72
Few days later...
Aabsent ako ngayon sa trabaho. Hindi ko pwedeng mamiss ang pagkakataon na makitang nag-aaral na si Crescent. Syempre dahil isa akong ulirang tita, babantayan ko siya dahil may importanteng meeting si Deisy.
Sabi naman ni Deisy, bukas na siya magbabantay. Sadyang mahalaga lang ang meeting na 'yon para sa kompanya. Naiintindihan naman ni Crescent ang lahat.
Gusto pa ngang dalhin ni Crescent si Boo pero bawal naman sa school. She's very excited na ayaw niyang magpaiwan. Pero nangako naman ako sa kaniya na babalikan ko siya mamaya. Syempre may aasikasuhin pa ako na restaurant.
Bago ako umalis ay tinawagan ko naman si Ate Grace para puntahan siya sa lunch. Mamaya ay susunduin ko siya after ng mga gawain ko sa restuarant.Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa restaurant.
Pagpasok ko pa lang ay dama ko na ang malamig na simoy ng aircon. "Good morning Chef Daina!" pagbati ng mga workers.
Isa na namang madugong labanan sa restaurant. Napapansin ko nga lang na hindi pa nagbubukas ang restaurant nina Calvin. Tila umiiyak at nagsisisi pa rin siya.
Sa amin nagsilipatan ang mga customers na araw-araw pumupunta sa restaurant na 'yon kung kaya't lalong dumami ang mga customers namin.
***
Gabi na at nang makarating ako, naabutan ko pa sina Deisy at Crescent na gumagawa ng assignment. Kitang-kita ang pagkahilig ni Crescent sa pag-aaral kaya umaasa akong magiging honor student siya.
Humilata muna ako sa sofa para magpahinga sa isang mahabang araw sa restaurant. Nagcellphone lang ako habang hinihintay silang matapos.
Pagkatapos nilang gumawa ng assignment, tumaas na si Crescent pero lumapit sa 'kin si Deisy. "Daina!" nagagalak niyang sinabi.
Binitawan ko ang phone ko at nagtaka. "Ano na namang chika ang sasabihin mo? Latest chika dapat ha."
"Si Cristian, may balak na manligaw sa 'kin!" sa tono ng pananalita niya ay tila ba kinikilig pa siya.
"Talaga?" nagtataka kong sinabi. "Eh ba't hindi ka naiinis? 'Di ba dapat naiinis ka kasi nanliligaw siya. Alam mo hindi kita maintindihan."
Flashback...
Deisy's POV
Dahil sa pag-aasikaso ko kay Crescent bago pumasok at pagpapaliwanag sa kaniya na hindi ko muna siya masasamahan, malapit na tuloy akong malate sa meeting.
Pag-uusapan sa meeting ang mga produktong malapit nang i-launch ng kompanya namin. Malaki na ang naging improvements ng company but still, nakukulangan pa rin ako. Probably nangungulila pa rin ako kay Papa kahit apat na taon na ang dumaan.
There were several moments na naaalala ko ang mga painting niya. Hindi ko man lang napa-improve ang painting skills ni Papa dahil maraming nagsasabing may potential pa naman ako.
I hope na makuha ni Crescent ang skill na 'yon kay Papa para maipagpatuloy niya ang last drawing nito bago siya mamatay.
Anyways habang naglalakad ako papunta sa room, nakasalubong ko agad si Cristian. Hindi ko nga lang siya pinansin kahit na kumakaway siya sa 'kin. Gayunpaman ay nakangiti akong nagpunta sa meeting room. It was about to start.
"Am I late? Sorry got to do mommy things."
***
Nang matapos ang meeting relax na ako. Maraming pinag-usapan pero mabuti na lang at nakapagconcentrate ako dahil alam kong si Crescent ay mapayapang nag-aaral.
Natungo na ako sa office ko at gumawa ng mga trabaho ko as the next CEO.
Sa kalagitnaan ng pagt-trabaho ko, bigla ko na lang naisip ang mga nakaraan namin ni Crisanto. Kasabay nito ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko pwedeng maalala si Crisanto, siya ang nagbigay ng pasakit sa buhay ko.
I can't blame Crescent for being alive, siya ang pinakamagandang blessing sa 'kin pero at the same time kinamumuhian ko ang ama niya.
Sa pagtigil ng mga flashbacks na gumugulo sa isip ko at pagsakit ng ulo ko ay ang sabay na pagpasok ni Cristian na may dalang isang pirasong rose. "Hi Madam Deisy, flowers for you."
"Flowers? It's flower, isa lang naman ang rose na dala mo."
"I've been inlove with you for no reason. Dederetsuhin na kita Madam, can I court you?" sa pagdikit ng mga labi niya ay parang lumambot ang katawan ko at naging jelly.
Hindi ako makapagdecide dahil gumulo na naman ang mga isip ko nang makita ko ang mga tambak na papel na nasa kabilang tables. "Sige umalis ka na." I smiled creepily. "Ligawan mo 'ko kung gusto mo basta expect being busted." my heart is beating so fast.
Napanatag ako nang lumabas na siya sa office ko. "Deisy what are you doing ba't mo hinayaang manligaw?"
End of Flashback...
Daina's POV
"Naguguluhan ako sa 'yo Deisy," sumimangot ang mukha ko. "Ba't ka naiinis kanina kung parang kinikilig ka ngayon?"
"Basta, naguguluhan din ako sa sarili ko." bahagyang napahikab si Deisy. Tumayo na siya sa pagkakaupo. "Daina, inaantok na ako, matutulog na kami ha."
"No problem, tambay muna ako dito sa baba."
The next day...
Napakalakas na tunog na nagmumula sa cellphone ko ang gumising sa mga mata ko. Akala ko ay alarm ko na. Nang tingnan ko ay si Cristian pala na tumatawag.
Napaka-agap pa para sila'y tumawag. 6:00 AM pa lang pero ba't kaya napaka-agap?
"Daina, si Claidh! Nawawala daw!"
"Anong nawawala?" agad akong napabangon nang marinig ang masamang balita.
"Hindi siya umuwi kagabi sabi ni Mama. I know he's in big trouble lalo't nung tinawagan ko siya ay hindi sumasagot. Nag-aalala na si Mama ngayon kaya narito ako ngayon sa kanila para samahan siya." sabi pa ni Cristian.
Tila naibigay ni Cristian ang telepono kay Tita Jennelyn. Purong pangamba ang nasa boses niya. "Daina, hindi na 'to normal. Kagabi pa siya hindi umuuwi. Tulungan niyo kaming hanapin si Claidh."
"Sige po Tita, hahanapin ko talaga siya. Hahanapin ko po ang boyfriend ko. Pupunta na ako d'yan." agad kong ibinaba ang telepono.
Kahit nagugutom ay nag-skip na ako ng agahan. Dali-dali akong nagdrive sa kotse ko. Walang ideya ang mga tao sa bahay kung bakit napaka-agap kong umalis. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyayari.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho, isang tawag mula sa isang unknown number ang aking natanggap.
Gulong-gulo at litong-lito na ako. Inaaakala kong si Claidh ito na baka humihingi siya ng tulong kaya napilitan akong sumagot.
"Hi Chef Daina!" said by an unfamiliar voice.
"Sino ka?" bumilis ang tibok ng puso ko. "Bakit alam mo ang pangalan ko?"
"Sooner, you will know. Good luck na lang sa paghahanap sa boyfriend mo." agad niyang ibinaba ang tawag. Sino na naman kaya ang taong 'to at bakit alam niya ang pagkawala ni Claidh?"
Ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay nina Claidh. Doon ay naghihintay sa 'kin si Cristian at Tita Jennelyn.
Maluha-luha si Tita nang makita niya ako. Agad ko siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap. "Hahanapin namin si Claidh, tita. Hindi ko siya hahayaang malagay sa panganib."
"Daina, may tumawag sa 'king unknown number." sabi pa ni Cristian. Ipinakita niya ang number na ito. "Mukhang may alam siya sa pagkawala ni Claidh."
Nang tingnan ko ang number na tumawag sa cellphone ko at pinagkumpara ang number na tumawag kay Cristian, magkapareho sila.
"Cristian, subukan mong tawagan ulit ang number."
Tinawagan ito ni Cristian ngunit tila wala nang sumasagot. Natatakot na si Tita Jennelyn. "Sila ba may kinalaman sa pagkawala ni Claidh?"
"Ma, don't panic. Baka sila nga may pakana ng mga 'to pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kapatid ko." pilit na pinapakalma ni Cristian si Tita.
Nag-intay kami ng ilang minuto. Hanggang sa tumawag ang numerong ito sa telepono ko. "Baka hindi mo pa rin ako kilala. Ako nga pala si—"
"Henry Laos! Ilabas mo si Claidh ngayon din! Sinasabi ko na nga bang ikaw 'yan! Pangit na nga ang boses mo, pangit ang pagmumukha mo, pangit pa ugali!" nagagalit kong sinabi.
"I'll send you the address kung saan mo kami hahanapin. Huwag kang magsasama ng kahit sino."
"Overused line Henry! Palagi na lang sinasabi ng mga kontrabida na 'huwag kang magsasama ng kahit sino' sa mga tangang bida." pasigaw kong sinabi.
"Tanga ka naman 'di ba?" pang-iinsulto pa niya.
"Sige, ako na 'yung tangang nakapagtayo ng restaurant. Ikaw, ano bang achievements mo? Papuntahin kaming dalawa sa past? Make our life miserable?" dagdag ko.
"Daming mong satsat." mukhang nagalit pa siya.
"I-text mo 'yung address at sinasabi ko sa 'yo, dadalhin ko d'yan si Cardo Dalisay!" sa sobrang galit ko ay hindi ko na alam ang mga sinasabi ko.
"Crescent or Claidh?" huli niyang sinabi bago niya ibinaba ang tawag.
Hanggang sa may naalala ako.
Bago ko tapusin ang note na 'to bibigyan kita ng isang malaking spoiler sa pagbabalik namin.
Crescent or Claidh?
Anong kinalaman ni Crescent?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro