Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 3

“What are you doing here?” I asked a little bit uneasy because of his dark expression and his aura.

Madilim at seryoso lang ang mga tingin niya sa akin. “Ikaw, bakit narito ka pa? Ano’ng oras na, ah.” aniya sa nanenermon na boses.

I looked away, “wala lang. Gusto ko lang . . . kumalma.” marahan kong sagot.

“Kumalma? Bakit? Ano bang nangyari?” I look at him again.

Ngumuso ako at hindi agad nakapagsalita. I am still shock that he’s here!

“Tell me why are you here.” he asked again when I didn’t answered him for a minute now. I am just looking at his chest, because I can’t look up at his face when he’s this dark and serious.

I bit my lower lip and sighed heavily. I tried to get the glass of liquor I ordered but he stopped me from doing so. Wala na akong nagawa kung ‘di ang tingnan siya at sagutin.

“It’s a private matter. I don’t like sharing it to anyone.” I said, matter of factly.

Hindi naman ako gano’n ka-open sa kahit sino. Even my friends, Dane and Theo, don’t even meddle with my family problem. Hindi ko rin sinasabi sa kanila dahil alam kong mag-aalala lang sila. They saw how I broke once in front of them because of my parents.

“You’re just eighteen, you shouldn’t drink too much hard liquor.”  Napanguso ako sa tinuran niya.

He sounds like Theo and some elder brother. Ang kaibihan lang ay si Blade ito.

“Oh, please, I will be nineteen soon. I’m in my legal age. And my parents knows I drink.” irap ko sa kaniya.

“Even so. Always know your limitation in drinking.”

“Do I look like I’ll get myself wasted here? No, I am not. Uminom lang naman ako para magpakalma.”

Para siyang nauubusan ng pasensya sa akin habang pinagmamasdan ako.

Oh shit! I forgot! Pinapaamo ko nga pala siya sa akin, bakit ko siya sinasagot-sagot nang ganito?! I don’t want to show weakness and this is my defence mechanism every time I feel . . . weak or bothered. Kailangan kong maging masungit o maldita para hindi nila isiping mahina ako.

I don’t like it when someone pity me. Or make fun of me. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para . . . magustuhan nila ako. Gaya ng itinuro sa akin ni Mommy at Daddy simula pa lang.

Hindi na siya nagsalita pero nakabantay sa akin. Umupo siya sa katabi kong highchair habang seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. I know he doesn’t like me . . . everything in me, but why is he staring at me like that?! Like a fucking hawk?!

I consciously sip on my glass while he’s there, watching me.

“Veatrice,” nasamid ako sa iniinom nang marinig ang boses na ‘yon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Theo na nakatayo sa gilid ko habang nakatingin sa akin. Then his eyes darted to who’s sitting beside my chair. Napalunok ako nang marahas.

“Theo! Why are you here?” I asked him nervously.

“Para iabot ito. Bukas na lang sana kaso may importante akong gagawin sa Batangas kaya ibibigay ko na sa ‘yo.” aniya nang hindi inaalis ang tingin kay Blade na nasa gilid ko. Nakatayo na rin at may seryoso at madilim pa ring awra.

I sighed and look at he’s holding.

“What’s that?” Kinuha ko iyon. Bago ko pa man mabuksan ang envelope ay nagsalita na ang lalaking kanina pa nakatayo sa gilid ko.

“Alis na ako,” napatingin ako sa kaniya at nagsalubong ang mga kilay ko.

“What? I thought you’ll stay?” I asked, feeling light now that Theo is here.

Umismid siya, “hindi na. Mukhang nakakaistorbo ako.”

Hindi na siya muling lumingon at umalis na roon. Napanguso naman ako at tuluyan nang binuksan ang envelope.

“Sino ‘yon?” si Theo nang hindi na nakapagpigil.

Tsismoso!

“Crush ko,” I answered honestly.

“Oh? Bakit kasama mo? I mean . . .” he trailed off.

Umirap ako. “Nagkataon lang na narito siya nang pumunta ako. Nag-usap lang kami saglit bago ka dumating.” saad ko. “And, he doesn’t like me.” I added.

Natawa siya. “Ikaw si Veatrice Gomez, imposibleng walabg magkakagusto sa ‘yo o maaakit man lang. Bukod sa akin dahil alam mo namang kapatid ang turing ko sa ‘yo. That mad is unbelievable. Mukhang hindi umubra kamandag mo.”

Inirapan ko siya at pabirong sinuntok. Binuksan ko na ang envelope at nakitang isa iyong invitation letter. Hindi lang basta invitation letter. It’s an engagement invitation letter! I look up at him and saw the ghost of a smile in his face.

“Engagement?” I asked, still shocked.

“Yup,”

Then I read again. It’s for him and Krista!

“Krista? Who is she?” I asked, confused. Because he never mentioned that name to me. To us!

Tumango siya. “It’s just for our parent’s assurance. Wala pa naman talaga sa plano ko ang magpakasal.”

“You’re just nineteen, for Pete’s sake! And how old is this girl?”

“Turning eighteen this March. That’s why . . . it’s a double celebration. Her eighteenth birthday and our engagement party.” Umupo siya sa bakanteng upuan at um-order ng maiinom.

“You looked so . . . stress.” I said the obvious.

“Yeah. Kung alam mo lang. Tang ina mas spoiled kay Dane. Akala ko nakaligtas na ako ngayon kay Dane, hindi pa pala.” Naiiling siya sabay lagok ng kabababa lang na order niya.

Kumunot ang noo ko, “do you like her?” I asked carefully.

“No.” he answered firmly.

Napalunok ako at hindi na alam ang isusunod na tanong.

“I’ll confess,” napatingin ako sa kaniya at hindi agad natagalan ang tingin niya dahil sobrang bigat no’n. “I like you. Not just . . . brotherly, but more than that. But I know my limitation, Vea. Alam mo naman kahit noong highschool pa tayo, ‘di ba?” Napayuko ako at hindi nagsalita. “Don’t worry, mukhang . . . hanggang dito lang ‘to. Alam ko namang hindi mo ‘ko magugustuhan. At alam kong kapatid lang ang turing mo sa ‘kin. Don’t worry, I won’t force you to like me, too. Gusto ko lang sabihin kasi malay mo, maka-move on agad ako.” Then he look at me with those emotions I couldn’t take anymore.

“I’m sorry, Theo.” Sa maliit na boses ay paumanhin ko.

Tumawa siya. Tawang pinipilit. “Ayos lang, ano ka ba. I confessed because I know where I stand and what you can give to me. Alam kong hindi na hihigit doon. Kaya nga sinabi ko. Pero, sana walang awkwardness? I don’t like that. Ayaw kong pagbalik ni Dane, hindi na tayo marunong makisama sa isa’t isa.”

Tumango ako, “we’re still best friends after this, Theo. Walang magbabago dahil walang babaguhin. Tayo pa rin ‘to. It was hust our feelings, talking.”

“Thank you,” he smiled at me, this time, genuinely.

Nagtagal pa kami roon ng dalawang oras habang paunti-unti lang na umiinom habang nag-uusap ng kung ano-ano. Gaya ng pagka-miss namin kay Dane ngayon dahil ang tagal na niya sa Canada. Hinatid niya ako sa condo, nag-convoy na lang kami dahil may dala akong sariling sasakyan.

Nang makarating sa tapat ng condo ko ay napabuntong hininga ako sabay lapat ng noo sa pinto. I just saw how Theo tried really hard not to show his pain. Alam niya na hindi ko siya magugustuhan nang higit pa sa pagkakaibigan. He took the risk just to confess. Pero kahit naman malaman ko ang nararamdaman niya, hindi naman magbabago ang friendship namin.

Damn. Bakit sa akin pa nangyayari ‘to?

Nailing na lang ako at pumasok na sa loob ng condo para makapagpahinga.

The days, weeks, and months had past and I am now busy with study and sometimes photoshoots. Hindi kami magkapareho ni Blade ng university na pinapasukan kaya naman ang challenging kapag pumupunta ako sa school niya para lang sumilay.

I saw how his face contorted with annoyance when he saw me again in the waiting shed. Nakakapasok ako s auniversity nila kahit na iba ang school ko. Siyempre, may kilala akong dean at kilala rin ako ng guwardiya bilang modelo sa sikat na brand. Kaya hindi na kataka-taka na narito ako, ulit, para makita siya.

Magdadalawang oras na ako rito dahil ang last subject niya ay four to six. Hiningi ko sa kaniya ang schedule niya para malaman ko kung anong oras ako pupunta o kung kailan siya pupuntahan. No’ng una ay galit pa siya dahil sinabi kong liligawan ko siya. Pero sa huli ay sumuko na rin dahil alam namam niyang hindi ko siya titigilan. I smiled and waved at him. Nang makalapit ay hindi niya man lang itinago ang pagkairita sa akin.

“Why are you fucking here, again?” he asked. Paulit-ulit na lang niyang tanong sa akin ‘yan sa araw-araw na narito ako.

“I told you! Liligawan kita.” I smiled widely.

“Fuck,” he curse under his breath as he massage the bridge of his nose. “Umuwi ka na.”

“Nuh-uh. Let’s have a date!” Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya paalis doon.

Pero hindi siya nagpahatak at masamang titig lang ang ginawad sa akin.

“Tara na,” tumingin ako sa paligid ay may napapatingin na sa amin.

Hindi naman ako nahiya dahil wala naman silang dapat pakialam sa amin. I look at him and saw how he looked . . . disgusted on me.

“Umuwi ka na,” umiling agad ako sa sinabi niya.

“Sasabay ako sa ‘yo. Hindi ko dala ang kotse ko.” Binitawan ko siya at humalukipkip.

Pumikit siya. At tila nagpipigil ng galit habang hinihilot ang sentido ngayon. I gave him a fainted smile.

“No. Umuwi ka na. I have something else to do. I have research papers to do. At kasama ko ang mga ka-grupo ko. You shouldn’t be there. So please, go home.” Para siyang tatay na nagpapauwi ng anak sa bahay na gustong sumama sa kaniya pero hindi niya p’wedeng isama.

“Tomorro, then?” tanong ko, nagbabaka sakali.

“I don’t know yet.”

“Text me if . . . you’re already free. I will wait.” I smiled at him.

Siguro ay mapilitan lang siya nang tumango sa akin. Hindi ko naman na inintindi iyon at magpaalam na sa kaniya na uuwi na. Pumara ako ng taxi habang tinatanaw niya sa gate. Nang makapasok sa loob ng taxi ay pumikit ako. Sayang ang pagpunta ko. Sayang pamasahe.

Pero kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na ayos lang na ma-reject niya, sa halos araw-araw, masakit pa rin siyempre. Hindi naman maiiwasang masaktan, ‘di ba?

He’s a snob. Kahit naman sa mga kasama niya sa school. I know he’s not that friendly but I just can’t help but admire him more. Hindi naman ako attracted noon sa mga kagaya niya. Pero iba kasi talaga siya. Parang . . . may nagtutulak sa akin na kilalanin pa siya lalo at magustuhan lalo.

’Yon nga lang, I need to bare with his rough attitude towards me. Mukhang hindi lang naman sa akin siya ganiyan.

“Where have you been?” Mom asked when I got home.

Dumiretso ako rito sa bahay namin, not my condo, because she wants me here.

“May mga dinaanan ako, Mom.” sagot ko at umupo sa couch.

“Your dad’s birthday is nearing, honey. You need to be there. Remember you’re the eldest.” Tumango ako sa sinabi niya. “May go-see nga pala sa sinasabi kong brand sa iyo. Malaki ang offer. You should try. Kilala ko naman ang may-ari kaya for sure makakapasa ka.”

Napaahon ako sa narinig. Mataman ko siyang tinitingnan.

“Mom, baka hindi na kayanin ng oras ko kapag nagdagdag pa ako ng—”

“Just try!”

“Sabi mo, kilala mo ang may-ari, so for sure nga makakapasok ako. Mom, what if hindi na talaga kayanin ng oras ka. I have a lot of workloads, from school and modeling.”

“Fashion Summit lang ito. It will take hust 3–5 days, anak.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi at mataman siyang tinitigan.

Kapag tinanggihan ko siya sa gusto niyang gawin ko, masama na naman ako sa paningin niya. Wala na naman akong kwenta. Suwail. Puro na lang kagustuhan niya ang masusunod.

“Fine,” wala naman na akong choice.

She smiled at me sarcastically. “I’ll call Monica now at sasabihin kong pupunta ka sa go-see bukas.”

Bukas.

Napabuntong hininga ako at umiling. Umalis ako roon at umakyat para makita ang mga kapatid ko. Sembreak nila kaya isinama sila ni Mommy rito sa Manila. Dad’s probably in Cebu City, hindi ‘ata siya makakaalis basta-basta dahil maraming gawain.

“Hi,” I greeted my brothers weakly.

Napatingin sila sa akin at agad na tumayo para sumalubong sa akin.

“Ate! I miss you!” sambit ng bunso namin.

“I miss you,too.” Hinalikan ko sila pareho sa kanilang mga pisngi.

“Dito ka ba matutulog, Ate? Let’s have a sleepover! Let’s watch movies!” Vrix said with enthusiasm.

“Sure!”

Sa kanila na lang ako kumukuha ng lakas sa tuwing napapagod ako. Napapagod sa trabaho at pag-aaral. At siyempre, hindi mawawala ang pagod sa mga magulang ko. Sa mga bagay na gusto nilang gawin ko.

I stayed there overnight. Isinantabi ko lahat ng mga iniisip at lahat ng pagod. Pero minsan ay nasasagi sa isip ko si Blade, kung paano niya ako pinilit na umalis, at kung paano dumadaan ang iritasyon sa kaniyang mga mata kapag nakikita ako.

Ano pa bang dapat kong gawin para masanay na siya sa presensya ko?

“Sa Linggo na ba agad ang uwi niyo?” I asked Vander quietly.

Napalingon siya sa akin at tumango, “you still have classes?” he asked.

Tumango ako, “I have. Pero kapag uwian, didiretso ako rito para mag-bonding tayo. Ipagpapaalam ko kay Mommy na mag-mall tayo some other day. Ibibili ko kayo ng marami, it’s a gift.”

“Thank you, Ate.” Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

Kinabukasan ay maaga akong umuwi sa condo dahil wala akong gaanong damit sa bahay. I just changed last night for a plain white shirt and maong shorts kaya naman kinailangan ko talagang umuwi para magbihis.

Pupuntahan ko ang go-see na sinasabi ni Mommy, hapon pa naman ang klase ko ngayon kaya may oras pa ako. H’wag lang sanang abutin ng hapon ang pila para roon.

Pero hindi ko rin naman inasahan na mapapabilis. Dahil pagkarating ko roon, agad akong pinapasok. Napatingin pa ako sa mga nakapilang modelo roon dahil nakatitig na rin sila sa akin. Because of the . . . special treatment. I sighed.

“Uh, hindi na ba kailangan pumila? I mean—”

“Hindi na, ano ka ba, you’re Veatrice!” Iyon lang ang sinabi niya pero alam mong marami nang kahulugan.

Kumunot ang noo ko at hindi na halos masundan ang mangyari. Ang alam ko lang ay natanggap agad ako. Because of . . . my influence. Because I am known. Kahit na bata pa ako at kilala na agad akong modelo.

I don’t why I am not a bit happy about it, tho. Maybe because something inside me want it to be fair for the other candidates.

Nang ibalita ko iyon kay mommy ay tuwang-tuwa agad siya. Pupunta raw siya sa ramp para panoorin ako. Should I be happy? I should, right? But I couldn’t. I don’t know.

Nakatingin ako sa harap at wala nang rumerehistrong lesson sa utak ko. Hindi ko alam kung ano pa bang masusundan ko nito sa klase. Bahala na lang si batman sa midterm. Siya na lang pagdedesisyonin ko sa buhay ko.

After class, I stayed in the kiosk for an hour. Nagsasagot ako ng mga assignment ko na binigay ng prof. Baka makalimutan ko sagutan mamaya sa condo. At mamaya rin ay inaya akong mag-mall nina Vrix at Vander, kaya paniguradong wala akong ligtas sa dalawang ‘yon. And Blade . . . I know he’ll not look for me if I won’t see him today. He’ll be in favor with that, tho.

He didn’t text me even when I asked him to text me when he will be free. Hinayaan ko na lang. Ilang araw din akong naghintay sa wala sa university nila. Gusto ko lang din naman makasilay sa kaniya lalo na dahil ang gwapo niya sa uniform niya.

I remembered him saying he’ll go to Australia to pursue his course after graduating here. I don’t know why, either. Hindi pa ba sapat na naka-graduate siya rito? Sa isang prestihiyoso at sikat sa unibersidad? O iba ba kapag ipinagpatuloy niya pa sa ibang bansa? O may protocol ba na gano’n? I don’t really know. Kaya siguro hindi kami magma-match na dalawa dahil wala akong alam sa kaniya . . . o kursong kinukuha niya.

Mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa. Pero . . . paano ko mapapatanuyang seryoso ako sa kaniya kung titigil agad ako, ‘di ba? Well, I can just rest from chasing him but I will never stop.

I won’t stop, I’ll just rest. Mentally, physically, and emotionally.

The day passed by so fast. Hindi ko na namalayan na isang linggo na rin ang nakalipas simula nang huli kong makita si Blade. Para bang sobrang tagal na para sa akin kahit pa isang linggo lang. Umuwi na rin sina Mommy, Vrix, at Vander sa Cebu dahil magsisimula na ulit ang klase bukas. And truth to my mother’s words, she really did watched the ramp that weekened. Hindi naman ako kabado kahit pa hindi ako sanay na nariyan siya at nanonood. It was just a normal nervous for me as a model. Nothing else.

Dumiretso ako sa isang expensive restaurant matapos kong ihatid sina Mommy at mga kapatid ko sa airport. Hindi pa ako nagdidinner.

Pinatunog ko ang lock ng sasakyan ko at bumaling na sa daan pero agad ding natigilan nang may makita. Standing meters away from me is Danrev Blade Montillo, with his dark aura, brooding eyes, crossed arms, looking at me intently. I licked my lower lip. Hindi ako handa na makita siya rito ngayon. Bukas ko pa sana siya guguluhin dahil hindi na ako busy ngayong week.

“H-Hi,” I greeted, stuttering.

Hindi siya kumibo kaya naman napawi ang ngiting inihanda ko sa kaniya. Siguro ay iritado pa rin siya sa presensya ko kahit na . . . halos isang linggo naman akong hindi nagpakita sa kaniya. Bakit ganiyan ang tingin niya? Bakit parang galit, iritado . . . nagtatampo? Wala naman akong ginagawa, ah.

“Uh,” tumingin ako sa paligid, naghahanap ng salitang p’wedeng sabihin habang dinadama ang maririin niyang titig sa akin. But I couldn’t find a right word! Bakit ba naman kasi ganiyan ang tingin niya?! “Y-You’re here. H-Hindi ka na ba busy sa . . . research paper niyo?” Am I right? Hindi ba sabi niya no’ng nakaraang kita namin?

Umigting lamang ang panga niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humakbang palapit sa akin.

“’Yan lang ang itatanong mo pagkatapos mong hindi magparamdam — magpakita ng isang linggo sa ‘kin?” I could feel his unreasonable rage in his words.

What?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro