KABANATA 29
Pinaupo ako ni Cyrus sa tabi niya habang nag-iigting ang panga. Kunot noo ko lamang siyang pinagmamasdan, ang mga kaibigan naman niya ay nagagpakilala na sa akin kanina bago umupo.
"Axton can't come here. He's busy with his fiancee." Yadiel said as he drank his hard liquor.
Tumango si Cyrus, "yeah, they're peparing for their wedding."
Nagtataka naman akong nakatingin kay Cyrus, hindi maintindihan ang sinasabi nila. Axton? His friend? Hindi ba ay ex 'yon ng pinsan niya? Si Julia? And Axton has a fiancee now? I felt sad for his cousin, Julia. Sino kaya ang pakakasalanan ni Axton? At hindi ba ay nakabalik na ng Pilipinas si Julia?
They talked about some stuff, such as businesses and about new projects they have as an architects.
"Ewan ko ba bakit ko kinuha 'yong project na 'yon. Tang *na ang sungit ng client ko. I can turn that down but . . . fvck. Why I can't, thinking about that spoiled client?" reklamo ni Yadiel sabay iling.
"Ohhh . . . 'yong kinukwento mo ba sa akin 'yan, Yaj? 'Yong magandang masungit na client mo?" agad na simaan ng tingin ni Yadiel si Raven na nakangisi sa kaniya.
"Bumalik ka nga lang sa pinagbakasyunan niyo ni Clea! Tang *ina ka ang daldal mo." binato nito ang kaibigan ng tissue na nadampot sa lamesa.
"Bakit hindi namin alam 'yan?" tanong ni Yisroel na nakikinig lang kanina dahil busy sa kaniyang cellphone.
Habang si Cyrus ay busy naman sa paglalaro sa aking daliri na nakapatong sa aking hita. Parang nakasanayan na niya 'yon at walang pakialam sa kung anong epekto nito sa akin.
"Busy ka kasi sa girlfriend mo, huli ka na sa chismis." ani Raven sa mapang-asar na boses.
"At least hindi ako busy sa ibang babae," he smirked.
"Loyal man will always have a happy life." ngisi ni Raven.
"Yea, man. We know that well." si Yisroel.
"Imbento ka na naman ng kasabihan mo, Raven." bagot na sambit ni Yadiel.
"At least ako may naiimbento, ikaw? Ano ambag mo sa mundo?" maangas na tanong ni Raven.
"Nagtatayo ng mga building. Nag-dedesign ng mga establisyemento. Nagdo-donate ng pera and other stuffs sa mga bahay ampunan." pag-iisa-isa naman ni Yadiel sa seryosong boses.
"Gago, pre, h'wag masyadong seryoso." biro ni Yisroel sabay tawa.
Nag-usap pa sila ng kung ano roon habang kami ni Cyrus ay tahimik lang na magkatabi. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko at pinaglalaruan pa rin ang aking daliri.
"I have a question," sambit ko sa mahinang boses na si Cyrus lang ang makakarinig.
"Hmm?" he look at me straight in my eyes with so much emotions I couldn't name.
Para akong nahihipnotismo habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Parang nakalimutan ko na kung ano ang itatanong ko sa kaniya. Kung hindi lang siya umuklo at akmang hahalikan ako ay hindi pa ako magigising sa reyalidad. Umiwas ako sa kaniya na ikinasimangot niya.
"Who's . . . Axton's fiancee? Hindi ba sabi mo ex siya ng pinsan mo? Kung ikakasal na si Axton, ibig sabihin nakamove on na siya sa pinsan mo?" kumunot ang noo ko nang bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "What?" I asked, frowning at him.
Huminto siya sa pagtawa at tiningnan ako nang diretso sa mga mata habang marahang hinahaplos ang aking palad gamit ang kaniyang hinalalaking daliri.
"It's my cousin whom he will marry, babe." nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya.
"N-nagkabalikan sila?" tumango siya at marahan akong pinagmamasdan "P-paano sila nagkabalikan? I mean kakabalik lang ni Julia last month, hindi ba?" marahan kong tanong na tinanguan niyang muli.
"I don't know how they forgive each other, but we all know that Axton will do everything just to have my cousin again. He's that persistent to get back to her. And then, ayon, nagulat na lang kami na nagkabalikan na sila at magpapakasal na." he chuckled mischievously. "Ayaw na talaga niyang pakawalan ang pinsan ko dahil mahal na mahal niya 'yon." I also smiled hearing that.
Sana may ganiyan ding magmahal sa akin. Na kahit anong galit ko sa kaniya hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako hahayaang malunod sa galit ko at gagawin ang lahat para lang mapatawad ko siya. Something tugged my heart at the thought. Kung hindi man ako mahal ni Cyrus at manatili lamang sa pagkagusto ang kaniyang nararamdaman sa akin, tatanggapin ko. At least we were together just for a short time.
"That's awesome. Love is sweeter the second time around talaga, 'no?" I smiled bitterly at nowhere.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang baba sa aking balikat sabay halik doon nang marahan. Napayuko ako, nahihiya sa mga kaibigan niya kahit na hindi naman ang mga ito nakatingin sa amin at abala sa pag-uusap.
"Are you saying that you and your ex will have a chance to get back together?" he asked softly but dangerous.
Sa sobrang rahan no'n ay nakakatakot na ang ibig sabihin.
"Huh? Anong pingsasabi mo riyan? May sinabi ba ako na makikipagbalikan ako kay Sherwin?" sambit ko sabay irap sa kaniya.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka na makikipagbalikan don'." aniya sa nagbabantang boses.
"Ewan ko sa 'yo, Cyrus." napaka-possessive at seloso mo.
"I just don't like the thoughts of you with your bastard ex-boyfriend." wow. Nagsalita ang magaling na si Jian Cyrus Salazar.
"We're just in a good friendship now," I said in a soft voice.
"Just friend?" paninigurado niya.
"Yes," I answered breathily.
"Alright . . ." bulong niya bago ako niyakap mula sa gilid.
Napatingin akong muli ako sa mga kaibigan niya at nakita kong nakangising nakatingin sa amin si Yisroel, nang-aasar na ngisi. Namula ako nang magtama ang tingin naming dalawa lalo na nang ngumiti siya nang palakaibigan bago umuklo at bumulong kay Yadiel na katabi niya sa mahabang sofa.
"Employee nga lang daw kasi, ma-issue kayo." seryosong sambit ni Raven pero may mapang-asar na ngisi sa labi.
"Hoy, Cyrus! Sabi mo iinom tayo kasi free day mo ngayon at walang girlfriend na isasama?" si Yadiel sabay lagok ng scotch na in-order niya.
"Na-miss ko, e." ngisi ni Cyrus at hinigpitan ang yakap sa akin. Nahiya ako bigla sa mga nangyayari at para pang ahas itong si Cyrus kung makalingkis sa akin. Akala mo naman may aagaw sa akin dito.
"Na-miss ka ba? Kita mo nga sabi niya 'employee' mo lang daw." Yisroel said teasingly, emphasizing the word 'employe'.
"Gago ka talaga, Yro. Wala talagang preno 'yang bibig mo." ani Raven sabay bato rito ng takip ng boteng iniinom.
"Sabi ni Yadiel asarin ko raw, e." sabay turo sa kaibigang tumatawa sa gilid niya. Binatukan niya ito hanggang sa magtalo na sila roon.
"Don't mind them. They're crazy." bulong ni Cyrus bago bahagyang kumalas sa akin para kumuha ng alak at ininom 'yon.
"How many bottles did you drink?" I asked, arching a brow at him.
"Just this black label," aniya at inginuso ang bote ng black label sa mesa. Tumango ako. Hindi pa naman nangangalahati 'yon kaya paniguradong hindi pa siya lasing.
"You can still drive, right?" I asked softly.
Tumango siya, "yeah, I'm just tipsy."
Tumango ako at hinayaang siyang uminom ng ilan pang baso ng alak bago siya inayang umuwi na dahil baka malasing na siya nang tuluyan.
"We're going home," imporma niya sa mga kaibigan na nagkukwentuhan at nagtatawanan.
"Huh? Uwi agad?" tumingin sa akin si Yisroel sabay ngiti lalo na nang makita niya ang braso ni Cyrus na nakapulupot na naman sa aking beywang. "Oh, sige! Hermione, right?" tumango ako. "Nice to meet you, finally. Ikaw na bahala sa kaibigan namin." kumunot ang noo ko sa sinabi nito pero hindi ko na tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin hanggang sa isa-isa na silang nagpaalam sa amin.
Nagpaubaya na ako sa paghatak sa akin ni Cyrus palabas ng bar na 'yon. Nang makarating na kami sa parking lot ay agad niya akong pinasakay sa kaniyang kotse. Umikot siya at sumakay sa sasakyan. The moment he slid inside the car he cupped my face and kissed me fervently making me gasp in air as he sucked my lips. I moan as accepting how wild he is while kissing me in my lips. Ang isang kamay niya ay nasa aking batok ang isa ay bumaba sa aking balikat at braso, hinahaplos 'yon nang marahan. He groaned while his hands were now roaming around my body aggressively.
He touched my breast and softly massage it like how I like it. Maya-maya ay iniwan niya ang labi ko para bigyang pansin ang aking leeg. I arched my head to give him more access to kiss my neck softly.
"Don't leave a mark, Cy . . ." bulong ko sa pagitan ng mabibigat na hininga.
"I miss you . . ." bulong niya habang hinahalikan ang aking leeg. I shiver when he licked my neck seductively.
Damn! I missed him so much!
"I miss you so much, babe." bulong niyang muli bago muling umakyat ang kaniyang labi at hinanap ang aking labi. Marahan niyang hinalikan 'yon habang ako ay nakapikit pa rin nang mariin at dinadama ang halik niya.
Maya-maya ay kumalas siya sa paghalik sa akin at ang kamay ay nanatili sa aking batok at hita. As if he's holding a precious diamond. I opened my eyes only to see how gentle his eyes are. He's serious but his expression were to gentle for me to bear.
"I want you to live with me . . ." ang namumungay kong mga mata ay bigla na lamang nanlaki dahil sa sinabi niya.
"Huh? W-what do you mean?" I asked softly looking deeply into his eyes, reading it.
"I want you to live with me so that we can see each other every fvcking day even when we're busy with our works." halos manlambot ako sa offer niya.
He wants me to live with him . . . in his condo. Like a couple do? But then . . . ayaw kong masanay na nariyan siya kung maghihiwalay lang din naman kami ng landas kapag nagsawa na siya sa akin. Masasaktan ako nang sobra kapag gano'n ang nangyari sa aming dalawa. Hindi ko kaya.
"But . . . I don't want to pressure you. I want you to think about it. I'll give you time."
Give some time to think . . . and to have courage to ask what we are. Because the thought of you, playing with my emotions, driving me crazy.
"Samahan mo 'ko sa wedding nina Axton." tumango na lamang ako habang binubuhay niya ang makina ng sasakyan niya.
Tahimik lang ako hanggang sa makarating sa restaurant na madalas naming kainan. Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay bago bumaling sa harapan.
"I know you're still not eating yet, I'm sorry." buti naman at alam niya. Kanina pa ako nagugutom.
Bumaba ako nang mapagbuksan ng pinto ng valet. Nagpasalamat ako bago lumapit kay Cyrus. Ibinigay ni Cyrus dito ang susi bago ako igiya papasok ng restaurant. We went to our same spot. Alam kong lasing si Cyrus pero nagawa niya pa ring mag-drive papunta rito nang hindi kami nadidisgrasya. At inisip niya talagang pumunta rito dahil hindi pa ako nakakakain. Pinagmasdan ko siyang nakaupo sa harapan ko at nakapikit ang mga mata
"Are you sleepy?" marahang tanong ko.
Agad siyang nagmulat ng mga mata at diretsong tumingin sa akin sabay iling. Palihim akong ngumisi bago nagtawag ng waiter para manghingi ng tubig para kay Cyrus. He needs to drink water to sober up a bit. Alam kong inaantok na siya pero gusto niya pa ring makakain ako.
Nang dumating ang order namin ay nagsimula na akong kumain, gano'n din siya pero marahan lang at tahimik dahil inaantok na talaga siya. Pinainom ko siya ng maraming tubig para maginhawahan siya.
"That's enough. I already had two glass of water." pigil niya sa akin nang bigyan ko ulit siya ng pangatlong baso ng tubig.
Nagtaas ako ng kilay sa kaniya, "it will help you sober up. Sige, mag-inom ka pa." sambit ko sa inis.
Wala siyang nagawa kung 'di ang uminom ng tubig. Pagkatapos no'n ay inaya ko na siyang umuwi na dahil pareho kaming pagod sa trabaho. He sober up that's why we arrived at his condo safely.
Naligo ulit siya sa kabilang banyo habang ako ay sa banyo ng kuwarto niya naligo. Kaya naman nang matapos ako ay saktong pagpasok niya sa loob ng kuwarto. His eyes were now hooded, really tired and sleepy yet he's still good looking. Kailan ba papangit ang isang 'to?
Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay naabutan kong tuloy na si Cyrus. Tuyo naman na ang kaniyang buhok kaya ayos lang na makatulog na siya. Lumapit sa nightstand sa gilid at binuksan ang lampshade doon bago ko pinatay ang mga ilaw. Pumunta ako sa kabilang side ng kama at tinabihan siya bago hinalikan ang kaniyang noo at bumulong.
"Goodnight, my love." bulong ko bago umayos ng higa sa kaniyang tabi.
Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha hanggang sa gumalaw siya at niyakap ako at nagsumiksik na naman sa aking leeg. Hinayaan ko siya ro'n at niyakap siya pabalik bago ipinikit ang mga mata.
My adorable Cyrus.
We slept peacefully that night. Kinabukasan naman ay sabay ulit kaming pumasok. Ayaw pa nga sana ni Cyrus na pumasok kami sa trabaho at manatili na lang daw muna sa condo niya pero napilit ko pa rin siyang mag-asikaso na dahil kung ayaw niyang pumasok ako ang papasok sa opisina. Hindi ako p'wedeng umabsent ngayon na marami akong tambak na gawain.
"Hindi ako makakasabay sa 'yo sa pagkain. May bibisitahin akong site sa Cavite mamayang 11am kaya paniguradong hindi na ako aabot dito ng tanghalian." tumango ako sa sinabi niya at ngumiti.
"Alright. Ingat sa pagmamaneho." he nodded then leaned in to kiss my lips.
Until the elevator door opened. I waved my hand at him and went outside the elevator. Hindi na ako nagulat nang makita kong naroon na naman si Kendra sa lobby at nag-aabang. Her gaze passed through my body and I already know what she's looking at. Inabangan niya kung lalabas ba si Cyrus pero walang lumabas kaya tumingin na lang siya sa akin na may mapang-asar na ngisi sa labi.
"Ano na naman ang kailangan mo?" tanong ko bago humalukipkip ang mga braso sa dibdib.
She smirked devilishly at me, "matapang ka na talaga, Mio, 'no?" she asked languidly at me, creasing her eyebrow.
"What? Do you expect me to be the same submissive cousin you have? No, Kendra. I won't stay that way." seryosong sambit ko bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa pabalik sa kaniyang mga mata at nang-uuya, siyang tiningnan. "Sabagay, ikaw kasi hindi nagbago. You're the same spoiled brat, immature, and manipulative cousin I have. Walang pinagbago, Kendra. Tumanda ka lang at nagbawas ng timbang pero ikaw pa rin ang Kendra'ng kilala ko simula pagkabata ko."
I saw her cheeks, ears, and neck reddened as I finish my words. I won't back down now, Kendra. Hindi na ako magiging sunud-sunuran sa 'yo dahil may utang na loob ako sa magulang mo. Not anymore. I already had too much of you. Hindi ko na kakayaning may sirain ka pa sa akin ngayon na kaya ko nang lumaban.
"You really changed, Mio. Masyado ka nang mayabang. Tingnan natin kung may maipagmamayabang ka pa sa mga susunod kong gagawin sa buhay mo. Hindi ko hahayaang mapasayo si Cyrus. Tandaan mo 'yan. I will do everything to make sure that he will be mine and make your life . . . a living hell." he smirked before walking passed me.
Nag-igting ang bagang ko at hindi na siya nilingon at naglakad na lamang papunta sa aking cubicle. May napapatingin sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin dahil nababadtrip ako ngayon. Imbes na maayos na ang gising ko na kanina ay sinira pa ng bruha kong pinsan. Kailan ba siya titigil sa panggugulo sa buhay ko? Umalis na nga ako sa puder ng mga magulang niya para tigilan na ako tapos ito naman siya at sinusundan na naman ako para lang guluhin. Nakakairita talaga!
Natapos ang araw ko na puro inis ang nasa isip. Mainit ang ulo ko na pati gawa ko ay kinaiinisan ko. Pakiramdam ko ay mali-mali na ang napipindot ko sa keyboard dahil sa inis. Kumalma lang ako nang maghapon na at malapit ko nang matapos ang ginagawa ko. Nang matapos ay agad ko 'yong pirint para ipasa na sa head namin. Pagkatapos no'n ay inaya ko na si Jarah na umuwi na dahil tapos na rin naman siya.
"Maghapon ka badtrip, ah. Anong nangyari?" Jarah asked while we're inside the elevator.
"Pinsan ko," simpleng sagot ko na paniguradong alam na niya ang ibig sabihin.
"Oh my! Ano na namang ginawa ng bruhang 'yon sa 'yo? Psycho talagang pinsan mo, e 'no?" she sighed in disbelief.
"Hayaan mo na. Sobra-sobra kasi sa aruga nina Tito at Tita 'yon." natawa siya sa sinabi ko.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Cyrus ang tumatawag. Agad ko 'yong sinagot habang nakikita ko sa gilid ang mapanuring tingin ni Jarah sa akin.
"Hello,"
"Babe, I'm here at the basement. I'm waiting." napanguso ako sa sinabi niya.
"Okay . . ." maliit ang boses na sagot ko.
Sinabi ko kay Jarah na sabay kaming uuwi ni Cyrus. At ang gaga tuwang-tuwa na magsasabay kami ng uwi ni Cyrus ngayon. Pagkarating ko sa basement ay agad ko siyang nakitang nakahilig sa kaniyang sasakyan, hinihintay ako. Lumapit ako habang pinagmamasdan ang pagod niyang mukha. He's really tired the whole day . . . no, almost a month now. Kaya nga madalas ay hindi na kami nagkikita dahil masyado na siyang abala.
Nang mapansin niyang may papalapit sa kaniya ay nag-angat siya ng tingin sa akin at agad na sumilay ang ngiti sa labi. Napangiti rin ako nang makita ang ngiti niya.
"Hey, babe." lumapit siya sa akin at agad akong hinalikan sa labi. It was just a smack and he pulled away immediately, looking so satisfied and light now.
"Ayos ka lang? You look tired. Let's go home." tumango siya bago siya muling umuklo para halikan ako.
"I'm fine. Let's go." inaya na niya ako sa kaniyang sasakyan.
Nang makapasok na siya ay may kinuha siyang box sa backseat ng sasakyan kaya sinundan ko siya ng tingin at nakitang kinuha niya ang isang pink na box sa likod. Agad niyang binigay sa akin 'yon nang makuha niya.
Kunot noo ko 'yong tinanggap, "what's this?" tanong ko habang binubuksan ang box siya naman ay binuhay ang makina ng sasakyan niya.
"Your dress," sagot niya nang mabuksan ko ang box.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman no'n. It really is a dress. A pink mini mazzolino dress. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Para saan 'to?" tanong ko sa kaniya, naguguluhan pa rin.
"For Axton and Julia's wedding on Tuesday." diretsong sambit niya.
"Sigurado ka bang kasya sa akin 'to? Baka hindi, ah." I narrowed my eyes on him.
"I know your sizes. It'll fit." napakurap-kurap ako sa kaniya.
"H-how did you know my size?" I asked, still in daze.
"Palagi kitang nahahawakan at nakikita kaya alam ko na ang sukat mo. Trust me." he winked at me before driving.
This guy is insane! How the hell did he know my size?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro