Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 16

Buong hapunan namin ay iritado ako sa kaniya. Hindi ko na lang pinahalatang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya at nagkunwaring ayos lang kahit na hindi nagbago ang pagiging iritado ko sa kaniya.

“Why so grumpy tonight?” he asked while driving our way home.

“Wala,” pasinghal kong sambit at inirapan siya.

“Is it the effect of what happened between us last night?” namula ang pisngi ko sa sinabi niya at agad siyang hinampas sa braso na ikinatawa lang niya.

“Malamang, hindi!” sigaw ko sa kaniya.

Sumimangot naman siya at sumulyap saglit sa akin. “The, what is it that making you grumpy?” he asked in a soft voice.

Muntik pa akong madala sa boses niya. Sa sobrang lambot ng pagkakabigkas niya no’n ay natunaw agad ang inis ko sa kaniya at napalitan ng pagkamangha.

“J-just nothing,” tumango siya kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at mariing lumunok.

“Fine. You’re always grumpy at me, anyway.” medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi para sa akin, kung ‘di para sa kaniya.

Ewan ko ba sa sarili ko at kung ano-ano itong nararamdaman ko sa kaniya. Alam kong mahal ko siya pero… hindi pa rin mawala ang inis ko sa kaniya. Because he’s giving me unknown signals. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ko alam kung… ano na ang tingin niya sa akin ngayon. Lalo pa at nakuha na niya ang alam kong nais niya.

He just want that, right? That’s why I am rendering my heart not to beat so hard for him whenever he’s around. Pero kung magpapatuloy siya ng ganiyan… hindi ko na alam ang gagawin ko.

Baka nahulog na ako sa napakataas ng building ay hindi pa rin niya ako handang saluhin, gaya noon.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kaming dalawa sa aking apartment. Nakasimangot kong tinanggal ang seatbelt ko bago siya binalingan pero sa paglingong ginawa ko sa kaniya ay saktong paglapat ng kaniyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko kahit hindi naman ‘yon ang first time na hinalikan niya ako. Siguro ay epekto ng nangyari sa amin kagabi kaya lahat ng gawin niya sa akin ay kakaibang kiliti ang hatid sa kaibuturan ko.

When he pulled out of the kiss he look at me with weary eyes. He licked his lower lip while looking at me intently. I cleared my throat before looking away from him. His eyes is way too much to look at. His intense and cold eyes always made me shiver and tremble with so much sensual emotions.

“You look so tensed the whole time. Why is that? Hmm?” he asked with his soft voice, almost melting my heart.

“Wala nga. Wala lang talaga ako sa mood.” nakaiwas ang tingin kong sambit bago marahang lumunok.

Hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko kayang matagalan ang malalalim at maamong tingin niya sa akin. May kakaibang emosyong nabubuhay sa akin kapag tinitingnan ko siya.

He sighed in defeat, “fine. I’ll fetch you tomorrow morning, okay?”

Tumango ako ng marahan sa kaniya. Pero mabilis rin akong napatingin sa kaniya nang marealize ko ang sinabi niya. I saw him smirked and his eyes danced with so much amusement.

“Anong sabi mo?” gulat kong tanong sa kaniya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. This assh*le!

“I’ll fetch you tomorrow. For work.” ngayon ay mas nilinaw na niya kung para saan ang sinasabi niya.

“You mean… susunduin mo ‘ko bukas… at ihahatid… isasabay papasok sa trabaho?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya, nanlalaki ang mga mata dahil sa sinabi niya.

“Yeah,” he answered languidly as his eyes look down on my lips. His eyes held desire while looking at it.

Tumikhim ako bago umiling. Hindi p’wede ‘yon. He’ll be with me in the same car in broad daylight! Maraming makakakita sa amin. Ano na lang ang iisipin ng mga empleyado kapag nakita nila kaming magkasama sa kaniyang kotse? Ihahatid niya ako sa trabaho… kung saaan siya ang boss!

I don’t want to look like a gold digger!

“No.” I said firmly without looking at him.

“Why?” he asked, frowning at me.

“You are my boss and I am just your employee.” nagsalubong ang may katamtamang kapal ng kilay niya.

“Then? What’s wrong with that?” he asked out of confusion.

Napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago siya hinarap nang tuluyan.

“You really don’t get it, don’t you?” he’s still frowning at me. “Damn. You’re so numb, Cyrus.” umirap ako sa kaniya pero nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga sa sinabi ko. “Of course, hindi tayo p’wedeng makita ng mga tao sa kumpanya mo dahil empleyado mo lang ako at boss kita. Malayo ang distansya nating dalawa. Hindi nila maiintindihan kahit anong punto mo. Iba pa rin ang maiisip nila sa nakikita nila. At alam mo ba kung ano ang maaari nilang isipin?” I asked with so much frustration. Umiling siya na mas lalo kong ikinainis sa kaniya. “They will think about me as a gold digger!” napataas na ang boses ko dahil sa prustrasyon.

He frowned more and look at me intently as he clenched his jaw. “Why would they think about that? Do they know about it all? Do they know you better to judge you like that?” he said that made me grimaced at him.

Natawa ako ng pasarkastiko sa kaniya. “You can’t stop them from thinking negative of me. Kasi hindi mo naman hawak ang isipan nila. Wala kang magagawa sa judgment na ibibigay nila sa akin. Wala tayong magagawa sa mga sinasabi nila at iniisip nila.” his eyes narrowed at me, still clenching his jaw tightly.

“Don’t be affected by them. Basta susunduin kita bukas at sabay tayong papasok sa company.” pinal niyang sambit sabay basa sa pang-ibabang labi niya.

Umiling na lang ako sabay labas ng kaniyang sasakyan. Akala ko ay hindi na siya lalabas ng sasakyan niya at aalis na roon pero narinig ko ang pagsara ng pinto sa driver’s seat. Bumaling ako sa direksyon niya at tinaasan siya ng kilay.

He smiled at me and walk towards my direction. I narrowed my eyes on him. I sighed and protrude my lips.

“Ihahatid na kita sa unit mo,” umirap na lang ako sa kaniya at naglakad na papasok sa loob.

He stalked me from behind until we reached my unit. Hinarap ko siya nang nasa tapat na kami ng unit ko. Hinarp ko siya habang nakahalukipkip.

“Umuwi ka na,” mataray kong sambit bago kinuha ang susi ng unit ko.

He snorted lightly, “atat na ata akong paalisin, ah.” he smiled playfully at me.

“Medyo.” I chuckled at him. Pinihit ko ang seradura ng aking unit bago siya muling binalingan. “Pagod ako, Cyrus. At marami akong gagawin bukas kaya kung p’wede, pagpahingahin mo muna ako ngayong gabi sa kaingayan mo.”

“You mean… you still feel sore.” he said playfully.

I snorted at him and rolled my eyes. “Ang bastos ng bibig mong bwisit ka.” sinuntok ko pa ng mahina ang kaniyang dibdib na ikinatawa lang niya.

“Well, am I right?” inirapan ko na lang siya bago binuksan ang pinto ng unit ko. Tumaas ang kilay niya at naghihintay lang sa akin na pumasok nang tuluyan.

“Manahimik ka nga!” singhal ko sa kaniya. He seems to enjoy this moment. “Sige na, umalis ka na at kailangan ko nang magpahinga. Marami akong kailangang gawin bukas.” tumango siya nang marahan, naging seryoso na ang ekspresyon.

Lumapit pa siya sa akin at umuklo para mahalikan ako sa labi. Hindi ko inasahan ‘yon pero hindi na ‘ko nagulat sa ginawa niya. Umakto na lamang akong walang epekto sa akin ang paghalik niya kahit na abot-abot ang tahip ng aking puso dahil do’n.

“Alright. Have a good night, then. I’ll text you when I’m home, ‘kay?” hinalikan niyang muli ako bago tuluyang nagpaalam paalis ng apartment.

Saka lang ako nakahinga ng maluwang nang makapasok na ako sa loob ng unit ko. Mariin akong pumikit at tumingala habang dinadama ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Napahawak pa ako roon. Kung hindi ko lang siya kilala sa pagiging matinik niya sa mga babae ay nagpadala na talaga ako nang tuluyan sa kaniya. Sa mga ginagawa niya, sa mga matatamis niyang sinasabi, sa lahat ng ipinapakita niya. Siguro kung ako pa rin ang Mio, way back in college, I’ll smitten and driven by my feelings towards him. But I know better now.

I know where I stand. I know my limitations. I know how to do now. Kailangan kong mas mag-ingat dahil mas iniisip ko na ang kinabukasan ko. Gusto kong kapag minahal ko siya nang lubusan ay gano’n rin ang nararamdaman niya. Dahil masakit ang umasa lalo na’t wala pa akong kasiguraduhan sa mga ginagawa niya. Wala pa akong kasiguraduhan kung kaya ba niya akong seryosohin o ang harapin ang kinabukasan na kasama ako. Ayaw kong… maging talunan sa huli dahil alam kong… ikababaliw ko ‘yon.

Huminga ako nang malalim bago nagpasyang pumasok na nang tuluyan at makapagpahinga na. Nang matapos akong makapag-hot bath at makapagbihis ng pantulog ay dumiretso na ako sa kama ko at nagpasya nang matulog sa gabing ‘yon. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko nga ang text ni Cyrus, ilang minuto na rin ang nakalilipas.

From: Architect Cyrus.
I’m home. Sleep tight, babe.

From: Cyrus
Please, dream about me.

Damn this man! Kairita ‘yong pahabol niya! Hindi ko na lang ‘yon nireplyan dahil alam ko namang kapag binigyan ko siya ng atensyon ngayong gabi ay magtutuloy-tuloy na naman ‘yan. Tinulugan ko na lamang siya nang hindi nirereplyan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi pa man nagriiring ang alarm ng cellphone ko ay nagising na ‘ko. Naligo na agad ako at nagbihis. Nang matapos ay saka ako nag-almusal para mamaya ay mag-aayos na lang ako.

Inagahan ko talaga para hindi ako maabutan ni Cyrus dito sa apartment ko. Para hindi niya ako masundo at maisabay papasok sa trabaho. Huh! Anong akala niya sa akin?
Nang matapos ako sa lahat ay nagmamadali kong kinuha ang aking bag para makaalis na ng bahay. Huminga muna ako nang malalim bago bumaba at makaalis na roon. Nakasalubong ko pa ang nagtatakang mukha ng landlady namin habang paakyat. Hindi ko alam kung saan ‘yon pupunta, baka may titingnan sa taas. Hindi ko na lang ‘yon pinansin kahit nagtataka ako na hindi siya tumugon sa pagbati ko sa kaniya. Masama ‘ata ang gising niya ngayong umaga. Bahala siya.

I almost laugh evilly when I successfully walk out of the whole building and almost meters away from the gate. Naglakad ako papunta roon at binuksan ‘yon, masaya dahil hindi ako naabutan ni Cyrus. When I turned around, I almost jump out of shock. Nanlaki ang mga mata ko at nawala ang ngisi sa labi sa nasaksihan.

There is a man, languidly sitting on his car’s hood, hands on his pockets, dashingly looking so freakin’ good, looking like a Greek God sent from heaven as he sit there effortless. My breathing almost hitch when our eyes met. Agad na naghuramentado ang aking puso nang magkatingin kami. Napalunok ako ng marahas nang mapagtantong… hindi ko siya nautakan. Mas nauna siya sa akin! It’s still so early for his office hour! Bakit napakaaga naman niya?

“You think you can escape from me? Huh, babe?” umayos siya ng tayo at lumakad palapit sa akin.

When he’s now just a meter away, he stopped. And his manly luxury perfume filled my nostril as he crouch to level my eyesight. Napalunok ako nang makita ang lapit ng kaniyang mukha sa akin.

“You can’t.” he said huskily as he look at my lips. Napatigalgal ako sa lamyos ng boses niya. Na parang bagong gising lang siya at ngayon pa lang nagsalita. “Good morning, by the way.” aniya bago ako pinatakan ng marahang halik sa labi.

“B-bakit ang aga mo?” nagtatakang tanong ko dahil masyado naman ‘ata siyang maaga para pumasok. Mas madalas pa nga siyang late kapag pumapasok, e. Tapos ngayon ang aga niya.

“Siyempre, alam kong magmamaaga ka para matakasan ako. No, not on me, babe. Hmm. Let’s go.” hinawakan na niya ang kamay ko sabay hila sa akin papunta sa sasakyan niya.

Huminga na lamang ako nang malalim dahil alam ko namang wala na akong laban sa kaniya kahit magpumiglas pa ako. Saka libre na ‘to, oh. Sayang rin ang pamasahe, ‘no. Umiling na lang ako lalo pa nang pagbuksan pa niya ako ng pintuan sa shotgun seat na animo’y napakamaginoong lalaki. Napakaplastik kamo.

Padabog akong pumasok doon. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa bago niya isara ang pintuan ng kaniyang sasakyan at umikot para sa driver’s seat. Humalukipkip ako at ipinakita sa kaniyang hindi ko gusto ito. But this brute didn’t even care a bit!

Hanggang sa makarating kami sa company ay wala akong imik, gano’n rin naman siya at mukhang ayaw patulan ang kasungitan ko ngayon sa kaniya. Wala naman na rin akong ginawa kung ‘di ang tumahimik dahil mukhang mang-iinis lang itong si Cyrus. Bakit ba kapag kaharap niya nag ibang tao napakatahimik at napakaseryoso niya? Pero kapag ako ang kaharap niya, jusmiyo!

Akala ko ay hihinto siya sa harap ng building para magpa-valet na lang gaya ng ginagawa niya lagi. Pero dumiretso siya hanggang sa makarapasok kami sa basement at makapagpark siya.

Kunot noo ko siyang binalingan at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kaniya.

“Dumiretso tayo ng basement?” I asked out loud.

“You don’t want to be seen by other employees, so I decided to go here straight instead. Sabay na lang tayong umakyat.” marahan akong tumango sa kaniya at bahagyang napanguso.

Lumabas siya ng sasakyan habang tinatanggal ko ang seatbelt ko. Nang makarating siya sa tabi ng pintuan ng p’westo ko ay binuksan niya ‘yon. Lumabas ako roon bago iniligid ang paningin sa paligid. Walang tao roon, siguro dahil masyado kaming maaga sa pagpasok kaya wala pang tao sa basement at tanging mga guwardiya lang na abala sa ginagawa nila.

Marahan niya akong iginiya sa loob ng elevator at hindi na ako naprotesta sa ginawa niyang paghawak sa aking beywang para igiya ako papasok doon. Siya na ang nagpindot ng floor na para sa akin at para sa kaniya. At habang ginagawa niya ‘yon ay hindi niya nilulubayan ang aking beywang. Pinisil niya nang marahan ‘yon nang matapos siya at hinatak pa ako lalo sa kaniya bago inamoy ang aking buhok at hinalikan ‘yon nang marahan.

Napanguso ako nang maramdamang naghuramentado na naman ang aking puso at ang paglipad ng mga paru-paro sa aking sikmura.

“Fvck, ang bango mo. Sarap mo talagang itali sa ‘kin.” umirap ako at hindi na lang siya pinatulan dahil ako lang rin naman ang talo at mapipikon sa sinasabi niya. “You’re mine. Always remember that.” I snorted at that.

“I’m not yours.” iritado kong sambit.

“Nope. You are mine. Period.” ang sarap niya talagang bigwasan.

Bakit kaya niyang ibigay sa ‘kin lahat ng iba’t ibang klaseng emosyon na mayroon sa mundo? Habang ako ay hindi ko alam kung may epekto ba ako sa kaniya o may naibibigay ba ako sa kaniyang kakaibang emosyon? O meron siguro? L*bog.

“Pasok na ‘ko,” sambit ko nang hindi siya tintingnan nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako ng opisina.

“Alright, have a great day ahead.” aniya bago na naman ako halikan.

Inirapan ko lang siya at hindi tinugon. Mabuti na lamang at walang sasakay at wala kaming kasama sa elevator kaya walang nakakita sa kalandiang mayroon si Cyrus.

Wala pa si Jarah nang dumating ako sa tapat ng cubicle ko at kakaunti pa lang ang naroon. Nagtimpla muna ako ng kape bago nagsimula sa napakaraming trabaho. Trabaho na nakakapagod pero gora lang para sa sahod. Para mabuhay ako nang hindi umaasa sa kahit ano o kahit sino.

Nagulat pa si Jarah nang makitang mas nauna ako sa kaniya roon. Madalas kasi ay siya ang nauunang dumating sa amin dito kaya nagulat siya lalo pa nang makitang marami na akong nagagawa.

“Grabe, ang bilis talaga magtrabaho!” aniya habang naiiling. Umiling na lang rin ako sa pang-aasar niya at nagpatuloy lang sa pagtatrabaho.

Natahimik rin naman siya kalaunan dahil nagsimula na siya sa ginagawa at paminsan-minsan ay tumatayo para sa mga kailangan niya. Habang ako naman ay nagfocus lang sa ginagawa at hindi na namalayang tanghali na.

“Hoy, girl! Ano na? Hindi ka manananghalian?” kinalabit ako ni Jarah nang mapansing hindi pa ako tumitigil sa ginagawa ko.

“Maya-maya na ‘ko. Bababa na lang ako kapag natapos ko itong isang folder.” sambit ko nang hindi siya binabalingan.

“Huh? Matapos mo ba agad ‘yan? Anong oras n, e.” tumingin ako sa kaniya at naabutan siyang nakatingin sa kaniyang relo na pambisig habang nakataas ang kilay.

“Mamaya na,” pagkumbinsi ko sa kaniya.

Pinuntahan pa ako ng mga kasama namin para ayaing kumain na ng tanghalian at gaya ng ginawa ko kay Jarah ay sinabi kong mamaya na. Kahit matapos ko lang muna itong isang folder at nang mabawasan naman ‘to. Napakarami kasi!

Iilan na lang kaming naroon. Ang iba ay mukhang paalis na rin at bababa na sa cafeteria habang ang iba naman ay sa cubicle nila kumakain habang may tinatapos na gawain.

Malapit na akong matapos sa isang folder nang may tumawag sa akin mula sa gilid ko.

“Ms. Gaila,” napalingon ako roon at kumunot ang noo ko nang makita na naman si Mr. Madrid na sekretarya ni Cyrus na pormal na nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin ng seryoso.

“Bakit po, Mr. Madrid?” tanong ko kahit may hinuha na ako kung bakit siya narito sa palapag namin.

Because the brute ordered him so!

“Architect Salazar wants you in his office now.” napanguso ako at tumingin sa ginagawa ko at napanguso dahil patapos na ako sa isang folder na ‘to.

“Uhh… p’wedeng wait ka lang po? Patapos naman na ‘ko, e. O kaya p’wede ka namang mauna na, susunod na lang po ako.” sabay ngiti ko sa kaniya ng maliit.

Tumango siya. “Sa lobby ako maghihintay, Ms. Gaila. Baka kasi magalit si Architect kapag hindi ka sumipot doon.” tumango ako at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari.

Tinapos ko ang ginagawa ko bago sumunod kay Mr. Madrid paakyat sa opisina ng damuhong ‘yon. Nang makarating doon ay naabutan ko siyang nakatuko ang siko sa lamesa na naroon habang nakalapag ang baba sa likod ng palad at mukhang may malalim na iniisip. Sa lamesa ay nakita ko ang mukhang pangdalawahan o tatlong tao na pagkain pero nang mapagtantong dalawa lang ang plato ay nagsalubong ang mga kilay ko.

Baka may bisita siya at sabay silang kakain dito. Lunch meeting kumbaga. Kaya ayokong mag-isip ng iba.

Umalis si Mr. Madrid at iniwan ako roon kasama si Cyrus. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. At nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti siya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi at iginiya sa lamesa.

“Let’s have a lunch together.” aniya at ipinaghugot ako ng silya.

Oh… akala ko may iba siyang kasabay kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro