Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28

Agad na natuwa si Deisy. "Talaga? Daina, huwag na tayong maghanap ng matutuluyan. Well we can stay naman talaga kina Kiara. Omg I'm so excited na makita si Tita Marlyn! Napakabait talaga ng nanay mo Kiara. Tara na Daina, tawagan mo na si Ate Grace at sabihing nakahanap na tayo ng matutuluyan."

Nag-alinlangan pa ako. "I don't think it's a good idea na tumira tayo sa kanila. Nakakahiya na kay Kiara at baka maging pabigat pa tayo. Alam mo, hintayin na lang natin si Ate Grace. For sure marami naman siyang kaibigan na makakatulong sa 'tin."

"Please, doon na kayo sa 'min. Promise, hindi kayo pabigat. Gusto nga naming makasama kayo sa bahay. Paniguradong mapupuno ng tawanan ang bahay namin. Besides, payment ko na rin 'yan dahil naging kaibigan ko kayo at tinulungan niyo ako. Remember that one time na binigyan niyo ako ng lunch at tinulungan niyo akong makabenta at maubos ang mga ipinagbibili kong chips? Huwag na kayong mahiya please." paliwanag ni Kiara.

"Okay fine Kiara dahil malakas ka sa 'kin. Mapilit ka talaga kiara mula noon hanggang ngayon. Ikaw pa nga 'yung nagpumilit sa 'kin noon na tapusin ang assignment ko pero tinatamad ako. Deisy, tawagan mo na si Ate Grace." natutuwa kong sinabi.

Tinawagan ni Deisy si Ate Grace. "Hello Ate Grace? Thank you sa concern mo pero nakahanap na kami ng malilipatan. Long lost high school friend namin siya at doon na kami titira sa bahay niya."

"Ah gano'n ba? Mabuti naman at nakahanap na kayo ng matutuluyan. Sasabihin ko na sana sa inyo na wala nang bakante ang apartment ng kumare ko. Oh sige basta't mag-iingat kayo at kung may kailangan pa kayo ay huwag kayong mahihiyang tumawag. Babalitaan ko rin kayo kung ano ang mga nangyayari dito sa bahay. Oh sige sige, bye na." sagot niya.

"So ano ang una nating gagawin pag-uwi natin? Netflix and chill? Slumber party? Board games? Or PS5?" tanong ni Kiara.

"Or magluto tayo at magbake!" sabay naming sinabi ni Kiara. Tumalon kami sa tuwa at nagyakapan.

"Paano naman po ang hindi marunong magluto at magbake?" medyo nainggit si Deisy sa 'ming dalawa ni Kiara.

"Ganito, gagawa kami ni Daina ng cake. 'Di ba Deisy may experience ka sa art dahil namana mo raw kay Tito Rominick 'yon? Ikaw ang magdedecorate ng cake habang nagluluto kami ng ibang dishes. Mamaya kasing gabi uuwi sina Nanay at si Tito. Hindi pa rin ako sanay na tawaging Tatay ang stepdad ko.

Anyways mamayang gabi ay uuwi sila galing sa work and gusto kong maghanda tayo ng dinner para sa kanila. Panigurado akong matutuwa sina Nanay sa pagdating niyo. Hindi ko nga lang alam sa stepsister ko na si Dixie. 12 years old pa lang pero medyo masungit talaga siya pero nagkakasundo naman kami." paliwanag ulit ni Kiara.

"So ano? Aalis ba tayo or forever na tayo dito sa simbahan? Umiinit na kaya tara na!" natutuwang sinabi ni Deisy.

Umalis kami na may ngiti sa mukha knowing na matutuwa sa 'min si Tita Marlyn.

Nang makarating kami sa bahay, agad na sinalubong kami ni Dixie. Agad siyang nagtaka. "Ate Kiara, sino sila? They look like pinalayas sila sa bahay nila. No, never tayong magpapatuloy ng strangers dito sa house."

"Dixie, hindi sila strangers. Mga kaibigan ko sila. Alam mo ba na sila ang tumulong sa 'kin noong naghihirap pa kami. Gusto kong suklian ang kabaitan nila sa 'kin sa pagpapatuloy ko sa kanila dito. Lumayas sila sa bahay nila." paliwanag ni Kiara.

"Lumayas sila? My gosh sila na nga ang may matutuluyan, sila pa ang may ganang maglayas. Ate sino ba 'yang mga kinaibigan mo? Mali yata ang mga naging kaibigan mo." nagtataray pang sinabi ni Dixie.

"Kung wala kang tiwala, pwede mo naman kami iwan. Pero gawin mo ang makakaya mo para pagkatiwalaan sila kasi ayaw namin ng gulo." sabi pa ni Kiara.

Agad kaming pumasok sa loob nang may pag-aalinlangan.

"Uhm Kiara, hindi ba kami nakakaabala lalo na kay Dixie? Parang wala kasi siyang tiwala sa 'min ni Deisy. If you don't mind pwede naman kaming maghanap ng iba pang matutuluyan." sabi ko pa.

"Like I said earlier, gusto ko kayo dito. Huwag niyo nang baguhin ang desisyon ko. Sasamahan ko kayo sa guest room para makapag-ayos kayo ng mga gamit niyo. May television do'n para you can watch movies or so what. Ico-connect ko na rin kayo sa wifi namin." sabi pa ni Kiara.

Napakalawak ng bahay nila pero simple. Nagpunta na kami sa guestroom. Nang buksan ni Kiara ang pinto, may nakita kaming lalaki.

"Alex? Anong ginagawa mo dito sa guestroom? Ano bang hinalungkat mo dito?" tanong ni Kiara.

Sumagot siya. "Sorry Ate, may nalimutan lang kasi ako dito. 'Yung kwintas ko."

"Alex, 'yung kwintas mo ay nasa living room. Nakita ko kaninang umaga na nakalagay sa coffee table." sabi pa ni Kiara.

"Okay okay Ate, aalis na 'ko." umalis si Alex na nagmamadali.

"Sino siya? Ba't hindi mo yata nabanggit siya kanina?" tanong ni Deisy.

"Siya si Alex, little step brother ko. 14 pa lang siya pero huwag niyong sasabihing gwapo 'yan. Marami na 'yang ginawang kasalanan. Una, pumalpak lang naman siya sa limang periodical test last quarter. Pangalawa, noong isang araw, 12:00 AM as in hatinggabi na siya umuwi ng bahay! At lastly, nagkaroon daw siya ng tatlong girlfriend this school year ayon sa mga schoolmates niya." paliwanag ni Kiara.

"Ay, sasabihin ko na nga sanang gwapo siya. Huwag na nga at marami na ngang kasalanang nagawa. Anyways, pwede bang makitulog muna? Napuyat ako kagabi at maagap rin kaming nagising." biglang humiga si Deisy sa kama at halatang-halata na pagod siya. Mabilis din siyang natulog.

"Hay nako hindi pa nga kumakain ng agahan, parang binaril at tulog agad." bulong ko pa.

Bumaba naman kami ni Kiara para kausapin ulit si Dixie at si Alex. Nagluto na rin kami ng agahan para sa kanila.

"Dixie at Alex, bumaba muna kayo at kakain. Kagigising niyo pa lang puro cellphone na kayo." sigaw ni Kiara.

"Wala ba kayong maid? Bakit parang walang nagluto ng agahan ngayon?" tanong ko.

"Nagkasakit kasi 'yung isa at 'yung isa naman ay day-off ngayon. Dalawa lang ang maid namin at isang driver." sagot niya.

Bumaba na silang dalawa pero masungit ang mukha ni Dixie. "Ano ba ate? Nakakain na kaya ako, ewan ko lang kay Alex."

"Hindi pa ako kumakain. Uy scrambled egg! Ano? Pwede na bang kumain?" sabi pa ni Alex.

"Sige kumain ka na. May pag-uusapan nga lang tayo about sa twins. Dito muna sila titira pansamantala hangga't hindi naayos ang family problem nila. Dixie maging mabait ka sa kanila at ikaw naman Alex, makinig ka." paliwanag ni Kiara.

Nakita lang namin ni Kiara na si Alex ay gumagamit ng cellphone habang kumakain. "Alex makinig ka. Pwede bang tumigil ka muna sa pagce-cellphone?"

Sumagot si Alex. "Uso naman ngayong magcellphone habang kumakain."

Napa-facepalm na lang si Kiara. "Hindi ka naman dapat sumasabay porket uso. As I was saying, pansamantala lang dito sina ATE DEISY AT ATE DAINA. Hinihingi ko ang inyong pagiging marespeto sa kanila. Sana ay maging magalang kayo dahil hindi ko lang sila bisita, kaibigan ko rin sila. Kaya nilang sundin ang mga hiling niyo na ipagluto kayo ng super cheesy pizza, gumawa ng lemonade na maasim-asim at ipagbake kayo ng chocolate chip cookies."

"Uhm oo basta sa inyo, ipagluluto ko kayo ng mga gusto niyo." dagdag ko.

"Well, magagawa pala ni Ate Daina ang gusto namin. Pwede tayong maging besties dito." nagmamaarteng sinabi ni Dixie.

"Sa isang kondisyon... Magiging nice kayo sa kanila. 'Yun lang at wala nang iba." sagot ni Kiara.

"Okay madali lang pala ang pinagagawa mo Ate. Well I think magkakasundo kami nina Ate Deisy at Daina." tinitigan ako nang masama ni Dixie. Hindi maganda ang kutob ko sa kaniya.

"Well that's it. Tapusin mo na ang breakfast mo Alex, and ikaw naman Dixie ay magcellphone ka na." sabi pa ni Kiara.

Nagdesisyon kaming tumaas muna ni Kiara.

"Mataray talaga 'yang si Dixie. Pagpasensiyahan mo na Daina kung masungit siya. Actually ang magpapasaya lang sa kaniya kapag galit ay mga favorite niyang foods like cheesy pizza pero ayaw niya ng pineapple." ani ni Kiara.

"Ayaw niya pala ng pineapple sa pizza. Kami ni Deisy favorite namin ang pineapple sa pizza dahil nagbibigay siya ng tamis. Nababalanse 'yung lasa niya." sabi ko.

"Ayaw niya ng pineapple dahil ang dahilan niya ay ew gross! I would rather eat sili than pineapple on pizza. Gano'n ang mga sinasabi niya kaya tawang-tawa ako.

Actually hindi talaga kumakain ng pinya si Dixie. 'Yon daw ang pinakahate na food niya." natutuwang sinabi ni Kiara.

Nang pumasok kami sa kwarto nakita namin na wala sa kama si Deisy. Nakita namin si Deisy sa CR na sumusuka.

"Deisy okay ka lang? Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko.

"Okay lang ako Ate, sumakit ang ang tiyan ko." sagot niya.

Bigla siyang nahilo at tumumba. Alalang-alala kami dahil ngayon lang siya nagkaganiyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro