Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 10

“Cyrus. . .” his intense and piercing eyes bore into me. “B-bakit ka nandito?” narinig ko ang tikhim ni Jarah sa gilid ko nang magtanong ako kay Cyrus.

“You’re not answering my calls again.” nagmamaktol na sambit niya na ikinairap ko na lang.

“Kailangan ko pa ba talagang sagutin ang mga tawag mo?” tanong ko sa kaniya na ikinasimagot lang niya.

“Yes,” I bit my lower lip and just look at the papers I’m compiling.

“No. I don’t think I need to answer your calls and reply to your texts all the damn time. Hindi naman kita boyfriend.” I turned to him and look at him dryly.

Naubo nang malakas si Jarah sa narinig mula sa akin pero hindi ko siya pinansin. Kung papansinin ko siya ay mahahalata ni Cyrus ang kabang nararamdaman ko ngayon habang kausap siya at matiim na nakatingin sa kaniya. He look at me flatly as he lowered his gaze on my lips.

“I told you to break up on your boyfriend and be with me instead.” I narrowed my eyes on him. Napansin niya ‘yon kaya mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin at nagtaas ng kilay.

“I already told you to back off, didn’t I?” inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa ginagawa. Tumikhim ako at hindi na siya pinansin.

Naramdaman ko ang braso niya sa sandalan ng aking swivel chair at hindi na nagsalita. Nagpatuloy na lang kami pareho ni Jarah sa ginagawa habang nanonood sa amin si Cyrus. I felt so conscious knowing that he’s watching us here doing our job. Pakiramdam ko kapag nagkamali ako ng kaunti rito ay bigla na lang siyang magkokomento at magagalit.

“Why are you doing this, by the way?” he asked languidly as he pick up a paper on my desk.

“Wala. Ewan. Binigay lang sa ‘kin ‘to.” walang kwentang sagot ko habang nagpapatuloy sa ginagawa.

“Who gave these to you?” takang tanong niya bago ‘yon binaba at tuminging muli sa akin.

“Si Ms. Trinity, Architect.” tumingin ako kay Jarah nang bigla siyang sumingit sa usapan namin pero tinawanan lang niya ako sabay peace sign sa akin.

“Who’s Ms. Trinity?” he asked with lazy voice.

“’Yong senior namin dito sa Finance.” ako na ang sumagot dahil baka sumagot na naman ng kung ano si Jarah.

“Kailan ‘to kailangan?” tanong niyang muli.

“Bukas daw.” kibit balikat kong sagot.

“This is not your work, right?” he asked carefully.

Umirap ako at hindi na lang nagsalita dahil hahaba pa ang usapan namin, baka hindi pa matapos ang ginagawa namin. Pinapakialaman na naman niya ang aking mga ginagawa habang nakakunot ang noo at salubong an may katamtamang kilay.

“Binigay lang bigla ng bruhang Trinity kahit marami pang ginagawa si Mio. Nagagalit pa kasi nga raw may mga ginagawa rin daw siya. Tss.” umingos si jarah kaya tiningnan ko siya at pinanlakihan ng mga mata. Sana hindi na lang siya nagsalita.

“Is that girl treating you right?” hindi ako sumagot pero umirap ako sa kaniya at nagpatuloy lang sa ginagawa. Mapit naman na kaming matapos. “She’s not. I thinlk.” tumango pa siya at huminga ng malalim.

“Wala naman akong pakialam sa kaniya. Basta nagtatrabaho ako rito nang matino.” dedmang sagot ko.

Tumango siya pero ramdam ko ang pananantiya ng kaniyang mga tingin. “I will fire her for you if you want.” marahas ko siyang binalingan at pinanlakihan ng mga mata.

“’Yan ang h’wag na h’wag mong gagawin. Labas ka rito, Cyrus. Trabaho ko ‘to.”

“But she’s still under my company. That kind of behavior she has is not acceptable. Does she have any reason why she’s this rough towards you?” his voice is soft but I know he’s just containing his emotions. He’s just stifling something inside him.

“Hayaan mo na. Nasasanay naman na ako sa kaniya. Noong una pa lang, ganiyan na siya. Hahayaan ko na lang. Tss.” umingos ako sa kaniya.

Natahimik siya pero ramdam ko sa pananahimik niya ang malalim na iniisip. Hindi ko na lang siya pinansin at nang matapos kami ni Jarah ay hinintay ko munang matawagan niya ang asawa.

“Hintayin ko na lang na masundo ka ng asawa mo rito.” ngumiti ako sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

“Sabay ka na kaya sa amin?” suhestiyon niya sabay tingin sa likod ko. Kung nasaan si Cyrus at nakaabang sa akin.

Tumunog ang elevator at bumukas ‘yon. Umiling ako sa kaniya. “Hindi na, Jarah. Maghihintay na lang ako ng jeep. Malayo ang bahay niyo rito at kung ihahatid niyo pa ‘ko, hassle ‘yon.” lumabas kami roon at naglakad sa tahimik nang lobby. Wala nang mga empleyado kahit ang mga receptionist. Siguro ay kami na lang talaga at ang guwardiyang nagbabantay ang narito.

“Huh? Ano ka ba. Mas mapapanatag naman ako kung ihahatid ka namin sa bahay mo.”

“Ako na ang bahala sa kaibigan mo. Don’t worry, she’ll be safe with me.” nasapo ko ang noo ko nang magsalita si Cyrus sa likod habang sumusunod sa amin.

“Hindi na, Cyrus. P’wede ka naman nang umuwi sa bahay mo. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa.” sabay irap ko sa kawalan.

Natawa si Jarah. “Sabagay. Ipagkakatiwala ko itong kaibigan ko sa ‘yo, Architect, ah. Baka kung anong mangyari diyan. . .” makahulugang sambit ng kaibigan ko.

Aba’t ipinagkanulo pa nga ako! What a friend!

“No thanks. I can handle to go home alone. Sanay naman akong umuwing mag-isa.” pinandilatan ko ng mata si Jarah na nakangisi sa akin. Alam naman niyang may boyfriend ako, bakit kailangan pa niya akong ipasama sa lalaking ito?

Tinawanan lang niya ako sabay tapik sa aking balikat. Nang makalabas kami ay naghintay muna kami sa labas para sa asawa ni Jarah na susundo sa kaniya. Tiningnan ko ang lalaking nasa likuran namin nang batiin siya ng guwardiya, tumango siya pero kalaunan ay nakipag-usap rin sa matandang guwardiya. Maya-maya ay may kinausap ang guardiya sa walkie talkie nito. Iniwas ko ang tingin ko doon at huminga nang malalim. Abala si Jarah sa kaniyang cellphone kaya hindi niya napansin ang pagbaling ko kay Cyrus kanina. Napansin ko pang pumarada ang black dodge viper ni Cyrus sa hindi kalayuan. Kilala ko ang mga ganiyang sasakyan dahil madalas akong magbasa ng mga magazine na may patungkol rin sa mga mamahaling sasakyan gaya ng mayroon si Cyrus ngayon. Sana all na lang talaga.

“S’werte mo naman, girl.” napatingin ako kay Jarah at kinunutan siya ng noo.

“Sinasabi mo diyan?” kahit alam ko ang ibig niyang sabihin ay nagpapatay malisya ako.

“S’werte mo ‘kako kay Cyrus.” mahina siyang natawa. “Pero ano na ba’ng balita sa inyo ni Sherwin? Nagparamdam na ba sa ‘yo?” humugot ko ng malalim na buntong hininga bago umiling sa kaniya. “Oh? E, anong nangyari sa lalaking ‘yon?” nagtatakang tanong niya habang magkasalubong ang mga kilay.

“Hindi ko alam kung masyado lang siyang abala ngayon sa trabaho o may ibang dahilan. Ilang linggo na rin, e. Akala ko ako ang may kasalan kung bakit pero. . . parang mali na, e. I just can’t point it out yet.” I breathe deeply before smiling sadly at her.

“Nasubukan mo na ba’ng kausapin siya?” marahan niyang tanong.

Umiling ako at napayuko nang bahagya, “natatakot akong. . . kausapin siya. Ewan ko pero natatakot talaga ako kasi. . . pakiramdam ko ako ang sisisihin niya dahil. . . ako ‘yong unang nanlamig sa aming dalawa. Pero. . . siya naman itong nagpatuloy.” natawa ako nang mahina habang nakatingin sa sementadong sahig.

“You better tell him what’s on your mind. Or confront him. Until you two finally sort out your feelings in this relationship you have.” napatingin ako sa kawalan pero hindi ako nagsalita. “Kasi nananatili kayo sa ganitong sistema ng relasyon. Tapos wala pa kayong maayos na komunikasyon sa isa’t isa.”

Tiningnan ko si Cyrus na ngayon ay nasa malayong gilid, nakasandal sa nguso sa kaniyang sasakyan habang nakatanaw sa amin. He looks so manly and hot as he sat there, looking at me from a far, both hands in his pockets, his sleeves is now folded until his elbow, brows meeting each other, and has this protruding kissable lips. Even in the dark, I think he’s still that good looking. Sino ba’ng babae ang hindi mahuhulog sa karisma niya? Kahit isang tingin. . . maaakit ka na.

“I have a decision now.” maya-maya’y sambit ko.

Looking at him in just a minute my heart flip at the sudden reaction. I finally know what to do now. Not because my feelings towards Cyrus is coming back but because. . . I know to myself I can’t stay in this relationship full of. . . doubts and guilt. Alam kong nagpaparamdam ng nararamdaman niya si Cyrus pero pinipigilan lang niya dahil nasa isa pa akong relasyon. Alam kong hindi niya ako guguluhin dahil trip lang niya, hindi naman siguro siya magsasayang ng panahon at gas sa akin para lang sa isang trip, hindi ba? Sana nga lang ay hindi panandalian. Pero hindi naman ibig sabihin na gano’n ay makikipagrelasyon agad ako, makikiramdam muna ako. Hindi ko alam kasi. . . naguguluhan pa rin ako.

Hindi ko alam kung magiging maganda ang kalalabasan ng desisyon ko. Natatakot rin naman ako pero kailangan.

“Sana lang worth it at sana ay maging maayos. Almost five years, Jarah.” I smiled at her sadly.

Hindi na siya nakapagsalita dahil dumating na ang asawa niya at sinundo na siya. Nagpaalam na siya sa akin at umalis doon kaya naman napagpasyahan ko na ring umuwi na. Maglalakad na sana ako paalis doon nang may kamay na pumigil sa akin kaya naman nilingon ko ‘yon. Napataas ang kilay ko nang makita kong nakalapit na pala sa direksyon ko si Cyrus. Muntik ko nang makalimutang narito nga pala siya.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.

He look at me while frowning, “ihahatid na kita. Hindi ako mapapanatag na sasakay ka sa jeep kung p’wede naman kitang ihatid.” tumingin ako sa sasakyan niyang agaw pansin kahit saan mo dalhin.

Makakatipid ako ngayon kung sasakay ako sa kaniya dahil mahal ang pamasahe sa jeep papunta sa amin pero ayos naman din kung hindi ako sumabay sa kaniya dahil sanay naman akong sumakay sa jeep. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at nakitang naghihintay siya sa desisyon ko. Sabagay, nakakatamad nga namang maghintay ng masasakyang jeep. Saka baka matagalan ako sa pagsakay dahil anong oras na. Umirap na lang ako sa kawalan at inagaw ang kamay ko sa kaniya bago naglakad papunta sa kaniyang sasakyan.

Nang lingunin ko siya ay naabutan ko siyang nakakagat sa kaniyang pang-ibabang labi at may sinusupil na ngisi. Tumikhim siya para mapigilan ‘yon nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Mabilis niyang pinatunog ang kaniyang sasakyan at tumakbo nang bahagya para pagbuksan ako ng pinto. Inirapan ko muna siya bago pumasok doon. When he closed the door of his car I saw him smiling from ear to ear. Inilingan ko na lang at hindi na lang siya pinansin. Tumingin lang ako sa labas labas para hindi makita ang mukha niya. Narinig ko ang pagsinghap niya bago niya binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ‘yon.

“Damn. You look so good inside my car.” rinig kong bulong niya habang pinapausad ang sasakyan paalis.

Ramdam ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin habang nagmamaneho siya pero hindi ko siya binalingan at nanatili lang ang mga mata ko sa labas ng bintana. Nag-iisip ako kung paano ko makakausap nang maayos si Sherwin gayong hindi pa siya nagpaparamdam sa akin hanggang ngayon. Hindi pa siya tumatawag sa akin o nagrereply man lang sa mga text ko kung kumusta na siya. Kahit isa ay wala. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero buo na rin naman ang desisyon ko ngayon. And I know to myself that I really need to do this, because eventually this where we get, way.
Hindi ko namalayang huminto na pala ang sasakyan ni Cyrus kung hidi ko lang narinig ang pagsara ng pinto ng sasakyan ay hindi pa ako babalik sa huwisyo ko. Pero gano’n na lang ang pagkunot ng noo ko nang makitang wala pa kami sa apartment dahil nasa isa kaming basement. Pinagbuksan niya ‘kong pinto at nagawa pang maglahad ng kamay sa akin pero hindi ko ‘yon tinanggap at lumabas ng sasakyan niya.

“Nasaan tayo?” tanong ko na may konting pangamba. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil basement itong pinasukan namin at puro sasakyan lang ang nakikita ko.

“We’re in Suarez’s Hotel Restaurant.” kumunot ang noo ko at nakita niya kaya naman nagsalita muli siya. “We’re going to have dinner here. I’m sorry I did not consult you first, alam kong tatanggi ka kaya nagpareserve na agad ako.” umirap ako sa kaniya.

“May magagawa pa ba ‘ko? Wala na ‘di ba?” nauna akong naglakad sa kaniya papunta sa elevator na naroon.

Mabilis siyang nakasunod sa akin at siya pa ang pumindot para bumukas ang elevator. Nagmamasid siya sa akin habang nasa loob kami ng elevator habang ako naman nakatingin lang sa harapan, wala siyang balak tingnan o kausapin man lang. Tumikhim siya para sana magsalita pero bumukas na ang elevator kaya naman lumabas na ako.

Pagkaapak ko sa marmol na sahig ay parang gusto ko na lamang umatras. Unang tingin pa lang ay alam mo nang mahal ang mga bilihin dito. Pati ang mga kumakain ay pawang mga elegante at mayayaman. Unang tingin pa lang. . . alam ko nang hindi ako bagay dito.

Napahinto ako sa paglalakad kaya naman napantayan ako ni Cyrus. Binalingan ko siya at tiningnan naman niya ako nang nakakunot ang noo at may pagtatanong sa mga mata kung bakit ako huminto.

“What’s the matter?” he asked as he put his hand at my small back, frowning while looking around the restaurant.

Tumikhim ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Bigla akong na-conscious dahil alam kong kilala siya rito, kilala siya ng mga tao kaya hindi siya dapat ganito kalapit sa akin. Mas lalong nagsalubong ay may katamtamang mga kilay nang ibalik niya sa akin ang paningin niya at nakita ang distansya naming dalawa. Hindi pa man kaming dalawa tuluyang nakakapasok sa loob ng mamahaling restaurant ay may napabaling na sa amin mula sa loob. Mas lalo akong hindi naging komportable.

“Uhh. . . hindi ba p’wedeng sa ibang restaurant na lang tayo kumain? ‘Yong. . . ‘yong hindi ganito kamahal?” I am really conscious now. I bit my lower lip and look back at him.

“No. Dito na tayo. If you’re afraid about the bills, don’t worry I’ll pay for us. And if you’re afraid about them seeing us together here, just don’t mind them.” halos mapasinghap ako sa sinabi niya. Is he telling me that’s just fine to us here together by these crowd?

I know his reputation. He’s dating high maintenance women. Ano ang laban ko sa mga ‘yon? Kaya nangangamba ako ngayon na kasama niya ako rito. And why is it. . . okay for him to be with me in public? Magkaiba kami. Malayo siya sa akin at mahirap siyang abutin. Napabuntong hininga na lang ako lalo na nang hatakin niya ako papasok sa loob.

Agad kaming sinalubong ng isang waitress na nakangiti sa aming dalawa ni Cyrus.

“Good evening, Architect Salazar, Ma’am. This way po.” anang waitress at iginiya kami sa isang reserved table para sa amin, doon mismo sa veranda na kakaunti lang ang tao.

Pinaghatak ako ni Cyrus ng upuan at iginiya ako paupo doon. Tahimik akong umupo, gano’n rin siya. Binigay sa amin ng waitress ang menu sa amin at nalula talaga ako sa mga presyo no’n. Makikita mong simple lang mga pagkaing ‘yon pero napakamahal na. Nakakabutas ng bulsa. Nakita kong nakaorder na agad si Cyrus at tumingin sa akin, naghihintay ng order ko. Napatingin rin sa akin ang waitress at ngumiti sa akin. Bigla akong nailang.

“Masyadong mahal,” ibinaba ko ang menu at tumingin kay Cyrus na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin.

He breathe heavily and suddenly suggested to order for me. Nagulat ako dahil kabisado niya ang mga sinasabi sa waitress na naglilista ng sinasabi niya. Napakurap-kurap ako sa kaniya.

“That’s too much, I think.” he just shrugged it off while looking at me intently.

“As long as I’m spending it all to you, it’s all fine.” he said cockily then look up at the clean dark sky.

Those stars and the moon are giving us so much good ambiance. Kahit nasa labas kami ay napakagandang tingnan ng buong lugar dahil doon. The city lights illuminated the darkness of the place. Looking at the city lights, I remember those days I’m crying because of my parents. Palagi akong nasa bintana noon para tumingin sa kalangitan habang inaalala sina Mama at Papa. Kapag naman nasa trabaho ako ay tumitingin ako palagi sa bintana kapag gabi na, kasi ang sarap pagmasdan ng paligid kapag gabi. Bukod sa malamig ang simoy ng hangin. . . napapakalma nito ang pakiramdam ko.

Hindi ko namalayang nawiwili na ako sa kakatingin sa kalangitan, nang bumaling akokay Cyrus ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at pinagmamasdan lang akong nakatingin sa malayo habang nakahalukipkip siya. Tumikhim ako at tumingin sa loob ng restaurant. I saw a tall, handsome man walking towards the veranda. Akala ko ay isa lang siyang customer na nakapwesto rin sa veranda pero huminto siya sa tapat ng aming mesa. Nag-angat ako ng tingin, gano’n din si Cyrus na kumunot ang noo nang makita ang lalaki sa harap namin.

“What now, Zaimon?” Cyrus asked the man whose standing beside our table. The smirked then glanced at me before looking back at Cyrus.

Tumingin din si Cyrus sa akin bago muling bumaling sa lalaki.

“The project in Cebu, I’m accepting it. H’wag mo nang ibibigay sa iba ‘yon.” anang lalaki sa isang matigas na boses.

Kumunot ang noo ni Cyrus. “Did you already talk to Vaughn about this project? You said you’ll stay there while the construction is ongoing.”

“Kakausapin ko pa lang siya. Humahanap lang ako ng tiyempo. Busy ‘ata ‘yon sa babae? Balita ko ay may girlfriend na siya.” kibit balikat nitong sambit.

“Okay, just tell him about your project in Cebu. Ayaw ko lang na susugod siya sa company ko dahil ‘yong Engineer in Charge sa construction ng building niya ay nasa Cebu, chasing someone while doing his job there.” natatawang sambit ni Cyrus sa lalaki.

“Fvck you, Cyrus.” irap nito at walang pasabing umalis sa harap namin.

“Sino ‘yon?” tanong ko nang makaalis na ang lalaki.

“That’s Engineer Zaimon Suarez. One of my company’s best engineer and one of my friend here. He’s the owner of this hotel restaurant, by the way. This is his first branch. Wala e, pinapasok na talaga niya ang pagho-hotelier. Ayon rin sa pangarap niya.” tumango ako sa sinabi niya. “He’s bought a failing hotel then he’ll renovate it and making it look like a new one.”

That guy’s passion is really a thing. “I think his ambition is really driving him to be that passionate and to get his dreams. S’werte ng mamahalin niya.” tumingin ako kay Cyrus na nakatingin sa akin ng madilim. “What?”

“You like him?” he asked darkly.

I look at him with amusement in my eyes. “No. Saka hindi ko naman siya kilala tapos magugustuhan ko siya?” umiling ako at natawa nang bahagya sa kaniya.

“Hindi mo ‘ko lubusang kilala noon pero nagustuhan mo ‘ko.” napasimangot ako sa sinabi niya.

“Iba naman ‘yon,” bulong ko kasabay ng pagdating ng order naming dalawa.

Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya kaya naman pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkain ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro