80
Author
Present Time...
Sa bagong mundong nabuo, may mga problema pa rin syempre. Marami pa rin ang nagdadala ng mga problema. Pero hindi na sa buhay nina Daina. Ang kanilang pamilya ay nagkaroon din ng problema.
Sa bagong mundo, nagkaroon ng cheating problems si Laura sa ibang lalaki. Dahilan para masubok ang pamilya Cruzana kasama na ang pinakabagong myembro ng kanilang pamilya na si Luna Crescent.
Tatlo na silang magkakapatid ngayon at si Crescent ay ang anak ni Laura, hindi na ni Deisy. Kahit na nagulo-gulo ang pamilya nila, nagkakaayos na sila ngayon at bumabawi na si Laura sa pamilya niya.
Naging parang pangalawang ina ni Crescent si Deisy nang magkaroon ng problema ang pagsasama nina Laura at Rominick. At ngayon, buhay na buhay si Rominick.
Ang karma naman ang napunta kay Andrew dahil napunta sa kaniya ang malubhang sakit ni Rominick. Nanganganib ngayon ang buhay niya at bilang isang anak na tinalikuran ang pamilya niya para sa ambisyon, pinagsisisihan ni Andrew ang lahat.
Tinapos ni Andrew ang pag-eeksperimento tungkol sa time travel at humingi ng pagkakataong magbago sa kaniyang pamilya na agad naman nilang pinatawad.
Sa kabilang banda, ang bagong Henry ay patuloy sa pagiging mabuting kapatid kina Cheska at Francis na lahat ay nagt-trabaho sa Blue Moon Inc. na may matataas nang posisyon.
Si Julia ay naging kaibigan nina Daina at Deisy nang dahil sa isang pangyayari. Nagt-trabaho na rin si Julia sa kompanya ng kambal. Malaki ang pasasalamat ni Julia sa kambal dahil kung hindi niya tinulungan ang kapatid nito, malamang ay wala na siya.
Si Kiara, gaya dati ay natagpuan din ng kambal sa Sta. Ana church at bestfriend pa rin sila hanggang ngayon. Sa ngayon ay nagbabakasyon sila ng pamilya nila sa US pero sa pagbabalik niya ay magiging chef pa rin siya ni Daina.
Limot na ng lahat ang mga nangyari sa ibang mundo na puno ng problema. Wala na rin kayang pag-asang magtagpo sina Daina at Claidh?
Ang pamilya Lazaro ay naging matagumpay sa kanilang sariling paraan. Sa panahong hindi nakapagtime-travel sina Deisy at Daina ay nakagawa si Isabela ng sarili niyang recipe sa adobo.
Ikinasal si Cordero kay Laura. Ikinasal naman si Claudio kay Jacinta ngunit tila nagkukulang pa rin ang puso niya. Si Crisanto at Florentina ay may sarili na ring pamilya at ang apelyido nila ay naging sikat dahil sa adobo ng kanilang ina.
Ang pamilya Lazaro sa kasalukuyan ay maayos na. Si Claidh at Calvin ay pawang magagaling na chef na nag-aaral ngayon sa ibang bansa habang si Cristian ay mas piniling maging designer.
Si Daina ay isang successful chef. Kahit na magbago ang mundo, sina Jeleen, Anthony, Ishee, William at Xein pa rin ang mga chefs niya. Laman siya ngayon ng mga news articles na tungkol sa kaniyang ipinagmamalaking pagkain. Nagkalayo sila ng school at kahit kailan, hindi pa nila nakikita ang isa't-isa sa personal.
Lunar Blue Restaurant continues to dominate as the Philippines' Number 1 restaurant.
Lunar Blue defeats Isabela Restaurant and becomes the Philippines' leading restaurant.
Despite the issues between them, Lunar Blue Restaurant and Isabela Restaurant continues the friendly fight with different new recipes and dishes.
Isang balita ang gumulat sa lahat lalo't bihira lang ang ganitong kompetisyon.
Chef Claidh Lazaro, the owner of Isabela Restaurant says he wants to meet Daina Cruzana.
Sa loob ng ilang taon nilang kompetisyon, hindi pa rin sila nagkikita lalo't nasa ibang bansa si Claidh dahil sa pag-aaral. Ngunit sa isang interview, nais ni Chef Claidh Lazaro, may-ari ng Isabela Restaurant na makilala nang personal si Chef Daina Cruzana, may-ari Lunar Blue. Sabi niya sa interview, gusto niya itong makilala at magkaroon ng face-off.
"I want to meet Daina. I want a friendly fight between us. Probably a cook-off kasi ilang years na akong hindi nakikipaglabanan sa kahit sino? Pag-uwi ko ng December, maybe sa Christmas? I'm sure magkikita na kami." sabi ni Claidh Lazaro sa isang exclusive interview kahapon.
Daina's POV
"Totoo Daina? Gusto ni Claidh ng cook-off?" gulat na sinabi ni Deisy nang mabasa ang article. Mukhang hindi na ako titigilan ni Claidh.
"Pasko talaga? Summer pa lang ngayon pero hinahamon ka na ni Claidh?" gulat din ni Kiara habang kausap namin sa video call.
Hindi na ako mapakali kasi nakikipaghamon pala ng digmaan 'tong kalaban namin. Hindi porket may hitsura siya hindi ko na siya uurungan. "Ang ganda na nga ng samahan natin nung si Ms. Jennelyn pa owner ng Isabela tapos ngayong 'yung anak na niya nagmamay-ari, gusto pa ng cook-off sa pasko!"
"Plus ang makakalaban mo pa ay gwapo na malapit nang grumaduate sa pagiging single." dagdag ni Kiara.
"May gf equals ekis." sabi ni Deisy.
"Wala kaya siyang—" naputol ang pananalita ko when I noticed something wrong. For some reason parang naalala kong wala siyang naging girlfriend except... me. That's weird.
***
Elegant ang dinner namin dahil at last, anniversary na nina Mama at Papa. Tuwang-tuwa syempre si Crescent dahil unti-unti na silang nagkakaayos despite sa mga issue na hinarap nila.
We closed the entire restaurant just for this night at kasama syempre sa nagluto ay ako at ang mga co-chefs ko. They were the best!
Natutuwa akong na-appreciate nila ang lahat ng recipes ko until today. We were discussing random happy things.
"Happy 24th Anniversary Mama and Papa!" sigaw naming tatlo nina Deisy at Crescent habang nagc-cheers ng aming drinks.
Si Papa ang unang nagreview tungkol sa mga foods. "The new recipe for shrimp scampi is a hit. Gustong-gusto ko na agad at mas naglevel-up ang lasa."
Agad namang nagtanong si Mama. "Siya nga bang makikipagcook-off ka kay Chef Claidh ng Isabela? I mean he's one of the greatest chef in this generation and I'm not gonna lie, pwede ka niyang matalo sa cook-off." for some reasons, masyadong honest si Mama na magsalita about sa mga ganiyan and I found it lovely and slightly mean.
Kinontra siya ni Papa. "Syempre mananalo ang anak natin." napangiti siya. Agad na nag-iba naman ang topic. "Kumusta 'yung design na ginawa mo, Deisy about sa il-launch natin?"
"The board loved the designs that I made. And perfect siya sa mga couples and mga bitter sa love." natutuwang sinabi ni Deisy.
"How's Crescent's studies? She's about to enter grade 1 and mabuti na lang Deisy, you're being her second mother. Masyado akong nagiging busy this times and I'm glad narito kayong dalawa." natutuwang sinabi ni Mama.
Puno ng masasayang pag-uusap ang hapag kainan habang nagc-celebrate kami ng kanilang anniversary. I can't wish more sa family na 'to and I'm so happy to have them.
***
Fast Forward to December...
We are watching the news bago kami magsipasok sa kaniya-kaniya naming mga trabaho at umagang-umaga, ganito ang bubungad sa 'kin.
Breaking News
Chef Claidh Lazaro, umuwi na sa bansa para paghandaan ang cook-off nila ni Chef Daina Cruzana.
Sabi niya, gusto niya agad makilala si Chef Daina dahil sa husay niyang magluto. Aniya, magiging friendly competition lang ito at hindi niya gusto ng hate sa dalawa.
Tinanggap ko lang naman 'yung cook-off para matuwa 'yung mga tao. I don't want to do it anyways kasi I think it's a waste of time. Pero wala na akong magagawa, hindi ko na ito mapapalampas.
Deisy's POV
FEW HOURS LATER...
Natapos din ang meeting namin at malapit nang i-launch ang pinakabago naming products. I wonder kung sino-sino naman ang mga bagong employees ng company lalo't I heard na maraming nakapasok ngayon.
I visited my friend Cheska sa group na kung saan siya naka-assign para ibigay ang mga need niyang gawin. Parang may nagbago lang sa room. Hindi ko alam kung sa ayos, or sa dami ng tao. I think I smell some man cologne?
Nang tumalikod ako, bumungad sa 'kin ang isang lalaki na nag-ooffer ng handshake. Agad ko siyang nakilala. "Are you Cristian Lazaro?" my eyes widened and I don't know why. Kilala ko lang siya pero parang may weird feeling ako sa kaniya.
"Alam niyo naman Ms. Deisy na I don't like cooking kagaya nina Claidh at Calvin." muli niyang in-offer ang handshake. "I like designing kaya I choose to work here after studying sa US and believe it or not, magaan ang loob ko dito."
Nginitian ko siya. "We're happy to have you. Welcome sa company." tinanggap ko ang handshake niya.
Sunod ko namang nilapitan si Cheska about sa mga designs ng clothes. "Hi Cheska!" niyakap ko rin siya. "About sa design, may pag-uusapan tayo."
The company is improving at naghahanda na ako para mailipat sa 'kin ang pagiging CEO nito. Once na magresign sina Mama and Papa, I will lead this company and I will make sure that it will be the best.
Akala ko rin ay nasa akin na ang lahat. Well wala pa akong lovelife at sa lahat ng boys na nanligaw sa 'kin noong college, wala man lang akong naging boyfriend. I feel empty inside at parang hindi gano'n ang naramdaman ko kay Cristian.
Ramdam ko na parang may pinagsamahan kaming dalawa at sa unang beses naming pagkikita ay parang konektado talaga kaming dalawa. Pero sa tingin ko, pwede na talaga siya sa company at mapapabuti niya ito!
Daina's POV
Handa ko nang kalabanin 'yang Claidh Lazaro na 'yan at hindi na ako magpapatalo. Iaangat ko ang restaurant ko no matter what. It was a great start at simula na ito ng lalong pag-unlad ng restaurant ko.
Ngayon ang araw kung kailan gagawin ang cook-off and I am so grateful na makakalaban ko siya kahit na ayaw ko sa kaniya.
Ang venue namin ay sa tapat ng Sta. Ana Church dahil ang mga pagkain na lulutuin din namin ay ipamimigay sa mga taong magsisimba ngayong Christmas day.
Sa pagbaba ko ng kotse ay bumulagta sa 'kin ang kaniyang mukha. Kararating pa lang din niya. Kinawayan niya ako na parang confident pang siya ang mananalo.
Nakaready na ang mga tables kung saan kami magluluto at maging ang mga ingredients. Sabay kaming lumapit dito para mag-ayos na ng mga gamit.
Aksidente kaming nagkatitigan. Parang biglang may kumurot sa puso ko nang makita ko ang mga mata niya. Napaaatras ako nang isang ala-alang hindi malinaw pero parang nangyari na ang nakita ko sa pagpikit ng mga mata ko.
Hindi ko maintindihan ito, kilala ko ba talaga siya? It feels like it's something na naranasan ko noon ang pagkikita namin, between moon and clouds.
Kakaibang pangyayari 'to at ngayon lang talaga nangyari sa 'kin. Parang pakiramdam ko'y nakasama ko na siya nang matagal. Iba ang sinasabi ng puso ko sa isip ko na parang may gustong ipaalala ang puso ko.
Humampas ang malakas na hangin sa balat ko. Tumirik ang mga balahibo ko at nabuo ang mga tanong sa isip ko.
May pinagsamahan na ba kami?
Nakilala ko na ba siya?
Parang nanaginip na ako tungkol sa kaniya?
Hindi ko matukoy kakaibang-kakaiba talaga.
Ano man itong mga naiisip ko ay wala na akong paki-alam.
Ngayon ay magsisimula na ang aming bagong laban sa kusina. Isang laban na paghuhugutan ng paglago ng pangarap ko at magtutuloy-tuloy na ang bagong timpla ng buhay ko, wala nang hahadlang dito.
Tayo ang nagtitimpla ng sarili nating recipe. Tayo ang gumagawa ng sarili nating pagkain at ito ay parang buhay na hangga't wala kang ginagawa at hindi tama ang timpla mo dito ay hindi natin malalasap ang tunay na sarap nito.
Life is mysterious and it is unpredictable. We shouldn't expect what things are supposed to be. Things that aren't meant for you will be your greatest recipe. That's what I feel about Chef Claidh. And I think he will be the best spices para tuluyang magbago ang timpla ng buhay ko.
Author
Bitin?
Sa pagtatapos ng kanilang kwento, pinatunayan nina Daina at Claidh na ang pag-ibig ay mahihintay. Lahat man ng pagsubok na pagdadaanan, ano mang uri ng problema ay kayang lampasan.
Sabi nga ni Daina, naniniwala akong life is a like a cycle of problems and solutions, victories and losses, and peace and wars.
Dito na ba siguro matatapos ang kwento nila?
Marami pa bang misteryo na dapat sagutin?
At marami pang mga pagsubok na dapat lampasan!
YOU'VE REACHED THE END OF THEIR STORY.
Some modern magical traditions associate the Blue Moon with the growth of knowledge and wisdom within the phases of a woman's life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro