4
Bigla akong bumaba para tingnan ang nangyayari.
"Mga magnanakaw talaga kayo! Nilolooban niyo ang bahay namin!" sigaw ng isa pang lalaking nasa kaliwa.
Tatlo sila! As in triplets at nagulat ako nang makita ko ang mukha nila.
"Hindi kami magnanakaw! Pinatira kami dito ng nanay mo!" sigaw ko sa kanila.
"Bakit tila walang sinasabi si ina tungkol dito. Marahil ay hindi sila magnanakaw." sabi pa ng lalaking nasa kanan.
"Tsaka magpapatuloy ba si ina ng mga ganito klase ng babae? Hindi man lang ayusin ang buhok na parang kagigising lang mula sa masarap na pagkakahimbing!" hinawakan ng lalaking nasa gitna ang buhok ko at lalo itong ginulo.
Inaway ko siya. "Eh ikaw? Pinalaki ka bang bastos ni Aling Isabela? Huwag mo ngang hawakan ang buhok ko! Ang tapang mo porket lalaki ka kaya mo na akong ganiyanin. Si Daina Cruzana este Si Amoracia Cruzana ay hindi nagpapatalo sa mga lalaking walang respeto sa mga babae."
"Hinawakan lang ang buhok, walang respeto at bastos na agad? Hindi ba maaaring sinasabihan ka lang na mapangit ang buhok. Binibini, magnanakaw ka ba talaga o narito ka lang para manggulo?"sabi pa ng lalaking nasa gitna na parang cool kid.
"Claudio, itigil mo na ang pangungutya sa binibini!" sabi pa ng lalaking nasa kanan. Nalaman ko na rin ang pangalan nung nasa gitna.
"Ngunit Cordero, maaring magnanakaw nga sila. Hindi ba Crisanto?" ang pangalan ng nasa kanan ay si Cordero at ang nasa kaliwa ay si Crisanto.
"Claudio pala ang pangalan mo! Mabuti pa si Cordero, marunong rumespeto sa mga babae. Hindi gaya niyo ni Crisanto, pagbibintangan pa kaming magnanakaw!"
Kilala ko na sila! Si Cordero ang nasa kanan, si Claudio ang nasa gitna, at si Crisanto ang nasa kaliwa! Si Cordero ay nunal malapit sa kanang mata, si Claudio ay may nunal sa pagitan ng kaniyang mga mata at si Crisanto ay may nunal malapit sa kaliwang mata.
"Ang kakapal talaga ng mga mukha niyo! Gustong gusto ko na talaga kayong kurutin! Huwag niyong ginaganyan si Daina este si Amoracia dahil kukurutin ko talaga kayo!" sigaw ni Deisy.
Biglang dumating si Florentina nang marinig ang mga sigaw ni Deisy na parang babagyo.
"Cordero, Claudio, Crisanto! Anong ginagawa niyo sa ating mga bisita? Kayo nga'y magpalit na ng inyong mga damit at nangangamoy mabaho na kayo! Kahiya-hiya naman sa ating mga panauhin!" sabi ni Florentina.
Nagreklamo si Claudio, ang lalaking nasa gitna. "Panauhin? Ngunit tila nagnanakaw sila rito! Nasa itaas pa nga sila kanina at maaaring ginagalaw na nila ang mga kagamitan natin! Saan ka ba kasi nagtungo Florentina?"
Pinagsabihan ni Florentina ang tatlo. "Ano ba naman kayo? Malamang ay ikunuha ko kayo ng mga pagkain. Alam mo naman na mamaya pa makakauwi si ina dahil marami pang kumakain sa kaniyang karinderya.
Tsaka, huwag niyo ngang tratuhin sila ng ganiyan. Kayo nga'y rumespeto sa mga babae. At sa tingin niyo? Ganitong oras may mga magnanakaw? Hapon pa lamang! Wala akong kapatid na walang laman ang utak, mag-isip nga kayo! Kayo rin ay magpalit na ng mga damit niyo! Basang-basa kayo ng pawis! Sige na bayaan niyo na kaming tatlo!"
Tumaas ang triplets na may parang hindi pa rin kami pinagkakatiwalaan. Lumapit sa 'kin si Deisy at may tinanong. "Bakit ba ganyan ang mukha mo? Sa kinikilos mong 'yan parang nakita mo na sila dati."
"Mamaya ko na sasabihin." bulong ko sa kaniya.
Nilapitan kami ni Florentina. "Pagpasensiyahan niyo na ang aking mga kapatid. Sila ay talagang mga suwail. Lalong lalo na si Claudio. Napakasuwail na lalaki, kaya hindi magustuhan ng mga babae kahit may magandang mukha. Maging si Crisanto at Cordero, wala man lang magustuhan na babae."
"Kwentuhan mo naman kami tungkol sa mga kapatid mo. 'Yung mga attitudes este katangian, 'yung mga ugali nila, tsaka ano mga pagkakaiba nila. Alam mo ba, ang gwapo nilang tatlo!" natutuwang sinabi ni Deisy.
Pinagsabihan ko si Deisy nang pabulong. "Hoy Deisy, ang bilis mong ma-inlove! Sige, subukan mong lumandi rito sa past, ikaw ang masasaktan sa huli kapag bumalik tayo sa present."
"Kung makakabalik tayo sa present! Sana huwag na!" bulong pa niya sa 'kin.
"Nais mong magkwento ako ng mga katangian, ugali at pagkakaiba nila? Kung gano'n ay sasagutin ko ang tinatanong ni Amelita. Maagang namayapa ang aming ama. Mga tatlong taong gulang pa lamang sila at ako ay limang taong gulang.
Binuhay kami ni ina sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga pagkain. Nais man naming makapag-aral, hindi sapat ang kinita ni ina sa pagtitinda ng mga pagkain. Sa ngayon ay dumadami ang kumakain sa karinderya namin kaya nagiging katuwang na rin ako ni ina sa pagtitinda.
Sina Cordero, Claudio at Crisanto ay nagsasaka sa bukid na may kalayuan din kaya nilalakad nila ito. Palagi silang ganitong oras umuwi. Kaya siguro suwail sila dahil kinulang sila sa pagmamahal ng isang ama.
Si Cordero ang pinakamabait sa kanila. Suwail din ngunit kapag hindi nasusunod ang kaniyang gusto. Nagkaroon na rin siya ng isang kasintahan ngunit pinipilit pa rin nilang ayusin ang kanilang relasyon kahit na hiwalay na sila.
Si Claudio ang pinakasuwail. Mahilig siyang mangilatis at manghusga agad ng tao kaya ayaw ng mga babae sa kaniya.
At si Crisanto ay minsan mabait, minsan suwail, depende sa kapaligiran. Matulungin naman siya ngunit madaling mainis at madaling mainip.
Kahit naman ganiyan sila ay mapagmahal pa rin sila kay ina. Hindi namin hinahayaang mapagod siya. Oh paano? Maiwan ko muna kayo at kapag malapit na ang gabi, marami ang kumakain dito." paliwanag ni Florentina.
Pinigilan ni Deisy si Florentina. "Sandali lang Florentina, pwede ba kaming sumama. Nakakaakward este nakakahiya lang makisalamuha sa mga kapatid mo. Baka mamaya, pagkamalan na naman kaming mga magnanakaw."
Sumang-ayon ako kay Deisy. "Kaya nga Florentina, kami ni Amelita ay nahihiya pa sa inyong mga kapatid. Baka nga awayin pa kami."
Tumango siya na may masayang mukha. "Sige sige! Halina kayo at sa tingin ko nga'y maraming kakain na tao ngayon! Matutuwa rin si ina na may tutulong na sa kaniya. Kaawa-awa nga siya minsan doon dahil wala siyang katulong. Tayo na, maraming kakain doon!"
Nagpunta na kami sa karinderya ni Aling Isabela.
Nagulat si Aling Isabela. "Bakit kayo bumalik? Hindi ba't nagpapahinga pa kayo? Baka kayo'y napapagod pa, kayo'y umuwi na muna."
"Gusto po naming tumulong dito. Gusto ko po kasing maging chef este mahilig po kasi akong magluto." sagot ko pa.
"Bayaan mo na kung gusto nilang tulungan ka dito sa karinderya. Wala rin naman silang magawa sa atin at ayaw nilang makipag-usap muna sa mga kapatid ko." sabi pa ni Florentina.
"Ay bakit ayaw nilang makipag-usap sa mga kapatid mo? Sila ba'y may ginawang hindi maganda kina Amoracia at Amelita? Hayaan mo't pagsasabihan ko silang tatlo nang matauhan. Ngunit bakit na ba hindi sila nagkakasundo?" tanong pa ni Aling Isabela.
"Napagkamalan ba naman na magnanakaw si Amoracia at Amelita na naging dahilan ng pagsama ng loob ng tatlo dahil ipinagtanggol ko lang naman ang kambal." sagot pa ni Florentina.
Napansin ko rin na dumadami na ang tao kaya sinabihan ko si Aling Isabela. "Marami-rami na rin ang mga tao. Aling Isabela, tutulungan na namin kayo."
Malapit nangn maggabi kaya dumami pa ang mga tao.
"Lutuin mo muna ang adobo Amoracia, nakahanda na ang mga kasangkapan ngunit nalimutan ko lamang lutuin!
Florentina, ihanda mo ang kanin malapit na ring maluto 'yon.
Amelita, ikaw ang sumalubong sa mga tao. Tunungin mo kung ano ang kanilang kakainin. Sabihin mo sa kanila ang mga pagkain natin ngayon." nagmamadaling sigaw ni Aling Isabel habang naghahanda ng ilang pagkain.
Maliit lang ang pwesto niya pero marami na ang pumipila.
Hindi ko rin alam kung paano ko lulutuin ang adobo pero kakayanin ko 'to. Sinunod ko na lang ang mga recipe na alam ko.
Pinagsama-sama ko lahat ng ingredients kasama na ang toyo at tubig at pinakulo ko ito at pinatuyo. Nakaka-hustle.
Tinanggal ko ang karne at nai-prito. Okay na siguro 'to. Nilagyan ko ng kaunting sabaw at tapos na siguro?
Ano bang alam ko sa pagluluto pero sige pwede na talaga 'to.
Pagkatapos ng ilang oras, ready nang magsara ang karinderya.
Humarap si Aling Isabela sa 'kin. "Alam mo ba Amoracia, maraming nasarapan sa adobo na niluto mo. Maging ako'y humanga sa kakayahan mong magluto. Maaari ka talagang magtrabaho dito."
Humarap naman siya kay Deisy. "At ikaw naman Amelita, napakagaling ng pakikipag-usap mo sa mga tao! Kaya simula bukas, ganiyan na rin ang gagawin mo. Makikipag-usap ka sa mga tao."
Nang maka-uwi kami, tulog na ang tatlong lalaking nakakabwisit. Dito ko na sinabi kay Deisy ang dapat sanang sasabihin ko kanina.
"Deisy, may sasabihin ako."
"'Yan ba 'yung sasabihin mo dapat kanina? Sige sabihin mo na." sabi pa ni Deisy.
"'Di ba may nakita akong lalaki noong nagpark ako malapit sa simbahan at nagtanong kung saan ang simbahan. Nakita ko rin siya sa may convenience store noon ding gabi na 'yon. Kamukha siya ni Claudio!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro