Lunod
"Naranasan mo na bang malunod? Malunod. Malunod. Malunod—at kahit anong gawin mong paglangoy ay hindi ka makaahon."
Hindi. Iyon sana ang isasagot ko sa tanong ni Denise, roommate ko, kung last week niya ito itinanong sa akin. Noong buo pa ako at hindi nalulunod sa sariling emosyon at insekuridad. Akala ko noon, malabong malunod ang isang tao kung wala itong malalim na dahilan. Nakatatawa. Sobra akong kuryus sa kung ano ang kanilang mga dahilan kung bakit nila hinahayaan ang sarili na 'di makaahon sa sakit at lungkot ng kahapon.
Pota. Hindi sumagi sa aking isipan na mararanasan kong sumisid hanggang sa malunod ng tuluyan. Isang linggo, pero bakit pakiramdam ko'y isang buwan na akong nakalutang? Naghihintay. Baka may dumating upang bigyan ako ng salbabida, o tuluyan akong sagapin sa muntik nang pagkalunod.
Gusto kong sumuko at matulad sa iba na hayaan ang sarili na malunod at hindi na makaahon. Nakapapagod din kasi minsan. Walang kasiguraduhan kung sa pag-ahon ko'y may bukas na naghihintay para sa akin. Naramdaman ko ang takot sa tuwing nawawalan ako ng hangin—sa tuwing nawawalan ako ng paningin. Hindi lang nakalulunod ang pag-ibig, nakabubulag din pala ito. Bakit ko nasabi iyon? Dahil sa oras na nawalan ng bisa ang kanyang mga pangako at nawalan ng saysay ang aming pagmamahalan ay nawalan din ng direksyon ang aking buhay.
Sino ba naman ako upang manatili siya panghabambuhay? Gano'n ba ako kaganda upang walang makakapalit sa aking puwesto sa kanyang puso? Gusto ko na lang matawa. Ipinanganak akong may kompyansa sa sarili, pero nang iwanan niya akong luhaan, nawalan din ako ng kompyansa na hindi malunod sa sakit na naramdaman.
Mahigit tatlong taon ang nasayang. Sa bawat taon na iyon ay bumuo ako ng mga plano para sa aming dalawa. Ang sakit lang isipan na parte siya sa bawat plano ko sa buhay habang gumagawa naman siya ng paraan upang mawala ako sa kanyang piling. Ang tanga ko lang isipan na siya ang panghuli kong mamahalin. Nakatatanga rin pala minsan ang pag-ibig, 'no? Ginagawang bobo ang mga matatalinong tao. Siya ang una kong minahal, kaya naisipan ko na siya rin ang huling kong mamahalin. Iyong totoo, nanaginip ba akong gising? Loko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala gano'n ang pag-ibig.
Hindi puro saya—may lungkot din pala itong dala. Malunod na kung malunod, pero mahigit tatlong taon kong minahal si Restievance. Ewan ko kung makaahon pa ba ako kung malapit ko nang maabot ang ilalim.
"Nakikinig ka ba?"
Iniwas ko ang aking mga mata sa karagatan at bahagyang ngumiti kay Denise. Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong bago nagpaalam. May naiwan akong gawain sa main house at bago ako umalis sa islang ito ay nangako akong tatapusin ko kung ano ang aking sinimulan—ang lumutang abot sa aking makakaya.
Napansin ko ang dalawang maleta sa bukana ng pintuan nang marating ko ang main house. Nahagip ng aking paningin ang isang lalaki na kasing gwapo ni Dwight, ang may ari ng isla. Kapansin-pansin ang katangkaran ng bagong dating, ang kanyang pagka-moreno, ang kanyang malalim na dimples sa tuwing ngumingiti, at ang halos singkit niyang mga mata. Damn. Pakiramdam ko tuloy ang manyak-manyak ko sa aking ginagawa.
Bago ako nakapag-iwas ng tingin ay nagsalubong ang aming mga mata. Kay tamis ng kanyang mga ngiti na siyang sinuklian ko ng isang simangot sa huli.
Did I just check him out?
Natampal ko ang aking noo sa aking naisip. Lumipad ako papunta sa islang ito upang hanapin ang aking sarili, hindi para maghanap ng kapalit.
Aray. Kapalit talaga?
Shut up. Shut up. Shut the fuck up, stupid conscience! Isang malutong na buntong hininga ang ginawa ko nang marating ang isang silid sa second floor. Umupo ako sa paborito kong puwesto bago pumikit. Habang tumatagal ay nalulunod ako sa kantang pinatugtog at hindi maiwasan na bumalik sa nakaraan.
Ayaw kong malunod. Gustong kong sumisid, umahon. Hindi ko gustong umabot sa ilalim hanggang sa mawalan ako ng hininga. Kahit bigyan lang ako ng salbabida upang panatilihin ang sarili na nakalutang pansamantala hanggang sa makaahon, o kahit isang taong namamangka upang sagapin ako sa pagkakalunod—kung imposible lang sana iyon.
Hindi ko na kaya.
Napapagod na akong lumangoy papunta sa baybayin. Shit. Nangako ako sa aking sarili bago pumunta sa islang ito na magiging masaya ako, na makatungtong ako sa buhangin. Pero bakit pakiramdam ko'y hindi ako makakarating? Kilala ang isla bilang, The island of HAPPINESS—pero bakit ako mas lalong nalulungkot? Nalulunod.
Sabi nga nila, New Year, new life. Potang new life na 'yan kung ang mga masasakit na salitang binitawan ni Restievance ang maalala ko sa pagsalubong ng bagong taon bukas.
"It's not you," nag-iwas ng tingin si Restievance bago nagpakawala ng isang malalim na hininga. "But it's not also me, Kriz."
"What do you mean, Vance? Huwag mo nga akong gamitan sa lintik na linyang iyan. If you already love someone else, please lang, stop making an unreasonable excuses for you not to feel guilty."
"I swear to my grandfather's grave na wala akong ibang minahal bukod sa 'yo. Ikaw lang. Paniwalaan mo ako. Sadyang dito na lang talaga tayo, Kriz, hanggang dito na lang 'yong pagmamahal ko para sa 'yo."
"Hindi kita maintinidhan, Vance. Anong ibig mong sabihin? Kung walang iba—bakit? Bakit ayaw mo na?"
"Kriz," tawag niya sa pangalan ko na puno ng pagsusumano. "Sinubukan kong ipaglaban itong relasyon natin. Ilang ulit kong isiniksik sa aking utak na mahal na mahal pa rin kita, Kriz, kaso hindi na kasi kita mahal. Ipaglaban ko man itong relasyon natin, pero alam kong hindi na tayo magiging masaya. Hindi na ako masaya. Alam kong bad timing itong paghihiwalay—"
"KRIZ!"
Lumingon ako sa gawi ni Denise at tinaasan siya ng kilay. Ang loko ay tinaasan lang din ako ng kilay pabalik bago itinuro ang natutunaw kong coffee crisp. Pang-walong araw ko na sa isla na walang ginawa kun'di ang balikan ang mga sinabi ni Restievance bago magpasko.
Baka sakaling matauhan ako sa aking kahibangan.
"Umamin ka nga," panimula ni Denise saka lumapit sa akin, hinaharangan ang magandang tanawin sa harapan. "Nandito ka ba para mag-move on? O nandito ka para lunurin ang 'yong sarili sa sakit na dinanas mo kay ex-boyfie?"
"Hindi ko alam."
"O baka naman nandito ka kasi naniniwala kang may sasagip sa 'yo sa pagkakalunod?"
Umiling ako sa kanyang sinabi bago siya tinarayan, "Ewan ko sa 'yo, Denise. Diyan ka na nga, baka may tumabi sa 'yo na siyang papalit kay Beaver sa buhay mo."
"Loka!"
Agad akong umalis sa baybayin at tinungo ang pinakamalaking cottage sa gitna ng isla. Sa cottage na ito gaganapin ang pagtitipon-tipon mamayang gabi upang salubungin ang bagong taon. Wala akong planong dumalo, pero sa walong araw na kasama ko si Denise ay alam kong hindi siya titigil sa pang-aabala hanggang sa mailabas niya ako sa aming silid.
Speaking about the devil named Denise. Katabi ko siya noon sa eroplano, kasabay sa pagsakay ng barko, kaagaw sa panghuling motorsiklo, kahati sa pinakamagandang kwarto, at kasama sa lahat ng mga aktibidad na gagawin sa islang ito. Pero bukod sa nangyaring tarayan sa una naming pagkikita ay laking pasasalamat kong nakilala ko siya. Si Denise ang naging kasangga ko sa mga oras na gusto kong mapag-isa at lunurin ang sarili sa sakit at lungkot na nadarama.
Hindi ko man aminin sa aking sarili, pero unti-unti kong naintindihan ang dahilan ni Restievance. Noong nakipaghiwalay siya sa akin ay naging sarado ang aking utak. Kasi hindi ko inakala na may mauuna pala sa amin sa dulo.
Iyon mismo ang literal na kuwento ni Denise. Iniwanan niya si Beaver kasi nagising na lang siya isang araw at napagtantong nasa dulo na pala siya. Kahit anong gawin niya upang isalba ang kanilang mala-fairytale na kuwento ay nasasaktan siya, nagi-guilty sa tuwing kasama si Beaver. Dahil sa bawat sandaling kapiling niya ang kanyang nobyo ay hindi na siya masaya. Gano'n din si Restievance sa akin—he just fell out of love.
"Ang ganda rito, 'no?"
Agad akong nag-iwas ng tingin nang mapagtantong nakatitig pala ako sa kanyang magagandang mga mata. Tumikhim ako saka mahinang sinuntok ang aking dibdib para maibsan ang kabang naramdaman. Sa pagkakatanda ko'y hindi ako uminom ng kape kaninang umaga, kaya hindi ko maintindihan ang walang kupas na pagkabog ng aking dibdib. Damn. Gusto yata kumawala ng aking puso sa sobrang lakas nitong tumibok.
Aalis na sana ako upang pumunta sa main house nang magsalita na naman siya.
"I'm Alexel."
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanyang mukha at sa nakalahad niyang kamay. Nanatili pa rin akong tahimik. Walang ideya kung ano ang aking sasabihin. Magpakilala ba ako? Tatanggapin ko ba ang nakalahad niyang kamay? Bakit niya ako kinakausap? Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan.
Pero ayaw ko naman maging bastos. Puso ko lang ang nabasag, hindi nasali ang aking utak para bastusin ang lalaking kaharap ko ngayon.
"Kriz," itinuro ko ang name tag na nakalakip sa aking dibdib bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
"Will you be joining us tonight for the New Year, Krizelle?"
Agad kong binawi ang aking kamay at tumango bilang sagot sa kanyang tanong. Sobra-sobra ang pagpipigil ko na hindi pansinin ang pagtawag niya sa aking pangalan. Kay sakit nga naman mang-asar ng tadhana, 'no? Maliban kay Restievance, si Alexel lang yata ang nakapagbigkas ng tama sa pangalan ko.
Gusto kong sumigaw at kumawala sa hindi malaman na dahilan. Buong araw akong nagkulong sa silid namin ni Denise at nilunod ang sarili sa pinaghalong emosyon. Ano ba itong naramdaman ko? Bakit pakiramdam ko'y nagtataksil ako kay Restievance? Tama bang maramdaman ko 'to? Diyosko. Wala sa sarili akong gumulong-gulong hanggang sa tuluyan akong mahulog nang biglang bumukas ang pintuan.
"Okay ka lang?"
Tumayo ako at nginitian si Denise na parang walang nangyari. Parang timang naman ako nito.
"Okay lang," saad ko sa malumanay na boses. "Pupunta na ba tayo sa cottage?"
Tinaasan ako ng kilay ni Denise. Mapagmatyag ang kanyang tingin na ibinibigay sa akin bago tumango. Sabay naming tinungo ang cottage sa gitna ng isla at sa hindi inaasahan na pagkakataon ay lumapit sa aming puwesto si Dwight—at kasama niya si Alexel. Shit. Magkaibigan ba sila at palaging nakabuntot si Alexel kay Dwight?
No way in hell! Hindi ako kuryus sa kanilang pagkakaibigan.
"Kriz," natuon ang pansin ko kay Denise at hindi maipagkaila ang kanyang nanunuksong pagmumukha. "I want you to meet my boyfriend, Dwight."
"Kayo na?"
"Of course," abot tainga ang ngiti ni Denise habang ipinulupot ang kanyang braso kay Dwight. "Lucky charm kasi kita, best friend. Kaya may ipakilala ako sa 'yo, okay? I want you to meet Dwight's cousin, Alexel."
Nang banggitin ni Denise ang kanyang pangalan ay kumabog na naman ang aking dibdib. Katulad kanina ay gusto nitong kumawala at hindi ko lubos maintindihan kung bakit—bakit tumitibok ang aking puso para kay Alexel? Gosh. Gusto kong magpaka-in-denial sa pagkakataon na ito, pero may parte sa akin na gusto magpaka-selfish.
Gusto ko man, pero hindi puwede. Galing ako sa isang hindi malilimutan na breakup. Hindi pa handa ang puso ko para sa ikalawang—
"Krizelle. . ."
Naputol ako sa aking pag-iisip. Kagat ang aking pang-ibabang labi ay sinalubong ko ang tingin ni Alexel. Ngayon ko lang napansin na nasa unahan na pala sina Denise at Dwight, at naiwan ako kasama si Alexel habang pumuputok ang iba't ibang klaseng fireworks sa kalangitan.
"I'm glad na kasama kita ngayong New Year. Diretsuhin na kita, Krizelle, noong una kitang makita sa main house ay para akong nakakita ng anghel. Doble-doble ang pagtambol ng aking puso. Pagkatapos mo akong tarayan ay sinundan kita—"
Nag-iwas ng tingin si Alexel habang may namumuong luha sa aking mga mata. Narinig niya lahat ng mga hinanakit ko pagkatapos makipaghiwalay sa akin si Restievance. Hindi lang naman ako nakikinig ng kanta, kumakanta rin ako upang isabay ang aking sarili sa alon ng buhay.
Minsan sa buhay ay napapagod akong lumangoy, kaya sumasabay ako sa alon kung gusto kong makapaglakad ulit sa buhangin.
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang panuorin ang pagsikat ng araw. Hindi ako lumingon sa aking kanan nang may umupo sa pag-aakalang si Denise iyon. Laking gulat kong si Alexel pala ang binati ko na sinabayan ng isang matamis na ngiti.
Isa. Dalawa. Tatlo. Nawaglit sa aking isipan ko ilang beses akong napalunok ng sariling laway.
"Good morning, Krizelle!"
Ibinalik ko ang aking tingin sa mga kalmadong alon. Sumikat na ang araw at hindi ko man lang na-enjoy dahil ang mukha ni Alexel ang tinitigan ko. Potek. Ano ba itong pinasok ko? Moving on nga, 'di ba? Wala naman sa usapan na maghanap ng iba sa islang ito.
Echoserang frog. Hindi ba puwedeng coincidence?
Coincidence, my ass. Basta. Ang pagmo-move on lang ang gagawin ko sa isla—
"Gusto mo bang sumisid sa ilalim ng dagat? May nakapagsabi kasi sa akin na kapag punong-puno ka na sa loob, sumisid ka lang, huwag magpakalunod."
Sumilay ang kanina ko pa pinipigilan na ngiti sabay sabing, "Kung sino man ang nagsabi niyan, may pakiramdam akong naabot na niya ang baybayin."
"Muntik na asiyang nalunod," saad niya na may ngiti sa kanyang labi. "Kaso may dalawang kamay ang humila sa kanya upang hindi matuluyan sa pagkakalunod. Napagtanto kong hindi pala maganda ang magpakalunod sa sakit at lungkot. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Because I once asked myself—paano kung hindi pala worth it?"
Paano kung hindi pala worth it magpakalunod dahil kay Restievance? That sucks. Sa nalalabing araw ko sa isla ay hinayaan ko ang aking sarili na kilalanin kung sino si Alexel Curtez at ang kanyang kuwento. Gano'n din siya sa akin hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na nag-eempake.
Huling araw ko na sa isla at nalulungkot akong iwanan ang mga taong nakilala ko rito, pati na ang mga alaalang binuo ko sa lugar na ito. Gusto kong umiyak sa tuwa't lungkot. Hindi ko inakala na magiging emosyonal ako sa pag-alis ng isla. Bakit? Dahil hindi ko rin inakala na may iiwanan akong tao na siyang sumabay sa akin sa paglangoy hanggang sa maabot ko ang baybayin.
"Nakaahon rin ako sa wakas. Laking pasasalamat ko sa 'yo, Alexel. Kung hindi dahil sa 'yo, baka naabot ko na ang ilalim ng dagat."
"Don't thank me that much, Krizelle. Wala akong masyadong ginawa sa isang linggo na magkasama tayong dalawa. Ikaw mismo ang nag-ahon sa 'yong sarili sa pagkalunod."
Pero ikaw 'yong dahilan kung bakit pursigidong umahon. Gusto kong sabihin sa kanya kaso naunahan ako ng takot. Pinili kong manahimik habang pinakiramdaman ang puso kong kay lakas tumibok.
"I really, really like you!"
And here I am, starting to like him as well. Gosh. Sa isang linggo na kasama ko siya ay unti-unti akong nahuhulog kay Alxel. Is it a bad thing? No. Dahil willing naman siyang hintayin ako hanggang sa tuluyan akong maging okay.
"Until we meet again, Krizelle Barnes!"
All Rights Reserved 2022
Written by HopelessWings
Cover made on Canva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro