Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

57

"Claidh?" I whispered.

The moment I see him, was one of the happiest moments of my life. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila bumabagal ang ikot ng mundo.

Hinding-hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Akala ko ay isang panaginip lang ito. Kung panaginip lang ito ay parang ayaw ko nang magising.

It was Claidh but simplier. He was wearing a white shirt and a short. Ibang-iba sa pananamit niya noong una ko siyang nakilala. He is still Claidh but walang tattoo sa pagitan ng mga mata niya. Ramdam ko ngang si Claidh 'to.

"I am Claidh Lazaro, Chef. Gusto ko po sanang mag-apply bilang assistant chef if you're willing." nakangiti niyang sinabi.

My eyes were as large as a ball. Sobra sobra ang gulat ko nang makita siya. Maybe totoo nga ang sinabi ni Julia.

Sa sobrang tuwa ko ay agad ko siyang niyakap.

Nakaramdam siya ng akwardness. "Nakahihiya naman po Chef. Yakap po agad?"

Maraming tao ang nakatingin sa 'min na para bang may masama. Agad akong napatanggal ng pagkakayakap ko sa kaniya.

Napapilit ang ngiti ko. "I'm so sorry, nabigla lang ako. We absolutely need an assistant chef right now. Stressed na kami sa kusina pero buti na lang at may nag-apply na katulad mo."

"So matatanggap na po ako?" tanong ni Claidh.

"You can contact us. Hindi na muna kami tatanggap ngayon pero subukan mong bumalik bukas." ibinigay ko sa kaniya ang number ko. Sinabi ko sa kaniya na babalik na ako sa kusina.

Kahit na nakita ko na ulit siya, iba na ang dating niya. Parang biglang nawala ang excitement ko. Napakaweird kasi dapat masaya ako na makita siya, pero hanggang yakap lang ang nangyari.

Nagtanong agad si Kiara. "Daina sino 'yung naghahanap sa 'yo?"

"Isang Claidh Lazaro without a tattoo sa pagitan ng eyes niya." matamlay kong sinabi habang nag-aayos ng pagkain.

"What?" gulat na sinabi ni Kiara.

"Mamaya na tayo mag-usap tungkol d'yan."

***

Mga 8:00 PM pagkatapos naming magsara, dumeretso si Kiara sa bahay. Naroon na rin sina Deisy at Mama. Si Crescent naman ay nakikipaglaro lang sa kaniyang pusa.

Tinawag ko si Deisy to join our conversation.

Naipaliwanag ko sa kanila ang mga nangyari kanina about kay Claidh. Nagulat rin si Deisy sa mga sinabi ko. Hindi sila makapaniwala.

"Ang hindi ko na lang alam ay kung saan siya matatagpuan."

"Bakit naman kasi nawala 'yung kilig mo sa kaniya? Gusto mo pa talagang hanapin eh kaharap mo na kanina." sabi pa ni Kiara.

Hinampas ko si Kiara sa braso nang mahina. "Nawala na 'yung spark. Parang mas lalo akong nagalit sa kaniya kasi bigla siyang nawala at sinaktan ako. Mabuti nga at mabilis akong nakamove-on salamat sa tambak sa school works."

"Eh kung hanapin natin online?" sabi pa ni Deisy.

Sinubukan rin naming hanapin si online pero wala naman kaming mahanap. Hinihintay na lang namin ang pagtawag niya.

Biglang nagring ang cellphone ko. We are expecting it was Claidh. Agad ko itong sinagot at hindi ako nabigo.

"Hello Chef Daina?" bungad na sabi niya.

"Is this Claidh? Ba't ngayon ka lang nakatawag?"

Excited kaming lahat sa mga sasabihin niya. Kung kanina ay wala pa akong sigla, ngayon ay nananabik na ako na makita siya.

"Sorry Chef, inaalagaan ko pa si nanay. Nastroke siya two years ago. Ako na lang mag-isa nag-aalaga sa kaniya. Gusto ko rin pong magtrabaho sa inyo para magkaroon ng pera. " nalulungkot niyang sinabi.

"Claidh, mag-usap tayo bukas sa restaurant, around 7:00 AM. Uhm, let's see kung makakapagtrabaho ka na agad bukas." agad kong tinapos ang tawagan namin.

Hindi ko pa rin kayang makipag-usap sa kaniya nang matagal. Naging mahirap ang kalagayan ni Claidh. Alam kong nakakaiyak na naman ang ikwe-kwento niya bukas.

"Bakit mo ibinaba agad?" tanong ni Deisy.

Humugot ako ng hininga. "Jessa Zaragoza."

"Ha?" nagtataka nilang sinabi. Napakamot sila ng kanilang ulo. Sa tingin nila ay nasisiraan ako ng bait.

"Parang 'di ko yata kaya." biro kong sinabi.

***

Kinabukasan, around 6:45 AM, bago pa man ako dumating ay naroon na ang mga kasama kong chef.
Nang ako'y pumasok ay parang pinagchichismisan agad ako nila.

"Bakit ganiyan kayong makatingin sa 'kin?" nagtataka kong tanong.

Xein looks so disappointed. Kung makatingin siya sa 'kin ay wagas at parang may gagawing masama. Galit na galit eh.

Nagpipigil ng tawa si Ishee. "Chef sabi ni Kiara kikitain mo ang jowa mo."

"Sinong jowa? Kiara anong pakulo 'to? Wala naman akong—" naputol ang pananalita kong nang may narinig akong boses.

"Uy, ayan na ang jowa mo!" turo ni William.

"Hi Chef!" humarap ako at nakita kong kakaway-kaway si Claidh sa labas ng pinto. Ibang level ang kaniyang energy, tuwang-tuwa siya nang makita niya ako.

Bigla siyang pumasok sa loob at lumapit sa 'kin. Nagsitili ang mga girls at nagsigawan ang mga boys except kay Xein. "Chef, ready na ako sa interview."

Napaface-palm ako habang my head is moving side to side. "Hindi ko siya jowa my gosh. Siya 'yung nag-aapply para sa assistant chef." inalalayan ko siya at pinaupo. "Pagpasensiyahan mo na 'yung mga kasama ko. Nagbibiro lang sila at mga walang magawa 'yan sa buhay."

Nakangiti siyang sumagot at walang kagalit-galit. "Okay lang naman chef. Nakakatuwa ngang makasama 'yung mga ganiyan, mapagbiro."

Inabot niya ang mga documents na kailangan para sa pag-aapply. They have the same birthday kahit noong mayaman pa sila. Same din ang pangalan ng mother niya; Jennelyn. Ibig sabihin ay na-stroke si Tita Jennelyn?

"Tell me about your life. Anong nangyari sa parents mo? Nasaan ang dad mo? Bakit ikaw lang nag-aalaga sa mother mo?" tanong ko sa kaniya.

"Lumaki ako chef sa simpleng buhay kasama lang si nanay. I thought wala akong kapatid. Pero nalaman ko lang ang sikretong tinatago ni nanay noong ako'y 12 years old.

Sabi niya na may abusive akong father. Muntik na rin daw siyang mapatay isang beses. Sinabi rin niya na huwag akong magalit sa kaniya. Triplets kami pero napunta sa side ng tatay ko ang dalawa noong bagong silang pa lang kami. Hindi niya sinabi kung anong pangalan ng tatay ko at mga kapatid ko.

Nagsisisi si nanay na hinayaan niyang mapunta sa tatay ko ang mga kapatid ko. Ako lang ang nabawi niya.

Lumipas ang ilang taong wala akong alam tungkol sa mga kapatid ko dahil ayaw na ring alalahanin ni nanay. Gusto ko sana silang hanapin pero ayaw na ni nanay hanggang sa dumating ang puntong nastroke siya.

Akala ko mawawala na siya sa amin. Akala ko ay mag-iisa na ako sa buhay. Pero napakaswerte ko at nakasama ko pa siya.

Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Nagpapasalamat na lang ako na buhay siya. Halos mawala na ang lahat ng gamit namin sa bahay noon dahil wala kaming perang panggastos.

Dahil rin sa pangyayaring 'yon, kailangan kong tumigil sa pag-aaral para lang maalagaan siya. Scholar pa naman ako. Mabuti na lang rin at may mababait pa rin kaming kapitbahay na nagpapakain sa kaniya kapag wala ako.

Ayoko na rin munang mag-aral. Gusto kong magkaroon ng trabaho. Kaya nga nagbakasakali ako dito. Gusto kong matupad ang pangarap kong maging chef.

Marami akong alam sa pagluluto at marami ring nagsasabi na masarap akong magluto.

Sisikapin ko po Chef na maging the best chef para sa restaurant niyo. Malaking tulong po kung tatanggapin niyo ako dito.

Gusto ko rin po Chef na makita ang mga kapatid ko, maging ang abusive kong ama. Kapag naging successful ako, hahanapin ko po sila."

I can't imagine kung anong sitwasyon ang ibinigay ko sa buhay nila. Kung hindi namatay si Claudio nang maaga, hindi sila maghihirap nang ganito. Mangiyak-iyak ako sa mga sinabi niya. Parang nahirapan ulit akong magmove-on.

Kasalanan ko kung bakit sila naghihirap ngayon. Kasalanan ko lahat kung bakit sila naghiwalay.

Nagpunas ako ng luha. Pinilit kong huwag umiyak. Pilit akong ngumiti. "Tanggap ka na. Claidh nangangako akong gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Tutulungan ko kayo ng magulang mo. Iaahon ko kayo sa kahirapan dahil ako ang sumira sa buhay niyo."

Naguluhan si Claidh. "Ano pong sinabi niyo?"

"Ah wala. Gusto mong magtrabaho ka na ngayon? Simulan mo na. Since may experience ka na naman, magsimula na tayo." ngumiti ulit ako.

"Thank you po talaga chef. Thank you! Hindi ko 'to malilimutan!" natuwa siya. Abot langit ang kaniyang tuwa.

Magsisimula na ang bagong buhay niya. Hindi pa ako do'n magtatapos. Sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay ni Claidh. Ibibigay ko sa kaniya ang buhay na ipinagkait sa kaniya ng tadhana.

Dahil sa 'kin kaya nagkaganito ang buhay niya. Bibigyan ko siya ng buhay na hindi na niya hihilingin pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro