Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

55

Few weeks later...

Finally, natapos na ang ipinapagawa kong restaurant. The grand opening is tomorrow and I can't sleep thinking how wonderful this will be.

May mga chef na rin akong makakasama. Bukod kay Kiara ay makakasama ko rin ang mga dati kong classmate from college and 'yung iba ay mga hired. Makakasama ko rin si Xein, 'yung kaklase ko noong 2nd year na hanggang ngayon ay may gusto pa rin sa 'kin.

It's only a small restaurant with a historical theme pero I'm hoping na maging successful ito. At ang unique dito is kapag night, nagiging blue naman ang theme nito. Maliwanag pero may mga blue light at isang blue moon na nagp-play sa TV.

Some news articles are featuring it right now and nagpromote na ako online at gumawa na ng page para dito.

Kinabukasan...

Gumising ako nang maaga dahil today is the day! Grand opening ng Lunar Blue! Feeling ko ay sobrang blessed ko ngayon dahil sa mga biyaya na binibigay sa 'kin.

Sayang lang at hindi makakapunta si Deisy at Mama dahil may mga meetings sila ngayon. Para hindi ako masyadong malungkot, syempre isasama at ililibre ang mga maids at driver sa bahay dahil magsasaya talaga kami. At isasama ko ang napakaganda kong pamangkin.

Nagpunta na kami sa restaurant.

8:00 AM nagsimula na ang opening. Nagkaroon na ito ng blessing noong isang araw kaya ngayon ay nagdasal na lang kami. Nagpasalamat ako sa mga magagandang pangyayari na ibinigay sa 'kin at sa pamilya ko ngayon.

Nang ako mismo ang maggunting ng ribbon, labis akong nasiyahan na parang napupuno ng galak ang puso ko. Nagsigawan ang mga tao sa restaurant. "Whoooohoo!" at nagpalakpakan.

Binuhat ko si Crescent na tuwang-tuwa rin. "Gusto ko pong kainin dito ay 'yung favorite ko na banana bread."

"Wala tayo no'n eh. Alam ko na, meron akong mushroom soup ipagluluto kita!" ibinigay ko muna si Crescent kay Ate Grace. "Sa inyo po muna si Crescent, im-meet ko pa 'yung makakasama kong chefs."

I haven't meet them in person. I was too busy for certain things kaya naman ngayon ko lang rin makikilala ang mga makakasama ko.

Agad akong nagpunta sa kusina. Excited na akong makilala sila.

Busy sila sa pagluluto pero ipinakilala sila sa 'kin ni Kiara isa-isa.

"Saucier natin si Xein, 'yung may crush sa 'yo since second year. Hindi ka niya talaga titigilan. Huhulaan ko, manliligaw pa 'yan sa 'yo." nagbibirong sinabi ni Kiara.

Hinampas ko si Kiara sa braso nang medyo mahina. "Gaga ka talaga. Mabuti na nga't hanggang online na lang siya nagpaparinig, bibigyan mo pa ng idea na manligaw sa 'kin."

Sunod namang ipinakilala sa 'kin ni Kiara ang pastry chef. "This is Jeleen. Siya ang ating pastry chef na mayroong jowa dito."

Ipinakilala naman ni Kiara ang jowa ni Jeleen. "This is Anthony and he is Jeleen's boyfriend. Siya ang ating fry chef. Since 1st year college pa raw silang dalawa at hanggang ngayon napakatatag pa."

Ngumiti sa 'kin si Anthony. Buti pa sila, nakaabot ng 4 years. Siguro kung narito si Claidh, sabay kaming magtatayo ng restaurant na ito. Ba't ko nga ba iniisip ang mga 'yan?

And then ang aming grill chef. "This is William. Half Chinese half Filipino. Siya ang ating grill chef."

At lastly, ang aming meat chef. "Siya si Ishee. She hates mga magjowa."

Ngumiti si Ishee. "Bitter po ako sa love kaya ayokong magkaroon or makakita ng mga magjowa. Hindi niyo po ako masisisi kung medyo nagsusungit ako kina Jeleen at Anthony."

They suddenly stop working for my greetings. "Hello my fellow chefs. I am your executive chef, Daina Cruzana. I would like to say that keep working, and God bless. I'm hoping na maging successful tayong lahat. Marami pa tayong makakasamang mga chefs dahil I think kulang pa ang ating team. Again, good luck and God bless." Then I shouted. "Lunar Blue, sakalam!"

They replied with a shout. "LUNAR BLUE, SAKALAM!" nagsigawan sila at nagsaya. Napakasaya naming lahat.

Lumabas ako sa kitchen na may dalang mushroom soup. Hinahanap ko si Crescent, kasama pala siya ni Ate Grace sa isang table.

Agad kong dinala ang mushroom soup sa kaniya. "Here is your food. Masarap 'yan 'cause it's my own recipe. Then next i'll give you dessert."

"Thank you tita Daina. This smells and look so yummy! Also, can I stay hanggang magclose tayo? Sabi ni Mommy magpupunta sila ni Grandmy ngayon." natutuwang sinabi ni Crescent habang kinakain ang soup.

Inilagay ko ang kamay ko sa kaniyang balikat. "Don't worry, dito ka na muna ngayon. Pero si Ate Grace muna ang magbabantay sa 'yo kasi kailangan ko nang bumalik sa kitchen okay?"

Bumalik agad ako sa kusina. Dumarami na rin ang mga customers. I think dahil alam na nilang open na ang restaurant.

Narinig ko si Kiara na nagsasabi ng orders. "Table number seven, four orders of LB adobo, one order of fried chicken, two steak medium rare, one steak well done and three orders of cordon bleu.

Table number three, five orders of LB adobo, two orders of creamy vegetable, two orders of carbonara and one order of shrimp scampi."

"Yes chef." all shouted.

I was so proud of myself and my team. They were so focused on work and napakaseryoso talaga nila.

As an executive chef, my role is to manage this kitchen. Nagsimula na rin akong magtrabaho. Sinigurado kong bawat pagkaing niluluto nila ay masarap. Binabantayan ko rin ang mga kilos nila.

Nagluluto rin ako sa ilang mga pagkakataon upang i-assist ang other chefs. Ako ang gumawa ng mga recipes ng mga ito noong college pa ako. Itinabi ko nga ang mga recipe ko sa isang notebook at hindi ko inakalang magagamit ko ito balang araw.

Maraming reporters rin ang nagdatingan. Sinagot ko ang kanilang mga interviews.

"Daina Cruzana, who or what is your inspiration sa ganitong design ng restaurant mo?" tanong ng mga reporters.

"Actually, it's quite funny. Gusto ko lang talagang historical ang theme nito. Inspiration ko rin ang blue moon sa pangalan ng restaurant na 'to." I smiled. No one knows what is the reason behind this design at ayoko na ring may makaalam.

"Ang balita namin ay may crush sa 'yo ang saucier mo, would you be with him?" tanong ulit ng reporters.

"Ayoko na munang pumasok sa kahit anong relasyon hangga't maaari. It's just, parang nakakatamad magkajowa." I laughed kahit medyo pilit.

Mga 5:00 PM ay dumating sina Mama at Deisy. Hindi nainip si Crescent dahil may wifi dito kaya nagtablet muna siya.

Tuwang-tuwa si Crescent at agad tumakbo sa nanay niya. "Grandmy and Mommy! Alam niyo po ba na ang sarap ng mga niluto ni Tita Daina."

Natuwa si Mama. "Oh really Crescent? Ikaw yata ang first customer niya dito ah. Ikaw kumain ka na ba?"

"Nakakain na po ako Grandmy!" sagot ni Crescent.

"Deisy, how's work?" tanong ko sa kaniya.

"It's a little bit stressful. May bagong design ng clothes na ire-release kami bukas." napakamot na lang ng ulo si Deisy.

"Kayo nga pala ang nagproduce ng uniform namin at mga damit ang waiters dito. Ganito na lang, dahil nagugutom na kayo, maghahanda na ako ng pagkain para sa inyo." natutuwa kong sinabi.

Few minutes later ay kumain na rin sina Mama at Deisy. People like my foods, nakakataba lang ng puso ang gano'n.

Bumalik muna ako sa kusina.

Parang nagpaparinig si Xein nang ako'y pumasok. "Mainit-init na mushroom soup. Kailan kaya niya ako matatanggap souPuso niya? Mushroom kaya ako sa puso niya?"

Nagsungit ako sa kaniya. "Tigilan ang mga corny na jokes Xein. Narito ka para magtrabaho. Tsaka ayokong saktan si Ishee na baka madagdagan na naman ng couple ang kitchen na 'to."

"Chef, hindi naman ako magagalit kung magkatuluyan kayo ni Xein. Actually ang cute niyo kapag couple kayo." sabi pa ni Ishee.

"Omg, so possible na may mabuong couple sa kitchen na 'to? Daina and Xein endgame na ba this?" nagbibirong sinabi ni Kiara.

"Ay kung pwedeng end na ng career mo ngayon Kiara?" parinig ko sa kaniya.

"Joke lang naman Daina, hindi ka mabiro." sabi pa niya.

"Bagay naman kayo chef. Pwede naman talaga kayo tapos balita ko pang noong 2nd year pa siya may gusto sa 'yo." sabi ni Anthony.

"Unless may mahal pa siyang iba." kunwaring umiyak si Jeleen.

"Ooooh!" sabay-sabay nilang sinabi.

Isang waiter ang pumasok sa kusina. "Ma'am Daina, may naghahanap po sa inyo sa labas. Si Ms. Sonia Fernandez po ay narito."

"Si Ms. Sonia?" agad akong kinabahan.

Marami na siyang napabagsak na restaurant. Hindi na ako magtataka kung bakit siya narito. Isa siya sa kinikilalang food critic sa buong bansa, hindi ko siya bibiguin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro