9
Kinabukasan, maaga kaming gumising nina Aling Isabela para magpunta sa simbahan. Pinagbihis ako nang maayos pero dahil wala pa akong kahit isang damit, ginamit ko muna 'yung kay Florentina. Nagdala pa nga ng Adobo si Aling Isabela para sa pari.
Nagpunta kami pataas ng simbahan. Mapapansin mo agad ang pagkakaiba. 'Yung parking lot sa present, mga puno at halaman pa lang dito sa past. Tapos 'yung convenience store sa present, malaking bahay lang sa past.
Noong makarating kami, kinausap kami ng pari sa labas ng simbahan. "Mapagpalang umaga sa inyo Aling Isabela at ang iyong kasama na hindi ko pa kilala. Siya ba ay bagong lipat dito?"
Sumagot si Aling Isabela. "Siya nga po ay bagong lipat lamang dito Padre Rivero? Itong si Amoracia ay may kakambal ngunit hindi ko na muna naisama dahil may trabaho. Kung hindi niyo maitatanong abay sarap na sarap ang mga tao sa lugar namin sa kaniyang adobo. Maging kami'y namangha dahil magaling siyang magluto."
Binigay ko ang adobo sa pari. "Padre Rivero? Tama ba? Oo nga. Uhm eto po 'yung niluto kong adobo. Hindi lang ako sigurado sa salitang 'masarap' dahil parang kulang pa 'yan. Pero kayo na po bahala, try niyo na po."
Tinikman ni Padre Rivero ang adobo. "Kakaiba nga ang lasa nito kaysa sa ibang adobong natikman ko. Alam mo Aling Isabela, maaari natin itong ihanda sa darating na pista ng ating mahal na patron na si Sta. Ana. Tiyak na kagigiliwan ka ng mga tao, Amoracia."
"Ano pa po bang iba pang detalye tungkol sa pista ngayong taon? Marami ba tayong magiging panauhin?" tanong pa ni Aling Isabela.
"Katulad rin noong isang taon, magsasagawa tayo ng prusisyon, mga nobena at mga panalangin. Magsasagawa rin tayo ng handaan bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap natin. Mayroon ring mga sayawan, at mga pag-aalay na gagawin sa ating mahal na patron." sagot ni Padre Rivero.
Wala rin sigurong pinagkaiba sa mga pista sa present. Grabe rin yung pananampalataya ng mga tao sa past.
"Uhm Padre Rivero, bukod sa adobo, may iba pa ba kaming idadagdag para sa handaan? Para naman makapaghanda kaming lahat sa gaganaping pista. Tsaka 'yung tatlong anak ko, nawalan sila ng trabaho kahapon. Maaari silang makatulong sa simbahan. Ako bahala sa kanila." sabi pa ni Aling Isabela.
"Maayos naman kami dito sa simbahan. Maraming salamat ngunit hindi na namin kailangan ng tulong. Ayon naman sa mga hermano at hermana ng pista ngayong taon na sina Ginoo at Ginang San Juan na isa sa pinakamayaman sa ating barangay, nais na lang nila ng adobo. Sila na ang bahala sa mga kasangkapan at kayo naman ang bahala sa pagluluto." paliwanag ni Padre Rivero.
"Sige maraming salamat po Padre Rivero. Kita na lamang po ulit tayo mamaya sapagkat marami pa akong aasikasuhin sa aming carinderia." sabi pa ni Aling Isabela.
Umalis na kaming dalawa at bumalik sa carinderia. Noong papalapit na kami, nakarinig na naman kami ng sigawan. Ang sigaw ni Deisy. "Hindi naman po sa sinasaktan kita, pero magbayad naman po kayo."
Agad kaming tumakbo palapit sa kanila. "Deisy, este Amelita, ano na namang nangyayari?" akala ko, ang triplets ang kaaway niya pero isang lalaki pala.
"Bakit na naman Mang Pedring?" tanong ni Aling Isabela.
"Eh itong kasama niyo, sinasabihan akong magnanakaw. Nakikain lang ako dito tapos ganiyan ang magiging trato niya sa 'kin. Hindi lang nagbabayad magnanakaw agad." sabi pa ng lalaki.
"Pagnanakaw naman talaga ginagawa niyo. Nakikain lang kayo dito pero hindi kayo nagbayad. Tatakasan mo pa ako kanina. Aling Isabela, maniwala kayo sa 'kin, gusto lang niyang makalibre ng pagkain." sabi pa ni Deisy.
"May pambayad ka ba?" tanong ko.
"Nanakawan ako ng mga barya kanina kaya nawalan ako ng pera." sagot niya.
"Eh ano 'yung bagay binibigay mo sa asawa mo kanina? Hindi ba't pera 'yon? Akala mo ha, nakita ko 'yon kanina." sabi pa ni Deisy.
May dumating pang isang babae na parang nag-aalala kay Mang Pedring. "Pagpasensiyahan niyo na ang asawa ko. Ako na magbabayad sa kaniyang mga kinain." inabot ng asawa ni Mang Pedring ang bayad kay Aling Isabela.
Nagulat si Deisy. "Ikaw ang asawa niya? Akala ko, 'yung babaeng maikli ang buhok na binigyan niya ng pera. So Mang Pedring, care to explain. Pero sa tingin ko, may ibang babae ka at lagot ka sa asawa mo!"
"Totoo ba sinasabi mo iha? May babaeng maikli ang buhok ang kasama ng asawa ko at binigyan pa niya ng barya?" tanong pa ng asawa ni Mang Pedring.
"Oo." sagot ni Deisy.
Pinagpapalo at pinaghahampas ng asawa ni Mang Pedring siya. "Ikaw pala'y may ibang babae? Sino 'yang babaeng 'yan? Kahiya-hiya ang mga ipinaggagawa mo sa mata ng tao at mata ng Panginoon! Kaya pala minsa'y kulang ang ibinibigay mo sa 'kin dahil napupunta sa babae mo!" nagagalit niyang sinabi.
Umuwi ang dalawa para mag-usap.
Namangha siguro si Aling Isabela sa ginawa ni Deisy. "Kahit na alam mong ikasisira ng relasyon nila ang pagsabi ng totoo, ginawa mo pa rin Amelita."
"Gusto ko lamang siyang magbayad. Baka ikalugi pa natin ang hindi niya pagbabayad HAHAHAHA!" sagot pa ni Deisy.
"Nasaan nga pala si Florentina?" tanong ni Aling Isabela.
"Nagpunta lang po sa bahay niyo. Eh parang walang ginagawa ang tatlo niyang kapatid kung 'di tumambay lang sa bahay. Pero sabi naman niya, hindi na siya makikipag-away sa kanila." sagot ni Deisy.
"Naging maayos ba at hindi nagkagulo kanina noong wala kami? Hindi ba kayo nahirapan na kayong dalawa lang ni Florentina?" tanong ulit ni Aling Isabela.
"Ayos naman po, marami ngang nagtatanong kung ano ang lulutuin natin sa pista. Sabi ko, hindi ko alam dahil nasa simbahan pa sina Aling Isabela.
Gusto nga nilang ihanda natin sa pista ay 'yung adobo. Tsaka, sumayaw kaya ako kanina. Hiyang-hiya ako sa sarili ko HAHAHA!" sagot ni Deisy.
Pagkalipas ng ilang oras, nagpunta kami ulit ni Aling Isabela sa simbahan. Sinabi ng pari na sa isang araw na ang pista at sinabi rin niya na dapat kaming magprepare para dito. Noong bumalik kami, mabuti na lamang at ayos ang lahat at walang gulong nangyari.
Natapos ang araw na 'to na hindi kami nag-aaway ng triplets. Walang nakakarinding bunganga ni Deisy, at walang nakakabwisit na mukha ni Claudio. Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng pista.
Hindi na muna kami nagbukas ng carinderia kasi nga pista naman dito. Syempre makakatikim ang lahat ng libreng adobo. Kami rin ay nagready na para sa pista. Maaga kaming gumising na apat dahil nga sa adobong lulutuin.
Naipadala na ng mga tauhan nina Ginoo at Ginang San Juan na hermano at hermana ng pista, ang mga karne, gulay, at tsaka mga imgredients para sa lulutuin naming adobo.Sabi nga ni Padre Rivero, kami na ang bahalang magluto kaya sinabi ko sa kanila ang gagawin.
Nagkakasundo naman kami pero ang triplets hanggang ngayon, hindi pa rin namin kasundo. Napakasungit nila hanggang ngayon. Lumabas lang sa bahay noong magpipista pero hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho.
"Himala at kalalabas lang ng bahay! Wala pa ngang trabaho, tatambay-tambay lang sa loob ng bahay, abay sila pa ang may ganang maging tamad!" sabi pa ni Deisy.
"Mahirap kayang maghanap ng trabaho. Kung alam mo lang ay kung saan-saan na kami nagpunta para makahanap ngunit wala pa rin! Akala mo kasi, madali lang maghanap ng trabaho! Akala mo biro lang ang ginagawa namin." sabi pa ni Crisanto.
"Kung hindi ka kasi, or kung hindi kayo tutulog-tulog sa gitna ng trabaho, edi sana may trabaho pa kayo at kung alam niyo na noong una pa na mahirap maghanap ng trabaho, edi sana hindi kayo natulog! Use the brain kasi!" parang nang-aasar pa si Deisy sa mga sinasabi niya.
Para hindi na lumala, pinigilan ko si Deisy. "Tahimik ka na please. Kapag lumaki 'tong gulong 'to, hindi na tayo makakapunta sa pista!" bulong ko sa kaniya.
"Amelita at Crisanto, kayo'y huwag mag-away at baka kayo pa ang magkatuluyan. Alam niyo bang lagi rin kaming nag-aaway ng aking asawa bago niya ako ligawan? Nag-aaway kami sa maliliit na bagay lamang kaya niya ako nagustuhan." sabi pa ni Aling Isabela.
Pinalapit ako ni Florentina. "Amoracia, maaari mo bang tikman ang adobo. Tila ako'y nakukulangan sa lasa ng adobo kaya kung maaari'y ikaw na ang bahala."
Sinubukan kong tikman ang adobo pero parang may kulang. "Aling Isabela, mukhang may nalimutan akong ilagay dito sa adobo. Hindi ko magets 'yung lasa, parang may kulang."
Lumapit si Aling Isabela at tinikman. "Amoracia, hindi mo pa nailalagay ang dahon ng laurel kaya nakukulangan ka pa. Ako na maglalagay. Pagkatapos rin nating magluto, ay patutungo na tayo sa simbahan upang makapag-misa. Tapusin na lang natin ito at ang mga tauhan nina Ginoo at Ginang San Juan na lang ang magdadala nito sa simbahan kapag lumamig."
Noong nailagay ni Aling Isabela ang dahon ng Laurel, naging maayos na ang lasa ng adobo. Pagkatapos rin naming magluto, nagpunta na kaming simbahan kasama ang tatlong nakakabwisit na lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro