pagpasok. I can do drive myself to school, don’t worry.” sambit ko habang nasa tapat ko siya, nakatingin sa akin nang matiim.

“Are you sure?” Tumango ako.

“I have my car. Ikaw, paano ka uuwi mamaya? Magpapasundo ka?” I asked slowly. “P’wede namang… pumunta ako sa school mo para sunduin ka.“ I suggest, but it’s kind of weird.

Tumango siya, “p’wede. Kung hindi ka busy. Let’s have a date.” hindi ko napigilan ang pag-ubo dahil sa sinabi niya.

What the fuck did he say?!

Date?! We’ll have a date! A date!

“Uh… s-sige. Uhm… pupuntahan kita sa school ninyo mamaya.”

Kaya naman nang makaakyat ako sa unit ko at makapasok doon ay hindi ko na napigilan ang pagtili ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Sinalubong pa ako ni Trouble at agad na napalabas sa kusina si Yaya dahil sa pagtili ko.

“Anong nangyari, Vea?” tanong ni Yaya nang magtuloy-tuloy ako sa pagtili. Lumapit pa siya sa akin para tingnan kung anong problema.

“Ya! Omg! ‘Yong crush ko, si Blade! He said he’ll court me! Liligawan ako! Omg! Tapos… tapos niyaya niya akong mag-date mamayang uwian!” Tumalon-talon pa ako dahil sa sobrang kilig na nararamdaman.

I am so much excited with it! Damn excited!

Kaya naman habang nag-aasikaso sa pagpasok, kahit pagod, ay masaya pa rin ako at hindi inalintana iyon. Nakangiti ako at good mood. Napansin iyon ng mga kaklase ko pero hindi na lang sila nagsalita o nagtanong.

Maraming binigay sa amin na assignment at activities pero hindi ako nagreklamo. Nang matapos ang klase ay agad akong dumiretso sa parking lot.

Nagmaneho ako papunta sa university niya. Na-traffic pa ako kaya nagkaroon ako ng oras para i-text siya.

To: Blade
I’m on my way to your school. Medyo traffic lang :)

Hindi siya agad nakapag-reply at umuusad na ang traffic pero wala pa rin. Nakarating na ako sa school niya nang makita ko ang reply niya.

From: Blade
I’m waiting outside the university

To: Blade
I’m outside your school. Where are you?

Hindi ko na siya hinintay na mag-reply dahil nakita ko na siyang nakaupo sa waiting shed at nakatingin sa cellphone niya. Some girls are looking at him but he seems so oblivious or just ignoring them? Binusinahan ko siya kaya nag-angat siya ng tingin. Agad niyang nakilala ang kotse ko kaya tumayo siya at naglakad papunta sa sasakyan ko. Even his walk screams power and manliness.

Akala ko ay didiretso siya sa shotgun seat pero sa banda ko siya pumunta. Kinatok niya ang salamin. Binaba ko ‘yon at tinaasan siya ng kilay.

“I’ll drive. I know you’re tired.” he said in a low voice.

Napasimangot ako pero agad ding sinunod ang gusto niya. Lumabas ako at lumipat sa shotgun seat. May mga napapatingin pa sa akin pero hindi ko na sila pinansin. Umalis din naman agad kami roon at idiniretso niya iyon sa isang restaurant. Napatingin ako sa kaniya.

“Let’s have a lunch date,” aniya at lumabas ng sasakyan.

Pumasok kami sa fancy restaurant na ‘yon. He already has a reservation. Iginiya kami roon at agad kaming um-order. While waiting for our order, we talked about things again… to get to know each other more.

“Sabi mo, si Trouble ang palagi mong kausap kapag marami kang problema?”

Tumango ako, “yes. Lagi ko siyang kausap kahit alam ko namang hindi siya nakakapagsalita. Trouble became my best friend every time… he kissed and wagged his tail as his response, it always calms me down. Kasi pakiramdam ko naiintindihan niya ako, hindi niya lang ako makausap, but his actions speaks louder. Kapag wala sina Dane at Theo, siya ang kasama ko. Lalo na ngayon, Dane is in Canada, and Theo is somewhere in Rizal to manage their business while studying, he’s busy, hindi na niya ako nakakausap madalas.” I said, sadness was evident in my voice.

“And you’re sad because he can’t make time for you?” hindi ko alam pero nahimigan ko ng selos ang boses niya.

Nanliit ang mga mata ko. “What? Are you jealous? I was sad, yes. Because he’s my best friend. At sanay ako na nandiyan siya kapag… may problema ako — kami ni Dane.”

“You don’t need him now. I’m here.” he frantically said.

“What? Are you jealous of him?”

His lips were now in a thin line.

“Tss…”

He didn’t deny! What the… he didn’t deny my accusation!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro