KABANATA 19
Nagising ako nang maramdamang may nakahawak sa aking hita at hinahaplos ‘yon. Gumalaw ako at mas lalong nagsumiksik sa mga unan.
“Mahal…” damn. Such a music to my ears. “Hey, love, it’s already 10am.” Nagmulat ako ng mga mata dahil sa narinig.
“Hmm?” I hummed.
“Breakfast,” he said.
Napasarap ‘ata ang tulog ko dahil tinanghali na ako ng gising. Mabuti na lang at walang pasok ngayon. Dahan-dahan ay bumangon ako. Inalalayan niya ako dahil hanggang ngayon ay inaantok pa ako.
“Ayaw ko sanang gisingin ka pero… alam ko ring nagugutom ka na.” Napanguso ako roon. “I heard your stomach growl,” he chuckled.
“Tsismoso mo,” irap ko na ikinatawa lang niya.
Tumayo ako at pumunta sa banyo.
“I’ll just heat our breakfast,”
“I want pancake, please.”
“Masusunod, kamahalan.” Natawa ako roon at tumuloy na sa pagpasok sa banyo.
Naghilamos lang ako at nag-ayos ng sarili. Lumabas ako ng banyo at naririnig ko mula sa taas ang ginagawa ni Blade sa kusina. Bumaba ako at pumunta roon. Naabutan ko siyang naghahanda nang iluto ang pancake.
“You’re such a husband material,” I blurted out my thoughts.
“Hmm?” He chuckled. “You can eat your breakfast now. I’ll just cook this.”
“No, I’ll wait for you to finish. Sabay na tayo kumain.”
Umupo ako sa highchair at pinagmasdan siya. Nagugutom ako pero gusto ko siyang hintayin para sabay na kaming mag-almusal. He waited for me to wake up, so I should wait for him to finish too.
Matapos ang halos kalahating oras ay natapos na rin siya sa pagluto ng pancake.
“Sorry natagalan,” hingi niya ng pasensya habang inilalapag ang plato na may pancakes.
“It’s fine. Brunch. Good thing at okay na rin for lunch ang niluto mong ulam.”
Umupo siya at nagsimula na kaming kumain. Nagkukuwento ako ng mga naging routine ko sa loob ng isang linggong pag-iwas at pagtanggi sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang guilty ako dahil sa ginawa kong pag-iwas sa kaniya at sa mga panahong hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong mag-explain sa akin ng totoong nangyari. I was drown by my negative thoughts. I was driven by my toxicity as a partner. Yes, I always overthink. I always think about everything as a game in a relationship, kaya sobrang nasaktan ako nang marinig na ako ang ginawang laruan. It was like, the table turned, and I got lost. Dahil seryoso ako sa kaniya.
Mabuti na lang din at binigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag, if not, baka nagtuloy-tuloy lahat ng ‘yon.
Now, I can clearly see how serious he is to me. How… he loves me so much, I can’t even know how that happened to him. He was always annoyed with me before, and now he looks like a puppy serving his owner.
Pinagmamasdan ko siya ngayong namimili ng mga ipang-i-stock niya sa condo niya dahil kaunti na lang raw ang stocks niya. Sumama na ako dahil wala rin naman akong ibang gagawin maghapon.
“Ikaw, wala ka na bang ibang gustong bilhin? Some necessary things perhaps?” he asked me after he noticed me just wandering around.
“Umiling ako. Yaya already bought stocks for us last week. Saka magsasabi sa akin ‘yon once na kaunti na lang ang stocks namin.” He nodded.
Nagpatuloy kami sa pamimili dahil kulang pa raw ang mga pinamili niya. Nakadalawang cart siya. Ako na ang nagtulak sa isa dahil hindi naman din gano’n kahirap iyon itulak. Pumunta kami sa meat section.
“You want to buy chocolates?” he asked me.
“Hindi ko alam. But… I think I need it this week. You know when reviewing. Malapit na finals exam.”
Kumuha ako ng tatlong klase ng chocolates. Bumili din ako ng p’wedeng snacks dahil gusto kong manood ng movies pag-uwi.
Nang makauwi kami ay nagpatulong siya sa mga room boy para magbuhat ng ibang karton. Ang ibang magagaan na plastic ay ako na ang nagdala. Hindi naman na umangal si Blade dahil iyon na lang naman ang naiwan doon.
Nagpasalamat kami sa mga nagbuhat bago ko isinara ang pinto.
Wala na kaming ibang ginawa buong araw kung ‘di ang sulitin ang weekend namin.
“I miss my friends,” biglang sambit ko nang maalala sila. “You know, we used to watch movies and hang out back then. Ngayon… hindi na namin maulit. Theo’s been busy with their business and busy studying, while… Dane’s busy healing herself and keep on fighting. I miss the old times. ‘Yong tipong walang problema at hindi kami magkakahiwalay.” I blurted out my feelings just by reminiscing.
Blade brushed my hair softly. “I know it’s hard for you right now… but maybe someday… you, the three of you, will reunite again after all the hard times you’re facing.”
That day I cried in his arms while telling him how much I miss my friends. How I miss everything that we used to do.
After that tragedy our lives were not the same anymore. Sobrang laki ng pagbabago na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makaahon. Kahit na nag-uusap-usap naman kami online, iba pa rin sa pakiramdam na kaharap mo sila nang personal at nakakakwentuhan. We’re updating each other but not everyday.
Siguro isa na rin ito sa sign ng adulting? ‘Yon nga lang ay ibang paraan ang amin. Sobrang sakit naman nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Dahil iba iyong pinangarap at pinag-usapan naming tatlo noong highschool kami. Ibang-iba itong nararanasan namin ngayon sa pinangarap namin. Akala namin sa iisang university lang kaming tatlo mag-aaral, makakahanap ng bagong kaibigan, at magpaplano ng kinabukasan.
Ngayon… tila naglaho ang lahat ng iyon.
I miss them. So much.
Our days went by so fast. Hindi namalayang bumibilis ang takbo ng oras. Gano’n siguro kapag nakakaramdam ka ng tuwa at galak sa buhay.
I got a lot of projects while still having enough time with Blade.
Na-pressure pa ako sa finals namin. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi pa ako nakakapag-review!
“Bakit tulaley ka na naman diyan?” Kinuhit ako ng manager ko ay napabalik ako sa reyalidad.
“I have a finals exam the day after tomorrow. At hindi pa ako nakakapag-review.” Pabagsak kong sagot sa kaniya.
Natawa siya but at the same time ay nakitaan ko ng lungkot ang kaniyang mata.
“I’m really sorry, Vea. Hindi ko na kasi p’wedeng i-resched itong photoshoot mo dahil packed talaga this month.” I smiled at him sadly.
“It’s fine. I can manage. Mag-rereview na lang siguro ako mamaya, may mga notes naman ako.”
“If only I could tell your mother you already have a lot in your plate, I could. Alam mo nga lang ang ugali ng mommy mo. Ayaw niya rin itong palagpasin dahil malaki at kilalang brand ito. Plus malaki ang TF mo.”
“I don’t care about the TF, though. I really just want to have enough rest. Peace of mind. Without my mom calling me early in the morning just to remind me to go to my shoot and go to a go see.” I said as I close my eyes. I heard him sigh heavily.
I just closed my eyes to rest a bit. Hindi ko pa nare-reply-an si Blade dahil halos wala na akong oras humawak ng cellphone. I know he understands me but I can’t help but feel sad for him waiting for me to have time with him.
Babawi ako once na matapos ako rito. I promise that.
Nang matapos ako sa photoshoot ko ay agad akong umuwi para makapagpahinga. I called Blade but it was just a quick call dahil nagpaalam na rin akong magpapahinga.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para lang mag-review kahit kaunti. Sa Monday ay exam na namin. Ngayon lang ang oras ko para mag-review. After reviewing I did a quick exercise and prepare again for today’s last shoot.
Napahinga ako nang malalim nang mabasa ang mensahe ni Blade sa akin.
From: Blade
Papunta na ako sa condo mo. I’ll drive you to your shoot today. I’m free the whole day.
To: Blade
Alright, I’ll wait for you, then. Ingat sa pagmamaneho.
Malalim akong napababuntong-hininga bago umupo sa couch para hintayin siya. Pumikit ako saglit habang inaalala ang mga ni-review ko.
Hindi ko namalayang nakatulog ako, kung hindi ko pa narinig ang doorbell ay hindi ako magigising. Tumayo ako at binuksan ang pinto. I immediately smiled when I saw who it was. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit at nilanghap ang panlalaking pabango niya.
Damn. I really love his warmth.
“Did you eat breakfast?” He asked while combing my hair softly.
Tumango ako kahit na hindi naman talaga. I have a shoot today. Lagi naman akong hindi kumakain nang matino kapag may shoot ako. Lalo na kapag may rampa. Hindi p’wedeng kumain ng marami. I’m tired but… I can’t quit yet. I love what I am doing. I am still earning my name.
“Let’s go?”
Tumango ako at kinuha ang bag ko. Kinuha niya sa akin ‘yon at siya na ang nagdala no’n.
I don’t know but I feel extra energetic today kahit na ramdam ko ang pagod at antok. Maybe because Blade is here?
“That’s great! Alright, let’s wrap it up!” Ngumiti ako at umalis doon para puntahan si Blade na kanina pa nakamasid at nanonood sa akin.
Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap.
“You did great,” he whispered that made me smile even wider.
Oh, to have someone to make me flutter and tell me I did great. And not scold me for being too stiff while posing.
“Is this your last photoshoot?” he asked. He held my hand as I look down to him.
Tumango ako. “Sa Thursday na ang next shoot ko since may exam ako.”
“That’s good to know. Makakapagpahinga ka rin. I was worried because you’re too busy this week.” I smiled at him. “Nakapag-review ka na ba?”
“Isang subject pa lang.” Nakangusong sagot ko.
“Do you wan me to help you?” he offered.
“Please…” I said cutely.
He chuckled. “Alright. I will help you later.”
Isang oras pa ang tinagal namin doon dahil kinausap pa ako ng manager ko. Nang matapos sa pag-uusap ay binalikan ko si Blade sa dressing room ko. Nakatingin lang siya sa cellphone niya nang pumasok ako roon. He was busy looking at something.
Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tingnan ang cellphone niya. Tumalon ang puso ko sa nakita. He’s looking at my pictures he took earlier! Hindi ko ‘yon napansin, ah?
“Don’t stare at my picture too much.” Napatalon siya nang magsalita ako.
“Don’t scare me like that!” natawa ako sa reaksyon niya. Umiling siya at bigla akong hinapit sa beywang dahilan para mapalapit ako lalo sa kaniya.
Tumatawa pa rin ako nang bigla niyang abutin ang batok ko at hagilapin ang aking labi. Doon lamang ako natahimik. Mabilis kong tinugon ang halik niya.
Damn I miss this man!
Halos malunod ako sa halik niyang unti-unti na ring lumalalim habang tumatagal. Napakapit na ako sa kaniyang balikat nang mahigpit dahil pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng balanse dahil sa pagkalunod sa kaniyang mga halik.
Kung wala lang kumatok sa pinto ay baka hindi na kami natigil at mas lalo pang nagpakalunod sa halikan namin. Ako ang unang kumalas sa halik dahil sunod-sunod ang tawag at mukhang isa sa mga assistant ng manager ko ang tumatawag sa labas.
“Blade, may tumatawag sa akin sa labas. Wait lang,” sambit ko dahil bumaba ang halik niya sa aking leeg.
Tila natauhan siya roon kaya dahan-dahan din siyang lumayo sa akin pero kita pa rin ang pananabik at pagkalunod niya dahil sa pamumungay ng kaniyang mga mata.
Mabilis kong inayos ang sarili at pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sino man iyon.
“Yes?” I tried to act normal as possible as I could.
“Miss Vea, hinahanap ka po ng mommy mo.” Parang umakyat ang dugo ko sa aking mukha nang marinig ang sinabi ng isang staff.
“W-What?” I asked in disbelief.
“Ah, iyan na po pala siya, Miss.” Nag-angat ako ng tingin doon at nakita ko nga si Mommy na papalapit sa dressing room ko.
Marahas akong napalunok dahil doon. No. This is a bad timing. I… I am not ready yet.
“M-Mom,” bulalas ko nang makalapit na siya.
“Hi, darling!” she gave me a cute wave while walking towards my direction.
“B-Bakit po kayo narito?” tanong ko sa kinakabahang boses.
“Napadaan lang. May pinuntahan kasi akong kaibigan at naalala kong may shoot ka so I visited you here.” Sinipat niya ako. “What’s with your face? You look like you just saw a ghost.”
“N-Nothing, Mom.”
“Are you afraid about your shots? Don’t worry, darling, I saw it already and I’m satisfied with everything.”
“Thank you, Mom.” I smiled awkwardly.
“Let enter. Magpapahinga lang ako saglit bago umalis since mamaya pa ang flight ko pauwi.”
Gusto ko siyang pigilan pero huli na ang lahat dahil marahan niya akong hinawi at binuksan ang pinto.
“Mom,” tawag ko sa kaniya pero huli na ang lahat dahil nakapasok na siya sa loob.
Napakagat ako sa labi nang maabutan namin si Blade na inaayos ang gamit ko dahilan nang bahagyang pagkatigil ni Mommy sa pagpasok.
“Oh, who is he? And why is he inside your dressing room, Veatrice?” Mom asked curiously but I heard a hint of accusation in his voice.
“Good afternoon, ma’am—”
“He’s one of the staffs here, Mom.” Pinanlakihan ko ng mata si Blade while he narrowed his eyes on me, pissed.
“Oh, could you please leave us alone here first? My daughter’s going to change.” Walang nagawa si Blade kung hindi ang sumunod.
I guiltily look at him but he take his eyes off me.
Malungkot akong nagbihis. Ilang sandali akong nanatili sa banyo at pumikit nang mariin. Tiningnan ko ang cellphone ko nang tumunog ‘yon. Mabuti na lang at kinuha ko ‘yon.
From: Blade
I’m at the basement. Dito na lang ba kita hihintayin o sabay kayong uuwi ng mommy mo?
I sighed before replying.
To: Blade
Sabay tayo uuwi. Mauuna si mommy dahil babalik agad siyang Cebu mamaya.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng banyo. Naabutan ko si Mommy na kausap na ang manager ko. Maya-maya rin ay nagpaalam si Mommy na aalis na. I kissed her cheeks and bid her goodbye.
“Oh my gosh, Vea! I didn’t know your mom will come here!” my manager said, panicky.
“I was shocked, too. Hindi ko inasahang pupunta siya ng Manila ngayong araw. Hindi siya nagsabi sa akin.” Umiling ako.
“She asked about…”
Napatingin ako sa kaniya. “What did she asked?”
“Nagtanong kung… staff ba talaga rito si Blade. She doesn’t know about him? And his background?” he asked curiously.
Umiling ako. “She doesn’t even know our relationship. I’m afraid she’ll not approve of us.” Malungkot kong sambit.
“I’m sorry. Don’t worry. I told her Blade’s our new staff here. Nahirapan pa ako magsinungaling. Jusko. Anak ng multi-billionaire ginawa lang nating staff dito? Jusko ‘di ba?!” Natawa ako roon.
I’m guilty of denying him, though. He doesn’t deserve that.
Nagtagal muna ako roon ng ilan pang minuto bago nagpaalam na uuwi na. I’m afraid Mom’s still at the basement, though. Baka makita niya kami ni Blade.
Bagsak ang balikat kong bumaba sa basement at hinanap ang sasakyan niya. Nang makita ko siya roong nakasandal at mukhang malalim ang iniisip, mas lalo akong kinabahan at na-guilty. I don’t know how to explain to him. O kung mauunawaan niya ba ako.
Pero nilakasan ko ang loob ko at naglakad palapit sa kaniya. Napansin niya agad ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. His cold and emotionless eyes held mine. I gulped. I bit my lower lip and slowly walk towards his direction.
“I’m sorry…” paunang bungad ko.
“Just get in,” he said coldly.
I know I’m at fault this time. Tanggap ko naman kung magagalit siya. Denying him is such… an unacceptable thing.
Nanubig ang gilid ng aking mata at hindi na makatingin sa kaniya. Umiigting ang panga niya at magkasalubong ang mga kilay na para bang anytime ay hindi niya makokontrol ang emosyon niya. I understand.
“I’m sorry… h-hindi ko kasi alam kung ano’ng sasabihin kay mommy—”
“You denied me in front of your mother…” iling niya. Tila dismayado.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro