Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

61

Daina's POV

"What did you say Crescent?" tanong ko.

"I said, thank you Daddy. He's my dad!" natutuwa niyang sinabi.

Bagamat natutuwa siya, nagtataka kaming lahat sa sinasabi niya. Wala naman kaming ipinakitang picture ni Cristian or kung sino mang Lazaro noon dahil bukod sa hindi namin sila mahanap, hindi rin namin ipinakilala kay Crescent ang tunay niyang ama.

"Crescent, I'm not your father." tanggi ni Cristian. "Call me kuya Cristian na lang. Huwag namang daddy okay?"

Agad na inilayo ni Mama si Crescent sa 'min. "Crescent, let's go upstairs. Matulog ka na ngayong nakita mo na si Boo." tumaas na silang dalawa kaya naiwan kaming tatlo sa labas. Isinama ni Crescent si Boo pataas.

"Sorry sa mga sinabi ni Crescent. Wala naman talaga siyang ama since pinanganak siya. Her father is dead now." ani ni Deisy.

"No worries, atleast naibalik ko si Boo kay Crescent. Papaalis na rin ako, uuwi na ako at may kailangan akong puntahan bukas na importante." papasok na sana si Cristian sa kotse nang bigla ko siyang pinahinto.

"Wait lang Cristian." hinabol ko siya palabas. "May isang tanong lang ako. Kapatid mo ba si Calvin Lazaro?"

"Yes he's my brother. Dalawa lang kaming magkapatid." sagot niya.

"May ipakikilala ako sa 'yong tao next time na magkita tayo." sabi ko pa.

Tumango lang siya at nagmadaling sumakay sa kotse. Umalis din siya kalaunan.

Pumasok kami ni Deisy para mag-usap nang sandali.

"Wait? So 'di ba magkakahiwalay sila? Anong balak mo Daina?" tanong ni Deisy.

"Wala akong binabalak. Gusto ko lang magkita silang tatlo sa hindi sinasadyang paraan. Since may pagkakahawig naman silang tatlo, gusto kong magkatagpo sila nang malaman din nila ang kalagayan ng nanay nila." paliwanag ko.

"Sabi mo si Calvin ay magiging kalaban mo? Paano 'yan?" tanong ulit ni Deisy.

"Iba ang buhay ko sa restaurant at buhay ko sa labas. Isasantabi ko muna ang pagkakompitensiya namin param magkita sila." sabi ko pa.

***

Bagong gising ko pa lang at habang nagscroll ako sa aking news feed, nakakita agad ako ng article tungkol sa pagbubukas ng Lazaros.

What to expect inside the Lazaros' Restaurant?

From futuristic tables and chairs, to futuristic uniforms. You'll definitely think that this restaurant is from the future.

It is owned by Calvin Lazaro, one of the most successful chefs together with his father, Mike Lazaro.

You'll surely love their seafood adobo together with their beef sinigang. Calvin said that it will surely lighten your mood and give your day a daily dose of happiness.

"It was a dream come true na nakapagpatayo ako ng restaurant. My dad inspires and teaches me. Mahirap din kasi wala kaming mom pero nand'yan naman si dad na susuporta sa dreams namin ni Cristian. I would like to thank dad for helping me dito sa restaurant." sabi ni Calvin sa isang interview.

Don't miss the opening of Lazaros Restaurant on May 31 at 8:00 AM.

I think it will be a friendly competition. Historical VS Futuristic Restaurant, sino ang mananalo sa dulo?

Maganda na rin na may kalaban kami para mabigyan ng magandang quality ng food and service ang mga tao and at the same time ay nabibigyan ng improvement ang restaurant.

Bumangon akong walang sama ng loob. Iniisip kong magandang oportunidad ang may kalaban sa negosyo.

Masaya akong nagpunta sa restaurant at kalmado akong pumasok. Sigurado akong magiging challenging ang mga susunod na pangyayari.

"Good morning chef, magbubukas ngayon 'yung restaurant na katapat natin." sabi pa ni Claidh.

"We need to chill, hihintayin natin ang susunod na hakbang ng kalaban natin. Ano naman kung maganda 'yung restaurant? It's the food we're talking about. Kay Ms. Sonia sila matakot, hindi natin alam kung ilan ang magiging ratings ng restaurant nila." kalmado kong sinabi.

Sabay na nagbukas ang restaurant niya at ang restaurant ko. Usually, kaunti naman talaga ang pumapasok sa restaurant ko sa t'wing kabubukas pa lang kaya kampante lang ako.

May naisip na rin ako na ideya. Kinausap ko si Kiara at inutusang bumili ng pinagmamalaki nilang pagkain doon which is the adobong seafoods. Gusto sana naming tikman ang mga ito para mag-obserba.

Nakikita namin sa tapat ang pagdating ng maraming customers sa kanila at pakau-kaunting customers dito.

Nakikipagsiksikan na si Kiara para makabili. Nakailang balik na ako sa kusina at nakailang luto na ako ng orders pero hindi pa rin bumabalik si Kiara.

Hanggang sa mag-9:30 AM na. Dumating na si Kiara kasama ang binili niya. Pawis na pawis at pagod na pagod siya. Inilapag niya ito sa lamesa. Bilang ang mga customers ko sa mga araw na 'yon kaya may panahon kami na tumikim.

Kung ano-anong seafood ang narito katulad ng hipon, pusit at alimasag. May mga kaunting seaweed at mga gulay dito. Nang tikman namin isa-isa, pare-pareho ang reaksiyon namin. Masyadong masarap na nasobrahan na. Parang may kakaiba nang seasoning ang nailagay.

"Kung ako ang tatanungin ano ba ang mas masarap? Ang adobo ni Chef Daina or sa kabila? Mas masarap pa rin ang matamis na oo ni Chef Daina." biro na naman ni Xein na nagpabadtrip sa 'kin.

"Chef, parang masyado na. Kumbaga sobra-sobra na ang sarap na hindi na 'to masarap. Sa sobrang sarap ay mauumay ka talaga hindi katulad ng sa atin na sakto lang." sabi pa ni Jeleen.

"Feeling ko may MSG 'to. May nalalasahan akong gano'n eh." dagdag ni Anthony.

"Sa tingin niyo pwede ang MSG? Hindi magiging patas ang laban kung gano'n." sabi ni William.

"Eh kung gumawa tayo ng panibagong dish na ilalagay natin sa menu?" sabi ni Ishee.

"At dapar resourceful. Limited lang ang ingriedients para mas maging creative at mahasa ang mga galing natin." sabi pa ni Claidh.

"Thank you for the recommendations Claidh and Ishee. I think that is what we need para dumami ulit ang customers natin. At tama si Claidh, kailangan creative talaga. Sige, sisimulan natin bukas 'yon at dapat maghanda kayo." paliwanag ko pa.

Nang dumating ang hapon, bilang pa rin ang kumakain dito at marami namang kumakain sa kabila. Kaya habang walang customers, tambay lang kami sa restaurant. Tinutukso pa nila ako.

"Daina, sino ba talaga ang crush mo? If si Xein at Claidh na lang ang huling lalaki sa mundo, sino ang pipiliin mo?" tanong ni Kiara.

"Wala, mamumuhay ako nang mag-isa." nagsusungit kong sinabi.

"Chef, update lang kay Mama. Nakakagalaw na po siya kahit papaano. At malapit nang makapaglakad." ngumiti si Claidh. "Maraming salamat talaga sa mga naitulong mo sa 'min."

"Mabait talaga si Daina. Kaya kung gusto mong ikaw ang piliin niya, patunayan mong deserving ka." panunukso ni Kiara kay Xein.

Balak ko ring isara ang restaurant bukas para mapaghandaan ang bagong dish na ilalagay sa menu. Bibili na ako mamaya ng mga ingriedients na kailangan nila at bahala silang mag-agawan doon.

Dumating ang gabi at marami pa rin ang kumakain sa katapat. Kahit papaano'y nadagdagan rin ang mga customers namin ngayon. Parang ang ilan ay lumilipat dito dahil masyadong marami ang customers sa kabila.

Tinanong namin ang ilan kung bakit sila lumilipat dito.

"Medyo slow ang service nila. Mahigit isang oras na akong naghihintay doon pero hindi pa rin umuusad ang pila. Hindi pa ako nakakakain dito kaya gusto kong i-try ang adobo niyo."

Pare-pareho sila ng sagot na mabagal doon. Atleast may ilalaban kami when it comes sa bilis at sarap ng pagkain.

Dumating na ang closing time namin at nauubos na ang customers namin at maging sa katapat.

Kinabukasan...

Dala ko ang mga gamit na kakailanganin sa challenge nila. Bahala silang mag-agawan dahil kailangan nilang maging creative.

Pagkatapos nito ay pipilitin kong makipag-usap kay Calvin para makipagkita kay Claidh. Inaasahan ko rin na kakausapin ni Deisy si Cristian at magkikita sila ngayon.

Sinabi ko sa kanilang pumasok ng alas-otso para makapaghanda ako at makapag-ayos.

Nang magsidatingan na sila, nakahanda na ang mga kailangan nila.

"Good morning chef." sabay sabay nilang sinabi.

Ang tatamlay nila. Parang kinulang sila ng tulog. Naghihikab pa ang ilan.

"Ba't ganiyan mga mukha niyo? Anong nangyari sa inyo?"

"Eh chef, hindi kami natulog lahat. Pare-pareho lang kami ng iniisip kagabi na kapag hindi napili ang dish namin, matatanggal na kami." ani ni Claidh.

"Ang sabi ko maghanda or magprepare, hindi magpanic. Wala naman akong sinabing ganiyan. Ganito na lang, bibigyan ko kayo ng 30 minutes para magkape nang magsigising kayo. Pagkatapos no'n ay magsisimula na talaga tayo." dagdag ko pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro