Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 39

"Just please, hear me out and we're done."

Kita ko ang gulat niya sa pinalidad ng sinabi ko. Napasinghap siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Huminga ulit ako nang malalim at tiningnan ang mukha niya, kinakabisado 'yon. Gusto kong malaman niya na hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawa niya.

"That video—"

"It's true, right?" I didn't respond immediately.

"The video is true, yes. Pero hindi gaya ng sinasabi ni Kendra na may nangyari sa amin ni Sherwin. Why would I give myself to him if you're the one I love?" Pinigilan ko ang sarili kong lumuha sa harap niya.

"I don't know . . ." he whispered but I still heard it right.

I scoffed, "so you do believe I can do that to you, to cheat behind your back because you're away. Tang *na, Cyrus!" Hindi ko na napigilan ang sumabog sa galit. "Ano'ng akala mo sa 'kin? Pariwara? Kaladkarin na kahit sino na lang ang bibigyan ko ng sarili ko? Alam mo sa sarili mo na ikaw lang! Ikaw lang ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili ko, pero ano 'to? You're judging me too fast and too harshly. You don't know? You're not sure? Do you think my love for you is that shallow?" Natahimik siya at hindi na ngayon makatingin sa akin. "You're a fvcking jerk, Cyrus. You don't deserve me if you think the worst of me."

Pumatak ang luha ko pero agad ko 'yong pinalis at ipinakitang kahit nasasaktan ako ay kaya kong tumayo at magpakatatag sa harap niya.

"The thought of you cheating on me . . . Is too much to bear," napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"I did not cheat on you!" sigaw ko sa prustrasyong nararamdaman. "How can I cheat on you when I always think about you, huh?! Kendra is plotting thing again. Hindi ka na nadala. You were her first victim, right? Pero naniwala ako sa 'yo, dahil pinatunayan mo. Tang *na, kung may pera lang ako para may maipakita akong ebidensya sa 'yo na hindi ako nagloloko sa 'yo, ginawa ko na, Cyrus. But it's just me, this is just me, I'm not rich, I don't have any assets, I can't afford to pay an investigator to prove something to you because I don't have much penny. Ang gusto ko lang ay paniwalaan mo naman ako, makinig ka sa akin."

Mariin siyang lumunok at sinapo ang mukha gamit ang dalawang palad.

"I had you followed," ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita. "The moment you told me you want space that night, I ordered my bodyguard to follow you anywhere you go. And guess what he has reported to me. You were seen with your fvcking ex, entering your apartment. What happened next is beyond me now. I don't know. Hinayaan ko 'yon. Kasi naniniwala ako sa 'yo. Because I love you, I believe you won't do such thing that will break my heart. My bodyguard sent me a video, the same with Kendra showed me, only that, she was outside the apartment and my bodyguard has his way to get inside and caught you before hand. And the other video happened the day I went out of the country, right? He fvcking kissed you. And . . . You . . . initiated the hug, you hugged him and that hurts me. A lot. That's why . . ." yumuko siya at parang nahihirapang magsalita. "It's hard to believe. For now." Bumuga siya nang marahas na hininga bago tumingin sa akin. "But please . . . don't leave me."

Parang may sumaksak sa puso ko dahil sa pagmamakaawa niya bigla. Parang dinurog na naman ang puso ko. Parang handa akong patawarin agad siya kahit pa sobrang sakit ang naramdaman ko nang hindi siya nakinig at naniwala sa akin.

"We don't know what will happen next after this . . ." I smiled sadly at him. "I just want to explain my side, whether you believe it or not, I don't care anymore. I just want to defend myself and explain. Even when you won't listen, I will still explain."

Kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya at ang kagustuhang pigilan ako sa pagsasaliya pero nagpatuloy ako. Sinabi ko ang lahat sa kaniya.

"Those videos are true, but nothing happened. 'Yong una, noong humingi ako ng space sa 'yo, 'di ba? Sherwin and I accidentally just saw each other that time, he helped me out to go home because I felt dizzy that time. He entered my apartment, yes, but he did nothing. We did nothing. He just helped me out that night, as a friend. Pagkatapos no'n ay umuwi na rin siya, hindi ba sinabi sa 'yo 'yon ng binayaran mong 'bodyguard'?" I said, emphasizing the last word. "At 'yong pangalawa, oo, nangyari ulit 'yon. Totoo 'yon. I won't deny because it was true. It's all true so why I should deny, anyway? He kissed me all of the sudden. I was shocked too with that kiss. But, in that video, hindi ipinakitang itinulak ko si Sherwin dahil biglang nag-glitch? Use your brain, Cyrus. I know you're smart enough to know what really that was. Bakit ko siya niyakap? Kasi tang *na, Cyrus, guilty'ng-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya! He felt like I made him hust a rebound for me to cope up with your rejection towards me. Para makalimot ako sa 'yo, I entered a relationship with him. Pero kahit ano'ng gawin kong pilit sa sarili ko na gustuhin siya, ikaw. Ikaw pa rin 'yong tinitibok ng letse kong puso!"

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.

"He went to my apartment, the day you went out of the country. He wants me back." He shifted on his seat, and seconds later he stood up, looking so upset now. "He still loves me, but guess what I told him. I . . . can't . . . love him. He was mad. He told me hurtful things but I accepted it all because after all, I was the one to blame why he's that miserable. Kasi kung hindi ko naman siya sinagot habang minamahal kita, hindi siya masasaktan nang gano'n. Kung hindi ko siya pinaasa na mamahalin ko siya, hindi gano'n ang mararamdaman niya sa akin. You knew, I was smitten to you since day one. You rejected me but I still chose to love you, even from afar. Even though I know I don't have any single chance to be your type. I risk. Ngayon . . . hindi ako nagsisising minahal kita, na mahal kita, hindi ko pinagsisisihan 'yon dahil naramdaman ko, kahit saglit na pinahalagahan mo 'ko at nagustuhan."

"I love you," he said before walking towards my direction.

"No, you don't. Or maybe, you really love me, but not enough to trust me and to believe me. Your love is too shallow. That's why it's easy for you to conclude that I cheated on you even if I didn't." I smiled wryly at him. "If I did cheat on you, I will have no face to talk to you. If I really did cheat on you, I won't defend myself this hard just for you to believe that I really didn't. Hahayaan ko lahat ng paratang niyo sa akin kung totoong nagloko ako. Pero hindi, e. Kaya ang sakit, Cyrus. Ang sakit na mas pinaniniwalaan mo si Kendra, kaysa sa akin na girlfriend mo. Oh, scratch that, I'm no longer your girlfriend. From this day on, you have no girlfriend named Hermione Belle Gaila. Let's break up." I said with finality in my voice even if it hurts a lot.

Like a thousand hummers smashed my heart.

"No . . . N-No, babe . . ."

"Oh, so you're calling me babe now? Parang kanina lang hindi mo ako matawag sa pangalan ko. Why the sudden change? Threatened?" Pang-uuyam ko sa kaniya na ikinatagis ng bagang niya.

"I'm sorry. P-Please, don't . . . don't break up with me. I-I was just—"

Sa pagsusumamo niyang 'yon ay tumulo ang luha ko. Sobrang sakit na makita siyang halos lumuhod na naman sa harap ko. Pero pinatigas ko ang puso ko dahil ako lang din naman ang nasasaktan bandang huli. Ako palagi.

"My decision is final, Cyrus. Let's end this relationshit. A-Ayoko na . . . s-sobrang sakit na." Humikbi ako kasabay ng pagtulo rin ng luha niya na mas nagpabigat sa dibdib ko. "Thank you. F-For giving me a chance . . . to be with you even in just a short time. I love you, Cyrus. Always. Pero hindi ko na kaya . . . s-sobra na kasi. I-Iisipin ko muna ang anak ko. A-Ayoko siyang madamay sa gulong 'to kaya . . . l-lalayo muna ako. Pasensya na."

Pagkatapos no'n ay tinalikuran ko siya. Halos madurog ako habang naglalakad palayo sa kaniya. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ng opisina niya ay napatigil agad ako sa paglalakad nang bigla niya akong yakapin. Napigil ko ang hininga ko pero patuloy pa rin ako sa pagluha.

"Please, don't leave me . . . I-I need you. I love you so much." bulong niya habang nakayakap sa akin.

"I'm sorry, Cyrus. But this is too much. N-Nakakasakit na, e. N-Nakakasama na 'to para sa bata. Ayaw kong pati siya ay pamahamak . . . Pakiusap."

Pilit kong kinalas ang pagkakyakap niya sa akin. At siguro dahil sa panghihina niya at pag-iyak ay nagawa kong tanggalin ang kaniyang brasong nakayakap sa akin.

"I love you, Cyrus." I whispered before leaving him in his office.

Pagkatapos na pagkatpos kong isara ang kaniyang pinto ay nakarinig ako ng pagkabasag at sunod ay ang malakas niyang pagsigaw. Mariin akong pumikit bago ako naglakad palayo.

Sinalubong ako ni Jarah habang nag-aalala niya akong sinuri.

"Ayos ka lang?"

Umiling ako kasabay ng pagyakap sa kaniya at malakas na paghikbi sa sobrang sakit na nararamdaman ngayon.

"Tahan na. Hali ka na at umuwi na tayo, kailangan mo nang magpahinga ngayon." Tumango ako at nagpatianod sa hatak niya sa akin papunta sa elevator para makauwi na rin kami.

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pumasok sa kuwarto at umiyak muli roon hanggang sa makatulog na naman ako.

Nang magising ako ay hapon na kaya naman kumain ako ng tanghalian kahit na wala akong ganang kumain, kailangan magkalaman ang akig tiyan para sa bata.

"Magiging ayos din ang lahat, anak. M-Magiging ayos din si Mama," bulong ko habang nagpipigil muli ng luha.

Nang hapon din na 'yon ay nagpasya akong tawagan si Papa. Sinabi ko sa kaniyang magbabakasyon ako roon ng ilang linggo.

"Maga-file po ako ng leave bukas. K-Kaiangan ko rin po siguro ng pahinga."

"Oo nga, anak. Pansin ko sa boses mo na matamlay ka. Mas maigi ngang magpahinga ka muna kahit isang linggo lang."

Kahit na may tampo pa rin ako kay Papa, alam kong sa kaniya pa rin ako hihingi ngtulong. Hindi ko rin naman siya pinagsasabihan ng masasakit na salita kaya wala rin siyang maisusumbat sa akin. At ang sabi niya ay babawi siya sa akin, sa mga nagdaangtaon na hindi kami nagkasama.

"Sige po, Pa. Magpapahinga po muna ako ngayon dito."

Nagpaalam na ako at bumalik sa pagtulog. Si Jarah ay umuwi na kahit napilitan lang siya dahil sinabi kong umuwi na at kaya ko naman na ang sarili ko.

Oo, masakit pero gano'n talaga. Kailangan ko na lang tanggapin ang lahat at magpakatatag para na rin sa magiging anak ko.

Kinabukasan ay pinilit kong pumasok sa trabaho para makapag-file rin ng leave.

"You will use sick leave, too?" anang head ng department.

"Uh, yes, ma'am. To make it a three weeks vacation, possible." I smiled shyly at her.

"Okay, I'll approve this. Alam mo naman na after ng leave mo, 'di ba? No more leave."

Mabuti na lamang at pumapayag ang kompanya sa gano'ng set up ng leave. Kaya naman makakapagpahinga pa ako at makakapag-isip para sa buhay ko. Alam kong magpapatuloy ako pero alam ko rin kung ano ang tama at ang mali sa mga ginagawa ko.

Tamang lumayo muna sa lahat ng stress na ito. Kailangan ko ng pahinga.

Nang maggabi na ay bumaba na kami ni Jarah para umuwi. Ihahatid pa sana niya ako pero sinabi kong may dadaanan ako kaya naman nakumbinsi rin siyang hayaan ako.

Humugot ako ng malalim na hininga nang makababa ng tricycle. Dalawang taon na rin simula nang huli akong magpunta rito. Hindi na rin naman ako nakakabisita. Mas lalo pa nitong mga nakaraang buwan dahil bukod sa abala ako sa trabaho, ayaw ko ring bumisita rito dahil sa galit.

Nag-doorbell ako para pagbuksan ako nina Tito at Tita ng pinto. Sana ay narito sila. Hindi ko naman gusto ng gulo, gusto ko lang na ipaalam sa kanila na buntis ako dahil parte rin sila ng buhay ko. May karapatan din silang malaman.

"Mio!" si Tita nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Mahal, sino 'yan?" Boses 'yon ni Tito mula sa loob.

Agad akong niyakap ni Tita ng mahigpit at pinupog ng halik.

"Na-miss kita, Mio! Bakit ba ngayon ka lang napabisita rito?" ani Tita nang kumawala sa yakap. "William! Narito si Mio!"

Natawa ako ng bahagya nang sumigaw si Tita. Lumabas si Tito at agad gumuhit ang malaking ngiti sa kaniyang labi nang makita ako. Agad siyang lumabas para yakapin ako nang mahigpit, gaya ng ginawa ni Tita sa akin.

"Buti naman at napabisita ka rito, Mio. Miss na miss ka na namin. Noong naging katrabaho mo si Kendra, lagi kaming nagtatanong kung kumusta ka na. Hindi naman kami sinasagot nang maayos ng anak namin kaya hindi rin namin alam kung kumusta ka na. Hindi rin naman namin alam kung saan ang apartment mo ngayon." sambit ni Tito bago ngumiti nang bahagya sa akin.

"Alam naming hindi maganda ang tungo sa 'yo ni Kendra noon pa. Pero nananalangin pa rin kami na sana ay maging maayos pa rin kayong talaga. Magkaayos." si Tita naman habang may maliit na ngiti sa labi.

"Ayos lang naman po 'yon, Tita. Hindi ko na po inaasam na magkaayos man kaming dalawa. Ewan ko." Sa lahat ng ginawa niya sa amin, hindi ko na kayang makipag-ayos sa kaniya. Kahit kailan. "Narito rin po ako para sana ipaalam sa inyong . . . b-buntis ako."

Agad napasinghap ang mag-asawa sa narinig mula sa akin. Nagkatinginan silang dalawa at kalaunan ay malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi.

"Talaga, Mio? Alam na ba ito ng Papa mo?" tanong ni Tita sa masayang tono.

"Hindi pa po, pero balak ko rin naman pong sabihin sa kaniya sa susunod na araw dahil magbabakasyon po ako sa Iloilo." Ngumiti ako sa kanila.

"Mabuti naman at nagkaayos din kayo,"

"Hindi pa ho gano'n kaayos, pero papunta na rin po kami roon. Kaunti na lang."

Ngumiti ako sa kanila at aayain na sana nila akong pumasok sa loob nang may magsalita sa likod ko.

"At nandito pala ang magaling kong pinsan." Napatingin kaming lahat kay Kendra na nagsalita. "Ay hindi, malandi pala dapat ang magandang salita. Hindi ba, Mio? Malandi ka?" Pinagdidiinan pa niya ang bawat salita na nagpaliyab na naman ng galit ko.

Bakit ko ba nakalimutang na rito nakatira ang bruhang ito?

"Hindi ako malandi, Kendra. At hindi ako narito para makipagbangayan sa 'yo, kaya p'wede ba?"

"Kendra, tumigil ka nga sa mga sinasabi mo." saway ni Tito kay Kendra.

Humalukipkip si Kendra sa harap naming tatlo at nagtaas ng kilay.

"Oh, siya ba ang anak niyo, Ma, Pa? Ako ang anak niyo, dapat sa akin kayo—"

"Pero hindi naman tama na ganiyan ka magsalita sa pinsan mo, Kendra!" Tumaas ang boses ni Tita dahilan ng panlilisik ng mga mata ni Kendra sa akin.

"Ano? Ako na naman ang mali? Palagi na lang ako ang mali?! Tang *na, Ma! Noong dito tumira ang babaeng 'yan, halos siya na ang gawin niyong anak! Tapos noong umalis siya, ako pa ang sinisi niyo dahil magaspang ang pakikitungo ko sa malanding 'yan!" sigaw ni Kendra na nagpakunot ng noo ko.

Tumingin ako kay Tita na may gulat ding ekspresyon.

"Ano'ng gusto mong gawin namin, Anak? Sundin ka? Hayaan ka sa magaspang na pakikitungo sa pinsan mo na wala namang katuturan? Hindi mo ba alam na ibinibigay na namin lahat sa 'yo? Si Mio, kaya ganiyan namin siya ituring dahil hindi naman siya iba sa atin. Kadugo natin siya."

"Wala akong kadugong malandi," pinal na sambit ni Kendra.

"Ano ba'ng basehan mo sa pagsasabi sa akin niyan? Sino ba ang nilandi ko? May inagaw ba ako sa 'yo dahilan ng pagsasabi mo niyan sa akin?" Hindi ko na napigilang sumagot dahil napupuno na ako.

She scoffed, "oh, you don't know? Let me tell you, then. Tatlo sa naging boyfriend ko noon ang nagagandahan sa 'yo nang makita at makilala ka. Silang tatlo, iniwan ako para ano? Para subukang ligawan ka! Bakit ba ang landi-landi mo?! Bakit ba lahat ng akin, sinusubukan mong kunin?!"

Hindi ko alam na . . . ganito na pala katindi ang galit niya. Na dahil sa mga 'yan, nagdulot 'yon ng matindi niyang galit at inggit sa akin.

"Wala akong sinusubukang kunin sa 'yo. Wala akong inaagaw. Mali ka ng inaakusa sa akin."

"Liar! You are a fvcking conniving woman! A slut! Liar!" sigaw niya na halos maputol na ang litid niya. "I was voluptuous before. Hindi ako sobrang taba, sakto lang, malaman lang, maganda naman ako? Bakit? Bakit palaging ikaw! Ikaw! Ikaw! Nakakatang *na, Mio!" Dinuro-duro niya ako na nagpasikip sa dibdib ko. "Nasa iyo palagi ang atensyon. Ang pagmamahal. Ang kagandahan. Ang kaibigan. Ang lahat! Nasa 'yo! Kaya nakakagalit na bakit pati si Cyrus . . . I already told you I have a huge crush on him. I like him. Bakit inagaw mo pa rin?!"

Tumulo ang luha sa mga mata niya dahilan ng pagkakaumid ng dila ko. Parang ayaw kong nagsalita hangga't hindi siya natatapos.

"Ikaw na naman. Ikaw ang pinili niya. I told him I love him, but guess what he told me? "I love Hermione than you think." you can't blame me for feeling this way kasi inagaw mo siya. Nilandi mo siya. May Sherwin ka naman. Bakit hindi mo na lang siya minahal nang tuluyan at lubayan mo si Cyrus! Akin siya! Akin!"

I was taken aback when she suddenly attacked me to pull my hair.

"Kendra!" Sabay na sigaw ni Tito at Tita nang hilahin nang malakas ni Kendra ang buhok ko.

Wala akong nagawa kung 'di ang hawakan ang kamay niya para alisin 'yon do'n pero hindi ko kaya. Sa sobrang galit niya ay gano'n din ang lakas niya.

"Anak, tama na!"

"Kendra!"

"Lahat na lang, Mio! Bakit ba kasi ang landi-landi mo!" sigaw niya habang patuloy sa pagsabunot sa buhok ko.

Umiyak na ako sa sobrang sakit ng pagkakahatak niya sa buhok ko.

"Gusto ko ako naman! Ako!"

"Walang magiging sa 'yo kung ganito ka, Kendra!" sigaw ko dahil sa galit habang pilit na kinukurot siya lubayan lang niya ang buhok ko.

"Wala ring magiging sa 'yo!"

Nanlaki ang mga ko nang iangat niya ang ulo ko at sampalin nang malakas. Para akong namingi dahil doon.

"Wala!"

Then, she pushed me so hard on the cemented floor. Nang a
Tumama ang puwitan ko sa semento at ang aking balakang naman ay sa maliit na hagdan ay sobrang sakit ng dinulot no'n.

"Hindi ka magiging masaya, hangga't nasa paligid mo 'ko!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

Nakapikit ako sa sobrang sakit hanggang sa daluhan ako nina Tita.

"D-Dugo . . ." sambit ni Tito na nagpatigil halos sa mundo ko.

Nanigas ako sa kinauupuan lalo na nang maramdaman ko nga ang malamig na likido sa aking suot na  skirt.

"H-Hindi . . . A-Ang baby ko . . ." nanghihinang bulong ko hanggang sa mawalan na ako ng malay sa sobrang panlalamig ng aking katawan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro