Lunar Blue: Alternate Ending
Halina't basahin ang alternate ending ng Lunar Blue. 💙🌙
Sinulat ko 'to few months ago at nasa kalahati pa lang ang Lunar Blue. Ang tanga ko kasi akala ko ganito ang mangyayari HAHAHAHAHA
***
Akala ko ay masaya na si Deisy sa bago niyang pamilya. Akala ko ay tuluyan na niyang kalilimutan ang mga nangyari sa kaniya sa nakaraan. Na kalilimutan na niya si Crisanto, na hindi lang nag-iwan ng sakit sa kaniya, nag-iwan pa sa kaniya ng isang bata.
Kumukulog, kumikidlat at umuulan ang panahon nang makatanggap ako ng message mula kay Deisy.
"Daina, sorry sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. Patawarin sana ako ni Crescent sa gagawin ko. Mahal na mahal ko siya. She's my one and only baby girl. I love her with all my heart at kahit na hindi si Cristian ang tunay niyang ama, sana mahalin niya ito nang buong puso. Tell Cristian na mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko rin kayo ni Mama. Well Daina, makakasama ko na si Papa ngayon. Goodbye and I love you."
Kinabahan ako at natakot. Para akong nanlumo, nanghina. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinakatuyuan. Agad kong tinawagan si Cristian.
"Cristian, kailangan mong sundan si Deisy. Sasamahan kita, tulungan mo akong hanapin siya. Magkita tayo ngayon."
Nang magkita kami, pinabasa ko sa kaniya ang message ni Deisy. Kinabahan rin siya. "I-track natin si Deisy ngayon! Kailangan nating maabutan siya."
Agad naming sinundan si Deisy. Nasundan namin ang kaniyang location dahil sa cellphone niya.
Nasa roadside siya na may mataas na bangin. Agad kaming bumaba sa sasakyan. "Deisy! Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo!" naghihikaos kong sigaw.
"Deisy, paano si Crescent? Paano ang kaniyang kinabukasan?" naghihingal na sinabi ni Cristian.
"I'm sorry pero hindi ko na kaya ang mga pagsubok na 'to. I love you all. Mahal na mahal." naluluha niyang sinabi.
Tumatakbo na kami papunta sa kaniya. "DEISYYYYYY!" bigla siyang tumalon sa bangin.
Hindi ko makayanan dahil pakiramdam ko ay namimigat ang aking dibdib at kinakapos ako sa paghinga. Umiiyak ako nang umiiyak. "Cristian, tumawag ka ng pulis or rescue team. Iligtas natin si Deisy. DEISYYYY! AAAAAHHHH!"
Seeing my twin jump sa bangin was one of the most painful memory of my life.
***
Nang matapos ang paghahanap kay Deisy, kinausap ko ang rescuer.
"Nasaan po ang kapatid ko? Buhay pa siya 'di ba?"
"Sorry Ma'am, wala po kaming nakitang bangkay or kahit tao man lang sa area. Sinubukan na naming hanapin pero wala talaga kaming makita."
Special Mention sa mga extra na characters natin na nasa notes ko!
Ate Grace-Maid
Kuya Freddy-Driver
Marlyn Buenavista Salcedo-Nanay ni Kiara
Vonn Salcedo-stepdad ni Kiara
Dixie Salcedo-step sister ni Kiara
Alex Salcedo-step brother
Hazel Vicente-teacher
Manang Jo-maid ni Kiara
Ate Clay-maid ni Kiara
Jennelyn Lazaro - nanay nina Claidh
Mike Lazaro - tatay nina Claidh
Andrew Victarde - boss ni Henry
Henry Laos
Julia Montessori
Boo -pusa ni Crescent.
River Ignacio - workmate ni Deisy
Sonia Fernandez-food critic
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro