KABANATA 5
Natulala ako habang nasa loob ng elevator kasama siya. Hindi na niya ulit ako binalingan ng tingin dahil abala siya sa kausap niya sa kaniyang cellphone, paniguradong tungkol 'yon sa trabaho niya. He's now an architect himself. He's now too successful and hard to reach.
Why is he here, by the way? And what is he doing here this early? Is he working here?
Napaangat ang tingin ko nang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang dalawang empleyado sa loob.
"Good morning, Architect." Bati nila sa lalaki. Hindi nakaligtas sa akin ang naharot nilang tinig nang batiin nila si Cyrus.
Kilala siya rito. Dito ba siya nagtatrabaho? Dito ba siya nakabase ngayon? I thought he's been accepting overseas projects? At hindi ko talaga inaasahang makikita ko siya rito! Ngayong unang araw ko pa mismo rito sa kumpanyang ito!
Stop it, Mio, nakamove on ka na, 'di ba? Nakalimutan mo na siya sa tulong ni Sherwin. And for Pete's sake, Mio! You have a boyfriend! Stop it!
Tumunog ang elevator at lumabas ang dalawang babaeng empleyado. Nagawa pa nilang magpaalam kay Cyrus bago tuluyang suamara ang pinto. Naiwan na naman kaming dalawa ni Cyrus sa loob. Napatikhim ako nang wala sa oras nang bigla siyang umatras para makapantay ako sa likod. Hindi ako nangahas na tumingin sa kaniya. Hindi dahil hindi ko kaya, kung 'di dahil mas lalo akong kiankabahan. Lalo na nang mapagtanto ko ang distansya naming dalawa. Malaki ang elevator pero parang sumikip 'yon para sa aming dalawa ngayon.
Napansin ko pang parang ang bagal ng oras at ang tagal makapunta sa 20th floor. Nainip ako bigla dahil sa presensya niya sa tabi ko. Huminga ako nang malalim nang makitang isang palapag na lang ay makakalabas na ako dito.
"Atat lumabas," napabaling ako kay Cyrus nang sabihin niya 'yon. Pabulong man pero alam kong sinadya niyang iparinig sa akin 'yon.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na siya pinatulan pa. Kasabay no'n ay ang pagtunog ng elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Naglakad na ako palabras nang bumukas ang pinto ng elevator pero napatigil rin ako sa tapat ng pinto nang marinig ko ang sinabi niya.
"Nice to see you again, Miss Crush." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon.
Pero nang lingunin ko siya ay kasabay ng pagsara ng pinto ng elevator. Ngunit nakita ko pa ang nakakaakit niyang ngisi na sumilay sa kaniyang mga labi. Halos mapugto ang hininga ko dahil doon. PInakalma ko tuloy muna ang sarili ko bago nagpatuloy sa paglalakad sa lobby ng 20th floor. Sinalubong pa ako ng Finance Head sa reception at magiliw na iginiya sa loob ng magiging opisina namin. Kasama ko ang iba pang nakapasa sa interview last time. At hindi ko pa inasahang kasama roon si Jarah na nakangisi sa akin.
Agad akong lumapit sa direksyon niya habang nagbi-briefing ang Finance Head sa harap namin. Mas lumapad ang ngisi niya nang lumapit ako sa gawi niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil hindi ko siya inaasahan dito! Sandy is now working abroad, mas pinili niyang magtrabaho roon kaysa dito sa Pilipinas. We're not communicating that much because we are all too busy with our works and our own lives.
"Bakit ka narito?" pasimpleng bulong ko sa kaniya.
Ngumisi siya pero nasa harap ang tingin, "kasi nag-apply ako tapos nakapasa sa interview. And voila. I'm here now." She even chuckled nonchalantly but silently.
I look at her and narrowed my eyes on her while still listening to our Head. She's explaining something about what we will do as we work here. Kahit pa pamilyar na ako sa mga sinasabi ito ay nakinig pa rin ako. After that briefing she guide us towards our new cubicle.
"This one is for you, Ms. Gaila. And the one beside you is Ms. Flores." Mas lumapad ang ngisi ni Jarah dahil magkatabi kaming dalawa ng cubicle. "I will come back here later to give you your first work." Tumango kaming pareho sa sinabi ng head naming. "You better arrange your tables now." she said then guide the others to their cubicles.
Natawa bigla si Jarah nang mahina pagkaalis ng babae. Nasa bandang dulo na kaming dalawa pero may mga kasamahan pa naman kami rito. Binalingan ko siya ng nakakunot ang noo, nagtataka dahil natatawa na naman siya. Kanina pa 'yan.
"Bakit ka tumatawa?" takang tanong ko sa kaniya dahilan para matawa na naman siya.
"Bakit ka narito JC Real Estate?" nanunudyong sambit niya na mas lalo kong ikinagulo.
"Para magtrabaho." Simpleng sagot ko sa kaniya dahil 'yon naman ang totoo. Ano pa ba ang iniisip niya?
"Hindi ba dahil narito si Cyrus mo?" bulong niya bago umupo sa kaniyang swivel chair.
Nagsalubong ang mga kilay ko habang iniisip 'yon. Nakita ko nga si Cyrus kanina sa elevator. Bakit, ditto ba 'yon nagtatrabaho?
"Dito ba siya nagtatrabaho?" kuryosong tingin ang iginawad ko sa kaniya dahil hindi ko talaga siya maintindihan.
"You really don't have an idea? This company is owned by him. A businessman slash architect. JC Salazar Real Estate, Mio. Jian Cyrus Salazar Real Estate." She said, enlightening my mind.
"I. . . I don't know. I didn't know that this company is his." Napalunok ako at napakagat sa pang-ibabang labi nang may mapagtanto.
Kaya pala pamilyar ang company name. Dahil nga pinilit kong kalimutan siya ay pati ang company name nakaligtaan kong isipin. I'm kinda mad at him because of his rejection that's why. . . I really forced myself to forget him.
Natapos ang araw na 'yon na sobrang okupado ako. Ng trabaho at ng isiping si Cyrus ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Should I backout to save myself? Should I leave because. . . he's here? He rejected me before. But I matured, right? I know better now. I should stay away from him. I should keep this job because this is a big company. Hindi ko dapat ito sinasayang. Kailangan ko rin naman siyang iwasan na dahil matagal naman na simula nang mangyari 'yon. At isa pa, nakakhiya 'yon. Nakakahiya na ngang mukhang naalala niya ako kanina.
Hindi ko na 'yon ikinuwento kay Sherwin dahil mas lalo lang talaga akong magi-guilty. But I don't know, he's turning cold to me, too. Kagaya ngayon, pagkatapos niyang mangumusta tungkol sa unang araw ko sa trabaho ay nagpaalam na siyang matututlog. Usually ay tumatawag pa siya hanggang sa makaramdam na ako ng antok. Pero iba ngayon. Ibang-iba. At hindi ako sanay nang gano'n. Pakiramdam ko ay ako talaga ang sanhi nitong lahat. Nagiging magulo na ang isipan ko.
Kinabukasan ay pumasok ako na may kaba sa dibdib. Pakiramdam ko ay makakasalubong ko na naman si Cyrus kahit alam kong. . . malabo dahil mukhang nagkataon lang na nagkita kami sa elevator kahapon. Kahit medyo kabado ako ay naglakas loob pa rin ako. Kailangan ko ang trabahong ito para sa sarili ko, hindi ako p'wedeng magpaapekto nang basta lang dahil ako lang rin naman ang matatalo kung sakali. Pagdating ko sa cubicle ko ay naging abala agad ako sa trabaho ko dahil ko naman 'yon natapos kahapon. Halos mawili pa ako sa trabaho ko na halos makalimutan ko ang tanghalian. Kung hindi lang ako kinalabit ni Jarah kumain ay hindi ako tatayo.
"Mamaya mo na tapusin 'yan. Hindi pa naman daw kailangan sabi ni Mrs. Espenilla, e." ani Jarah ikinatango ko na lang.
Mabilis akong tumayo bago kinuha ang aking bag at sumunod sa kaniya palabas. Kasama namin ang iba pang empleyado na nasa hilera rin namin at 'yong tatlo pa na nakuhang bago. Sabay-sabay kaming sumakay sa elevator kaya napuno dahil sampo kaming sumakay. Tahimik lang ako sa pinakang gilid at pinapakinggan silang mag-usap-usap. Napapansin pa nga nila ang katahimikan ko kaya naman dinadaldal nila ako. Pero natutuon ang atensyon ko sa aking cellphone dahil hindi pa rin nagtetext sa akin si Sherwin mula pa kaninang umaga. Nag-aalala na ako sa kaniya. Hindi naman siya ganito, e. Hindi ako sanay sa katahimikan niya ngayon.
"Kumusta naman ang boss ng JC Salazar Real Estate?" napabaling ang atensyon ko kay Jarah nang bigla siyang magtanong no'n sa isang empleyadong matagal na rito.
"Si Architect?" tumingin pa sa taas ang babae na animo'y nag-iisip nang malalim. Naghintay rin ako sa sagot niya. "Sobrang istrikto. Kailangan maayos palagi ang gawa mo. Lalo na 'yong mga files na ipapasa mo sa kaniya para mapirmahan niya? Ayaw niya ng umuulit kaya kailangan talaga ay maayos ang trabaho mo." aniya na ikinakunot ng noo ko.
Istrikto?
"Tapos sobrang sungit pa." singit ng isa na mas lalo kong ikinagulo.
Masungit?
"Nakailan na siya ng sekretarya dahil madalas magkamali. Ngayon lang 'ata may tumagal na sekretarya sa kaniya. Dati ay isang buwan pa lang, kapag nagkamali, tapos ang trabaho."
Bawal ang magkamali sa kaniya?
"Sa totoo lang! Naku! Nakakatakot talaga kapag siya ang kausap mo." si Dina, na nakilala ko lang kanina sa elevator.
"Malamang kailangan niya 'yong efficient talaga na empleyado dahil abala siyang tao. May mga firm siyang pinapatakbo, tapos itong kumpanyang ito pa, tapos architect pa siya. Kaya para mapabilis ang trabaho niya, h'wag na nating dagdagan pa, 'di ba?" ani Jerson na siyang nagpaliwanag ng isipan ko. "Masyado na siyang maraming ginagawa kaya nga merong tayo na tutulong sa kaniya, sinuswelduhan niya tayo para gumawa ng tama, hindi ng mali. So just understand him. Saka sa mga sekretarya ay kailangang mahusay talaga magmando. Hindi 'yong aanga-anga." he really has a rationale thoughts in mind.
Napabaling ako kay Jarah na nakangisi sa akin ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay dahil masyado na naman niyang binibigyan ng ibang ibig sabihin ang pakikinigko sa mga sinasabi nila. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain ng tanghalian ko. kapag nakasahod na ako, bibili na ako ng groceries sa bahay para naman magbabaon na lang ako ng lutong pagkain para makatipid ako. Ang mahal ng mga paninda rito, nakakalula. Kailangan ko rin magtipid, 'no!
Nagpasya na silang umakyat pagkatapos magpahinga nang kaunti. Napapahuli pa ako dahil tinitingnan k ang aking cellpone, baka sakaling may reply si Sherwin sa text ko kani-kanina lang. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa cellphone kaya nabunggo ako sa isang bulto ng tao. Muntikan ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil sa lakas ng pagkakabangga ko rito.
"Shit! Sorry!" gulat kong paumanhin sabay angat ng aking tingin sa nabangga.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nabangga kong 'yon. Walang iba kung 'di si Cyrus na may bahid ng inis sa mukha dahil sa nangyari. Napasinghap ang karamihan dahil sa kanilang nasaksihan. Napaawang mga labi ko habang pinagmamasdan si Cyrus sa harap ko, matiim ang titig sa akin at may kakaibang kislap ang mga mata na hindi ko mabasa.
I was looking at his face intently when he suddenly flashed an annoyed expression.
"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" Padaskol niyang tanong na ikinabigla ko.
"I'm. . . I'm sorry, h-hindi ko sinadya." Napayuko ako sa sobrang kahihiyan na tinatamasa.
Agad na nag-init ang pisngi ko papunta sa aking batok at tainga. Bakit ngayon pa?! At bakit sa harap pa ng maraming tao?! Gusto ko na lang kastiguhin ang sarili ko dahil dito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Jarah sa akin pero hindi ko siya tiningnan at nanatiling nakayuko sa harapan ni Cyrus.
"Anong nangyari?" Rinig kong tanong ni Jerson nang makitang napatigil kami dahil sa komusyon.
"The next time you bump into me again, I will surely give you a punishment." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nag-angat ng tingin sa kaniya.
Is he. . . serious?! B-bakit? Gano'n na ba talaga siya kalupit ngayon? Gano'n na ba talaga siya kataas para. . . para hindi matangko kahit katiting ng kaniyang braso? Masama na ba'ng. . . mapalapit sa kaniya?
I was looking up at him when he suddenly flashed a smirked, a playful smirk!
"You really love to bump into me, huh." Nagtaas siya ng kilay pero hindi nawawala ang ngisi sa labi.
"S-sorry, hindi ko naman sinasadya." I know I'm at fault. But I'm not as desperate as his other girls to just really bump into him intentionally! Hindi ko naman sinasadya ngayon. "N-nakatingin ako sa cellphone ko dahil. . . h-hinihintay ko ang reply ng boyfriend ko." Shit! You don't have to say that, Mio!
E, ano kung hinihintay mo ang reply ni Sherwin? Does that change the situation now? Hindi!
Biglang bumadha ang pagkagulat sa mukha niya pero agad ding napalitan ng galit at iba pang emosyon na hindi ko mawari.
"You have a boyfriend?" I bit the insides of my cheeks and nodded silently. "Fvck." He muttered a curse then suddenly walk passed to me.
Napahinga ako nang malalim dahil sa pag-alis niya sa harapan ko. Ngayon ko lang napagtantong kanina ko pa halos pinipigilan ang paghinga ko. Pasimple kong kinapa ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso na ngayon ay kumakabog nang malakas.
Nilapitan ako ng mga kasamahan ko at mabilis na inintriga. Nagtatanong pa kung ano ang pinag-usapan namin ni Cyrus pero hindi ko na lang sinagot. Baka kung anong isipin nila. Si Jarah ay may kuryosong ekspresyon sa mukha hanggang sa makabalik kami sa cubicle naming lahat.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang naging interaksyon ko na naman kay Cyrus sa pangalawang pagkakataon sa kumpanyang ito. Bakit ba kasi kailangang nakakahiya ang palaging pagkikita naming dalawa? Nakakahiya lalo dahil sa harap pa ng maraming tao!
Hanggang sa mag-uwian ay iniintriga ako ni Jarah pero hindi ko siya sinasagot. Puro pagde-deny lang ang sinasabi ko dahil. . . wala namang importante sa mga pinag-usapan namin ni Cyrus kanina. Nagtanong lang siya bigla tungkol sa nasabi ko. 'Yon lang.
Pagkauwi ko ay agad kong tinawagan si Sherwin pero hindi pa rin ito sumasagot. Nagsisimula na akong mag-alala at matakot dahil hindi ako sanay na ganito siya. He never missed a call with me, or even a text from me! Kaya nakakapanibago talaga. At sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagbabagong 'yon. He don't deserve my treatment to him. He's too kind to me that's he don't deserve to be in pain because of me.
Napabuntong hininga na lang ako at nakatulugan ang paghihintay sa kaniyang tawag at reply.
Kinabukasan ay nagreply siya pero sinabi lang na masyado siyang abala kahapon maghapon na agad siyanv nakatulog at hindi nasasagot ang tawag ko. I understand, but. . . why am I feeling something from his words?
"Hindi naman siguro siya nambababae, 'no? Masyadong loyal sa akin 'yon." Umiling ako at lumunok nang marahas bago nagpatuloy sa pag-aayos.
Isa lang ang alam kong matinik sa babae. At 'yon ay ang boss ko! Hmp! Kairita siya! Pumapangit na ang ugali niya! Mabuti na lang at kinalimutan ko na siya!
‘Sure ba 'yan?’
‘Kinalimutan your face!’
Kahit isipan ko ay hindi nakikisama sa akin. Bwiset!
Tinapos ko na lang ang pag-aayos at pumasok na sa trabaho dahil baka mabaliw ako sa kakakausap sa sarili kong hindi nakikisama.
And my days went on smoothly. I'm doing my job smoothly and perfectly as I want and as my boss wants. Baka bigla na lang akong patalsikin kapag nagkamali ako sa trabaho. Nabunggo ko na nga siya, magkakamali pa ako sa trabaho. Puro na lang kapalpakan.
Kanina ay tumawag si papa sa akin, nangungumusta at tinatanong kung kailan ko balak bumisita ng Iloilo para magbakasyon. Ang sabi ko ay kakasimula ko pa lang sa trabaho at hindi pa ako p'wedeng mag-take ng leave para makapunta doon. Miss na raw niya ako dahil ang huli kong bisita ay noon pang pagkagraduate ko ng College, at hindi na 'yon nasundan pa.
"Ms. Gaila, pinapatawag ka ni Architect." Ani Mrs. Espenilla sa isang seryosong boses. Agad akong ginapangan ng kaba sa biglaang pagtawag sa akin ni Cyrus.
What the hell?! Anong kailangan niya sa akin?! May mali ba sa datos na ginawa ko? Sa mga files na ipinasa ko? Dahil ako ang gumagawa ng mga 'yon ay ako ang ipapatawag kapag may mali.
"Lagot ka, baka may mali sa files na ginawa mo." Hindi pa nakatulong ang pananakot ni Jarah sa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin bago tumayo at sumunod kay Mrs. Espenilla.
"I don't know what he's up to, I was just got informed by his secretary. Sige na, umakyat ka na." Anito na ikinatango ko nang marahan.
Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa elevator at pinindot ang top floor kung nasaan ang kaniyang opisina. Habang tinitingnan ang bawat numerong nagpapalit-palit ay mas lalong dumodoble ang kabang nararamdaman ko. Mabuti na lamang at mukhang abala ang mga empleyado ngayon at hindi gaanong gumagamit ng elevator. Baka makita pa nila ang hitsura kong mukhang constipated na ewan.
Nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako, ay mabilis akong lumabas kahit kinakabahan. Walang nakaopisina rito sa top floor kung 'di ang sekretarya ni Cyrus at siya kaya napakalawak at nakakalula.
Sinalubong ako ng sekretarya niyang lalaki bago ngumiti sa akin at inilahad ang malaking pintuan sa opisina ni Cyrus.
"Architect is already waiting for you, Ms. Gaila." tumango ako at ngumiti nang bahagya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nang pagbuksan ako ng sekretarya ni Cyrus ng pinto ay mas naging grabe ang nararamdaman kong pagkabog ng dibdib. Pakiramdam ko ay aalis na 'yon sa kung nasaan 'yon nakap'westo kapag tumagal pa.
Nakita ko si Cyrus na may kausap pa sa cellphone niya at nakatayo habang nakatingin sa mga skyscraper ng syudad. Naramdaman kong sinarado ng sekretarya niya ang pinto at iniwan ako roon, sa iisang kuwarto kasama si Cyrus!
Pinagpapawisan ako ng malamig habang tikom na tikom ang aking bibig at hinihintay na matapos siya sa pakikipag-usap sa telepono. Nakatayo lang ako roon na parang estatwa at himdi na halos makatingin sa buong opisina niya dahil nakatingin lang ako sa takong na supt ko ngayon na nakalapat sa napakalinis na itim na marmol na sahig. Ang mahal ng marmol pero buong building ata ay marmol ang sahig. Inangat ko ang tingin sa kaniya.
"Okay, okay. You will be home next month, right? That's good to hear. Stay here for good because you're alone in New York. Alright, then. Just inform my secretary for the details. Yes, thank you, Julia." Aniya sa kausap bago 'yon pinatay at tumingin sa gawi ko.
Natulos ako sa kinatatayuan nang magtama ang paningin naming dalawa. Napalunok ako nang marahas dahil sa intensidad ng kaniyang titig. Mabilis akong nag-iwas ng tingin lalo pa nang lumakad siya pabalik sa kaniyang swivel chair.
"Ang layo mo naman," napanguso siya sa sinabi niya.
Natigilan ako at napatitig sa kaniyang mukha at sa kaniyang pulang labi na bahagyang nakanguso. His disheveled hair makes him hot even if he's not doing anything. He's just in his white dress shirt folded in his elbow, he's not wearing his necktie and the three buttons of his shirt is fastened. That makes him looke even more hotter than ever. An Architect slash CEO of this company is just modeling here inside his office like no one cares. Damn!
Tumikhim ako bago nagsalita, "uh. . . a-ano nga pala ang i-ipinatawag mo sa akin, A. . . Architect." Hindi ako sanay tawagin siyang Architect! "M-may mali ba sa mga ipinasa ko?" Dagdag ko pa sa kinakabahang boses.
His title really suits him well. It made him more powerful than ever. And it made him even more far away from me because of it.
"Nothing much." He flashed a sexy smile and leaned forward in his table, his elbows were there for support. He put his chin over the back of his hand. "And I know you can do that again quickly, just a little bit mess." Naguluhan ako sa sinabi niya. "Just kidding. Wala namang mali sa mga ginawa mo. Tama naman lahat."
"Pero, bakit mo pa ako pinatawag kung wala namang mali sa gawa ko?
"I just have a question and I can't just ask you in public or when you're with your group of friends." Lumamlam bigla ang tingin niya sa akin.
"Anong tanong mo, Architect para masagot ko agad at makabalik na ako sa pagtatrabaho ko." Diretsong sambit ko na ikinamangha niya.
"Architect, sounds cool, isn't it?" He chuckled nonchalantly.
"Ask away, I'm waiting." Walang galang kong sambit.
"Who's your boyfriend?" Mariin niyang tanong na ikinabigla ko.
Who. . . is my boyfriend? Why is he asking?! Anong pakialam niya ro'n?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro