Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

79

Pinilit kong itayo ang nanghihina kong katawan. Nag-unat-unat lang ako at lumapit na kay Claidh. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kinikilos kaya ginising ko na siya.

Hinampas-hampas at ginalaw-galaw ko ang katawan niya. "Claidh, gumising ka na. My gosh naman parang aabot pa yata 'to sa tragedy."

Ilang segundo ang lumipas ay naimulat na ni Claidh ang mga mata niya. "Daina? Nasa'n na tayo? Are we in the past?"

"Malapit lang siguro dito ang bahay nina Cheska." sabi ko.

Ilang mga tao ang pinagtanungan namin. Dahil medyo malapit sa palayan ang lugar nila, kakaunti ang mga bahay kaya medyo nahihirapan kaming maghanap.

Hanggang sa isang sigawan ang narinig namin sa isang maliit na bahay na ang katabi din ay mga bahay. Wala yatang nakiki-alam na mga kapitbahay sa sigawan na ito dahil walang taong lumalabas.

"Cheska huwag ka nang makisali. Problema namin 'to ni Francis." narinig kong sigaw habang palapit sa bahay na 'yon. Tama na siguro ang kutob ko, bahay na ito nina Henry.

"Imposibleng hindi ako makisali, problema ng pamilya 'to, hindi problema niyo lang." sigaw ng babae habang naaalala ko ang boses ni Cheska.

"Claidh, dito na yata magsisimula ang mga problema. Abangan mo si Francis at pigilan mong masagasaan." sabi ko kay Claidh.

Sa bilis ng mga nangyari sa pagdating namin, hindi ko siguro aakalaing ito na ang huling beses na magkikita kami ni Claidh.

Sa paglapit namin sa bahay ay nakita na ni Claidh ang paglabas ni Francis sa pinto at aakalain mong parang galit na galit nga sila sa isa't-isa. Sinundan siya ni Henry. Agad na tumakbo si Claidh para sundan silang dalawa habang ako'y sinilip si Julia.

Claidh's POV

Malayo na ang tinakbo ni Francis at sa puntong ito ay baka mangyari na ang pagkakasagasa niya. Isang kotse ang mabilis-bilis na tumatakbo papunta kina Francis at Henry.

Napapagod na si Henry pero hindi ako sumukong mahabol si Francis. Sa paglapit ng kotse ay nagbabantang salubungin ito ni Francis. Naabutan ko siya sa saktong pagdaan ng kotse sa gilid namin at napigilan ko siya sa pagtakbo. Itinulak ko siya sa mga damuhan para hindi masagasaan.

Tumayo si Francis na nanghihina. "Ano bang problema mo?" itinulak ako nang malakas ni Francis.

"Gusto mong magpakamatay?" tanong ko habang nakalupagi sa tabing kalsada. "Huwag kang magpapakamatay, lalong madadagdagan ang problema ng pamilya mo."

Sumunod sa 'kin si Henry na naghihingalo. "Salamat kung sino ka man." ngayon ko lang siya nakitang nakangiti nang may tuwa. Kinamayan niya ako. "Gusto mong tumigil ka muna sa bahay namin? Naliligaw ka yata."

Pumayag ako sa kanila. Hindi naman nagsasalita si Francis at mukhang naiinis pa. Nakita ko si Daina na susulyap-sulyap sa may pinto na parang tinitingnan si Cheska.

Deisy's POV

Parang sa pagpikit ng mga mata namin ay biglang nawala sina Claidh at Daina. Hopefully makabalik sila nang ligtas. Buti na lang at hindi pa rin nagigising sina Henry at Andrew.

May napapansin lang ako. Parang may prinoproblema si Cheska. Nang tingnan ko siya ay sunasakit ang ulo niya. "Ayos ka lang, Cheska?"

"Naaalala ko na nag-uusap sina Daina sa bahay namin sa Laguna pero parang unti-unting nawawala at nalilimutan ko 'yung pagkamatay ni Francis." sagot ni Cheska habang hinahawakan ang ulo niya.

"Ibig sabihin ay naligtas nina Daina at Claidh si Francis. Pero ang mahirap lang dito is malilimutan nga natin ang isa't-isa." paliwanag ni Julia.

Nagsabay-sabay ang pananakit ng mga ulo namin katulad ng nangyayari kay Cheska. Malalabo ang mga naaalala ko pero naghahalo-halo na ang mga ala-ala ko na dumating sa puntong parang nananaginip na lang ako.

Gano'n din ang mga taong nasa paligid ko. Lumupagi ako sa sahig at niyakap nang mahigpit si Crescent. "My precious baby girl, see you soon sa bago nating buhay." I smiled kahit na hindi ako masaya sa nangyayari. I smiled dahil inaasahan kong makakapiling ko ulit si Crescent at that matters the most.

All of my tears dried kasi hindi ko na kayang umiyak pa. All I can do is spend my last moments ngayon kay Crescent.

Daina's POV

"Claidh!" sigaw ko habang palapit siya sa 'kin. "Nailigtas mo na siya!"

"Oo, niligtas niya si Francis sa kamatayan." sabi pa ni Henry with a smile. Napakagaan tingnan ng kaniyang ngiti at makakampante na kami na magiging maayos na ang kasalukuyan except sa aming dalawa ni Claidh.

Nagpaalam na kaming dalawa sa pamilya ni Henry. Ibinilin ko sa kaniya na bantayang maigi si Francis at baka victim siya ng bullying kaya tinangka niyang magpakamatay.

Umalis na kami sa lugar na 'yon nang may ngiti. Habang naglalakad kami ni Claidh sa tabing kalsada, gusto naming sulitin ang mga sandaling magkasama kami nang walang iyakan.

"Ice cream?" tanong ni Claidh nang may ngiti habang nakakita kami ng malapit-lapit na convenience store.

"May pera ka ba?" tanong ko.

Naglabas ng pera si Claidh. 1000 pesos na buo na nakaimprenta sa year 2015. Nagtaka ako. "Saan ka nakakuha niyan?" natawa ako nang bahagya.

"Pinaghandaan ko 'to." natatawa niyang sinabi.

Dumeretso kami sa store na 'yon. Bumili kami ng ice cream for ourselves at nagsusungit pa yata ang tindera kasi wala silang panukli sa 1000 peso bill.

Habang nakaupo kami, nag-uusap kami nang seryoso.

"Could this be the end of us?" tanong ko sa kaniya habang malalim na nakatingin sa mga mata niya.

"No!" nagmamatapang niyang sinabi. "The destiny knows na ikaw lang ang mamahalin ko."

"Pero paano kung hindi talaga tayo ang nakatadhana sa isa't-isa?" tanong ko ulit.

"Then susumpa ako sa kapalaran, mamahalin pa rin kita." sagot niya.

That moment I realized kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ko siya kamahal. I don't want our relationship to end like this pero parang ganito talaga magtatapos at hindi sa altar.

"You are the woman na hindi ko inakalang mamahalin ko." napangiti ulit siya.

"Gusto ko, kapag nakabalik na tayo sa present at naging ayos na ang lahat, pipiliin kong huwag mo na lang akong maalala." sa mga sandaling 'yon, binasag ng sakit ang puso ko na parang nawalan ako ng hininga saglit.

"Why?" hinawakan niya ang kamay ko. "Gusto kitang maalala."

Humugot ako ng hininga. "Ayaw kitang masaktan. 'Yung tipong hahabulin mo ako at ipapaalala mo sa 'kin lahat ng nangyari pero kahit anong gawin ay hindi maibabalik pa sa dati." napabitaw ako ng hawak sa kamay.

"Masyado ka nang nakakasakit, Daina. Ngayon pa lang parang paiiyakin mo na ako." napalunok siya ng laway, mga luha ay namumuo sa mga mata niya.

"Gusto kong gumawa tayo ng bagong ala-ala sa bagong mundong mabubuo. Iwanan na natin lahat ng alaala na 'to sa mundong 'to kasi we could do better." napangiti na lang ako.

Napangiti rin si Claidh. "Sige, pero hihiling pa rin ako sa bughaw na buwan na sana ako pa rin ang mamahalin mo."

Pagkatapos naming kumain sa store, lumabas na kaming dalawa at naglakad-lakad. Sa pagtagal ng paglakad namin ay ang paglalim ng gabi.

Dito ay may napapansin na akong kakaiba sa katawan ko. Parang bumibilis na ang tibok ng puso ko at biglaang parang may tumutusok sa ulo ko. Napatungo ako at minasa-masahe ko ito.

"Okay ka lang ba?" tanong agad ni Claidh nang makitang sumasakit ang ulo ko.

"Hindi na normal ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y babalik na ang lahat sa dati." sagot ko habang hinahawakan ko ang kamay ni Claidh.

Mabilis na naluha si Claidh. Para siyang nag-aalala at nalulungkot nang sabay. "Promise me, this will not be the end of our love." Iniupo niya ako sa tabing-kalsada at dito ay mahigpit niya akong niyakap.

Hindi ako makapagsalita dahil masakit na masakit na ang ulo ko. Pero pinipilit ko. "Oo, Claidh hindi pa ito ang wakas."

Parang naalala ko lang ang pamamaalam namin ni Deisy sa pamilya nina Aling Isabela. Naalala ko ang pangakong babalik ako kay Claudio pero nauwi lang ito sa trahedya. Ngayon ay imposible na yatang mangyari ang muling pagtatagpo namin ni Claudio pero bakit ko pa siya hahanapin kung nariyan na si Claidh.

Sumakit din siguro ang ulo ni Claidh. Napa-ungol siya nang bahagya at sumandal sa balikat ko. "Amoracia," sa isang iglap ay bumuti siya. Nagtaka ako kung bakit niya 'to sinabi pero wala namang akong nai-kwento kay Claidh tungkol dito. Ang huling kwento ko sa kaniya ay noong mayaman pa sila pero baka naaalala lang niya siguro.

"Ako ito, si Claudio." sa pagpitik ng mga mata ko ay parang si Claudio nga ang nararamdaman ko. "Sa ilang sandaling nagkasama tayo, nararamdaman kong tayo ay itinadhana talaga ng kapalaran."

"Nagloloko ka ba Claidh?" tanong ko habang nanghihina kong sinabi.

"Hindi kita binibiro aking irog. Bagkus ay nais kong sabihin na naligo tayo noon sa ilog." napatawa siya nang bahagya.

Pinilit kong ngumiti. Parang sumapi talaga si Claudio sa katawan ni Claidh. "Sinundan kita mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Lahat ng aking sinabi ay walang biro, totoo lahat 'yon."

Napangiti akong muli habang dinaramdam ko ang pagyakap niya. "Claudio, hindi na tayo magtatagal. Gusto ko nang ipikit ang mga mata ko para sa pagbukas nito ay bago na ang mundo."

Nanghihina na ako. Pakiramdam ko'y para akong mamamatay sa isang sakit pero para lamang akong inaantok na gustong matulog.

"Kung tayo talaga ay itinakda, gagawa ang kapalaran ng paraan upang tayo'y magkasama." hinawakan niya nang mahinahon ang pisngi ko. "Sige, ipikit mo ang iyong mga mata. Sa bagong mundo, nais kong tayo ay magkita."

Isa lang ang ipinapahiwatig ng nangyaring ito. Si Claudio at si Claidh at iisa.

Naipikit ko na nga ang mga mata ko At pakiramdam ko'y para na akong natutulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro