KABANATA 16
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Hanggang sa tumingala ako sa isang gusali… kung saan alam kong may bukas na bar sa ganitong oras. Maaga pa. Tiningnan ko ang aking relo at nakitang ala-una pa lang at paniguradong kaunti pa lang ang pumupunta sa lugar na ito sa ganitong oras.
“Too early to be broken,” I whispered to myself before entering the premises.
Huminga ako nang malalim nang bumukas ang elevator at nasa tamang palapag na ako. Hindi nga ako nagkamali at kakaunti pa lang ang taong nag-iinom doon. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto kahit na may mga bakanteng upuan naman. I chose to rent a VIP room for myself. Ayaw kong may makapansin sa akin doon. At kung makatulog man ay ayos lang dahil may room.
“This way, ma’am.” The waiter said before guiding me to one of the VIPs here. Pumasok ako roon at agad na um-order.
“I don’t know some specific liquor, but… can you give me three different hard liquor?” halata ang gulat sa mukha ng waiter pero tumango lang din nang makitang seryoso naman ako sa order ko.
I actually don’t look like a teenager, or a nineteen-year-old girl, because of my appearance and my long legs. I look like a full grown woman. Kaya madalas ay hindi na rin napapansin o nagtatanong kung ilang taon na ako. And because of the industry I am in, I knew how to dress up like other woman do. Simple lang ang suot ko pero hindi ako mapagkakamalang bata.
Nang mailapag ang order ko ay agad akong nagsalin no’n sa aking baso. Pagkalagok ko ay agad na bumalatay ang hapdi at anghang ng alak na ‘yon sa lalamunan ko.
But I still couldn’t forget what I’ve heard earlier. Pabalik-balik sa isipan ko lahat ng narinig ko.
Is that true? I was just a bet?
Pero… mukhang wala naman sa hitsura ni Blade na mangloloko siya ng babaeng… kagaya ko.
And Ranjay… magsasalita ba siya ng gano’n kung hindi niya talaga alam o hindi narinig? Hindi man lang itinanggi ni Blade ang sinabi nito. He was just silent and listening to whatever Ranjay’s saying.
I feel like it’s all true. That… I was just a bet.
Masyado ba akong tanga? Masyado ba akong desperada sa mga pinaggagawa ko? Para lang mapansin niya, ako na ang nanligaw. Para lang mapagbigyan niya, ako na ang nag-aaya sa kaniya ng date. Which is really weird, for me as a girl to court a guy, to ask him out, to desperately wait for him outside his school, to still pushed myself to him even if he doesn’t like me, that he’s always ignoring me.
Bakit nga ba ngayon ko lang napagtanto na… parang ang bilis nga naman. Na sa kabila ng mga ginawa ko sa ilang buwan, isang linggo lang akong hindi nagpakita sa kaniya no’n, biglang nagbago ang ihip ng hangin. He courted me.
“Ang tanga mo, Veatrice. Nauto ka.” I chuckled to myself. “Lagi ka na lang talo sa mga lalaki. Lagi ka na lang… naloloko.” Umiling ako at uminom muli.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako roon, ang alam ko lang ay nakadalawang bote na ako ng alak. Medyo malalaki ‘yon pero naubos ko. Nasa pangatlong bote na ako at mulat na mulat pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero natutulala ako at iniisip ang lahat.
He doesn’t like me. He clearly said that to me from the very beginning. He said I’m not his type. Madaldal, maingay, makulit, modelo, maarte. After what I have said to him… sinabi ko na lahat sa kaniya, pero ganito pa rin ang kinalabasan: talo pa rin ako.
Huminga ako ng malalim at nakita ang pag-ilaw ng cellphone kong nakalapag sa ibabaw ng table. It’s his nth time call now. Wala akong sinagot sa mga tawag niya. I even read his message, pero hindi ako nag-reply. I let him do that.
Nakakapagod.
May problema akong kinakaharap sa maaaring pagpapakasal naming dalawa ni Ajax, tapos may sumunod na naman.
O baka naman… sign na ‘to para tumigil agad? Sumuko agad sa relasyon namin? Totoo ba itong relasyon namin para sa kaniya o para sa akin lang? Tinuturing ba niya akong girlfriend niya o hindi?
Nakayuko na ako sa lamesa ngayon, nang magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos magmuni-muni. Nakalahati ko na ang pangatlong bote. Sobrang lakas pala nito?
“Veatrice…” I blank minded open my eyes and look up, just to see who called me.
And there. I saw him looking angry and worried at me at the same time. I narrowed my eyes on him. Why is he here? Anong oras na ba?
Umahon ako mula sa pagkakayupyop sa lamesa at tiningnan ang pambisig na relo at nakitang alas otso na ng gabi. Ang tagal ko na pala rito. Hindi ko namalayan ang oras. I passed out earlier. I probably slept for hours after finishing two and a half bottles.
Magsasalin pa sana ulit ako ng panibagong alak sa bote nang may biglang umagaw ng bote sa akin. Kunot-noo kong binalingan ‘yon. I glared at him whose looking at me with anger now.
“Give it back to me, I paid for it. Uubusin ko kasi sayang!” tumaas ang tono ng boses ko sa huling sinabi nang sinubukan kong kunin ‘yon sa kaniya at ilayo niya ‘yon sa akin.
“Why are you drinking? You… you fucking drank two bottles already. It’s a hard liquor! Ano ba’ng iniisip mo at naglalasing ka rito mag-isa?!” his voice boomed all over the room.
Parang nabuhay ang sistema ko sa sigaw niya. Anger boiled within me but I stayed calm.
“Wala lang. I missed drinking. So give it to me.” Mataray kong inabot ang bote pero mabilis niyang iniwas ‘yon dahilan ng pagkakabitaw niya roon. Nahulog ‘yon at nabasag. “What the fuck?! That’s expensive!” sigaw ko sa kaniya at tumayo na dahil sa galit.
“I don’t fucking care how much it cost. Ang tanong ko ay bakit ka naglalasing? What’s the matter? You’re not answering my calls. Pumunta ako sa condo mo kanina, pero ang sabi ng yaya mo, kaninang alas onse ka pa umalis doon. Where have you been? Were you here the whole time? At anong oras na… ni hindi mo man lang ako sinabihang aalis ka ng condo mo at pupunta rito.” His voice broke when he saw how angry I am.
“What do you care? Pinakialaman ba kita sa buhay mo? Hindi naman, ‘di ba?” I probably look so damn stupid saying this. “At saka… bakit ka ba nandito?”
“I am worried about you! Tapos iyan ang itatanong mo sa akin?!”
“Don’t you fucking shout at me, Danrev Blade!” sigaw ko sa kaniya habang tinuturo siya.
His face softened. Huminga siya ng malalim bago ako bahagyang nilapitan. Hindi na ako makaatras dahil sofa na ang nasa likod ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil ramdam ko ang mariin niyang titig na halos dumidiin na sa pagkatao ko.
“Let’s go home, please. You’re… you’re already drunk. Hindi ka man lang kumain. Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Ang mga text ko. Why? Do we have a problem? Let’s talk it out, please. We won’t solve anything if we’ll run from it. Let’s talk.” He said in a soothing voice. He sighed when he reached for my hand.
“I don’t want to talk bullshit with you, Blade.” Mariin kong sambit habang matalim ang tingin sa kaniya.
Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko kaya hindi agad siya nakapag-react. He was stunned at my words.
“Let’s break up,” I bravely said.
His eyes widened in a fraction. Nabitawan niya ang kamay kong hawak niya at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. I saw fear in his eyes, disappointment, and an emotion I couldn’t read.
“What?” he asked, couldn’t believe of what I said.
I arched a brow, bravely having an eye contact with him. “Let’s end this fucking relationship we have.” I said between gritting teeth.
He scoffed. His eyes were now bloodshot. He gritted his teeth before shaking his head, not wanting to believe me. “You’re kidding me. Are you fucking playing with me, Veatrice? What is this, huh? Bakit bigla kang magdedesisyon? We were okay this morning! Ano’ng nangyari at… why are you breaking up with me this sudden?” I look at his eyes.
“I want… to end this relationship now, Blade…” mataman kong sambit. “Ayaw ko na,” nanghihinang bulong ko at nagbaba ng tingin.
I bit my lower lip when he stepped forward. We’re now just inches away from each other.
“What’s the matter? Tell me. Give me a good reason why you’re breaking up with me. Hindi ako makikipaghiwalay sa ‘yo hangga’t hindi mo ‘ko nabibigyan ng magandang rason, Veatrice.”
Umiling ako, hinid makahanap ng magandang salita. Nahihilo na ako sa pagkalasing at sa pagtaas ng boses kanina. Nangingilid ang luha ko at hindi na makatingin sa kaniya ngayon dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.
“Then we’re not breaking up. I’ll give you space for you think, to sort out your feelings. I’ll give you a week. After that… we’ll talk. At bibigyan mo ‘ko ng magandang rason. For now… I want you to rest. Ihahatid kita sa condo mo.” He said in a dismissive tone. Na para bang gusto na niyang tapusin na ang usapang ito at pauwiin na ako.
Doon tumulo ang luha ko. Hindi ko alam pero sobrang sakit ng nararamdaman ko. Simula kagabi ay hindi ko nailabas ito. Simula kagabi ay kinimkim ko ito. I heard him sigh and then I felt his warm embrace on me.
“I’m sorry if I sound so desperate for your reason. I just don’t want our relationship to end like this.” He muttered a curse before tightening his embrace on me. He buried his face on my neck. “Damn. I don’t want to lose you, baby. I don’t know how and when I felt this… but fuck, I love you.” I stilled at his words.
Hindi ko alam kung bakit parang biglang nabuhay ang katawan ko sa narinig. Parang nawala ang pagkalasing ko at gustong makita ang mukha niya para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. I don’t want to be fool again. I don’t want to be hurt by him. Kung hindi naman sana totoo ang salitang iyon… sana huwag na niyang iparinig sa akin. Ayaw kong umasa. Please.
Pero lumipas na ang ilang minuto at nanatili siya sa ganoong posisyon nang hindi binabawi ang sinabi niya sa akin.
I got stunned and couldn’t talk. Hindi siguro ako makakatapos ng salita nang hindi binibigkas ang mga narinig kanina sa gym. Hindi ko alam kung masasabi ko ba iyon nang hindi nagagalit at humahagulgol sa pag-iyak.
“I don’t want to lose you. I… I want you to stay with me. Please… don’t… don’t break up with me.” Nanghina ako at hindi agad nakasagot. Naghintay siya pero dahil sa pagod sa pag-iyak, sa alak na nainom, sa lahat… I passed out in his arms without telling him my thoughts.
Nagising na lamang ako nang maramdaman ang pagbuhat sa akin ni Blade palabas ng kaniyang sasakyan. Hindi ko alam pero bahagya akong nahimasmasan sa kaunting pagkakatulog. Pamilyar na basement ang nakita ko. We’re in my condo tower. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pagkadismaya sa kaalamang hinatid niya ako sa condo ko kahit na alam ko namang dito niya talaga ako ihahatid gaya ng sinabi niya kanina sa akin.
Nang mapansin niyang gising ako ay bumaba ang tingin niya sa akin. Hindi ako gumalaw pero humigpit ang hawak niya sa akin. Umigting ang panga niya at ibinalik ang tingin sa harap. Hanggang sa nakarating kami sa tamang palapag at sa tapat ng unit ko ay gano’n pa rin siya. May halong galit at katigasan ang ekspresyon at mata.
Nag-doorbell siya at agad naman iyong binuksan ni Yaya.
“Naku, Veatrice! Ano’ng nangyari?” Yaya asked worriedly.
“Naglasing po. Sorry po. Hindi niya ako kasama kanina nang pumunta siya sa bar,” ani Blade na inaako ang paglalasing ko.
Napanguso ako.
“Naku, mabuti naman at ikaw ang nag-uwi. Noon kasi kapag nalalasing siya, kung hindi si Theo na kaibigan niya ay ibang lalaki ang naghahatid. Nag-aalala pa naman ako rito at baka mapaano.” Si Yaya na kulang na lang ay isumbong kay Blade lahat ng kabulastugan ko simula nang mag-eighteen ako at mapadpad dito sa Manila.
Humigpit muli ang hawak sa akin ni Blade dahil doon. Mas lalo kong idiniin ang pagkakapikit at kulang na lang ay isiksik ko ang mukha sa dibdib o leeg niya sa kahihiyan.
“Pahingi na lang po ng isang basong tubig para sa kaniya. Dadalhin ko na po siya sa kuwarto niya.” Agad namangtumalima si Yaya at dumiretso na si Blade sa kuwarto ko.
Tahimik lang ako hanggang sa mailapag niya sa kama ko. Bahagya akong nagmulat ng mata kahit na natatalo pa rin ng antok at pagkalasing. Pumasok si Yaya para sa isang basong tubig. Nagpasalamat si Blade doon. Dahan-dahan akong tumayo para pumunta sa banyo dahil nasusuka ako.
“Drink this first,” he said before giving me the glass of water. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Na para bang sa kabila ng galit at sakit ay nanunuyo pa rin siya sa akin. Tila gusto pa rin akong paamuhin.
I glared at him before accepting the glass of water.
“We’re already done. You can now and feel free to do whatever you want to do.” I rolled my eyes making me feel more dizzy.
“Like what I said, I will just break up to you once you provide a good valid reason why you’re ending this relationship. Dahil sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginagawang masama o hindi mo gusto para makipaghiwalay sa akin sa ganitong paraan at sa ganito kabilis.” Mataman niyangsambit na para bang hindi ko talaga siya mapapapayag sa gusto ko.
“Just leave me alone, Blade. Sige na.” he sighed heavily.
Tumango siya. “Alright… but I am not breaking up with you.” Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Hindi ako nanlaban at hinayaan siya.
Lumabas siya ng kuwarto ko habang ako ay nanatiling tulala. Pinoproseso ko ang lahat ng mga nangyari, lahat ng mga sinabi ko, at lahat ng mga emosyong nakita ko sa kaniyang mga mata.
Did I really broke up with him?
Yes, I did. I said it in front of him bravely. I told him we’re done. I broke up with him without inhibitions.
Tama naman siguro ang ginawa ko, ‘no? Kaysa naman sa huli ay ako lang din ang lulugmok dahil kahit na alam ko ang totoo ay nagpatuloy ako dahil mahal ko siya. Fuck. I just told him I love him. Then this?
But he told me he loves me.
Was that true, anyway? O baka isa ring kasinungalingan?
Pero… why the need to lie to me when he can just reject me all the fucking time I try to get him. Was this his technique to win on that bet Ranjay is talking?
What a jerk. Fucking jerk!
Naligo ako at nagbihis kahit na sobrang nahihilo at inaantok na. Pagkalabas ay dumiretso ako sa kama at natulog na.
Kinabukasan ay agad akong nagising sa sakit ng ulo ko at sa alarm ko. Nakita kong alas siyete na pala ng umaga.
“Damn! I have class!” mabilis akong tumayo, hindi alintana ang sakit ng ulo.
Naligo at nagbihis ng uniform, lumabas at nagpatuyo ng buhok. Naglagay lang ako ng simpleng make-up at hinayaang bumagsak ang natural kong buhok. Hindi ko na ‘yon inayos dahil male-late na ako.
Lumabas ako ng kuwarto at naabutan si Yaya na naghahanda ng almusal ko.
“Oh, aalis ka na?” tanong niya nang makitang nilagpasan ko ang breakfast table kung saan niya nilalapag ang almusal ko.
Sumimangot ako, “male-late na ako, Ya. May kailangan din kasi akong asikasuhin sa org namin kaya kailangan kong magmadali,” sambit ko habang naglalakad papunta sa pintuan.
“Gamot sa hangover?” tanong niya at inabutan ako ng dalawang advil.
Ngumiti ako, “salamat!” umalis ako roon at mabilis na dumiretso sa elevator.
Mabilis lang din akong nakarating sa school. Pinark ko ang kotse at nagmadaling pumunta muna sa room ng org namin dahil paniguradong late na ako sa meeting. Hindi nga ako nagkamali.
That was my usual day everyday. I feel like I was back to zero. Well, kaysa naman sa ipilit ko pa ang sarili ko sa taong ayaw naman talaga sa akin, ‘di ba? I need to learn from that. Not all people would like me. May mga tao talagang aayaw sa ‘yo kahit na anong ganda at bait mo. And it’s fine. I’m not born to please everyone.
I got busy with the clubhouse. I’ve been trying to make myself busy. Kahit sa condo ay ginagawa ko ang mga dapat ay gagawin ko kinabukasan pa para lang hindi ako matulala at maalala ang mga nangyari noong nakaraan.
Intramurals na sa Sabado, kaya paniguradong magiging abala talaga ako. Though I invited him last week… I’m sure he’s not coming with me.
Ano na kaya ang ginagawa niya?
Napabuntong hininga ako at ipinilig ang ulo dahil sa naiisip.
“Hoy, girl. Kain na. Tama na ‘yang paglalagay ng design. Magpahinga ka rin. Ihahanda mo pa ‘yang camera mo, oh.” Napabaling ako kay Luzy nang kalabitin niya ako habang ako’y nakaupo sa isang monoblock at naggugupit ng pang-decorate.
Ngumiti ako, “hindi pa naman ako nagugutom.”
“Hala siya. Ateng baka magulat na lang kami bumulagta ka na sa sahig dahil sa pagpapalipas ng gutom. Simula noong Lunes ganiyan ka!” aniya na hindi ko na lang pinansin.
I just smiled and shook my head. “Ayos lang ako. Hindi pa naman din ako nagugutom.”
“Dalhan na lang kita ng pagkain dito. Bilhan kita, kahit ‘di mo na bayaran basta kainin mo.”
With that, she left me there alone. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa ginagawa. Wala naman din akong ibang ginawa roon kung ‘di ang maggupit at tingnan ang ibang natapos nang gawain. Then I looked at my phone.
He never texted me after that night. I don’t know if he’s true to his words that he’ll just give me a week of space, then we’ll talk or he finally accepted that we’re already over. It’s been… four days. I haven’t seen him… talked to him… Damn. I really miss him already.
I wanna talk to him about what I heard, but I’m afraid I will know the truth… that it’s true he’s just playing with me.
After class ay dumiretso ako sa isang cafeteria hindi kalayuan sa school ni Blade. Dito kami madalas noon, at ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Hindi ko naman alam kung pumupunta rito si Blade.
Umupo ako sa hindi kalayuan at humigop sa frappe na in-order. I looked outside and space out.
“Can I sit here, miss?” a voice made me get back to reality.
I frowned and looked around to see if there’s a vacant, and when I see nothing, I nodded and let him sit in front of me.
“You’re the model from the teen magazine, right?” the guy in front asked.
Tumaas ang kilay ko.
He smiled. “I recognized you. Veatrice Gomez?” tumango lamang ako. “You’re prettier in person.”
“Thanks,”
“But a bit cold…” umirap ako.
“I’m not in the mood to be friendly here.” I said a bit annoyed.
“I understand. Not all the time we’re in good mood.” He said, agreeing with me.
Nagpatuloy siya sa pagdaldal habang ako naman ay nanatiling tahimik at tumatango lang kapag gusto. Pero mas gusto kong manahimik na lang. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako umaalis doon. Hanggang sa…
“Wesley,” a baritone voice filled my ears. At parang trigger iyon sa kalamnan ko na bigla na lang nabuhay at agad na sumigla. “You’re talking too much to my girlfriend,” Blade stood beside me.
Nag-angat ako ng tingin at agad na nagtama ang tingin naming dalawa. Agad na kumalabog ang dibdib ko at naramdaman ang pagkapanabik sa kaniyang mga mata… sa kaniyang presensya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro