37
Agad ko siyang sinubong kasama si Deisy. "Cristian? Anong ginagawa mo dito? Ang agap pa tsaka bakit hindi mo kasama ang mga kapatid mo?"
Inasikaso muna ni Kiara ang mga kapatid niya. "Mauna na kayong kumain. Pagkatapos niyong kumain, pwede raw kayong magswimming ngayon." sigaw ni Kiara. "Cristian, pumasok ka muna at parang may sasabihin ka pa."
Umupo kami at doon nagpaliwanag si Cristian. "Hindi kayo maniniwala sa napanaginipan ko kagabi. I was at something about in the late 1800's tapos lahat makaluma. Para kang nasa gitna ng isang historical movie. Ang tawag ng mga tao sa'kin ay Crisanto, the name of my lolo at parang nasa point of view talaga ako ni Lolo Crisanto. Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko pero bigla ko kayong nakita ni Deisy.
Ang pangalan niyong dalawa ay Amoracia at Amelita at tinutulungan niyo si Lola Isabela na magluto ng adobo. Sabi nila na kapag wala daw kayo, hindi rin gaganda ang buhay nila. Lolo Claudio was inloved with Amoracia and I'm inloved daw kay Amelita.
Everything fast forwards hanggang sa napunta ako sa isang situation na lasing na lasing ako and si Amelita na nags*x kami! And then ang natatandaan ko na lang ay sa huli ng panaginip ko, nakita ko ang sarili ko na tumalon sa isang cliff. Bigla na lang akong nagising na kinakabahan.
Hindi ako makapaniwala sa mga napanaginipan ko like mapapasabi ka kung totoo ba talaga ang mga nangyari kasi parang kayo talaga Deisy at Daina ang kaharap ko. Natatandaan ko rin na may sinabi sina Amoracia at Amelita na mga words na este, charot at iba pa.
Ang weird ng mga napanaginipan ko at feeling ko, totoo itong nangyari. Anong masasabi niyo sa panaginip ko?"
Umiwas kami ng tingin kay Cristian habang sinasabi niya ang mga ito. Pakiramdam niya ay may itinatago kami sa kaniya.
Naguluhan si Deisy at parang may galit. "Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Imposibleng mapanaginipan mo si Crisanto. Gawa-gawa mo lang 'yan 'di ba? Hindi ikaw si Crisanto!"
"Siguro kailangan nang malaman ni Cristian ang totoo tungkol sa 'yo Deisy. Hindi natin pwedeng itago sa kaniya ang mga nangyari sa 'tin sa past." sabi ko pa.
Nagsimulang magtaka si Cristian. "Sa past? Anong nangyari sa inyo sa past?"
"Totoo ang mga sinabi mo. Totoo ang mga napanaginipan mo. Totoo lahat 'yon. Nakapagtime-travel kami sa hindi maipaliwanag na dahilan at nagpanggap kami bilang Amoracia at Amelita. Totoo lahat ng nangyari sa 'min." paliwanag ko pa.
Nagalit ulit si Deisy. "Daina, ba't mo sinabi? Malalaman niyang—"
"Malalaman kong ang ama ng dinadala mo Deisy ay si Crisanto? Naniniwala akong totoong nangyari ito sa inyo at ang ama ng dinadala mo Deisy ay—" naputol ang pagsasalita ni Cristian nang bigla niyang hinawakan ang kaniyang ulo dahil sumasakit ito.
Nag-alala kaming lahat pwera lang kay Deisy.
"Patawarin mo kami sa kasalanan ng mga lolo namin. Deisy, pananagutan ko ang dinadala mo. Ako ang magsisilbing ama ng anak mo. Hindi ako si Lolo Crisanto pero gusto kong bigyan ng suporta ang magiging anak mo. Hindi ako nagloloko, gusto kong maging ama ng anak mo dahil obligasyon ko 'to bilang apo ni Lolo Crisanto." dagdag ni Cristian.
Nagalit na muli si Deisy. "Nababaliw ka na ba Cristian? Hindi mo ba nararamdaman ang sakit na dumudurog sa puso ko sa t'wing nakikita kita. Pinapaalala mo sa 'kin ang Lolo mo! Cristian I hate to say this but ang mukha mo ang nagpapaalala kay Crisanto. Hindi ko gustong magkaroon ng ama ang anak ko dahil obligasyon mo. Pwede bang umalis ka na sa aming buhay ngayon? Gusto kong umalis ka na sa buhay ko!"
Nagmakaawa si Cristian. "Hindi ko iiwan ang magiging anak ko. Gusto kong alagaan ang batang dinadala mo. Payagan mo ako Deisy please."
Pinigilan ko si Cristian. "Cristian hindi pwedeng sapilitan ang pagkuha mo sa magiging anak ni Deisy. Wala dito sa mundo ngayon ang ama niya dahil nga nasa nakaraan siya. Isa pa, wala kayong relasyon ni Deisy kaya hindi mo pwedeng kunin ang anak niya."
"Tama si Daina. Hangga't wala kayong malalim na koneksiyon ni Deisy, hindi mo pwedeng kunin basta-basta ang anak niya lalo na kung hindi pinapayagan ng ina. Hindi rin pwedeng magkaroon ang anak ni Deisy ng biological father dahil nasa nakaraan ng ito." dagdag ni Kiara.
"Sa kabila ng mga kamalian sa nakaraan, gagawin at ko ang lahat para maalagaan ang anak ni Deisy. Sisikapin kong mabigyan siya ng magandang buhay at kinabukasan. Bibigyan ko siya ng isang ama na nararapat para sa kaniya." sabi pa ni Cristian.
"Kaya kong alagaan at bigyan ng magandang buhay ang anak ko nang walang kasamang tulong mo. Kaya kong maging ama sa anak mo kahit wala ka. Dalhan niyo na lang ako ng breakfast sa kwarto. Nawalan ako ng ganang kumain dito." naiinis na sinabi ni Deisy. Bumalik siya sa kaniyang kwarto inis na inis.
"Padalos-dalos ka kasi ng desisyon Cristian. Deisy hates Crisanto dahil sa ginawa niya. Maging ako rin, hindi ko ginustong mabuntis si Deisy pero wala tayong magagawa, narito na tayo ngayon. The only way para makumbinsi mo si Deisy is to capture her heart." sabi ko kay Cristian.
"Paano? Parang liligawan ko siya, gano'n?" tanong ni Cristian.
"Oo, parang liligawan mo siya. Magkadevelopan kayo. Kung wala kang masamang intensyon, papayagan kitang gawin 'yon. Alam ko rin kay Deisy na may nararamdaman siya kay Crisanto matagal na. Natabunan lang ng galit ang puso niya dahil sa ginawa ni Crisanto. Huwag mo na rin siguro siyang haranahin dahil magpapaalala lang 'yon kay Crisanto. Ba't mo kasi kamukhang-kamukha?" paliwanag ko.
"Salamat Daina sa mga sinabi mo. Umasa kang gagawin ko ang lahat para maalagaan ang anak ng kapatid mo. Kailangan ko na ring umalis ngayon. Baka hinahanap na ako nina Mommy at ng mga kapatid ko." umalis si Cristian pagkatapos ng ilang minuto.
Pagkatapos naming kumain ng agahan, agad kong kinausap si Claidh sa chat.
***
Daina:
Hoy!
Claidh:
Bakit Daina?
Daina:
Nagpunta dito si Cristian kanina. Sinabi niya na gusto niyang alagaan ang magiging anak ni Deisy
Claidh:
Bakit gusto niyang alagaan ang anak ni Deisy? Is he crazy? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kaniya.
Daina:
Eh basta, hindi mawarian ang kaniyang dahilan.
Btw, kumain ka na?
Claidh:
Kumain na ako, salamat sa concern. Eh ikaw, kumain ka na?
Daina:
Malamang at nauna pa sa 'yo.
Claidh:
Wanna get out of there? Gusto sana kitang yayaing magcoffee mamaya. Kahit mga 1 PM since cloudy naman ngayon.
Daina:
Sige ba! Game ako d'yan! Gusto mong isama ko sina Kiara? I think that would be great! Isama mo na rin ang mga kapatid mo.
Claidh:
Gusto ko kasi, ikaw lang ang kasama. Maganda 'tong coffee shop na pupuntahan natin. Nasa bundok kaya malamig.
Daina:
Okay sige, kita na lang tayo mamaya. Huwag mong kalimutang isauli ang mga tuwalyang ginamit niyo noong nakaraang linggo. Hindi niyo pa rin kasi binabalik.
Claidh:
Opo madam, isasauli ko po nang malinis at bagong laba. Wala ka nang mahihiling pa sa kintab ng tuwalya na 'yon. 'Yung dress naman ay super bright na kaya huwag kang mag-alala madam. Susunduin kita d'yan kina Kiara.
Daina:
Bahala ka na nga sa buhay mo kung ano-ano ang mga pinagsasasabi mo! HAHAHA
Claidh:
👍
***
Okay lang kahit nalike-zone ako.
Mga 12:30, nagpaalam muna ako kina Kiara at Deisy na aalis habang hinihintay si Claidh.
Ipinaliwanag ko sa kanila ang mga pinag-usapan namin ni Claidh.
"Confirmed! May date nga kayo! Ikaw Daina, umaangat ang status ng love life mo. Beke nemen pwede ko akong ihanap. Wala akong mahanap sa university eh." nagbibirong sinabi ni Kiara.
"May date talaga kayo ni Claidh? So matutuloy na ang naudlot na pag-ibig niyo ni Claudio. I can't imagine na parang nakisabay rin sa pagbabalik natin sa past si Claudio. Grabe rin maglaro ang tadhana at mapupunta ka pa sa kamukha ni Claudio." ani ni Deisy.
Narinig ko na ang doorbell at paniguradong si Claidh 'yon kaya lumabas na ako.
Nakita ko si Claidh na may dalang motor. "Sa motor tayo sasakay? Parang nakakatakot yata."
"Isoot mo 'yang helmet. Trust me, hindi ako kagaya ng iba na mabilis magpatakbo ng motor." sabi pa ni Claidh.
***
Sigaw ako nang sigaw na parang mamatay na kami.
"Diyos ko bakit hindi ako sanay? Parang nahihilo yata ako."
Hindi ako sanay sumakay sa motor kaya ganito ang reaksiyon ko. Malaki ang tiwala ko kay Claidh kaya lang ako sumakay dito.
"Higpitan mo kasi ang yakap mo. Parang hindi ka nga yata nakahawak sa 'kin." -Claidh.
Mahigpit na ang yakap ko sa kaniya pero takot na takot pa rin ako. Hanggang sa makarating kami...
"Saan mo ba ako dadalhin Claidh? Parang dadalhin mo na ako sa langit. Ang taas kaya ng lugar na 'to tapos dito pa tayo magkakape?" naiinis kong sinabi.
"Dadalhin kita sa puso ko." bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro