Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

47

"I like you Claidh." I smiled and winked at him.

He smiled back. "I'm kinda shy kasi nauna ka pang magconfess ng feelings kaysa sa 'kin. Pero I like you too, uhm kinda I guess? Ayoko lang magkaroon ulit ng gulo ang pamilya natin." He laughed at me silently. "Hindi mo pa nga sinasabi sa public na hiwalay na tayo. Nai-request daw ni Mama 'yon sa 'yo last time na nagkausap kayo pero wala pang nangyayari. Dahil ba 'yan sa feelings mo?"

Biglang may kumati sa binti ko kaya nagkamot ako ng binti ko. "Parang may lamok. Ang kati ng binti ko. Papasok na nga ako sa loob. Kapag ayos na ang lahat, karapatan niyong malaman ang ilan pang sikreto. Ikaw, aalis ka na?"

Ngumiti lang si Claidh. "Aalis na ako. Baka hinihintay na ako nina Mama. 'Yung feelings mo ha. Mag-iingat ka okay?"

Nagsungit ako sa kaniya. "Oo na, 'yung feelings ko. Umuwi ka na nga, dami mo pang sinabi. Ingat ka rin, you cute little bastard."

Umalis na si Claidh samantalang ako'y pumasok na sa loob. Napatalon na lang ako sa tuwa knowing na may chance pa kami ni Claidh. Parang tatalon na ang puso ko sa buwan sa sobrang tuwa.

"Hoy Daina, ano na namang kakirihan 'yan?" tanong ni Kiara.

"Panira ka ng trip. Alam mo ba na 'like' na raw ako ni Claidh. So ang ibig sabihin, may posibilidad kaming dalawa." nginitian ko sila nang may pagmamalaki.

"Kaysa puro buhay pag-ibig ang inaatupag mo Daina, planuhin niyo muna ang gagawin para mahuli na 'yang Henry na 'yan. Kung kailangan niyong itali sa upuan, gawin niyo. Kung kinakailangang pati ang boss niya ay parusahan niyo, gawin mo." sabi pa ni Deisy.

From being happy, nag-alala ako sa kalagayan ni Mama. "Yung pera ni Mama at ang kompanya natin. Deisy, kailangan nating protektahan si Mama."

May naisip si Kiara. "Since wala pang alam si Henry na nalaman na natin ang sikreto niya, bakit hindi natin siya itali? Hindi naman nagtatago si Henry kaya madali na para sa 'tin na mahuli siya."

I agreed. "Sige, itatali ko siya. Pwede ko siyang parusahan sa mga ginawa niya sa 'min. Madali na para sa 'tin 'yon. May isa pa rin akong plano."

***

Umuwi ako sa amin ilang minuto pagkatapos umuwi ni Claidh. Sinalubong ako ni Mama na may galit sa kaniyang mga mukha dahil 8:30 na ako nakauwi.

"Kung magagalit po kayo sa 'kin ngayon, ipagpabukan niyo na po." pagod na pagod, agad akong pumasok sa kwarto ko.

Sa sobrang stressful ng mga nangyayari sa akin ngayon, halos hindi na ako makapagpahinga knowing na nakatira pa rin dito si Henry. Isa siyang malaking banta sa buhay namin at posibleng may gawin pa siyang hindi pa nalalaman ni Julia.

Humiga ako na parang binaril. I can't find anything to relieve my stress kaya sinimulan kong kagatin ang mga kuko ko. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa  at nagscroll muna sa FB. Alam na nina Kiara ang gagawin ko bukas since wala naman kaming pasok.

I almost forgot to check the hidden camera and the recorder. Nang tiningnan ko ito, it was completely black at walang nakikita. The recorder on the other hand records something between 5:00–7:00 PM kung saan kasama namin si Julia.

Narito na si Henry and the recorder can hear his snoring na napakalakas.

When I listen to the recording kanina, I got shocked.

"Hello Boss Andrew? Bakit po kayo napatawag? About kay Julia Montessori? Maagang lumabas si Julia kanina. Ano? May nakakita sa kaniya na nakipag-usap kay Daina? Yes Boss, sisiguraduhin kong hindi siya magsasalita."

Natakot ako at kinabahan na kahit malamig na sa kwarto ko ay bigla akong pinawisan. Nanlamig ang mga kamay at paa ko knowing na nasa panganib ang buhay ni Julia ngayon. Luckily, tulog na si Henry ngayon.

Agad kong tinawagan si Julia sa binigay niyang number. Agad itong sumagot. "Yes Daina, how can I help you again?"

Sumagot ako nang mahina. "Alam nina Henry at Andrew na nakipag-usap ka sa 'min. Alam ba nila kung saan ka nakatira? Julia, your life is in danger. Umalis ka na muna d'yan."

"What? Hindi ako pwedeng umalis dito. May mga kapatid pa akong kasama. Nandito rin ang boyfriend ko at mga kuya ko. Pero alam nga nina Sir Andrew ang address ko." she said frightenedly.

"Lock your doors, windows and kahit anong butas na dadaanan papasok sa bahay niyo. Stay safe okay, stay safe. Hindi natin alam ang pwedeng gawin ni Andrew." agad na ibinaba ni Julia ang phone sa hindi mawariang dahilan.

Hindi ako makakatulog dahil alam kong may buhay na nanganganib dahil sa mga plano ko. Hindi ako pwedeng tumahimik. Hangga't naririto si Henry, wala siyang pagkakataong tumakas kaya nakaisip na ako ng plano.

I'm still wondering kung may sleeping pills sa aming medicine cabinet. Binilisan ko ang pagkilos ko at sinubukan ko itong gawin nang tahimik hanggang sa nakakita ako. Nakaramdam ako ng swerte ngayon dahil nakakita ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit meron nito dito.

Tulog na si Mama while Ate Grace and the other maids are still preparing to sleep. Nanonood pa sila ng TV kasi pasado 8:30 lang naman.

Sinubukan kong pumasok sa kwarto ni Henry nang tahimik syempre. Napakaswerte ko talaga dahil hindi 'to nakalock. Napasayaw na lang ako sa tuwa bago pumasok sa kwarto niya.

Ang pinakaswerteng moment ko ay 'yung nakita ko siyang nakanganga kaya hindi na ako mahihirapang ilagay ang sleeping pill sa kaniyang bibig.

Walang ano-ano, inilagay ko na ito sa kaniyang bibig. Kumuha ako ng kaunting tubig at nilagyan ng tubig ang bibig niya. Lumabas ako sa kwarto nang may ngiti sa mga labi ko dahil parang victory na ito.

Pumunta ako sa kwarto ng mga maid. "Ate Grace, may lubid ba kayo? May gagawin lang ako dito."

Nabigla ang mga maid sa sinabi ko. "Daina, ano ka ba naman? Huwag mo namang gawin 'yan? Please lang huwag mong ituloy ang binabalak mo."

Confused pa rin ako. "What? Anong sinasabi niyo po?"

"Hindi ka ba magpapaka ano? Yung tigok tigok mo sarili mo? Baka masyado ka na kasing nadedepress."

Takang-taka ako hanggang narealize ko na iba pala ang naiisip ng mga maids. "Nako hindi po 'yun ang ibig sabihin ko. May itatali lang akong basura dito sa bahay."

"Eh bakit kailangan lubid pa?" tanong ni Ate Grace.

Nagsungit ako. "Ate Grace naman eh. Huwag na pong maraming tanong." Ngumiti ako. "Basta makikita niyo ako bukas na buhay na buhay."

Lumabas sa kwarto si Ate Grace na parang kumuha ng lubid. Naibigay ni Ate Grace ang lubid. "Oh ayan, ibabalik mo rin at kailangan din namin 'yan. Tsaka hindi 'yan pantali ng basura ha. Oh sige good night."

Umalis akong may ngiti sa mukha. Pumasok ako sa kwarto ni Henry ulit. My plans are getting better every seconds. Effective na yata ang sleeping pill niya. Mabuti na lang at mahaba-haba ang tali.

With all my force, itinali ko ang kaniyang dalawang kamay sa dalawang corner ng bed. Same din sa kaniyang paa.

At para mas maging bongga ang pagpaparusa sa kaniya, kinuha ko ang makeup kit ko at sinimulan ko siyang pagandahin. Hindi ko mapigilang tumawa seeing Henry as a girl tapos may balbas pa.

Nadiskubre ko rin na kaya all black ang hidden camera ko ay pinatay niya ito. Nalaman na siguro niya na may nagmamasid sa kaniya. Binuksan ko ulit ito para mamonitor ko na siya.

Nai-lock ko ang kwarto niya at kinuha ang susi nito.

May tiwala ako sa mga sinabi ni Julia kaya ko ito ginagawa. I've also realized na parang binabastos ko na siya pero who cares? Siya naman ang dahilan kung bakit nabuntis si Deisy.

After ng mga ginawa ko sa kaniya, umakyat na ako sa kwarto. Alam kong hinding-hindi na siya makakatakas dahil namomonitor ko siya.

At sa wakas ay makakatulog na ako nang mahimbing dahil wala na akong iisipin tungkol sa kaniya maliban na lang sa isa ko pang plano. Gusto ko rin siyang ipakulong sakaling makuha ko na ang mga ebidensiya tungkol sa pagkuha ng mga yaman namin.

Nakaramdam na ako ng relief sa sarili ko. Katahimikan at kapayapaan ang bumalot sa kwarto ko habang ako'y pagod na pagod na humiga sa aking kama.

I breathe deeply and whispered. "Finally, matatapos na ang lahat. Good night real world, time to sleep."

I closed my eyes and peacefully sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro