3
Umupo ako at sinagot ang babae. "Ayos lang ako. Bakit ganiyan ang damit mo? Para kang pupunta sa Miss Universe."
"Bakit kakaiba ang inyong kasuotan?" nagtataka niyang tanong. "Ikaw nga ang mayroong kakaibang kasuotan. Ibang-iba kaysa sa amin." nagtaka ako sa sinabi ng babae.
"Nasaan ang kambal ko?" tanong ko.
Tinuro ng babae si Deisy na nasa kabilang upuan. "Siya ba ay iyong kambal? Magkawangis nga kayo ng mukha. Pareho kayong maganda."
"Nasaan ako?" tanong ko sa babae.
Inaya ako ng babae. "Sa palagay ko'y isa ka lang dayo dito. Isama mo ang iyong kambal, pupunta tayo sa aking tahanan."
Ginising ko si Deisy.
Noong nagising si Deisy agad siyang nagtanong. "Sandali? Anong bang ginagawa natin dito? Umuwi na nga tayo, bahala kang mapagalitan ni Mama. Ba't may babaeng ganiyan ang damit? Sasali ba 'yan sa beauty contest?" tinawanan lang ito ni Deisy.
"Sumama ka na nga lang! Dami mo pang sinasatsat." hinila ko si Deisy at kami ay naglakad na papunta sa bahay ng babae na malapit lang sa simbahan.
Noong lumabas kami ng simbahan, ibang-iba na ito. May nakasuot ng kakaiba, parang wala ako sa Pilipinas. Para bang nananaginip ako nang makita ko ang mga pagkahaba-habang palda ng mga babae at pati na ang mga gwardya. Napakalaking katanungan kung bakit kami napunta sa panahon na 'to. Feeling ko, nagtime-travel kami ni Deisy.
Maraming tao ang nakatitig sa 'min. Nagtataka rin siguro sila sa mga damit namin. Napakaweird kasi ng mga nangyayari parang hindi ko kakayananin.
Isang lalaki ang lumapit para tanungin si Florentina. May hawak na armas at parang sundalo. "Paumanhin binibini, sino 'yang mga kasama mo? Sila ba'y naliligaw?"
"Sila'y mga pinsan ko." tugon ni Florentina.
"Ano 'yon?" tanong ni Deisy.
"Isa siyang guardia sibil. O siya, bilisan niyo ang mga lakad niyo't baka maabutan pa tayo ibang prayleng may hindi kanais-nais na ugali." binilisan ni Florentina ang lakad niya.
Habang naglalakad, gulong-gulo kami. Sa bawat kalye ay nag-iba talaga. Dinala na nga kami ni Deisy sa nakaraan!
Noong nakarating na kami sa bahay ng babae, agad niya kaming binigyan ng damit na pamalit para mahalata na taga-dito kami. Mahabang damit at bestida ang binigay niya. Maging ang amoy nito'y kakaiba. "Ito ay ilan sa aking mga kasuotan. Isuot niyo ito upang hindi na magtanong ang ilang tao tungkol sa inyong pinanggalingan."
Napakamakaluma ng bahay nila. Gawa sa kahoy at may 2nd floor. Parang may taglay rin na kaginhawahan sa buhay ang pamilya nila kahit na parang tagpi-tagpi na lang ang bubong at dingding nito.
"Teka nga, bakit ba tayo nandito? Bakit tayo napunta dito?" tanong ni Deisy.
Binulungan ko si Deisy. "Para tayong nagtime-travel. Ang weird nga eh kasi nandito lang tayo sa simbahan pero naiba ang panahon. Isuot mo na lang yung binigay na damit at huwag ka nang magtanong."
Nagpakilala ang babae sa amin. "Ako si Florentina Lazaro. Kayo? Ano ang inyong mga pangalan? Maaari ko bang malaman?"
Sumagot ako. "Ako si Daina, si Deisy naman ang kambal ko. Hindi ko nga alam kung bakit kami napunta dito pero maniwala ka, galing ako sa present, ay future, ay hinaharap."
"Hinaharap? Galing kayo sa hinaharap? Dios mio, muy sorprendente. Kaya ba kakaiba ang inyong kasuotan at pananalita? Kakaiba na talaga ang mga nangyayari dito sa mundo." sabi pa ni Florentina.
Naipaliwanag ko sa kaniya ang mga nangyari. "Hindi ko rin alam. Wala akong alam! Basta ang alam ko, nanood kami ng blue moon, ay ng asul na buwan kagabi at nahilo lang kami sa simbahan tapos paggising namin, nandito na kami. Napakaweird!"
"Hindi naman kulay asul ang buwan kagabi. Kataka-taka nga ang inyong pinanggalingan. Tila may mga mahikang bumabalot sa simbahan na iyan." siguro, sa present lang nangyari ang blue moon kagabi.
"Pwede bang ikaw na lang muna ang makaalam. Sikreto na lang natin ito." bulong ko kay Florentina.
"Kung ganon, palitan niyo rin ang pangalan niyo nang hindi kayo mahalata na galing kayo sa hinaharap."
"Deisy, umisip ka nga." bulong ko kay Deisy.
"Bahala ka sa buhay mo, basta akin Amelita." sagot ni Deisy.
"Amoracia ang naisip ko." sagot ko pa.
"Kung gano'n ay maaari na kayong makisalamuha. Ako na ang bahalang lumutas ng mga misteryo tungkol sa inyo." lumabas na kaming tatlo nina Deisy at Florentina para makisalamuha sa ibang tao.
Napakaweird talaga ng mga pangyayari. Nakakahilo ang mga nangyayari. Paano kami makakabalik sa present time?
"Kayo ba ay nagugutom? Marahil ay hindi pa kayo kumakain. Sabayan niyo na akong kumain. Masarap ang niluto ng aking ina." dinala kami ni Florentina sa isang maliit na kainan na ibang-iba sa present.
Nagpunta si Florentina sa kaniyang nanay at binati niya 'to. "Kumusta aking ina, siya si Amoracia." tinuro niya ako. "At siya naman si Amelita." tinuro naman niya si Deisy. "Sila ay mga dayo at tila naliligaw sa ating lugar kaya ipapasyal ko sila mamaya dito. Ngunit kakain muna kami para naman magkaroon ng laman ang aming kumukulong sikmura."
Nilapitan kami ng nanay ni Florentina. "Kay gaganda niyo naman. Kayo nga ay kambal, magkamukha talaga kayo. Ako nga pala si Isabela Lazaro. Maghintay lamang kayo sapagkat matatapos na ang niluluto kong sinigang na isda."
"Talagang napaka-asim at napakasarap ng sinigang ng aking ina. Sisipagin talaga kayong kumain dito sapagkat napakasarap ng mga niluluto niya." sabi pa ni Florentina.
"Seryoso ka? Nakikisalamuha tayo sa mga makalumang tao? Paano ba kasi tayo makakaalis dito?" bulong ni Deisy.
"Alam mo, puro ka reklamo! Mas okay na nga rin dito sa past, walang bunganga ni Mama, walang kaaway, tsaka mababait ang tao dito." bulong ko kay Deisy.
"Wala namang cellphone, wifi tsaka TV dito! Lalo kang mabobored!" reklamo pa ni Deisy.
"Tumahimik ka na nga lang. Pasalamat tayo, hindi tayo napunta sa panahon ng World War 1 or 2 dahil kung hindi, makikipagdigmaan talaga tayo!" biro ko pa kay Deisy.
After ng ilang minuto, naluto na ang sinigang.
"Heto, kumain na kayo. Ito ang pinakamasarap na pagkain dito. Sasabayan ko na rin kayong kumain nang malaman ko ang ilang detalye ng inyong buhay." ibinigay ni Aling Isabela ang sinigang.
"Saan bang bayan kayo nanggaling?" tanong pa ni Aling Isabela. "Ina, galing sila sa malayong bayan." sagot ni Florentina.
"Kayo ba ay may mga magulang? Nasaan ang mga magulang niyo?" tanong ni Aling Isabela.
Naisipan ko na lang gumawa ng kwento para hindi na sila magtanong ng kung ano-ano pa. "Iyon nga po ang problema, wala na kaming nanay at tatay kaya naghahanap kami ng matutuluyan."
"Maaari kayong tumuloy sa amin." sabi ni Florentina.
Kinuhit ni Aling Isabela si Florentina at may ibinulong. "Florentina, napapunta mo na ba sila sa atin? Ang kanila bang sinusuot ay ang iyong mga damit? Isa pa, hindi pa ako nakakapaglinis ng bahay. Kahiya-hiya naman sa ating mga panauhin."
Tinanggihan ko ang alok ni Florentina. "Kahit 'wag na Florentina, maghahanap na lang kami ng malilipatang bahay."
Tumugon si Aling Isabela. "Maayos lang sa akin na tumira kayo sa tahanan ko. Nararamdaman ko rin na mabuti kayong dalawa, Amoracia at Amelita."
"Maraming salamat mo Aling Isabela. Mabuti na lang at mabait kayo kaya hindi namin matanggihan ang alok niyo." natutuwa kong sinabi.
"Ngunit bakit hindi kumikibo ang iyong kambal? May nasabi ba kami ni Florentina na hindi maganda tungkol sa kaniya." tanong pa ni Aling Isabela.
"Ayos lang po ako. Medyo inaantok lang ako." sagot ni Deisy.
"Higupin mo na lang ang sabaw ng aking sinigang. Sa sobrang asim niyan ay mawawala ang pagka-antok mo."
Nag-usap lang kami habang kumakain. Si Deisy, medyo ginanahang kumain na noong humigop ng sabaw ng sinigang. Mukhang effective talaga na pampagising.
Noong natapos kaming kumain, may sinabi si Aling Isabela kay Florentina. "Oy Florentina, samahan mo sina Amelita at Amoracia na bumili ng ilang mga damit."
Tinanggihan ko ito. "Huwag na po Aling Isabela. Nakakahiya na, maghahanap na lang po ako ng trabaho."
Inalok ako ni Aling Isabela ng trabaho. "Maaari ka ritong magtrabaho bilang tagaluto. Isama mo na rin ang iyong kambal. Kay daming nagpupunta dito lalo na kapag pista ng Santo Niño dito. At marami ring nagpupunta dito na galing sa simbahan pagkatapos maglingkod sa Panginoon. Dito na kayo magtrabaho, lalayo pa ba kayo?"
Hindi ko na lang matanggihan dahil hindi kami mabubuhay kapag walang trabaho. "Sige po tatanggapin ko po ang inaalok niyo. Kailan po kami magsisimula?"
"Huwag muna ngayon, magpahinga muna kayo nang sa gano'n ay makapaghanda kayo bukas. Nais ko rin kayong ipapasyal sa lugar namin ngunit umuwi muna kayong tatlo nina Florentina upang malibot niyo ang bahay." paliwanag pa ni Aling Isabela.
"Tayo na't pumunta sa 'min. May ipakikilala pa ako sa inyo." bumalik ulit kami sa bahay nina Florentina para maghouse tour.
Ipinakita niya sa amin ang bawat detalye ng kanilang bahay. Napakamakaluma nito, may tatlong kwarto sa taas. "Sa unang kwarto, dito natutulog ang mga kapatid ko na lalaki. Hindi pa sila dumarating sapagkat nagtratrabaho pa sila.
Pangalawa ay ang kwarto namin ni ina. Dito kami natutulog. Ang pangatlong kwarto ay lumang kwarto ni ama ngunit wala na siya at kinuha na ng Panginoon.
Maaari kayong tumuloy sa lumang kwarto ng aking ama dahil wala namang natutulog do'n. Dito na muna kayo, ikukuha ko muna ng pagkain ang aking mga kapatid dahil pag-uwi nila ay gutom na gutom ang mga 'yon galing sa pagsasaka."
Siguro mga 5:00 PM na rin dahil ramdam ko na malapit nang maggabi.
Umalis muna si Florentina at bumalik sa nanay niya habang wala kaming magawa dito. Pagkatapos ng ilang minuto, may kumatok sa pinto.
"Florentina? Maaari mo bang buksan ang pinto?" tanong niya.
"Daina, baka sila na yung kapatid ni Florentina. Buksan ko muna pinto." bumaba si Deisy para buksan ang pinto.
"Hoy? Sino ka?! Ikaw ba ay magnanakaw dito?" sigaw ng lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro