KABANATA 35
Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Cyrus sa trabaho, na parang walang nangyaring away o pagitan sa aming dalawa. Everything seems back to normal now. Ang kaibahan lang ay may label na kaming dalawa. At gaya ng sabi niya kagabi ay humirit pa nga siya ng dalawa pang round, kung hindi lang ako nakatulog ay siguro hindi niya ako tatantanan. Nakakairita siya!
“We’ll have lunch together, ‘kay?” aniya habang maingat na ipinaparada ang kaniyang sasakyan sa parking lot.
Napanguso ako, “okay, bili ka mango float saka buko juice. ‘Di ba maganda sa katawan ‘yon? Kasama ‘yong laman no’n, ah. Hindi lang ‘yong buko juice.” Request ko sa kaniya na tinanguan lang nito.
“Is that all you want? What do you want to eat for lyunch, specifically.” Bigla naman akong napaisip sa tanong niya.
“Hmm . . . kahit ano na lang basta h’wag taba ng baboy?” Sa isiping ‘yon ay parang bumabaligtad na ang sikmura ko. Parang kadiri na ewan kahit na hindi naman talaga ako mapili sa kinakain ko.
Tumango si Cyrus, “noted for that, babe.” sambit niya bago lumabas at bahagyang tumakbo papunta sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto.
“Thanks,” saad ko nang makalabas ng sasakyan niya. He smiled at me.
“Anything for my babe,” he then, winked at me playfully.
Inilingan ko na lamang siya at naglakad na papunta sa elevator. Agad siyang sumunod sa akin at pinahinga ang kaniyang kamay sa aking beywang. Nahiya naman ako lalo na’t may nakasabay kaming dalawang empleyado rin mula sa basement at binati agad si Cyrus, the latter just nod at them politely, not even uttering a single greet to them. I rolled my eyes sarcastically and just ignore it until we reached our office floor. Akala ko ay hindi na lalabas si Cyrus dahil handa na sana akong lumingon at magpaalam sa kaniya nang sabayan niya ako sa paglabas.
“What the hell, Cyrus? Ano’ng gagawin mo?” tanong ko sa kaniya habang may gulat na reaksyon sa mukha.
“Ihahatid kita,” simpleng sagot niya bago bahagyang itinulak ang aking likod para maglakad na ako.
Wala na akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa gusto niya dahil mukhang hindi rin naman siya magpapapigil sa akin. Nahiya nga lang ako bigla nang makita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kasamahan ko roon habang nakikita kaming naglalakad papasok sa opisina.
“Cyrus,” tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinapansin at walang pakialam na naglalakad sa gitna ng opisina, kasama ako kahit na pinagtitinginan na kami ng mga empleyado.
“Mio!” Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin at nakita ko si Jarah na naglalakad palapit sa akin pero agad ding napatigil nang makita kung sino ang kasama ko ngayon.
May sinusupil agad siyang ngisi sa labi habang nakatingin sa akin nang makahulugan. Hindi ko na lang ‘yon pinansin at napakagat na lang sa pang-ibabang labi habang nag-iiwas ng tingin sa kaniya dahil sa hiya.
“I’ll see you later,” si Cyrus nang makarating na kami sa tapat ng cubicle ko.
“S-Sige . . .” I said almost a whisper because I can still feel the stares my co-workers are giving us.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang umuklo para halikan ako ng marahan sa labi bago ngumiti ng nakakaakit.
“Bye, I love you.” he said before walking away from me.
I was left there, dumbfounded. I look at Jarah who’s smiling at me from ear to ear, then to my co-workers who’s looking at me intently and with a smile crept in their lips. I gulp. I didn’t expect that to happen!
“Grabe pala bumawi si papa Cyrus, ‘no?” Jarah giggled. “Nagkabati na ba kayo? Well, he’ll not be here if not, right?” Natawa siya sa sariling sinabi at parang baliw na umiling sabay sabing, “ang rupok mo, Hermione!” tawa niya bago bumalik sa sariling cubicle.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at hindi na nakapagsalita dahil tama naman siya, marupok nga ako. Sa sobrang rupok ko, nahihiya na ‘yong kahoy sa akin! Nahihiya akong umupo at napailing na rin kalaunan dahil sa nangyayari. Basta pagdating sa isang Jian Cyrus Salazar ay . . . ang rupok ko. Walang duda dahil ilang beses ko nang napatunayang marupok ako kay Cyrus.
Natapos ang araw na ‘yon na sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil bukod sa maayos na kami ni Cyrus ay wala ring Kendra na namemeste ng buhay ko sa trabaho. It was a real relief to know that Kendra is now no longer Cyrus’ employee. She’ll be away from us now and we’ll be free from her cunning stunts now. I just hope everything will be in a good place starting from now without anyone ruining it.
I smiled when I saw Cyrus leaning in his car while his hands were inside his pockets. I stare at him intently, admiring how handsome and hot he is while leaning there, waiting for me.
Cyrus . . .
He is a man of words. He’ll do everything to prove himself right. He is the man I love the most. He is the man who made me a woman. He is the man I will surely spend my lifetime with. I am sure of that. I just hope . . . we feel and think the same way. I know I shouldn’t ask for more than I have now, for what we have now, but I can’t help myself from hoping for more because we can’t stay the same for life. We should be sure for our lives. For our future.
Tumikhim ako at lumapit na sa gawi niya kaya napatingin siya sa akin at tumayo nang maayos bago ngumiti nang makitang papalapit na ako sa kaniya. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang kaniyang mga matang nakakahulog talaga. Whenever I look at his eyes, I fell even more, harder and deeper. I feel like I couldn’t drowning in his deep and mysterious eyes. And I love to fall more for him. I would gladly drown myself to him. Even if it cost my life, I still would.
“Hi, babe.” bati niya bago lumapit sa akin nang tuluyan at halikan ako sa labi. Pinatakan niya ‘yon ng isang marahan at mapagmahal na halik.
I smiled, “hello, g’wapo. Uwi na tayo.” sambit ko at hinatak na siya sa kaniyang sasakyan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako roon at hinintay na siyang makapasok ng kaniyang kotse. Tiningnan ko siya at nakita kong mukhang malalim ang iniisip niya.
“What happened?” I asked carefully at him.
He look at me before giving his car roared to life, “nothing.” He sighed heavily.
I frowned, “you have a problem?” I probe.
He licked his lower lip before looking away from me. “I will be out of the country tomorrow. I have a meeting there and some business to do for CSHI, my parents company that I’m handling, too.” Tumango ako, naiintindihan ang sinasabi niya.
Ibig sabihin . . . hindi ko siya makakasama? For how many days?
“How long would you be out?” I asked again, carefully.
“Just three days. After that, I am all yours, ‘kay? I just need to do that. I need to be there because it’s an important meeting with our international investors.” Tumango ulit ako sa sinabi niya.
“It’s okay, I understand. Kahit na . . . mamimiss kita.” I smiled at him and leaned in his seat to give hima swift kiss. “Mag-iingat ka ro’n, ah? H’wag mambababae.” Pinandilatan ko siya.
He chuckled, “paano ako mambababae e, mahal na mahal kita? Makakakita pa kaya ako ng babaeng kagaya mo?”
Ako naman ang natawa ngayon sa kaniya, “so cheesy, Cyrus.” Kinurot ko ang pisngi niya na ikinailing na lang niya.
Pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan paalis doon at dahil wala pa akong kama sa apartment ko ay sa condo ulit ako ni Cyrus natulog. Ang sabi niya ay bukas na raw ide-deliver ‘yong binili niyang bagong kama kaya siguro ay doon na lang din ako bukas habang wala siya bansa ng ilang araw.
Matapos namin kumain sa isang mamahaling restaurant ay umuwi na kami sa kaniyang condo. Tinulungan ko siyang mag-impake ng mga damit niya na dadalhin niya sa ibang bansa.
“Saang bansa ka ba pupunta?” tanong ko habang nakaupo sa sahig ng kaniyang walk in closet at nagtutupi ng mga damit na dadalhin niya.
“Switzerland,” simpleng sagot niya habang nakaupo sa couch at pinagmamasdan ako. Hindi ko na kasi siya pinatulong dahil kaunti lang din naman ang dadalhin niya, e.
Napanguso ako, “ang layo naman niyan.” sambit ko habang nakanguso.
He chuckled, “do you want to come with me? I would love the idea if you’ll be with me while I’m having a business there.”
Napatingin ako sa kaniya at naningkit ang mga mata.
Umiling ako, “I have a work. I can’t just take a leave for that matter. At saka, iniisip ko ring magbakasyon kina Papa, he wants me there to have a vacation.”
Tumango siya at pinagmasdan ako.
“Alright, but I’ll come with you when you go there. I want to meet your parents.” He smiled.
Isang mapait at malungkot na ngiti naman ang itinugon ko.
“Si Papa na lang ang meron ako. My mother died when I was in highschool. And . . . while grieving, my father saw someone to love while he’s away from me.” Nilingon kong muli sa kaniya at nginitian habang siya ay seryosong nakatingin sa akin, tinatantiya ang aking ekspresyon. “I was mad at him the moment I heard from my uncle that he has a new family. While me? Ipinagkatiwala niya ako sa Tito at Tita ko, habang siya ay masayang may pamilya. I live in a lie for years. I live in darkness because he was, then, my light but he chose to light up . . . to others. It was fine for me but I live with my anger. Galit na galit ako kasi . . . ang bilis niyang palitan si Mama. Na parang hindi niya minahal ‘yong Mama ko. But I know my mother’s already dead and my father just want to be happy so he love someone else again. That time, I’m thinking, how about me? Ayaw niya bang sumaya rin ako? Kasi mahirap . . . na nabuhay akong masaya kami, nakagisnan ko ‘yong buong pamilya at masaya, pero bigla na lang din naglaho ‘yon dahil nawala si Mama. I can’t blame him for life, though. It was normal for a man to find another if his wife is already gone. It’s just that, I was left alone. Wala na nga si Mama, bumuo pa ng ibang pamilya si Papa.”
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang nagkukwento sa kaniya. At hindi ko rin namalayang nasa tabi ko na siya, nakaupo at pinagmamasdan ako.
“Are you now good with your father?” he asked carefully.
I smiled, “we’re getting there. I already accepted it all, that he has a new family and has a new life. Pero ayon nga, namuhay akong galit sa kaniya nang ilang taon. Naiintindihan naman daw niya ang ibig kong sabihin. We’re good now. I sometimes having a good and casual conversation with him, I sometimes telling him my problems, I sometimes go to where they are and have a vacation, I sometimes talk to him about our past because they say communication is a way of forgiving, too. So, I sometimes talk to him to ease my anger.” Mariin akong lumunok.
“And with his new family? Are you fine with that, too?”
I chuckled, “as what I’ve said, I accepted it all. Kasama na siyempre ang pagkakaroon niya ng pamilyang bago. Wala na rin naman akong magagawa, ‘di ba? Alangan namang papiliin ko siya kung sino ang mas matimbang sa amin. So I accepted it, his new wife, my siblings with him, his new life. But I still need to heal dahil namuhay akong galit at nag-iisa. Hindi naman nawawala ang pagmamahal ko sa kaniya bilang ama ko. He’s still my father.”
I look at him and saw him looking at me with adoration. I smiled as my cheeks heated.
“I’m so proud having a strong and lovely girlfriend like you,” he kissed my cheek.
I pouted.
“I’m still weak. I still have weaknesses.”
“But still, you’re strong from coping up with your past. You’ll heal someday.”
Natapos din ako sa pagtutupi ng damit niya at paglalagay ng mga ‘yon sa kaniyang maleta. Hapon pa naman ang kaniyang flight dahil may mga meeting pa siyang dadaluhan bago umalis ng bansa. Nang mahiga ako sa kama niya ay agad din akong hinatak ng antok dahil siguro sa pagod.
Kinabukasan ay pinipilit ako ni Cyrus na rito sa condo niya matulog habang wala siya pero hindi ko naman kayang matulog dito nang wala siya. Baka mamiss ko lang siya lalo.
“My mind will be at peace if you’ll stay here while I’m out of the country.” he said, still insisting that idea.
Umiling ako, “no, sa apartment na lang ako matutulog. Tatawagan naman kita pagkauwi ko sa bahay. Ilang oras ba ang diperensya ng Switzerland sa Pilipinas?” I look at my phone and search about it. “Oh! Anim na oras lang, Cyrus! Kung gabi rito, let’s say 5pm then, sa Switzerland ay 11am. H’wag kang mag-alala masyado.” Pagpapakalma ko sa kaniya dahil para na siyang magdedesisyong h’wag umalis.
Parang tanga ‘to! Nakakairita na nakakakilig. Ewan!
“But--”
“No more buts, Cyrus. Sa apartment na lang ako matutulog. Three days lang naman, e.” I smiled at him to assure him that I will be fine while he’s away temporarily.
Wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon at magtiwala sa akin. Sabay ulit kaming umakyat at hindi naman na nagulat ang iba na makita si Cyrus na hinahatid ako pero may iba pa ring napapasinghap at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Kahit ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na nasa ganito kaming sitwasyon ngayon.
Nang maghapon ay nag-text siya sa akin na aalis na siya. I replied ‘take care and have a safe trip’ and then went back to my work.
Wala naman na akong ibang ginawa kung ‘di ang tapusin ang mga gawain kong naiwan kahapon. Pagkatapos naman ng mahabang araw sa trabaho ay umuwi na rin ako. Nakapag-over time pa ako ng ilang oras bago umuwi dahil tinapos ko na lahat ng dapat gawin. Napansin ko na lang na may message na sa akin si Cyrus, sinabing paalis na siya ng bansa. Kanina pa ‘yon. Siguro ay isang oras matapos niyang magpaalam sa akin na pupunta na siyang airport. Dahil siguro sa pagiging abala ko ay hindi ko na natingnan ang message niya at dahil siguro nasanay akong nariyan lang siya sa tabi ay hindi ko namalayang umalis pala siya ng bansa.
Ni-reply-an ko na lang siya kahit alam kong baka bukas pa niya matanggap ang mensahe dahil wala namang signal sa himpapawid. Napanguso ako, ilang oras ba ang biyahe papunta roon? Hindi naman siya gumamit ng private plane kaya paniguradong matagal ‘yon. I searched it on google. 13 hours and 48 minutes ang biyahe. Ang tagal. Bukas ko pa ulit siya makakausap? Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napahinto ako nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng gate ng apartment. He was just standing there, then he paced back and fort, as if impatiently waiting for someone to come there. Kumunot ang noo ko. Ano’ng ginagawa ni Sherwin dito?
“Sherwin,” tawag ko sa kaniya na ikinatigil niya sa pagpapabalik-balik sa paglalakad.
His face lit up when he saw me.
“Mio!” aniya bago lumapit sa akin bago ako mahigpit na niyakap. “I missed you! I really missed you, Mio. I’m sorry. I’m sorry for what I did. For what I have done. For cheating. For lying. For everything. I’m really sorry. Mahal na mahal kita, Mio. Balik ka na sa akin.”
Kumunot lang lalo ang noo ko nang maamoy ko ang alak sa kaniyang katawan at hininga. Bigla akong kinabahan. Hindi para sa mga salita niya, kung ‘di para na rin sa magiging aksyon niya. Lasing siya!
“Sherwin, you’re drunk. Umuwi ka na lang. Sa ibang araw na tayo mag-usap.” sambit ko at pilit siyang itinutulak palayo sa akin pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na parang anumang oras ay mapipiga niya ako.
“Hindi, hon. Hindi ako sobrang lasing. Nakainom lang ako. Mag-usap tayo.” Kumunot ang noo ko sa determinasyon niyang makipag-usap sa akin kahit na alam niyang lasing naman talaga siya.
Pilit ko siyang tinutulak pero nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng halik sa mga labi. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakayapos niya sa akin at hindi ako agad makawala. Kaya naman wala na akong nagawa kung ‘di ang kagatin ang labi niya nang malakas para lubayan niya ang labi ko.
Dahil sa ginawa kong ‘yon ay nanghina siya kaya agad ko siyang tinulak at malakas na sinampal.
Tang *na, ano ‘yon?!
“Ano’ng problema mo, Sherwin?! Tang *na naman! Akala ko ba ayos tayo? Bakit ka naman nanggugulo rito?! I already have a boyfriend, Sherwin! I thought we’re good friends? I thought we had a good closure? I thought we had talked about it already?! Matagal na tayong wala! Saka mo lang na-realized na ang gago mo? And you don’t just kissed someone like that!” sigaw ko sa kaniya dahil sa galit.
Hindi ko maalala kung kailan ako huling nagalit sa kaniya nang ganito dahil noong makita ko naman siyang may kasamang ibang babae ay hindi ganito ang reaksyon ko. Nakakagago lang kasi na sa hindi inaasahang pagkakataon ay ganito ang gagawin niya. We’re already done. We already broke up.
“I’m sorry . . . Mahal na mahal pa rin kita, Mio. Nakakgago lang . . . bakit ikaw . . . hindi mo man lang ako nagawang . . . m-mahalin?” pumiyok ang boses niya sa huling salita na ikinadurog ng puso ko.
I never seen him this broken. I never seen him this fragile. I never seen him . . . crying so hard like this. Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla akong na-guilty. Because he’s right, I never loved him . . . romantically.
“I loved you,” I said in a small voice.
“Liar,” it hurts. To be labeled a liar just like that. “You never loved me. Alam ko, Mio. Dahil simula’t sapol, iba ang nais ng puso mo. Pero tang *na! Nagpakabulag ako dahil mahal na mahal kita! Tapos ano? Ito? Ito ang matatanggap ko? Mio . . . h-hindi ko na kaya. I lied. I lied when I told you I fell in love with her just because you’re falling out of hands. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko mapanatili ka lang. Hindi ko na alam . . .” his voice broke as he cried so hard. “Ginawa ko ‘yon para ikaw na mismo ang tumapos ng relasyon natin dahil hindi ko kayang . . . ako ang tumapos dahil mahal na mahal kita, Mio.”
I cried when he suddenly fell on ground, bended knees. As if begging to me.
“I don’t know what to do to make you love me like how you love him . . .”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro