Prologue
Naguluhan si Claudio. "Hindi ko maunawaan ang inyong mga sinasabi ngunit isa lang ang aking naunawaan. Hindi kayo taga-rito at nais niyong bumalik sa kasalukuyan. Anong ibig niyong ipahiwatig?"
"Hindi kami nabibilang sa panahon niyo. Galing kami sa ibang panahon kaya iba kaming magsalita, kakaiba kaming kumilos, at kakaiba ang aming mga ginagawa. Sa ano mang oras ay pwede kaming bumalik sa aming pinanggalingan. Hindi mo pa rin naiintindihan? Tawagin mo si Florentina para ipaliwanag ang tungkol sa 'ming dalawa dahil siya ang nakakita sa 'min noon sa simbahan." tumulo ang mga luha ko habang pinapaliwanag kay Claudio ang mga nangyayari.
"Florentina? Ika'y pumarito muna!" gulong-gulo na si Claudio sa mga nangyayari. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala at pagtataka.
Dumating si Florentina. "Ano ba? Bakit mo ba ako tinatawag? Matutulog na ako." nakita kami ni Florentina. "Amoracia? Amelita? Bakit ganiyan ang mga mukha niyo? Kayo ba'y may hindi nararamdamang maganda?"
Nagtanong si Claudio nang mangiyak-iyak. "Ipaliwanag mo sa akin ang pinagmulan nilang dalawa. Sina Amoracia at Amelita ba ay hindi taga-rito? Sila ba ay galing sa ibang panahon?"
Sinubukan pa kaming ipagtanggol ni Florentina. "Hindi totoo ang mga sinasabi mo Claudio. Sila ay mga dayo at taga-ibang lugar lang. Anong taga-ibang panahon ang sinasabi mo?"
"Florentina, huwag mo na kaming ipagtanggol. Ipakita mo na lang kay Claudio ang ebidensiya ng pinagmulan namin. Florentina, ipakita mo kay Claudio ang damit na soot namin nung nakita mo kami sa simbahan." namumuo na ang mga luha sa mata ni Deisy habang binibigkas niya ang mga salitang 'yan.
Dali-daling bumalik sa kwarto si Florentina para kunin ang damit. Pinakita niya 'to kay Claudio.
"Ito ang sinasabi ng dalawa na kasuotan nila noong nakita ko sila sa simbahan. Wala silang kamalay-malay noon. Ipinahiram ko sa kanila ang aking kasuotan upang magmukhang taga-rito sila. Maging ang kanilang mga ngalan ay inibahan nila nang sa gano'n ay mas madali silang makasalamuha dito."
Patuloy pa rin ang mga katanungan sa isip ni Claudio. "Hindi ko maintindihan. Naguguluhan pa rin ako. Binibiro niyo ba ako? Gulong-gulo ako sa mga pangyayari ngayon na kahit ipaliwanag niyo ay hindi ko pa rin maunawaan."
"Dinala kami ng bughaw na buwan dito sa nakaraan kaya para makabalik kami, kailangan na maging bughaw ang buwan." paliwanag ko.
"Ano ang totoong ngalan niyo kung ito'y inyong pinalitan? At kung maaari ay sabihin niyo sa akin kung ano ang buhay niyo sa sinasabi niyong panahon." hiling ni Claudio.
Nagpaliwanag ako. "Si Amelita ay si Deisy at ako ay si Daina. Galing kami sa mayamang pamilya sa panahong pinanggalingan namin. Namatay ang aming ama dahil sa isang sakit at ang ina namin ay nawalan na ng paki-alam sa aming dalawa. Masaya ang buhay namin Claudio, bago mawala ang tatay namin pero ngayon, hindi ko na alam kung masaya pa matapos kaming mapunta sa panahon na 'to."
"Hindi kapani-paniwala ang mga inilalahad niyo. Nababaliw lamang kayo kaya ganiyan ang mga sinasabi niyo." biglang umalis si Claudio at bumalik sa kwarto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro