Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 3

Why someone can find new one after another? How they can find that new one if they're still. . . mourning? Mourning means you're still in pain after a painful battle. . . after leaving behind by someone you treasure and loved. But. . . how could they. . . look for someone to rely on after that tragedy?

It still confusing me. Why my father find someone that easily to be with him after my mother died. Is he planning this after all? Did he really love my mother? Did he really mourn after my mother lost? Did he really. . . treasure us? Did he really accept the fact that my mother is already gone and will not comeback anytime soon? Is he thinking of me. . . if he had a time? Is he. . . missing me like I do?

Nakakalungkot isipin na kahit anong tanong ko sa sarili ko ay walang makakasagot no'n. Kahit anong pagkakuryoso ko ay walang makakasagot do'n. Nakakainis isipin na kahit anong pilit kong intindihin ang parte ng tatay ko ay nasasaktan pa rin ako.

He left me without a word or even an assurance that he will come back to me after gaining a salary in his work. He left me behind like my mother did to us. He left me wounded in our past.

Kaya siguro hindi niya akong magawang sisihin dahil alam niyang may kasalanan siya. Hindi niya magawang magalit sa akin dahil. . . alam niyang mali ang ginawa niya.

He made a family of his own while I'm here. . . waiting for him to came back. . . hug me tight like he always do and give me an assurance that everything will be okay even I don't have a mother anymore. He made a family of his own without me knowing it. Kung hindi lang sinabi nina Tita sa akin ay hindi ko 'yon malalaman.

And now. . . he's here. Asking me for his forgiveness after what he have done to me for years. He's here to tell me that he wants me to be with him. He's here to get me and be with him instead.

I can't.

I still can't because I'm studying here. I can't just change my environment because he say so. Alam kong tatay ko pa rin siya pero mas gusto kong ako ang magdesisyon sa buhay ko. I already had a plan in my life. That I will study here in Manila, find a job here in Manila, after gaining my third salary I will leave this house with my Uncle and Aunt's permission, and live my life alone like I always do.

Alam na nina Tita at Tito ang plano ko. Matagal na nilang alam 'yon at hinihintay lang rin nilang makagraduate ako ng college bago ako payagang bumukod sa kanila. Hindi naman sila tutol dahil kung 'yon daw ang gusto ko, wala na silang magagawa at susuportahan na lang ako.

Narito kami ngayon ni papa sa loob ng kuwarto ko para mag-usap. Kinukumbinsi akong sumama sa kaniya sa Iloilo para daw makasama ko siya doon at makilala ko ang bago niyang asawa at anak.

"Anak, mas maalalagaan kita doon." Agad na nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ni papa.

Bakit, hindi ba ako naalagaan nina Tita at Tito rito sa Maynila? Hindi ba niya nakikitang maayos naman ako? Oo, magaspang ang pakikitungo sa akin ng pinsan ko pero hindi naman ang mga tiyuhin at tiyahin ko. Naging mabait sila sa akin at maalaga kaya bakit parang mas sinasabi niyang mas maalagaan niya ako kaysa kina Tito at Tita?

Napatiim labi ako bago sumagot, "mas ayos nang dito ako, pa. Mas mapagtutunan mo ng pansin ang. . . kapatid ko doon." Nahirapan pa akong banggitin 'yon.

Tanggap ko naman. At wala naman na akong ibang magagawa dahil kahit pagbali-baligtarin man ang mundo, kapatid ko 'yon sa ama. At wala naman siyang kasalanan sa akin para hindi ko tanggapin.

Napabuntong hininga si papa, "alam ko namang inaaway ka ng pinsan mo rito. Ayaw mo ba talagang sa akin sumama? Ibibigay ko ang lahat sa 'yo, anak. Maganda na ang trabaho ko dahil sekretarya na ako sa isang kumpanya sa Iloilo. Maganda na ang sahod ko, nakakapag-ipon na ako, maibibigay ko na sa 'yo ang mga gusto mo. Gusto ko lang. . . na bumalik sa akin. 'Yong dating si Mio na malambing sa akin. Sige na, anak. Pagbigyan mo na si papa mo. Miss na miss na kita, anak. Miss na miss ko na kayo ng mama mo."

Napayuko ako at agad na nanubig ang aking mga mata nang marinig sa kaniya 'yon. Kanina nang dumating siya ay halos hindi ko siya tingnan. Kanina nang makasama ko siya sa pagkain sa labas ay halos tahimik ako. Dahil hindi na ako sanay. I'm now distant to him because of what happened. He chose to have his own new family instead of coming back to me. Kaya 'yong tampo ko ay hindi agad mawawala sa isang simpleng pagkain sa labas kasama siya. Hindi agad 'yon mawawala sa mga masasayang kwento niya. Nakakaiyak isipin na parang nawala na 'yong dating Mio na anak niya.

"Pero ayokong sumama sa 'yo, pa." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kitang-kita ko ang lungkot at panunuyo sa mga mata niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Gusto ko pong. . . dito ako magtapos ng kolehiyo. Gusto ko pong dito ako makahanap ng unang trabaho gaya ng plano ko. Gusto kong magkaroon dito ng bahay na sarili ko, 'yong pinaghirapan ko po. Alam kong. . . gusto niyo akong makasama pero. . . hindi ko pa po kasi kaya." I smiled sadly at him and look down again. "I'm used to live in City, pa. I grew up here. Nandito si mama. Nandito 'yong mga ala-ala namin— natin. Kahit alam kong nakalimutan mo na siguro 'yon." I chuckled, but with a hint of pain.

"Hindi totoo 'yan. Oo at may bago na akong pamilya, pero anak. Walang araw na hindi kayo sumagi sa isipan ko. Mahal ko ang mama mo. Mahal na mahal ko. Mahal na mahal din kita. Kaya hindi ko kayang kalimutan 'yon. Patawarin mo ako kung. . . ako mismo ang naging dahilan para lumayo ang loob mo sa akin." Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya.

I felt relieved. I felt that he lift up the heavy luggage I'm carrying for years of travelling. Kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko. 'Yon lang ang gusto kong malaman.

I look at the other side, where my side table is placed. I looked at our family picture in an old frame. Kahit kailan ay hindi ko pinabago ang frame niyan dahil si mama ang bumili. Ang saya saya namin diyan. Kumpleto at walang ibang problemang iniisip. Hanggang sa bigla na lang siyang nagkasakit. That was the best downfall I had in my life. Bigla na lang akong bumagsak dahil sa pagkawala niya. Hindi ko matanggap na sa murang edad ko. . . mawawalan ako ng nanay. . . ng pamilya.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil 'yon. Mahina akong napahikbi dahil naramdaman ko ang init ng kamay niya. The warmth that he's always giving me before. Before sleeping, after waking up, before going to school, after having a hard time in school. I really missed this. Sobrang tagal na akong nangungulila sa kaniya.

Mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko dahil sa marahan at mainit niyang hawak sa akin. Napapikit ako habang dinadama 'yon. Halos manginig ako dahil sa sobrang pangungulila ko sa kaniya sa nagdaang mga taon. Ni hindi man lang niya ako nakitang magdalaga. I was just imagining him, with me, in my eighteenth birthday but it will be just in my imagination until forever. I was just imagining him, dancing me in front of the crowd as I celebrate my birthday. I'm such a hypocrite if I will keep imagining things like that. Dahil kahit kailan ay hindi na mangyayari 'yon. Ayaw ko ring agawin ang atensyon niya sa bago niyang pamilya.

"Tahan na, anak. Mas nasasaktan akong makita kang ganiyan." ramdam ko ang pagyakap niya sa akin habang nakapikit ang aking mga mata at umiiyak nang napakalakas.

"M-miss na miss n-na kita, pa. B-bakit hindi ka b-bumalik sa akin. S-sabi mo babalik ka. S-sabi mo m-magkakasama pa t-tayo, e. Pero pinaasa mo 'ko, pa. Ang s-sakit no'n. 'Yong malaman ko kina t-tita na. . . h-hindi ka na babalik sa akin d-dahil may pamilya ka nang b-bago." Humagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Inilabas ko sa kaniya ang inis ko, ang tampo ko sa nagdaang taon na hindi ko siya kasama.

"Patawarin mo 'ko, anak." Aniya habang mahigpit ang yakap sa akin. Ramdam ko ang pagsisisi niya at pangungulila sa akin.

"L-lumaki akong kasama ka, pa. N-nagkaisip akong kasama ka pero hindi ako tumandang nasa piling kita. S-sabi mo ikaw ang mag-aalaga sa— sa akin. P-pero bakit gano'n? Ang daya mo! Ang daya-daya mo, pa!" Tumaas ang boses ko habang ikinukuyom ang kamao dahil sa namumuong galit sa aking puso.

Nagbabara ang kung anong bukol sa aking lalamunan at hindi na ako halos makahinga nang maayos sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naramdaman ko ang paghikbi ni papa sa buhok ko habang nag-uumpisa na rin siyang umiyak.

Sa bawat minutong lumilipas ay wala rin siyang sawa sa paghingi ng tawad sa akin habang ako naman ay pinapakalma na ang sarili. Hindi siya umalis sa pagkakayakap sa akin habang dinadama ang yakap niya sa akin. Kahit papaano ay nagiging komportable na rin ako doon, 'yon nga lang ay masakit pa rin ang nararamdaman ko.

"Patawarin mo ako, anak. Alam kong mali ang gimawa ko sa 'yo, sa mama mo. Pero ito lang ang siguro ako, hinding-hindi kayo mawawala sa puso ko. Magpapaka-ama pa rin ako sa 'yo, anak. Kahit ayaw mo, gagawin ko pa rin 'yon. At kapag kailangan mo 'ko, nandito lang ako hanggang sa mapapasok mo ulit ako diyan sa puso mo. Hindi ako susuko, anak. Mahal na mahal ka ni papa, tandaan mo 'yan." Hindi ako umimik at hinayaan lang siya.

Pinakalma muna namin ang isa't isa bago kami lumabas at bumaba sa salas. Naroon ai Tita at Tito na naghihintay sa amin. May pag-aalala sa mga mata ni Tita, habang matiim naman ang tingin ni Tito sa aming pareho. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko.

"Aalis na ako, kailangan kong humabol sa huling biyahe. Kayo na ang bahala sa anak ko, ah. Sabihin niyo lang sa akin kung may kailangan siya o kayo. Magbibigay ako. Magpapadala ako linggo-linggo ng panggastos ni Mio dito." Hindi ko alam kung anong ekspresyon ni papa o nina tito at tita dahil nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Naramdaman kong bumaling sa akin si papa kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Mio, anak, aalis na si papa, ah? Kung gusto mong magbakasyon sa Iloilo, magsabi ka sa akin at bibigyan kita ng pamasahe papunta roon. Kapag may kailangan ka, tawagan mo 'ko, ah? Nasa taas ang mga pinamili kong regalo sa 'yo. Naibigay ko na ang regalo ko para sa pinsan mo kaya tingnan mo na lang ang mga regalo ko sa 'yo." Ngumiti siya sa akin pero hindi ako tumugon.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa huling pagkakataon. Umalis na rin siya sa bahay pagkalipas ng kaunting usapan at bilin. Natulala naman ako sa kawalan habang binabalikan ang mga napag-usapan namin. Huminga ako nang malalim bago tingingnan ang mga paper bag na naglalaman ng mga pinamili ni papa sa akin. Totoo ngang maganda na ang trabaho niya at nakakabili na siya ng mga ganito pa sa akin. Kahit hindi ko kailangan ay binili pa rin niya sa akin.

Napangiti ako nang malungkot bago lumapit doon at tiningnan 'yon isa-isa. Binilhan niya ako ng gamit pang-eskuwela, bagong cellphone, toiletries, bagong damit, bag, sapatos, at kung ano-ano pang magagamit ko naman kung sakali. Gumaan ang pakiramdam ko habang naalala ang mukha ni papa. Tumanda na siya ng kaunti, pero ang g'wapo pa rin. I hope someday, I can smile at him again like I always do when I was young.

'Yon ang huling pag-uusap namin ni papa nang bakasyon na 'yon. Balik eskuwela na kaya naman naging abala na naman ako sa pag-aaral. Nagbago man ang level ko, hindi naman nagbago ang nararamdaman ko kay Cyrus.

Hindi pa rin nagbago ang pagsilay-silay ko sa kaniya sa Architecture Department na halos araw-arawin ko na. Madalas rin akong asarin nina Sandy at Jarah dahil doon. Nalaman na rin ni Sandy ang tungkol sa pagkagusto ko kay Cyrus dahil sinabi sa kaniya ni Jarah. Napakadaldal kasi.

"Hindi ka ba sisilay kay crush, Mio?" Nanunudyong tanong ni Sandy sa akin na inirapan ko lang.

Narito kami ngayon sa kiosk at gumagawa ng project dahil kailangan nang ipasa mamaya. Hindi ko kasi natapos agad dahil sunod-sunod ba namang nagbigay ng mga gawain ang mga prof at halos hindi na ako makatulog makatapos lang kahit dalawa.

"H'wag mong istorbohin, Sandy. Nagpapabusy 'yan ngayon. Siyempre, ang sipag at ang talino ba naman ng crush, e. Kailangan niyang magpa-impress niyan." Tudyo pa ni Jarah na mas lalo kong ikinairap.

Nang-aasar silang nagsitawanan na hindi ko na lang pinansin. Dahil kapag pinansin ko, mas lalo lang silang mang-aasar sa akin. Tinapos ko na lang ang project ko at nag-isip na lang ng kung ano-ano.

Ilang buwan na rin ang nakalipas at hindi ko namamalayang. . . sa bawat araw, linggo, at buwang dumadaan ay mas nahuhulog ako kay Cyrus. Ngiti lang ang iginigawas niya sa akin  sa tuwing magtatama ang paningin naming dalawa. Hindi ko alam kung may ideya na siya sa nararamdaman ko dahil madalas niya akong matagpuang nakatambay sa Archi Dept. bago ang klase ko.

Kinakabahan na nga ako minsan dahil baka mainis siya sa akin kapag nakita niya ulit ako kaya hindi muna ako pumunta mgayon doon. Ang g'wapo niya kasi, tapos ang bait pa at ang talino.

Nagpatuloy ang araw-araw ko na madalas pa rin ang pagsilay kay Cyrus. Nagbabalak na akong umamin sa kaniya dahil isang taon na lang. . . gagraduate na siya. Hindi ko alam kung saan siya magma-master's degree after graduation. At paniguradong mamimiss ko siya kapag. . . hindi na siya rito nag-aral dahil paniguradong magtatrabaho na rin siya no'n.

This is my second year in college, and everyday is becoming a hectic schedule for me. Hindi na gaya noong first year college kami ay medyo easy-easy lang gawain, ngayon halos duguan ang laban. Quizes pa lang ay nakakaubos na ng braincells.

"Grabe, ang g'wapo talaga ni Cyrus, 'no?" Nagsalubong agad ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Kendra.

Nasa sala kaming dalawa. Ako ay nagsasagot ng assignments ko, habang siya ay nagse-cellphone at kinikilig sa tinitingnan.

"Na-try mo na ba'ng mag-friend request kay Cyrus? O sa mga kaibigan niya, Mio?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

Sa akin talaga nagtatanong, huh?

"Hindi," sinungaling.

Ngayon ko lang rin naalala na hindi ko pa rin pala naa-accept ang friend request ni Cyrus sa akin last year. Ang tagal na pala no'n. Kailan ko ba siya balak i-accept? O naroon pa ba 'yon? Baka kinansel na niya ang friend request niya sa akin?

"Buti naman. Hindi ka rin naman papansinin no'n kung sakali. Kahit pa paulit-ulit mo pang i-add si Cyrus. Si Cyrus na lang at si Axton ang walang girlfriend sa kanila. Si Yadiel, may nililigawan. Si Yisroel, may girlfriend na pati si Raven. Paniguradong maraming nagkakandarapa kay Cyrus at Axton nito." Aniya na parang tanga dahil para naman siyang walang kausap.

Wala naman akong pakialam sa opinyon mo.

Nagdaan pa ang ilang buwan at sa bawat paglipas no'n ay nagiging buo na ang desisyon ko. Wala akong pakialam kung magalit sa akin si Kendra dahil gusto ko ang lalaking gusto niya. Hindi rin naman siya nagseseryoso sa lalaki. At panigurado namang. . . hindi rin siya papansinin ni Cyrus.

"What if. . . umamin ako kay Cyrus ngayon?" Naibuga bigla ni Sandy ang iniinom na milktea nang sabihin ko 'yon.

Napatiim bagang ako habang pinagmamasdan ang reaksyon nila. Si Jarah ay nakangisi pero may kaunting pag-aalala sa mga mata. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Seryoso ka ba?!" Tumaas ang boses ni Sandy habang pinupunasan ang bibig dahil sa natapong inumin niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman siguro. . . masamang umamin, 'di ba? Hindi naman siguro mamamatay kung aminin ko sa kaniya ang nararamdaman ko. H-hindi naman ako aamin sa maraming tao, ayokong. . . mapahiya kapag nireject niya ako." Nakangusong sambit ko.

"Go, girl. Push mo 'yan, support lang kami." Natatawang sambit ni Jarah na mas lalo kong ikinanguso.

"Paano mo naman siya makakausap nang. . . kayong dalawa lang? I mean, si Cyrus ang kakausapin mo." malaman niyang sambit na ikinatango ko.

"Hahanap ako ng tiyempo. H'wag kayong mag-alala." Nginitian ko silang dalawa habang iniisip kung paano ko gagawin ang balak ko.

Ilang linggo ko pang pinag-isipan ang pag-amin sa kaniya. Ilang beses akong dinadaga kapag nakikita ko na siya. Ilang beses akong sumubok pero palaging palpak. Ilang beses akong nagbalak pero palaging may hadlang. Kung hindi siya may kausap, hindi ko naman siya mahagilap. Minsan pa ay may biglang kasamang babae, paniguradong. . . isa sa mga laruan niya.

Pero ngayong araw ay maglalakas loob na ako. Sasabihin ko na sa kaniya. Wala nang atrasan 'to. Gusto ko lang naman sabihin sa kaniya. Hindi ko siya pipiliting ligawan ako o magcommit ng relasyon sa akin. Masaya na akong tanggapin niya ang pagkagusto ko sa kaniya at hayaan niya akong gawin 'yon. 'Yon lang ang gusto ko. Pero minsan ay parang umaasa talaga ang puso ko. Na-eexcite ako bigla kapag naiisip kong. . . may relasyon kaming dalawa. Pero alam kong malabong mangyari kaya madalas ay itinitigil ko ang pag-iisip ng gano'n.

Huminga ako nang malalim nang makita kong lumabas si Cyrus mula sa huli niyang klase ngayong araw. Dapat ay kanina pa ako umuwi pero inabangan ko talaga siya para makausap siya. Ayoko nang tumagal pa dahil habang tumatagal ay dinadaga lang ako sa gagawin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Wala na siyang kasabay ngayon na mga kaibigan niya, mukhang hindi sila magkakaklase ngayon. Tinapik siya sa balikat ng isang kaklase, tumawa siya at itinaas lang ang kamay sa lalaki, isang senyas na hindi ko nakuha. Nang magpaalam na 'yon ay inayos niya ang bag bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Rinig ko ang singhapan ng mga nasa paligid na mga babae nang gawin niya 'yon. Iba talaga ang karisma ng isang Jian Cyrus Salazar.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay natigil siya sa akmang paglakad sa gawi ko, handa nang umuwi. He raked his hot stare over my body as he arched his brow at me. Then, he look deep into my eyes, as if annihilating something to me.

"What?" He asked in a cold tone.

It sent shivers down my spine that's why I bowed my head lightly.

"S-sorry for disturbing you, but. . . uh. . . can we talk?" Lakas loob kong sambit habang pinaglalaruan ang mga daliri at hindi makatingin sa kaniya nang diretso.

"What do you want to talk about?" I look at him only to see his face, smiling cockily.

"Uh. . . p'wedeng hindi dito? I mean. . . m-maraming kasing tao." Tumingin siya sa paligid at napagtantanong marami pang tao kaya tumango siya.

"Follow me, then." Aniya bago naglakad pauna sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago sumunod sa kaniyang mabilis ang lakad. Napanguso ako habang sinasabayan siyang maglakad. Ang hahaba ng biyas niya kaya hindi ko siya masundan nang maayos!

Nakarating kami sa isang kiosk na nasa dulo, sa likod ng Archi Dept. na malapit sa soccer field. Huminto siya kaya huminto rin ako, tatlong metro ang layo sa kaniya. Walang tao roon kaya paniguradong walang makakarinig sa amin.

"Talk now, I'm going home for a family dinner." tumango ako bago humugot ng malalim na hininga.

"G-gusto kita, Cyrus." Yumuko ako at hinintay siyang magsalita pero walang namutawi sa kaniya kung 'di katahimikan.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. That was so fast, Mio! Naabutan ko siyang nakabuka ang bibig nang bahagya, gulat sa sinabi ko. Para namang bago sa kaniya na may umamin sa kaniya nang ganito. Umiwas ako ng tingin dahil para akong nahihipnotismo sa titig niya sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang reaksyon niya sa sinabi ko.

"You're too young," nanlamig ang sistema ko sa sinabi niya. Bata pa ako. Ayaw niya sa bata. "I can't like you. You're still young for me. I would be a cradle snatcher if. . ." he trailed off. I saw him in my peripheral vision, shaking his head as if he can't believe he's talking to me like this.

I'm still young for him. Ano ba ang mga tipo niya? Matured mag-isip? Twenty's? In his age? That breaks my heart into pieces because. . . of my age. Akala ko ba ayos lang na mareject niya ako? Pero bakit? Bakit sobrang sakit?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro