Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38


"Ha? Ang galing mong bumanat ah. Order na nga lang tayo ng coffee." sabi ko pa.

Umorder muna kami ng coffee. Inenjoy namin ang view nito na nasa bundok. Ang ganda ng paligid at presko ang hangin. Mas lalo tuloy nagiging romantic ang aming pag-uusap.

"Remember noong nagkita tayo sa parking lot, manonood ka rin ba ng blue moon that night?" tanong ni Claidh.

"Oo, gusto naming makita ang blue moon sa aming favorite place. Doon namin tinitingnan ang blue moon, sa Sta. Ana Church." sagot ko.

"Why did you love the blue moon anyways?" tanong ulit ni Claidh.

"Ewan ko basta since noon pa man, gustong-gusto na namin ni Deisy ang blue moon. Kaming tatlo nina Papa bago siya mawala. Kasi kahit bihira lang siyang makita, sulit naman dahil nakikita mo ang ganda nito. Para siyang isang importanteng tao sa buhay ko. Kahit sandali ko lang siyang nakasama, sulit na sulit ang mga moments na 'yon ng buhay ko." paliwanag ko pa.

Flashback...

"Sana hindi pa huli ang lahat para sa ating pagmamahalan. Sulitin natin ang sandaling ito na parang ito na ang huling sandali ng ating mga buhay. Maghiwalay man tayo, hinding-hindi ka mawawala sa aking puso." malumanay niyang sinabi.

Tinitigan niya ako at biglang hinalikan sa labi. Ramdam ko ang kaniyang pagmamahal na parang ang mundo'y biglang tumigil.

Bigla tumulo ang mga luha niya. "Tanggapin mo ang halik na 'yan bilang paraan ng aking madamdaming pamamaalam. Sana ay hindi mo na kailangan lumisan. Sana ay hindi payagan ng buwan na pabalikin ka sa panahon mo."

End of Flashback

"Sino ba 'yung taong 'yon na ikinukumpara mo sa blue moon?" aniya.

Nadadala na ako ng mga emosyon ko nang maalala ang mga ala-ala namin ni Claudio.

"Lolo mo." bulong ko.

"Ha?" nagtaka si Claidh.

Nagpunas ako ng luha. "Basta, hindi na importanteng malaman mo 'yon. So ano nga ba ang pag-uusapan natin. Alam mo kasi Claidh, hindi ako magandang kausap kasi nauubusan agad ako ng topic pero huwag mo akong subukan pagdating sa chismis dahil hindi mo talaga ako mapipigilang magkwento."

"Napakapresko ng hangin dito. Sariwang-sariwa at napakalamig. Ang sarap rin ng coffee nila, natural na natural talaga. Pero alam mo ang mas masarap? 'Yung makasama ka. That's why may gusto akong itanong sa 'yo." nakakatunaw ang titig niya at parang may gusto talaga siya sa 'kin.

Agad akong naexcite at parang kinikilig na ako. Ang mukha ko ay parang nakakain ako ng maasim at ngiting-ngiti ako sa kilig. "Enebe? Ano ba itatanong mo sa 'kin?"

"May... gusto... si... Calvin sa 'yo kaya tinutulungan ko siyang manligaw sa 'yo. Gusto raw niyang mapalapit pa siya sa 'yo para magkaroon kayo ng M.U. or magandang ugnayan. Kanina pa siya nagtatago sa CR para sorpresahin ka." Claidh replied.

Tumayo si Claidh at tinawag si Calvin sa CR. Hindi ganito ang ineexpect ko kaya sumimangot ang mukha ko. Agad akong naging mataray sa pagdating ni Calvin. Akala ko pa naman ay may nararamdaman na sa 'kin si Claidh.

Binati ako ni Calvin. "Good morning Daina, gusto ko lang sabihin na napakaganda mo ngayon. Ang bango mo at ang cute mo ngayon. Pagpasensiyahan mo na ako kung ginamit ko pa si Claidh para lang makasama kita. Kumusta ka na?"

Medyo nahihiya ako at napipilitang ngumiti. Sa totoo lang ay nabadtrip talaga ako. "Okay lang ako. Akala ko nga, kaming dalawa lang ni Claidh. Akala ko rin may gusto si Claidh sa 'kin, ikaw pala. Gusto mo pa lang manligaw sa 'kin.

Bago ka manligaw, bibigyan kita ng isa lang requirement. Kailangan mong maging mabait sa mga tao. Last week, nakita kita na nagiging bully sa kaklase mo."

Flashback...

Habang recess, bumalik muna si Claidh sa room at may hinanap lang. Nagpunta muna kami sa CR para umihi. Noong lumabas kami, nakarinig kami ng kaunting sigawan kaya nagpasya kami ni Kiara sa sumilip.

Nakita namin si Calvin sa may likod ng CR. "Sa susunod na isumbong mo ako kay Prof., malilintikan ka talaga sa 'kin. Mataba ka nga, payatot naman ang utak mo. Hindi mo ba naiisip na kapag nalaman 'to ng magulang namin eh baka hindi na ako papasukin dito."

Natakot ang kaklase ni Calvin. "Sorry na Calvin. Ginawa ko lang naman ang tama na sabihin kay Prof. 'yung ginawa mo. Calvin, kinopya mo ang sagot ko habang hindi ako tumitingin. Ako pa ang napagkamalan kanina na nangopya sa 'yo dahil magkapareho talaga tayo ng sagot!"

"Whatever! Kung ano-ano pa sinasabi mo. Basta, huwag mo nang uulitin dahil baka humantong tayo sa patakan ng dugo or possibly death! Hehe joke lang." dagdag ni Calvin.

Agad kaming lumayo ni Kiara. "Grabe pala si Calvin. 'Yun pala ang kaniyang dirty secret. Isa siya bully." ani ni Kiara.

End of Flashback...

"Yes, kinopya ni Calvin ang sagot ng kaklase niya at noong nagsumbong ang kaklase niya, si Calvin pa ang naging mabuti sa mata nila. Pinagbantaan pa ni Calvin ng death 'yung kaklase niya which is hindi nakakatuwa." dagdag ko.

Speechless si Calvin. "Calvin, pag-uusapan natin 'to mamaya pag-uwi natin sa bahay. Kailangan malaman ni Mama 'to." bulong ni Claidh.

Calvin whispered back. "Yan ang huwag mong gagawin, ang sabihin kay Mama ang mga ginawa ko or else, hindi na kita ituturing na kapatid ko."

Naging mataray ako pagkatapos ng mga sinabi ko. "Tapos na kayong magbulungan? Wala akong narinig na sasabihin ni Claidh ang mga ginawa mo sa Mama niyo. Isa lang ang requirement ko para sa panliligaw sa 'kin. Pag-isipan mo nang mabuti Calvin, lulunukin mo ang pride mo para maging karapat-dapat ka sa 'kin or hahayaan mo na hindi ito malaman ng mama mo.

Kapag nilunok mo ang pride mo, may posibilidad pa kitang mareject. Ayokong magkaroon ng boyfriend na masama ang ugali. Hindi ito paninira o pamamahiya sa 'yo Calvin. Ang gusto ko lang naman ay mabago ang ugali mo. Understand?"

Tumango lang si Calvin.

Tumayo na ako. "Aalis na ako dito. Sino maghahatid sa 'kin? May dumadaan ba na taxi sa lugar na 'to? Kahit man lang jeep."

"Sige na Claidh, iuwi mo na si Daina. Tutal ako naman ang may pakana ng lahat. Uuwi na rin ako mamaya." sabi pa ni Calvin.

Inalok ni Claidh ang kamay niya. "Sumakay ka na. Uuwi na tayo sa bahay mo."

Bigla akong ngumiti. Iba ang nararamdaman ko kapag kasama siya. Siguro, love at first sight rin. "Tara na. Gusto ko nang umuwi."

Nang makarating na kami sa amin, ibinaba lang ako ni Claidh at umalis. Hindi ko inakalang ang good boy na si Claidh ay marunong at magaling mag-motorcycle.

Agad kaming nag-usap nina Deisy at Kiara.

"Kumusta ang coffee date niyo ni Claidh?" tanong ni Kiara.

"It didn't go well as I was expecting. Naroon si Calvin at nanliligaw siya sa 'kin. I don't like Calvin because he is a bully. Sinabi ko na rin kay Claidh ang nakita natin last week tungkol kay Calvin na umaaway ng kaklase nila. I'm pretty sure magdudulot ito ng away sa magkakapatid at sa family nila." paliwanag ko.

"Then bakit mo sinabi ang nakita mo last week?" tanong ni Deisy.

"Ayoko kasing manligaw siya sa 'kin. Ugali niya pa lang, hindi ko na gusto. Maiiwasan ko ang panliligaw niya sa 'kin kapag ginawa ko 'yon." sagot ko pa.

"Hindi si Calvin ang gusto mo dahil ang gusto mo si Claidh na wala naman talagang gusto sa 'yo. Pero kung ako ang tatanungin, bibigyan ko ng chance na magbago si Calvin." sabi pa ni Kiara.

"Eh 'di do'n ka kay Calvin. Madali akong kausap, may pagive-away promo pa ako sa 'yo. Tsaka ano ka ba? Ayoko ng boyfriend, hanggang crush na lang muna ako kay Claidh. Hindi naman 100% ang kilig level ko sa kaniya." sabi ko.

"Ilang percent ang kilig level mo kay Claidh?" tanong ulit ni Deisy.

"99.9% ehe!" sagot ko.

"So ano bang movie ang papanoorin natin ngayon?" tanong ni Kiara.

"Titanic, maganda 'yon!" natutuwa kong sinabi.

"Hindi nakakasawang panoorin kahit ilang beses na. Nakakaiyak lalo na nung namatay si—" ani ni Kiara.

"Ay hindi 'yon. Tataynic pala, 'yung kay Dolphy." biro ko.

***

Bago kami natulog ay nag-usap muna kami ni Claidh.

***

Daina:
Claidh, kumusta na? Sinabi mo ba sa mama mo ang ginawa ni Calvin?

Claidh:
Oo, sinabi ko sa kaniya. Buti na lang at pinagsabihan lang siya pero nag-aaway pa rin kaming dalawa.

Daina:
Sana pala hindi ko na sinabi 'yon kanina. Nag-away tuloy kayo. Baka nakasali pa si Cristian sa pag-aaway niyo.

Claidh:
Medyo nakasali nga. Hindi ko kasi sinasadya na tanungin ko kasi siya kanina tungkol sa pagbubuntis ni Deisy. Mukhang badtrip na badtrip.

Daina:
Anong ulam niyo kanina? Kumain ka na ba?

Claidh:
Hindi ako kumain ngayon. Nawalan ako ng gana ngayon dahil nga sa pag-aaway namin.

Daina:
Hoy kakain ka! Baka dapuan ka ng iba't-ibang sakit.

Claidh:
Kakain na nga at nag-aalala sa 'kin si Daina. I'll be right back kakain nga lang.

Daina:
Okay sige eat well!

Claidh:
❤️

***

Hindi na like? Heart na talaga? OH MY..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro