51
Kinabahan kami sa sinabi ng lalaki. Nawala na nga si Claudio, hindi rin pwedeng mawala si Crisanto. Siguro'y labis labis na nga ang binibigay kong pasakit kina Aling Isabela.
Agad kaming nagmadali na mapuntahan si Crisanto sa bangin. Hanggang sa naalala ko ang sinabi ni Cristian na isang parte ng panaginip niya.
And then ang natatandaan ko na lang ay sa huli ng panaginip ko, nakita ko ang sarili ko na tumalon sa isang cliff. Bigla na lang akong nagising na kinakabahan.
Nakatakdang tumalon si Crisanto sa bangin pero hindi rin nakatakdang mamatay si Claudio bago mamatay si Crisanto. Dapat ay magkakaroon pa ng anak at asawa si Claudio pero nang dahil sa 'kin ay namatay agad siya.
Hindi ko rin hahayaang mawalan ulit ng anak si Aling Isabela. Gusto ko siyang maging masaya kahit wala na si Claudio pero hindi ko dapat siyang pigilan tumalon dahil 'yon ang nakatakda.
Imbis na pigilan ko si Crisanto, bumalik ako sa bahay nina Aling Isabela. Doon ko naitabi ang relo na hawak ng pumatay kay Claudio at kinuha ko ito.
Ayokong pigilan ang mga nakatakdang mangyari at alam kong hindi nila mapipigilan si Crisanto na tumalon sa bangin.
Kumuha ako ng papel, feather at ink. Gagawa ako ng letter ng pagpapaalam sa kanila sa kwarto.
Minamahal na Ginang Isabela,
Nais kong ipaabot ang aking pagpapatawad. Buong puso akong humihingi ng kapatawaran sa inyo.
Maraming salamat po sa mga magagandang ala-ala na pinagsamahan natin. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga 'yon. Patawarin niyo po ako kung binigyan ko kayo ng masasakit na pagsubok na maging ako'y hindi kakayanin.
Manatili po kayong matatag sa kabila ng mga pagsubok na ito. Ito na ang huling beses na makikita niyo ako.
Patawarin ako ng Diyos, patawarin nawa. Mahal na mahal ko po kayo nina Florentina at Cordero. Huwag po kayong mag-alala, babaguhin ko ang kapalaran niyo sa abot ng makakaya ko. Ipaghihiganti ko si Claudio at hahanapin ko ang taong pumatay sa kaniya sa kasalukuyan.
Gabayan kayo ng Panginoon, gabayan ang kaluluwa niyong lahat. Ilayo sana kayo sa kapahamakan.
Hindi mababago ang historya, nangangako ako.
Nagmamahal,
Amoracia
Habang sinusulat ko ang liham, naluluha ako. Mabigat sa dibdib na mawala si Claudio at mahirap tanggapin ang pagkamatay nito.
Hindi ko pa nasabi sa kaniya ang mga tunay na nararamdaman ko para sa kaniya. Labis labis ang iniwan na sakit sa 'kin ni Claudio.
Masakit man para sa 'kin na iiwanan ko na sila, wala akong magagawa. Kailangan ko nang bumalik sa present.
Inobserbahan ko ang relo at ngayon ko lang napansin na may ibang pindutan ito. Nakalagay ang date ng relo ay November 5, 1899. Sinubukan kong ilipat ito sa November 4 pero hindi ito gumagana. Nang ilipat ko na ito sa November 6 ay parang nahilo ako at natumba.
Nang ako'y magising ay naririnig ko na lang ang mga boses nina Aling Isabela na umiiyak. "Crisanto, bakit ka ba kasi tumalon sa bangin?"
Narinig ko ang boses ni Cordero. "Tingnan mo ina, may liham para sa 'yo si Amoracia."
Naisipan kong bumaba at doon ay nakita ko si Aling Isabela na binabasa ang liham habang si Crisanto ay nakaburol.
Naglakad ako nang may pagrespeto at dignidad. Taas noo akong humarap kay Aling Isabela. Pinigilan ko ang pag-iyak at piniling mas maging matigas. "Aalis na po ako."
Umikot ang mga mata ni Aling Isabela at hindi itinuloy ang pagbabasa ng liham ko. "Maaari ka nang umalis ngayon. Wala na akong dapat sabihin dahil pinatay mo ang dalawa kong anak."
"Marami pong salamat sa lahat lahat. Kung maibabalik ko lang ang oras, hindi ko po 'to hahayaang mangyari." tumingin ako sa ibaba. Nagpakababa na ako para lang sa kanila.
Umiwas ng tingin si Aling Isabela. "Hindi ko na nais makita ang iyong pagmumukha. Kung ika'y lilisan ay gawin mo na." pinunit-punit niya ang liham na ginawa ko.
Masakit man sa dibdib, umalis na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong dahilan para tumigil dito. Ilang beses kong sisisihin ang sarili ko kung bakit namatay si Claudio.
Naglalakad akong walang sigla. Nag-iisa na ako dito. Nagpunta ako sa lugar kung saan nasaksak si Claudio. Dito ako nagsimulang humagulgol.
Sigaw ako nang sigaw habang sinasampal ang sarili ko sa pisngi. "CLAUDIO! Bumalik ka! Mahal na mahal kita!"
Sobrang sakit ng mga nangyari ko na hindi ko na nararamdaman ang ang sakit ng pagkakasampal ko sa sarili ko kaya hinampal ko ito nang sinampal hanggang sa mapaupo ako sa kalsada.
Kitang-kita ko pa rin ang bakas ng dugo ni Claudio. Hinding hindi ko kayang limutin ang mga nangyari sa kaniya.
May humawak sa kamay ko sa likuran. Hindi ko napansin na sinundan ako ni Cordero. "Itigil mo ang iyong ginagawa. Sinasaktan mo ang sarili mo."
"Pabayaan mo ako Cordero! Gusto ko nang mamatay!" sigaw ko sa kaniya. Iyak ako nang iyak. Durog na durog ang puso ko sa nangyari kay Claudio. Nagpumiglas ako at itinuloy ko ang pananakit sa aking sarili.
"Sa tingin mo Amoracia maibabalik mo pa ang buhay ni Claudio at Crisanto sa mga ginagawa mo? Itinakda ang lahat at hindi mo ito mapipigilan." hinawakan ulit ni Cordero ang mga kamay ko.
Muli akong nagpumiglas. "Bitawan mo 'ko at hayaan mo na ako sa gusto ko. Alam mo ba na hindi nakatakdang mamatay sa ganitong edad si Claudio? Kamatayan lang ni Crisanto ang nakatakda, hindi ang kay Claudio!"
"Nawalan ako ng kapatid. Huwag mong hayaan na mawalan ng iniibig ang aking apo. Gawin mo ang lahat upang makabalik ka sa kasalukuyan. Kalimutan mo ang lahat ng nangyari tungkol sa mga kapatid ko. Magsimula ka ng bagong buhay. Naniniwala ako sa kakayahan mo Amoracia, kaya mong mabago ang itinakda." ngumiti si Cordero sa 'kin.
Tumayo ako at niyakap si Cordero. Ngumiti ako kahit napipilitan dahil kahit papaano ay napuno ng galak ang aking puso. "Maraming salamat Cordero. Sana lang ay mapatawad ako ni Aling Isabela. Ito na rin ang huling beses na makikita mo ako."
Tumango siya. "Makararating lahat ng iyan kay Ina."
"Mahalin mo nang buong puso si Laura. Siya ang forever mo. Siya ang ihahatid mo sa altar. Paalam muli."
Umalis na si Cordero nang may tuwa at galak sa kaniyang mga mukha. Ito ang bagong simula naming lahat. Kahit na marami kaming problema ay mapalad kami dahil may pag-asa pa kaming magsimula ulit.
Inusisa kong mabuti ang relo. Inilipat ko ulit ito sa sumunod na araw at ganoon ulit ang nangyari. Nahilo at natumba ako. Hindi ko na maibalik sa kahapon ang oras.
Nabuhayan ako ng loob na makabalik sa present at makapaghiganti sa pumatay kay Claudio. Inalala ko ang mga nangyari sa kaniya noong mamatay siya.
Hindi ko man nakita ang mukha ng pumatay sa kaniya, nakakita naman ako ng palatandaan. Natatandaan ko lang ay may tattoo siya sa kamay. Tattoo na parang relo.
Nang makalkula ko ang tamang date sa present ngayon, agad kong nilipat ito sa current year at araw na natatandaan kong napunta ako dito. Hanggang sa sumakit ulit ang ulo ko na parang sinaksak ng kutsilyo. Napasigaw na lang ako sa sakit at bigla akong tumumba at nawalan ng malay.
Nang ako'y magkaroon ng malay, nahihirapan akong imulat ang mata ko pero naririnig ko na ang mga maiingay na kotse. Nasa present time na nga ako.
Nang buksan ko ang mga mata ko, nasa gitna ako ng daan nakahiga. Gulat na gulat ako pero narealize kong nasa kalsada ako sa past noong nahimatay ako kaya mapupunta talaga ako sa kalsada.
"Hoy babaeng nakadress, tumabi ka nga sa kalsada! Ba't ka humihiga d'yan?" sigaw ng mga taong kabang kaba sa ginagawa ko.
Agad akong tumayo. Nahihilo pa rin ako nang mga oras na 'yon. Tumabi ako sa kalsada. Napagtanto ko na ang soot kong damit ay ang damit pa ni Florentina. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.
May lumapit sa 'kin na lalaki. "Madam! Ang ganda naman ng dress mo. Saang pageant ka pupunta?" este, bakla pala.
"May pupuntahan po ako kaso bigla akong nahilo sa kalsada. Sige po aalis na ako."
Bago ako umuwi sa bahay, namasahe muna ako papunta kina Kiara. Sinabi ko sa tricycle driver na babayaran ko siya pagdating kasi wala naman talaga akong pera.
Tumawag ako sa labas. "Kiara! Nandito ka ba?"
Mabuti na lang at si Kiara ang nagbukas ng gate. "Daina? Ba't ganiyan ang soot mo? Alam mo bang hindi kami mapakali dahil ilang araw ka nang nawawala."
"Nasaan si Deisy? Mag-usap tayo, tawagan natin si Julia. Ligtas ba siya?" nag-aalala kong sinabi.
Pumasok kami sa loob. Laking gulat ko nang makita ko si Julia sa loob. Mabuti at ligtas siya.
"Daina? Saan ka galing? Tsaka bakit ganiyan ang soot mo?" gulat niyang tanong.
"Nakabalik ako sa past. Hindi ko alam kung bakit. All I have is this watch." ipinakita ko kay Julia ang relo.
Muli siyang nagulat. Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Relo? 'Yan ang isa pang relo ni Andrew!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro