Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 5

I was waiting patiently outside their shower room where they all disappeared. Kapag may natatapos maligo ay napapatingin sa akin sabay ngingiti. Lumabas ang lalaking kanina’y nang-aasar kay Blade kanina.

“Hey, Miss!” bati niya habang may malapad na ngiti sa labi. “I’m Ranjay Dogillo,” naglahad siya ng kamay sa akin.

“Uh, I’m Vea.”

“I know you, you’re a known model in the country.” he laughed.

Nahiya ako roon. Tumayo ako at akmang aabutin na ang kamay niya nang may humablot sa kamay ko at bahagyang inilayo sa lalaking kausap ko.

“Are you hitting on her, Dogillo?” galit na tanong ni Blade sa lalaki.

Tumawa muli si Ranjay at nagtaas ng dalawang kamay. He stopped laughing when he saw how dark Blade’s expression is. But the smirk didn’t leave his lips.

“Easy, man. I was just being friendly here. Nagpapakilala lang ako sa kaniya.”

“Stop playing with her,” he growled.

Hinawakan ko ang braso ni Blade para patigilin siya sa sinasabi. He looked at me like I did something bad again. Binitawan ko siya at ngumiti sa lalaking nasa harapan namin.

“Uh, nice to meet you, Ranjay. Uhm, aalis na kami ni Blade. Bye!” Hinatak ko si Blade kahit na medyo nagpapabigat pa siya sa pagpapahatak.

Nang makarating kami sa parking lot ay tiningnan ko siya, dismayado sa naging asal niya kanina.

“That’s rude of you, Blade!” Hindi ko na napigilang pagsabihan siya.

“He’s hitting on you—” I groaned that cut him off.

“He’s not! Nagpakilala lang ‘yong tao sa akin. He’s friendly, yes. But that doesn’t always mean he’s hitting on someone — on me! At… siguro tingin mo… nilalandi ko siya? Because you see me as… a playgirl. Right?” nasasaktan kong sambit. Hindi ko man pinahalata pero hindi ko maiwasan sa tono ko.

I hate the fact that he really see me as… a playgirl. Dahil iyon naman daw talaga ako. It’s an insult for me but I just couldn’t hate him fully. Because it was true. But that was a long time ago. Matagal na ‘yon, noong hindi ko pa siya nakikilala.

“No…” natigilan ako sa tugon niya. He swallowed hard as he looked away. “I just don’t like it when you entertain other guys than me.” he said hoarsely.

Napakurap-kurap ako, “gano’n pa rin naman ‘yon. Dahil… tingin mo sa akin playgirl ako. Na… madali lang sa akin na—” he cut me off with a groan.

“That’s not it, okay? If you attract them, that’s not your problem anymore. Kasi maganda ka. Kaya nga ayaw kong makipag-usap ka sa ibang lalaki kasi… kahit wala kang gawin… magugustuhan ka nila. It’s not because you were a playgirl, it’s because… you are too damn hot and attractive.” Nahigit ko ang hininga ko at hindi agad nakapagsalita.

Ibig sabihin ba niyan… nagbabago na ang tingin niya sa akin? That… I am not a playgirl in his eyes anymore?

Napayuko ako at hindi agad nakatugon sa sinabi niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at naghanap ng sasabihin.

“Don’t… entertain guys… other than me.” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ko ang mapupungay niyang mga matang nakatingin sa akin. “I don’t like it. I don’t know why.” Umiling pa siya, tila hindi talaga maintindihan ang sarili.

Tumango ako. Kahit wala naman talaga siyang konkretong dahilan, naiintindihan ko.

After a few minutes of silence, we decided to go. Ako na ang pinapili niya ng restaurant na kakainan namin. Agad naman akong nakapili at wala naman siyang naging reklamo ro’n. I smiled inwardly as I look at him choose his order. Ngayong narito na kami sa restaurant ay saka ko pa lang napagmasdan ang suot niya ngayon.

He’s now wearing a black shirt and a jeans. Kahit simpleng damit napakagwapo pa rin niya. Nakaka-attract pa rin ng mga tao sa paligid.

When he’s done ordering he looked at me. We stared at each other before I looked away, feeling the heat on my cheeks.

“You’re not busy the whole week now?” he asked after a minute of just staring at me.

Napatingin ulit ako sa kaniya at umiling. “I have a shoot on Friday, sa Ilocos for a product and gowns. Same company kaya sabay nang isho-shoot. Three days ‘yon, so I won’t be able to… bug you for three days.” I smiled at him even though it didn’t reach my eyes.

Tumango siya, “three days… you don’t have class on Friday?”

“Hapon ang alis ng team. Wala na akong klase ng hapon kaya napagdisisyonang sa gano’ng oras umalis. They adjusted themselves for me, though.”

“I… I’m free for weekends…” napatitig ako sa kaniya at kumunot ang noo. Hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin doon.

Ano naman kung free siya sa weekends? Wala naman ako no’n dito sa Manila kaya… wait— what?! The next sentence didn’t register in my mind immediately.

“I can drive you to Ilocos.” he said hoarsely.

Bawat salita ay unti-unting rumehistro sa aking utak. Hindi ko na napigilan ang pagkalaglag ng panga ko dahil sa sinabi niya. Is this fucking real?! Is thing fucking happening? That… he’s suggesting to drive me to Ilocos?!

“I’m planning to unwind for this weekend since we’re already finished doing our thesis and already defended it. I want to go somewhere to unwind.” paliwanag niya na para bang inililigtas ang sarili sa sinabi kanina.

“Our shoot will be in some… places. Maybe, sa bukiran o… dagat.” saad ko dahil hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya.

Tumango siya, “you can tell me the details while we’re eating.”

Iyon nga ang nangyari. I filled him with details for my shoot this coming Friday at parang bigla na lamang na-excite na sasama siya sa akin. Parang gusto ko na agad mag-biyernes kahit na Lunes pa lang.

I insisted to pay everything but he just didn’t let me. Siya ang nagbayad kahit na naglabas na ako ng wallet. Ako ‘yong nag-aya kumain dito, dapat ako ang magbayad. Pero hindi niya naman akong pinayagan.

Malapad ang ngiti ko nang matapos kaming mag-early dinner. Napapatingin naman siya sa akin pero hindi nagsasalita kahit na naaabutan niya akong nakangiti. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Nakakunot ang noo pero hindi niya naman ako sinasaway sa pagngiti ko.

“May practice ba ulit kayo bukas ng basketball?” tanong ko habang abala siya sa pagmamaneho.

“Meron, same time.” sagot niya nang hindi ako binabalingan.

“Maaga ako bukas dahil hanggang 11:30am lang ang klase ko.” Tumango siya. “So, expect me to be there early.”

Hindi na siya nagsalita. Kapag traffic naman ay tumitingin siya sa akin nang nakakunot ang noo.

“May pupuntahan ka pa ba? O… uuwi na?” napamulagat ako sa sinabi niya.

Nag-isip ako. May bibilhin akong notebook at ilang cosmetics dahil naubos na ‘yong iba.

“You can drop me to a nearest mall. Mag-tataxi na lang ako pauwi.” mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.

“Why?” nahihimigan ko ang pagkalito at inis sa tanong niya. “May kikitain ka ro’n?” he asked then manoeuvred his car when it was already in green light.

Natawa ako, “wala. Mamimili lang ako. I need to buy new notebooks and some new cosmetics and… skin care products.” he gazed at me but it was just in a shot time. Nagmamaneho kasi siya kaya hindi makatingin nang matagal sa akin.

Hindi siya nagsalita at nagmaneho lang hanggang sa makarating kami sa malapit na mall. Akala ko ay ibababa niya ako sa tapat ng entrance pero diniretso niya iyon sa basement. Napatingin ako sa kaniya, naguguluhan. Hindi naman siya nagsasalita hanggang sa mai-park niya ang sasakyan.

“Bakit mo pa ipinark? Dapat sa entrance na lang—” hindi pa ako natatapos ay bumaba na siya ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mariin akong tinitigan nang mapansing hindi ako kumilos.

“Sasamahan kita mamili,” nanlaki ang mga mata ko roon. Mabilis akong lumabas ng sasakyan niya at pinakatitigan siya.

Nasa loob na kami ng mall nang tingnan kong muli siya, nakakunot ang noo niya at mukhang iritable.

“You really don’t have to be with me here, Blade.” binalingan niya ako sa galit na paraan.

“Why?”

“I mean, kung gusto mo nang magpahinga at umuwi, p’wede ka naman nang umuwi at h’wag na akong samahan dito. This is just a simple thing, hindi naman din mabigat ang dadalhin ko dahil kaunti lang ang bibilhin.” paliwanag ko dahil nakikita kong hindi naman niya gustong pumunta rito.

“I don’t care,” walang kwentang sagot niya at nauna pa sa akin sa bookstore para sa bibilhin kong notebook.

Napailing na lang ako at sumunod na sa kaniya papasok doon. Kitang-kita ko kung paano naglingunan ang mga taong nakapila sa cashier nang pumasok siya. Damn attractive. Pinantayan ko siya sa paglalakad, just to prove a thing… that he’s with me.

Namili ako ng notebook, gano’n din siya pero hindi ko alam kung bibilhin niya ba dahil tumitingin lang siya. Kumuha ako ng tatlong notebooks para sa tatlong subjects. Kairita kasi minsan kailangan talaga magtake down notes para may ma-review ka. Hindi siya kumuha ng notebook pero kumuha siya ng dalawang ballpen.

“Babayaran ko ‘yan,” he said as he hand me the pens.

Tumango ako at pinagmasdan ko siyang pumunta sa books section. Sinundan ko siya at nakita kong may tinitingnan siyang libro about… criminal… things. Then I remember his course, his course is criminal justice, of course he’ll always want to read those kind of books. Pero ako, tinitingnan ko pa lang nahihilo na ako.

Akala ko ay bibilhin niya ‘yon, pero hindi. Iniwan niya ulit sa shelf at bumalik sa akin. I smiled at him but he’s serious. Tapos na ako roon kaya binayaran na namin. Kumukuha pa lang ako ng pambayad sa wallet ko ay nag-abot na agad siya ng card niya.

“Hey! That’s my stuff, I should pay these.” angal ko sa kaniya pero tinanggap na ‘yon ng cashier. Napasimangot ako.

“It’s fine.” simpleng sagot niya at kinuhang muli ang card. Siya pa ang tumanggap ng paper bag.

Nagmamaktol naman akong sumunod sa kaniya palabas ng bookstore. I lead the way to where I will shop next. Namimili ako habang nakasunod siya sa akin, like a freakin’ boyfriend! Damn. Ikinalma ko ang sarili ko at nagkunwari lang na hindi ako apektado sa presensya niya ngayon. I smiled inwardly. I even saw some saleslady gawking at who I am with. Of course, the head turner, Danrev Blade.

When I turned to him I saw him looking at some cosmetics in the shelves, frowning. Naabutan ko pa kung paano niya kinuha ang isang lipstick at binasa ‘yon. Pagkatapos ay ibinalik niya at sumunod sa akin, naabutan niya akong nakatingin sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay.

“Ano ba’ng hinahanap mo? Kanina ka pa tumitingin dito pero wala ka pa namang kinukuha.” saad niya nang mapansing wala pa akong hawak.

“Pumipili lang ako ng shade na maganda.” sagot ko at kumuha ng lipstick.

Nagtagal kami roon dahil hindi ako makapagdesisyon nang maayos. Kahit marami namang sponsor ng make ups at skin care products ay mas trip ko pa rin minsan na bumili ng sarili kong pili. Siya ulit ang nagbayad. Naunahan niya ako!

“Why do you keep on paying my bills? I bought those, that’s mine, I will use those, kaya bakit ikaw ang nagbabayad?” hindi naman kita boyfriend. Gusto kong idagdag pero alam kong magagalit siya at maiinsulto.

“Ayaw mo ba na ilibre kita?” he asked languidly, as if it’s not big deal for him.

“Hindi naman sa gano’n, pero… that’s too much. Ikaw ang nagbayad sa restaurant, sa bookstore, and now… sa mga pinamili kong cosmetics, ikaw rin ang nagbayad. I have my money.”

“I also have,” inirapan ko siya. Naabutan niya ‘yon nang bumaling siya sa akin pero wala akong pakialam. “Nagugutom ulit ako. Let’s buy some snacks.” aniya habang ginagala ang tingin, naghahanap ng makakain.

“I shouldn’t eat too much this week, though.” I murmured. Bumaling siya sa akin, nakakunot ang noo.

Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko na mas lalong ikinasalubong ng kilay niya.

“You’re already skinny, ayaw mo pang kumain ka ng marami?” iritado niyang tanong.

Padabog ko siyang tiningnan, “may photoshoot ako sa susunod na mga araw. I should diet for it. Tapos ikaw… gusto mong kumain ako nang marami? Baka hindi na magkasya sa akin ang gown na imo-model ko!” hinawakan ko pa ang mukha ko. “Baka biglang tumaba ang mukha ko kakakain. Kahit mag-exercise ako sa mga susunod na araw, baka hindi ko rin mabawi.” Mas lalong dumilim ang ekspresyon niya.

Tiningnan niya ako nang matiim gamit ang madilim na ekspresyong iyon.

“Hindi naman siguro masama kung kakain ka ng marami ngayon. Baka mamaya mag-collapse ka sa sobrang pagda-diet mo. I don’t care if you’ll get fat, that doesn’t make you less of attractive and beautiful. So why are you bothered that you’ll get fat that fast? Hindi porke’t kumain ka ng marami ngayon, tataba ka agad.” Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi niya ay kinuha na niya ang kamay ko at hinatak sa isang fast food chain na malapit.

Bumili siya ng pagkain. Kahit panay ang angal ko, wala siyang pakialam. Hindi niya ako pinapakinggan. Nakaupo ako ngayon sa mesang nasa pinakagilid habang hinihingay na umo-order. He looks so… cute while standing in line there. Not minding some teen students gawking at him because he’s too handsome.

This guy is really so unpredictable. So mysterious. Unreadable. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay. Bigla na lang din nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi lang ako nakakabisita sa kaniya ng halos isang linggo, ang laki na agad ng pinagbago niya. Lalo pa sa pakikitungo niya sa akin. Hindi ko akalaing magiging ganito siya sa akin ngayon.

Pagkatapos niyang um-order ay bumalik siya sa mesa. Hihintayin pa raw ang order kaya bumalik muna siya.

“Baka marami ang in-order mo,”

Masama ang tinging ibinaling niya sa akin.

“Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo.”

Hindi na niya ako gaanong pinansin hanggang sa tinawag siya para kunin ang order niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palapit sa akin, dala-dala ang tray na may mga pagkain. Kaso napasimangot din nang makitang marami nga siyang in-order.

Pareho kami ng order. Kung anong meron siya ay meron din sa akin.

“Mauubos ko ba ‘to? Dalawang oras pa lang nang mag-early dinner tayo.” nakangusong sambit ko.

“It’s already been two hours, you should be starving now. Hindi naman marami ‘yong kinain mo sa restaurant.” inirapan niya ako.

“Tataba ako sa ‘yo nito, e.” nagmamaktol kong bulong.

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain. Actually kaya ko naman ‘tong ubusin, siyempre kailangan ko lang magpabebe at totoo naman na kailangan kong mag-diet dahil may shoot ako this week. I need to be fit. Pinandidilatan niya ako kapag natitigil ako sa pagkain at pinagmamasdan lang siya.

“Hindi ka mabubusog kakatitig sa akin, Veatrice.”

“Para magkaroon lang ako ng gana kumain,”

“Mukha ba akong appetizer?” masungit niyang sikmat sa akin.

Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hanggang sa matapos. Of course, wala na naman akong ginastos sa pagkain namin. Lumabas kami na may dala akong sundae at french fries. Wala naman siyang angal na may take out ako.

“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong niya habang naglalakad kami.

“Hmm… I don’t know. Pahinga na lang muna tayo.” Tumingin ako sa relo at nakitang eight-thirty pa lang ng gabi. “Ikaw… wala ka bang ibang gustong bilhin o gawin?” baling ko sa kaniya.

“I don’t know,”

Tumigil ako sa paglalakad, gano’n din siya. Nasa gilid kami malapit sa escalator. Pinagmasdan ko siya.

“You’re so cold to me.” I said nonchalantly. “I heard you’re playful to others. Sa akin ka lang ganito. Sa iba… ngumingiti ka naman daw.” hindi nagbago ang ekspresyon niya. Tumango ako. “Pero siguro… ganito ka lang talaga sa akin kasi… nakakairita ako? ‘Di ba, ayaw mo sa madadaldal? I’m sorry. This is my nature. Maingay. Magulo. Hindi ako nabubuhay nang hindi nagdadaldal.”

Hindi siya nagsalita kaya naman natawa na lang ako nang mahina. Tumingin ako sa malayo habang dahan-dahang kumakain ng french fries, to divert my emotion.

Nagulat ako nang humarang siya sa harapan ko habang seryosong nakatingin sa akin.

“I’m fine with you being talkative.”

Simpleng salita lang ‘yon pero nabuhayan ako ng loob. Hanggang sa maihatid niya ako sa condo tower ko ay magaan ang loob ko. Hindi na ako nagreklamo at masaya na lamang na naghanda sa pagtulog. Pero bago iyon ay tinawagan ko muna ang kaibigan ko.

“Hey, how are you?” bungad ko nang makita si Dane sa screen.

This isn’t her…

This is totally a different person.

She looks so lifeless, sleepless, and restless. Ate Kate said… she’s doing fine. But I just couldn’t be in peace knowing that she’s there, miles away from me, suffering from depression.

“I’m fine. I… I have a session today so,” oh, umaga na nga pala sa kanila.

“How’s school?” I asked lightly.

“Fine too. I am trying to socialize but still…” she smiled sadly at me.

“May isa’t kalahating taon pa bago ako makapunta riyan. You’ll wait me, okay? You’ll fight. For yourself. For us.” Tumango siya nang marahan.

“I don’t have class today so I am going to visit my psychiatrist for my session. It’s been… months, Vea.” I smiled sadly. My eyes teared up. “But I am still… feeling so guilty for what happened.”

“Don’t blame yourself, please. Ilang beses na naming sinabi sa ‘yo, hindi mo kasalanan. Just be brave. Everything will be okay. You’ll fight for it.”

Isang oras akong nakipagkwentuhan sa kaniya. She seems so distant but I know she’s doing her very best to fight the urge to cry in front of me. Sa nakaraang buwan kasi ay wala siyang ginawa kapag nag-uusap kami kung ‘di ang umiyak.

My days went well. Bawat araw na dumadaan ay parang napakagaan para sa akin. Siguro dahil magaan na rin ang pakikitungo sa akin ni Blade. Madalas ang paglabas naming dalawa pagkatapos ng practice niya.

“Kumusta na nga pala si Zaimon?” tanong ko habang kumakain kaming dalawa ng dinner.

“He’s fine.” he simply answered.

“It’s been months.”

“Wala na sila sa lugar niyo,” napaangat ang tingin ko sa kaniya.

“What do you mean?”

“Pinalayas sila ng Mommy at Daddy ni Dane.” madilim ang ekspresyong sambit niya. “Pinagtabuyan.”

I felt sad for them. Dane’s parents are already sl cruel. They have gone too much. Ni hindi na nila inintindi ang kondisyon ni Dane ngayon.

“Matagal na ‘yon. Ilang araw siguro pagkatapos makalabas ni Zaimon ng hospital.” Napalunok ako at hindi nakapagsalita.

Bawat araw ay napapadalas din ang pagpapaalala ni Mommy sa akin na malapit na ang birthday ni Daddy. Pupunta ako ng Cebu para roon. At babalik ulit ng Maynila dahil may pasok. Kapagod.

Dumating ang biyernes at excited na agad ako. Nag-pack na ako ng gamit ko para sa biyahe mamaya. Itinabi ko ‘yon dahil papasok pa naman ako at babalik pa ako rito para magbihis.

From: Blade
I’ll fetch your or you’re going to my school?

To: Blade
Pupuntahan na lang kita. Hindi ako sigurado sa oras ng out ng klase ko today. I’ll text you later :)

Iyon ang napag-usapan namin. Nang matapos ang klase ay agad akong nag-commute para makapunta sa school ni Blade. Nasa loob na ako ng campus, pinapasok ako ng guard dahil kilala na niya ako. Buti na lang mabait.

Wala silang practice ngayon kaya hindi ko alam kung nasaan siya. Nakita ko si Ranjay na palabas ng campus kaya tinawag ko siya.

“Uy! Nandito ka pala, Miss Model!” aniya na ikintawa ko.

“Uh, itatanong ko lang sana kung nasaan si Blade?”

“Nasa field ‘ata. Tara samahan kita.”

Sinamahan niya ako roon at hindi nga siya nagkamali, naroon nga si Blade. Pero hindi siya mag-isa. May… babae itong kinukulit. Hindi ko kilala pero maganda. Ito ‘yong tipo ni Blade. Unang tingin pa lang, alam mong mabait at tahimik na.

“S-Sino ‘yang kasama niya?” I croaked.

“Uhm… s-si Kyleigh. C-Crush ‘yan ni Blade. Pero ano—”

“Naiintindihan ko. Uhm…” mariin akong napalunok. “Aalis na ako. H’wag mo na lang sabihin sa kaniya na… dumaan ako. Pasensya na sa abala at salamat sa pagsama sa akin dito. Alis na ako, may biyahe pa ako, e.” I smiled at him and walked passed him.

Mabilis kong pinalis ang luhang kumawala sa aking mata. Yes, I am jealous. Pero wala naman akong karapatang magselos.

Fuck!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro