Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

70

Naghahanda na kaming umuwi. Nag-iimpake na kami ng mga gamit namin at mamaya ay aalis na kami.

Labis kaming nasiyahan sa pagbisita namin dito at lalong hindi ko malilimutan ang mga nangyari. Alam kong hindi pa ako dapat magsaya dahil may kakambal na peligro ang mga nangyayari ngayon.

Sa ngayon ay puno na lang ng ngiti ang mga mukha namin. Iniisip ko pa rin kung ano ang mga susunod na plano ni Henry.

Ilang sandali pa ay nailagay na namin ang mga gamit sa van at nakahanda na kaming umalis. Ngayon naman ay kami ni Claidh ang magkalapit at ramdam namin sa isa't-isa na nagmamahalan kaming dalawa.

***

Kinabukasan...

Nakakapagod magbyahe at ginabi na kami sa pag-uwi. Pagka-uwi namin kagabi ay mabilis natulog sina Crescent at Deisy at ako'y nag-ayos pa ng mga gamit ko.

Muntik na akong malate ngayon, buti na lang at ginising ako ni Ate Grace.

Nagmamadali akong tumakbo sa restaurant nang makita ko si Claidh. Sabay naming hinawakan ang door handle at nagkatitigan. Umiwas ang mga mata namin sa isa't-isa at ngumiti.

"Ikaw na mauna chef," binuksan ni Claidh ang pinto. "I love you." bulong niya.

Sumunod sa 'kin si Claidh. "Shall we announce?" tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Guys, mga kasama kong chefs," nagsilabasan sa kusina sila at nagsipuntahan ang iba pang nagtratrabaho nang marinig ang sigaw ni Claidh. "Daina is my girlfriend. Kami na ni Daina!"

Nagulat silang lahat sa una pero kinilig pagkatapos no'n. Ang inoobserbahan ko ay ang reaksiyon ni Xein. Napansin kong hindi siya natutuwa at tila nag-iisip-isip.

"Chef congrats! Bagay naman talaga kayo ni Claidh!" sigaw ni Ishee.

"We ship Daina and Claidh!" sigaw ni Anthony at Jeleen.

"Nakakakilig kayo chef, kahit akong lalaki ay kinikilig sa inyo! Destined talaga kayo sa isa't-isa." dagdag ni William.

"At alam niyo bang naghalikan sila sa Altagracia Park kahapon." sabi pa ni Kiara. Nagulat silang lahat nang magpakita si Kiara ng video na naghahalikan kami.

"Hoy Kiara nakakahiya! Humanda ka sa 'kin mamaya mababawasan ang sweldo mo." biro ko.

Biglang napasigaw si Xein. "No, this can't be happening. Mas matagal akong nanligaw kay Daina. Lagi akong nagtatanong sa kaniya kung pwede bang manligaw pero hindi niya ako pinapayagan!" bigla niyang naibato ang isang plato. "Tapos ilang buwan lang kayong nagkasama, kayo na agad? Napaka-unfair Daina!"

Agad akong lumapit kay Xein. Hindi ko inakalang magagalit siya nang husto. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas. "Walang susunod sa 'min. Hayaan niyo kaming mag-usap para wala nang gulo. Paki-linis na lang ang nabasag na plato." sigaw ko.

Dinala ko siya sa labas lang ng restaurant at kahit nakikita na kami ng ibang tao ay wala akong paki-alam.

"Sagutin mo ang tanong ko Daina. Bakit napakadali lang para sa 'yo na hindi ako mahalin?" sigaw ni Xein.

"Can't you calm down? Hindi ko matiis ang ganiyang ugali mo na lagi ka na lang nagseselos kay Claidh. Hindi ko na nga kailangan magpaliwanag kung bakit. Alam mo naman siguro kung bakit hindi kita kayang mahalin." napalakas ang pagkakatulak ko sa kaniya, napaatras si Xein at muntik nang matumba. Nakonsensiya ako.

"Bakit hindi mo 'ko kayang mahalin?" sigaw ulit niya.

"Sinabi ko sa 'yo nang paulit-ulit na may hinihintay akong tao at umaasa akong babalik. Xein, siya si Claidh. Siya ang lalaking hinihintay ko. Kaya nga himdi na kita pinayagang manligaw sa 'kin dahil ayaw kitang masaktan." paliwanag ko pa.

"I don't understand. Kamakailan lang pinayagan mo akong manligaw sa 'yo. What happened?" hindi na siya nakapagtimpi. Ibinato niya ang chef hat niya. "I quit, I resign as your sauce chef. I can do better than this!"

Umalis si Xein na may dalang sama ng loob. Wala akong nagawa sa desisyon niya.

Pumasok na ako sa loob habang nakikita kong na-witness ng iba ang mga nangyari.

Agad na lumapit si Claidh na nag-aalala para sa 'kin. "Anong sinabi nung Xein sa 'yo? Ano iiwan na niya ang Lunar Blue?"

"Kung ano man chefs ang nakita niyo, huwag sana kayong magagalit kay Xein. Pinaasa ko siya kaya ako ang may kasalanan." dismayado kong itinungo ng ulo ko habang hinakawakan ko ang kamay ni Claidh. "Iiwan na ni Xein ang Lunar Blue that's why Claidh is taking over Xein's position."

Nalungkot sila sa pag-alis ni Xein sa restaurant. Hindi maikakailang masayahin at maraming naiwang ala-ala dito si Xein. Umaasa pa rin naman ako na babalik siya dito.

Few days later...

After a long day sa restaurant, naka-uwi na rin ulit ako. Wala akong nakikitang pasabog ng katapat na restaurant na ipinagtataka ko.

I stalked their social media page at naglabas sila ng post.

Update: May bagong chef tayong makakasama! Ang kaniyang heartbroken na puso ay mapupuno ng tuwa sa pagpasok niya sa Lazaros! Abangan tomorrow!

That's weird. Hindi ko pa nakikitang magpost sila ng ganito at talagang pinaghahadaan nila ang bagong chef na darating. We'll see that bukas.

Suddenly, nakarinig ako ng malakas na kalampag ng gate. Galit na galit siyang kumatok na parang may gustong sabihin.

Bahagya akong nainis dahil malapit nang matulog na sina Deisy at Crescent at tahimik na rin ang mga kalsada. Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong pawis na pawis si Claidh. Parang tumakbo siya papunta rito. Pinagbuksan ko siya ng gate.

"Claidh?" hingal na hingal siya. "Anong ginagawa mo rito? It's already 9:30 PM bakit ka nagpunta dito." pinapasok ko siya sa loob at ikinuha ng tubig.

"Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat." tugon niya.

Flashback
Claidh's POV

Gusto ko sanang sorpresahin ang tatay namin at nagdesisyong makikipag-ayos na. Hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin kaya hindi ko na sinabi kay Daina ang mga nangyari. Napuno lang naman ng pag-aaway ang dapat sanang maayos na pag-uusap ko noon.

Same place pa rin kaming magkikita pero parang wala pa siya sa ganitong oras na pinag-usapan namin. Hanggang sa napansin ko siyang naglalakad sa isang street na malapit na kina Daina.

Nagtago ako sa isang jeep na nakaparada. Sinubukan kong maging tahimik at kalmado nang hindi niya malamang narito ako. Napakalamok at madilim-dilim ang lugar. Napagdesisyonan kong maghanap ng mas komportableng pagtataguan lalo't lumalayo na rin sila.

Dumating sila sa lugar na halos wala nang bahay ang nakatayo at tanging mga ilaw na lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag. Nagtago ako sa punong malapit sa daan. Nagpapasalamat na lang ako at hindi pa ako nakikita.

Dito ay nakita ko na parang may inaabot siyang bagay na nakasupot at pinapalitan niya ito ng pera. Nagtataka ako kung bakit gano'n ang kaniyang ginawa gayong naka-unlad na naman siya sa buhay.

"Drugs?" bulong ko. "Hindi naman gano'n si Papa noon sa naaalala ko. Bakit kaya siya gumagamit at nagbibili nito?"

Pinanood ko lang sila at ilang sandali pa ay umalis na ang binigyan niya ng drugs. Umalis siyang tuwang-tuwa lalo't parang malaking halaga ang nakuha niya.

Hindi ko na ito kayang tiisin. Nabubuhay si Cristian at Calvin at ang mga natatamasa nila ngayon ay dahil sa sikretong trabaho ng tatay ko. Nabubuhay silang ang kinakain ay galing sa droga.

Hindi na ako nakapagtimpi at hinarap ko na siya nang buong tapang. "Drugs? Sa ganiyan mo binubuhay ang dalawang anak mo? Ganiyan ang ginawa mo hanggang sa yumaman na kayo?"

"Hindi 'yon drugs! Ano bang sinasabi mo?" tanggi pa niya.

"Hindi drugs?" kinapa ko pa ang bulsa niya, nagpumiglas siya pero may nakuha pa akong ilang nakasupot. "Ano 'to?" ipinakita ko sa kaniya ang nakuha ko. "Asin? Tawas? Asukal? Hindi ako makapaniwalang may kriminal akong ama. Matakot ka sa mga anak mo lalo na kapag nalaman ni Calvin na galing sa drugs ang restaurant na ipinagmamalaki niyo."

"Kriminal agad?" tumawa siyang at humahalakhak at kinuha ang mga hawak kong drugs. "Hindi pa ako nahuhuli kaya hindi ako kriminal. Ano bang mga sinabi sa 'yo ni Jennelyn at parang sinisiraan mo ako? Dapat nga matuwa ka pa sa 'kin kasi napapaganda ko ang buhay ng mga kapatid mo."

"Proud ka pang taga-benta ng drugs?" binunot ko ang cellphone ko at nagbalak tumawag ng pulis.

"Kapag tumawag ka ng pulis, papatayin talaga kitang bata ka!" nagagalit pa niyang sinabi.

Nagkumaripas ako ng takbo. Alam ko na ang daan papunta kina Daina kaya naisipan kong doon muna magtago.

End of Flashback...
Daina's POV

"Grabe pala 'yang tatay mo. Alam mo ba noon, napakagandang example ang family niyo sa culinary world. And it's all my fault." nadidismaya kong sinabi.

Inakbayan ni Claidh ang balikat ko. "Don't worry kasi bukas, mapupuno ng pagpapatawad ang mga mukha nila sa pagsabi ko ng totoo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro