KABANATA 2
Tulala lang ako habang nasa kiosk at hindi makasabay sa mga kwentuhan nina Sandy at Jarah na kanina pa nag-uusap. Hindi ko pa rin maalis ang titig ni Cyrus sa akin kanina habang hinahalikan niya ang babaeng 'yon. Sino ba 'yon at pumapayag siyang magpahalik sa kung saan?
Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking dibdib kung saan naroon ang puso kong napalakas ng tibok. Para akong tumakbo sa isang marathon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para pa akong aatakihin sa puso.
"Anong nangyayari sa 'yo, Hermione?" Napabaling ako kay Sandy at Jarah na kuryosong nakatingin sa akin. "Epekto ba 'yan ng tatlo lang ang mali sa quiz? Sana all na lang." Natatawang dagdag pa ni Sandy.
"Ang dami kong mali. Buti na lang wala sa kalahati, kung hindi kawawa ako sa nanay ko." Tumawa si Jarah nang napakalakas dahil sa sinabi niya.
Tuwang-tuwa pa siya na maraming mali sa quiz niya. Napailing na lang ako at binuksan ang aking cellphone. Nagbukas na lang ako ng social media account ko para hindi maboring dahil wala rin naman akong maintindihan sa sinasabi ng dalawang ito.
First encounter namin ay nabangga ko siya. Nakakahiya 'yon. Second encounter naman namin ay nakita ko siyang may kahalikang babae. Mas nakakahiya 'yon. Ano kaya ang susunod. Sana naman hindi na sobrang nakakahiya at baka magpalamon na lang ako sa lupa kapag nangyari 'yon.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga messages sa akin ng mga hindi kilalang tao. Kadalasan ay lalaki pa. Sino ba kasi kayo?! Hindi ko na lang 'yon pinansin at tiningnan na lang ang newsfeed ko. Biglang may nagpop-up na notification kaya naman tiningnan ko 'yon at nakitang. . . halos mabulunan ako habang nakatingin doon.
Jian Cyrus Salazar sent you a friend request.
That simple notification made my heart beats faster than ever. It made my heart almost explode with so much emotions. Napatanga ako doon at biglang in-exit ang apps na 'yon.
Bakit niya ako in-add? Paano niya nahanap ang facebook account ko? Paano. . . what the fvck is the meaning of this?! Ime-message niya ba ako para komprontahin sa nakita ko? G-galit ba siya? Handa naman akong mag-sorry kung 'yon ang gusto niya. Shit lang! Bakit kasi nakita ko pa 'yon, e! Ang malas naman!
"Bakit namumutla ka diyan, Mio? Anong nangyari sa 'yo?" Napatingin ako sa mga kaibigan kong kuryoso na naman ang tingin sa akin.
Marahas akong napalunok, "w-wala. Wala naman. M-medyo masama lang ang pakiramdam ko." Ngumiti ako ng alanganin sa kanila at yumuko nang bahagya.
Lumapat ang palad ni Sandy sa aking noo at sinalat 'yon. Kunot noo siyang nakatingin sa akin habang sinasalat ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat, pero parang may sinat?" Ngumiwi siya. "Ang lamig rin ng braso mo. Anong nangyayari sa 'yo? Well, isang subject na lang naman at uwian na." Tumango na lang ako at napakagat sa labi.
Hindi naman masama pakiramdam ko, pero ayos na rin na 'yon ang maisip nilang dahilan kung bakit ganito ako ngayon umakto.
Pumasok ako sa sumunod na subject na tulala at wala sa sarili. Mabuti na lang at hindi nag-surprise quiz ang prof kaya hindi ko nakastigo ang sarili dahil sa pagiging tulala ko. Napabuntong hininga muna ako bago lumabas ng room. Napabaling pa ako sa ibang direksyon para magmasid, baka biglang sumulpot si Cyrus at pilipitin ang leeg ko, though I know he's kind as what other define him. H'wag lang sana siyang magalit sa akin dahil sa nakita ko. I feel like I intrude their intimacy. I feel like I invaded their privacy. His privacy! Gosh!
Nagmamadali akong bumaba at umalis sa Finance Department para makauwi na. May nababangga pa ako dahil nakayuko akong naglalakad. Nanlalamig ako at hindi na alam kung saang direksyon pupunta. Hanggang sa mabangga ako sa isang matikas na bulto ng katawan. Nanlamig ako nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na 'yon.
Dahan-dahan, nag-angat ako ng tingin sa taong nasa harapan ko at para akong tinakasan ng kaluluwa nang makita ko si Cyrus na nakatayo sa harapan ko at may seryosong mukhang nakatingin sa akin. Napalunok ako nang marahas at umiwas ng tingin. Medyo malayo pa ang gate at mukhang anytime ay mapipilipit niya ang leeg ko.
"I'm sorry," napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. He's clenching his jaw like he's protruding something inside him. He look down on my and sighed. "Hindi mo na dapat nakita 'yon. Sorry. I. . . I was just tempted." is he afraid I might tell everyone I just saw him kissing a random girl in the library? Or was it because he really is guilty in kissing random girl inside the library and they might call it PDA? Or something that violated the school rule.
Either way, I won't interfere in any of his issues. Hindi naman ako gano'n kahayok sa atensyon niya, 'no. Oo nga at crush ko siya, pero hindi ko naman sisirain ang imahe niya sa school para lang mapansin niya. Balita ko rin naman na. . . mahirap mapansin ng isang Jian Cyrus Salazar ng Architecture Department. Mayaman siya at may mamanahin na agad na kumpanya. Mahirap siyang abutin, sa madaling salita.
"Don't worry. Hindi ko naman sasabihin sa iba 'yong nakita ko. I will shut my mouth up for your peace. For the sake of your image here because you're one of the Dean's lister. H'wag kang mag-alala." Nginitian ko siya na agad niyang sinuklian.
"Maraming salamat. Kahit hindi 'yan ang inaalala ko. You're still young to see intimacy, so I'm sorry for that." Aniya bago ngumiting muli at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Mauna na ako." Saad pa niya bago umalis sa harapan ko.
Naiwan na naman akong tulala doon at walang pakialam kung nakaharang sa daanan. I was still in the verge of shock because of what he did. Ginulo niya ang buhok ko. Imbes na magalit ay parang sumabog ang puso ko sa kilig na nararamdaman. Hindi ko na napigilan ang pagngiti at umalis na doon.
What a blessed day I have!
'Yong crush ko. . . nginitian ako at nag-sorry sa akin. But he said I'm still young to see intimacy. I'm still young! What?! I'm in my legal age!
Bakit biglang nagbago ang pananaw ko sa edad ko ngayon? Kahapon lang ay sinasabi kong bata pa ako para sa pag-iinom. Na bata pa ako para gumawa ng kung anong gawain. Pero ngayon na sinabi niya sa akin 'yon. . . pakiramdam ko ay hindi siya pumapatol sa mga batang. . . gaya ko. Hindi naman na ako bata.
Nakanguso ako habang naghihintay ng jeep at iniisip ang sinabi niya. Bata. Hindi naman na ako bata. I could kiss him like that too. What?! What the hell am I thinking?! What kiss am I saying?! Erase, erase. Tinampal ko ang mukha ko nang bahagya bago napakurap-kurap.
"Miss, sasakay ka ba?" Anang barkero na nagpagising sa natutulog kong diwa.
"Ah! Opo!" Gulat kong sambit bago tumakbo para makasakay sa jeep.
Tulala ako sa jeep habang inaalala ang mukha ni Cyrus. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko bago pinilig ang ulo para mawala siya sa aking isipan. Bakit ko ba siya iniisip?
'Crush mo kasi.' anang tinig sa aking isipan.
Napanguso ako at napailing na lang bago nagbayad sa driver. Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa pagpasok sa loob ng village. Alas dos na at walang naglalarong bata, siyempre napakainit ng panahon alangan namang maglaro pa sila kahit sobrang init, tibay naman ng balat nila kung gano'n.
Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa kuwarto. Wala si Tita, siguro ay nagtitinda 'yon ngayon ng mga paninda niya sa palengke, si Tito naman ay paniguradong mamaya pa galing sa talyer. Pagkapasok ko sa kuwarto ay nagbihis agad ako at bumaba para maghanap ng miryenda. Maaga ang uwi ko kaysa kahapon dahil ilang subjects lang ang mayroon ako.
"Well, well, well. Nandito na pala ang hampaslupa kong pinsan." Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang boses ni Kendra sa pinto ng kusina habang abala ako sa paghahanap ng meryenda sa ref.
Gusto kong umirap pero dahil baka mapansin niya ay hindi ko na lang ginawa, baka ikagalit na naman niya.
"Hindi ka pala pumasok," imbes ay 'yon ang sinabi ko at naglabas ng nakitang graham cake doon. Tumingin ako sa kaniya at nagtaas ng kilay.
"Nakikita mo naman, 'di ba?" sarkastikong sambit niya bago umirap. "Napagalitan ako ni mama dahil alas diez na ako umuwi." Aba at proud ka pa? Sana all, proud.
"Uminom ka daw?" Nagtaas siya ng kilay at umirap. "H'wag mo na sanang ulitin nang hindi nagpapaalam kina Tita at Tito." saad ko sa nangangaral na boses.
"Paki ko sa sinasabi mo?" Umirap siya at tumalikod sa akin bago umalis ng kusina.
Nagkabit balikat ako. Okay, hindi naman ako ang pagagalitan, e. Paki ko rin sa 'yong bruhilda ka.
Napapailing na lang ako habang tinatapos ang pagkain ng graham cake sa kusina. Nang matapos ay uminom ako ng tubig bago umakyat sa taas at natulog muna. Wala akong assignment ngayon kaya makakapagpahinga pa ako. Magrereview lang ako mamaya kaya ayos lang na matulog muna ako.
Sa araw-araw ay gano'n ang sistema ng buhay ko. Uuwi ng bahay, makikipagtalo kay Kendra, tutulong kay Tita za paninda, mag-aaral, papasok, sisilay kay Cyrus. Gano'n lang. Wala nang bago, bukod sa madalas kong paggawi sa basketball court at sa Architecture Department para makasilay sa kaniya.
Akala ko nga ay hindi magkakagusto si Kendra kay Cyrus dahil hindi naman niya 'yon madalas makita o hindi niya pinagtutuunan ng pansin pero nagkamali ako. Hindi nakaligtas sa kaniya ang kagwapuhan ni Cyrus na sana ay hindi na lang nangyari.
"Do you know Cyrus?" Isang araw ay tanong niya sa akin habang naghuhugas ako ng mga plato.
Nagsalubong ang mga kulay ko bago tumingin sa kaniya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"You don't know him?" She asked again with her brows furrowed.
I narrowed my eyes on her, "kilala ko. Third year college na 'yon, Kendra." Saad ko, baka sakaling magbago ang pananaw niya sa buhay.
"I think it's fine naman, 'di ba? Age doesn't matter if you love someone." Halos mabulunan ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya.
Love, huh.
"He's hot and intelligent. Ang sabi pa ay mabait siya. I like him. I saw him in the gym, while they were practising basketball. G'wapo rin 'yong Axton kaso sobrang sungit ng hitsura. I like Yisroel, too, but he's too jolly! Kind of intimidating but his jolly personality is more-"
"Okay, okay. I get it. Gusto mo siya, tapos." Pagpuputol ko sa sinasabi niya dahil napapahaba na. Ngayon lang siya naging madaldal tungkol sa ganitong bagay. Usually naman ay hindi niya ako kinakausap tungkol sa ganito kaya nakakapanibago. "Akala ko ba may boyfriend ka?" Tanong ko habang nanliliit ang mga mata sa kaniya.
She laughed exaggeratedly, "don't worry, it's just 'like', crush I think. Panigurado naman na hindi ako mapapansin ng mga 'yon. But for sure in the near future, they will." My brows furrowed at that.
Talaga lang, ah? In the near future pa nga.
"Sana hindi ka magkagusto sa kanila. Lalong-lalo na kay Cyrus. You know, I don't share my crush to others." Napaismid ako sa sinabi niya at umiling bago nagpatuloy sa paghuhugas.
'I don't share my crush to others'. Wow, sa 'yo ba? Sa 'yo? Feeling jowa, ah.
Kaya ngayon ay namomroblema ako na parang pag-aari ko si Cyrus na gusto kong ipagdamot sa kaniya. Bakit ba kasi lahat na lang ng gusto ko, gusto rin niya? Pangit naman ng trip niya sa buhay!
Huminga na lang ako nang malalim bago ipinilig ang ulo para makalimutan ang napag-usapan naming dalawa. Dumaan ulit ako sa Architecture Department, saktong pagkakita ko kay Cyrus na lumabas ng room niya na naiiling at inaayos ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri habang nangingiti. Kasunod niya 'yong kaibigan niyang inaasar siya at ang isang lalaking seryoso lang ang ekspresyon habang nakikinig sa kanila at nakatingin sa cellphone niya.
Napasinghap ako nang biglang magtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti siya sa akin bago ibinaling ang atensyon sa kaibigang may sinasabing kung ano.
Did he. . . smiled at me?!
Bigla akong nakahinga nang maluwang nang makaalis sila doon. Nakasilay na, nginitian pa. Pak na pak talaga! Sana palaging ganiyan.
Pumunta na ako sa building namin at nagpasyang dumiretso na sa room. Nagreview muna ako para kung sakaling may recitation ay may maisasagot ako. Umupo sa tabi ko si Sandy. Hindi naman kaklase ngayong subject si Jarah dahil nasa ibang subject siya. Magkaiba kami ng schedule.
"Girl, alam mo ba na may nag-confess daw kay Kuya Cyrus." Napakunot ang noo ko dahil sa biglang sinabi ni Sandy.
Kuya Cyrus pa nga.
"Ano naman?" Walang pakialam kong tanong. Wala nga ba talagang pakialam?
"I mean, crush siya ng campus. Mapa-lower level or higher. Taga Tourism 'yong nag-confess, third year college." Hindi ko siya pinansin pero alam niyang nakikinig ako kaya nagpatuloy siya sa sinasabi. "Tapos alam mo ba, sa open field siya nag-confess!" Tumawa siya na parang tuwang-tuwa sa sinapit ng babae. "May mga pa-balloons pa, may pa-letter, pero ang ending. . ." she trailed off just to laugh her ass off. "She was rejected! Jian Cyrus Salazar, rejected a Tourism student. Grabe, imagine being rejected by him in so many people around you. Nakakahiya!"
I snorted and just shook my head before focusing on what I am reading. Pero ayaw nang maki-cooperate ng utak ko dahil lumilipad na 'yon sa sinabi ni Sandy sa akin. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa. Pakiramdam ko ay hanggang crush na lang talaga ako. Nakakatakot umamin. Nakakahiyang magsabi.
Dumaan pa ang mga araw at patuloy lang ako sa routine ko. Nagkwento lang sila sa akin tungkol sa birthday celebration ni Sandy sa isang bar. Hindi naman daw sila hinanapan ng ID dahil matatangkad sila at mature ang hitsura. Kaya mabuti na lang rin at hindi ako sumama dahil kahit matangkad ako ay hindi ako gano'n ka-mature tingnan sa mukha. Patuloy lang rin ako sa pagsilay kay Cyrus sa nagdaang araw. Nagtataka na tuloy sina Sandy at Jarah kung bakit madalas akong magawi sa Architecture Department at sa Basketball court, e hindi ko naman daw 'yon gawain, lalo pa noong highschool kami. Nahihiya akong aminin sa kanila, masyadong advance mag-isip ang mga 'yan.
"Hoy, bakit ka nandito!" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.
Gulat akong napabaling kay Jarah na nanliliit ang mga matang sinusuri ako. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at hindi siya masagot.
"Nagtataka talaga ako kung bakit palagi kang narito, Hermione. Ano ba ang mayroon dito? Huh?" Iniligid pa ang kaniyang paningin na parang mahahanap niya roon ang sagot.
"W-Wala. N-Napapadaan lang." Mas lalong naningkit ang mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi ka dapat mapapadaan dito kung sa Finance Department ka. At saka, girl, first year college ka hindi third year-" mabilis kong tinakpan ang bibig niya nang mag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang klase ng third year.
"H-h'wag ka ngang maingay." Saway ko sa kaniya dahil malakas ang boses niya masyado.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lumabas si Cyrus kasama ang dalawa pa niyang kaibigan. Mabilis kong hinatak si Jarah paalis doon para hindi kami makita ni Cyrus.
Oh my gosh! Oh my freaking gosh! Buti na lang at hindi niya kami nakita!
"Teka lang!" Iwinaksi niya ang aking kamay dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.
"A-ano?" Gulat kong tanong dahil tumigil siya, baka dito dumaan sina Cyrus at makita kami! "Ta-tara na kasi!" Pilit ko siyang hinahawakan sa kamay pero humalukipkip lang siya at nagtaas ng kilay sa akin.
Nanunuri niya akong tinitigan. "Sabihin mo nga sa akin, may crush ka ba dito sa third year college ng Architecture Department?" Napakurap-kurap ako at nanlamig habang tinitingnan siya sa mga mata.
"Huh?" Imbes ay iyon ang ibinulalas ko.
"Umamin ka nga, meron ba?" Hindi ko alam kung paano ko aaminin.
Ang gusto ko na lang ay ang umalis kami dito dahil baka maabutan kami nina Cyrus.
"Mamaya ko na sasagutin! Tara na!" Hinatak kong muli siya.
"Siguraduhin mo lang, Mio!" Aniya habang nagpapahatak sa akin.
Wala na rin naman akong takas dahil hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo. Nang makarating kami sa kiosk na medyo malayo at walang tao ay huminto kami at nagpahinga. Hinihingal pa ako dahil sa biglaang pagtakbo. Mamaya-maya pa ang klase ko dahil wala ang prof sa dapat na subject ko ngayon.
Huminga nang malalim si Jarah bago at tiningnan. "Sabihin mo na sa 'kin, Mio." Aniya sa naiintrigang boses.
Napalunok ako. "H'wag mong sasabihin sa kahit na sino, ah. B-baka ipagkalat mo. F.O talaga tayo kapag ginawa mo 'yon." Pagbabanta ko na ikinabungisngis niya.
"Makakaasa ka sa akin, Mio. Promise. Cross my heart, mamatay man crush ko ngayon." Desididong sambit niya.
"Okay," huminga ako nang malalim bago kumuha ng lakas para magsalita. "Oo, may. . . crush ako doon. Si. . . si Cyrus." napakagat ako sa pang-ibabang labi habang hinihintay ang reaksyon niya.
"Oh my gosh! Totoo ba?!" Bigla siyang nagtatalon at tumitili dahilan para may mapabaling sa amin mula sa malayo.
"Jarah! Tumigil ka!" Saway ko dahil naghihisterya na siya ngayon.
"Oh my gosh! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Tumitili pa rin siya pero hindi na gano'n kalakas. Huminto siya at umupo sa katapat kong upuan.
"H-hindi naman kasi importante." Mahinang sambit ko, nahihiya sa sinabi.
"Ano?! Anong hindi improtante? My gosh, Mio. Importante sa amin na may crush ka. Alam mo 'yan. Puro ka kasi aral kaya naiintriga kami sa love life mo." Pabiro pa niyang hinila ang buhok ko kaya napanguso ako.
"Nagkaka-crush naman ako, ah." Depensa ko. "Hindi nga lang gano'n katagal. Pero. . . at least nagkakaroon ako ng crush."
"Kailan mo pa ba siya crush?" She leaned in to hear me, her all attention was all on me I felt conscious.
"Uh. . ." tumikhim ako. "L-last week? Ano. . . noong pinipilit niyo 'ko ni Sandy na sumama sa bar. D-doon. Nabunggo ko siya tapos. . . parang hindi ko na siya maalis sa isipan ko. Lalo na dahil pag nakikita niya ako, ngumingiti siya sa akin." Napatili na naman siya na parang kinukurot ang singit niya.
Napapikit ako sa kahihiyan at napasapo sa noo. Bakit ba kasi ganito ang kaibigan ko. Diyos ko naman.
"Nginingitian ka? OMG, Mio, hindi madalas ngumiti 'yon. Naririnig ko sa kwento ni Ate, hindi daw mabilis mapangiti ang lalaking 'yon. Lalo na 'yong kaibigan niyang si Kuya Axton. Isa pa 'yon na palaging seryoso. Masungit at isnabero! Kung hindi lang mga g'wapo, matatalino at mayayaman, walang magkakagusto sa mga gano'ng ugali. Sa totoo lang." Naiiling niyang sambit.
Napanguso ako habang inaalala ang mukha ni Cyrus. Oo at madalas siyang nakakunot ang noo, seryoso at mukhang laging galit, pero nakikita ko sa kaniyang mabait siya. 'Yon ang nagustuhan ko sa kaniya. Mabait siya at hindi naman gano'n kaisnabero. Kahit kailan ko lang rin siya nakilala ay alam kong mabait siya. 'Yon ang pinanghahawakan ko kaya ko siya nagustuhan.
Kailan niya kaya ako mapapansin. O baka magaya lang rin ako sa mga babaeng nirereject niya sa tuwing magco-confess sa kaniya ng nararamdaman. Hindi naman ako magrereklamo kung sakaling. . . i-reject niya ako. Hindi naman porke't may gusto ako sa kaniya ay kailangan niya na ring magustuhan ako. Hindi naman porke't nalaman niyang gusto ko siya ay kailangan ibalik niya 'yong nararamdaman ko. Hindi gano'n.
Life is unfair. Life is full of truth, betrayal, sin, inaccuracy, and hypocrisy. That's why if you love someone and that someone don't or can't love you back, just accept it. In this lifetime, everything is not the same. Every feelings is not the same. Maaaring tumatawa ka ngayon, pero ang iba ay umiiyak at nagluluksa. Kaya hindi lahat ng bagay o pangyayari sa mundo ay parehas. Kaya hindi ko siya masisisi kung hindi niya ako magugustuhan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro