Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

"Hayst, siguro naiisip mo lang si Claudio. Masyado mo lang siyang namimiss kaya ganiyan ang naiisip mo. Pumunta na tayon simbahan. 'Di ba sasamahan pa tayo ni Ate Grace na maghanap ng matutuluyan?" ani ni Deisy.

"Siguro nga masyado lang akong nangungulila sa kaniya. Pero posibble kaya ang reincarnation? What if reincarnation talaga siya ni Claudio?" tanong ko ulit.

"Pumunta na nga lang tayong simbahan. It's a waste of time lang kung puro si Claudio ang iisipin mo. Isipin mo na muna ang sarili mo bago siya, wala namang maitutulong ang pag-iisip mo lagi kay Claudio. Madadagdagan lang ang mga dinaramdam mo." sabi pa ni Deisy.

I agreed. "Oh sige, wala na akong iisiping Claudio. Ang iisipin ko na lang ay titirhan natin at kung paano natin mapapalayas si Henry sa bahay. Ngayon, tara na sa simbahan dahil hihintayin pa natin si Ate Grace."

May dalawang lalaki kaming nakitang naglalakad. Agad kong narinig ang sinabi nung isa. "Yow bro, tingnan mo silang dalawa, ang ganda nila like damn. Ang puti ng legs at ang kinis pa. Hmmmm ang sarap!"

Niloko ko sila. "Ang sarap niyo rin. Rawr."

"Masarap?" tanong nila.

Nagalit si Deisy. "Masarap hampasin ng dos por dos! May problema ba kayo sa 'min o sadyang hindi lang kayo marunong rumespeto. Kung ako ng nanay niyo, ikakahiya ko na may anak akong bastos. Grabe kayo kung makapagsalita sa 'min akala mo naman kung sino 'tong mga gwapong 'to."

"Kung makapagdamit kasi kayo eh napakaikli. Tingnan niyo, lampas tuhod niyo na 'yan kaya kayo'y mabastos." sabi pa nung isa.

"Eh kung putulin ko kaya dila mo nang may matuto kang rumespeto." pagsigaw ko sa kanila. "Wala sa pananamit ang inaasta niyo, sadyang mga manyak lang kayo!"

Nagbantang susuntukin kami ng dalawang lalaking 'yon pero nakahanap si Deisy ng isang matigas na kahoy at sabay na hinampas ang dalawa. Napa-angal sila sa sakit.

"Ano? Subukan niyong mambastos ulit ng mga babae. Talagang hindi ako magkakamaling hampasin ko kayo nang paulit-ulit." nakatutok sa kanila ang kahoy at hindi sila makalapit sa'min.

Umatras sila papalayo at takot na takot. Nagbabalak silang tumakbo pero buti na lang at biglang may tumakbo na tanod.

"Manong, hulihin niyo 'yang dalawang 'yan. Kanina pa kami binabastos." naiinis kong sinabi.

Nadakip sila ng mga tanod at ang barangay na ang bahala sa kanila. All I can say is deserve nila 'yon. Walang mababastos kung walang bastos. Period.

Nang makarating kami sa simbahan, mga bandang 5:30 na ng umaga. Para ngang pinaka-exercise na namin ito. Pawisan na kami pagdating namin.

Habang naka-upo lang kami sa loob, parang may nakita ulit akong pamilyar na mukha. "Kiara?" banggit ko.

Agad siyang lumingon at tiningnan ako. "Daina? Ikaw ba 'yan? I'm so happy to see you napakatagal nating hindi nagkita.

Naalala ko ang sinabi ko noon kay Deisy tungkol kay Kiara.
"When we graduated highschool, hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaniya. Pinalipat pa kasi tayo ni Mama ng school. May hindi ka pa nga nalalaman sa kaniya eh.

Alam mo ba na pangarap niya na maging chef. Nangako kami sa isa't noon na magtratrabaho kami sa same restaurant. Noong sinubukan ko na hanapin ang kaniyang social media account, wala akong nakita dahil hindi ko man lang siya nakitang gumamit ng cellphone."

Agad akong natuwa. "Wait, Kiara ikaw talaga 'yan? Parang napaka-unlad mo na ah. Where have you been? Anong nangyari sa 'yo at nawalan kami ng balita? Tell me lahat-lahat. Kumusta ka, wala na kaming nabalitaan sa 'yo pagkatapos naming lumipat ng school. Sana naman hindi ka na nagtitinda ng mga snacks sa room noon para lang magkaroon ng pera."

"Well noong nagkahiwalay na tayo, nalungkot nga ako noon. Naging scholar ako sa malayong paaralan at doon ako nag-senior high school. Malapit na rin akong magcollege at ang kukunin kong course ay Culinary Arts. Gustong-gusto kong maging chef kagaya mo Daina.

At kaya ako sosyal ngayon kasi nanalo si Nanay sa lotto. 600,000 thousand lang pero nagawa niya itong palakihin. Nagkaroon kami ng business about sa ice cream and so far, pumatok sa masa. Ako 'yung nagtimpla nung ice cream at secret recipe ko 'to.

Dahil hiwalay na rin sina nanay at ng abusive kong ama since elementary. Nakahanap na rin si Mama ng asawa. Namatay ang dati niyang asawa at meron siyang babaeng anak kaya besties kami ngayon!"

'Di ba next month na ang pasukan and next month na rin ang birthday niyong dalawa. Ba't nga pala kayo nandito? I was just going to pray tapos nakita ko kayong dalawa. Tsaka bakit may mga bags kayong dala, galing ba kayo sa outing or what?" paliwanag ni Kiara.

"I don't think na makakapag-aral pa kami ngayon. Lumayas kami kay Mama dahil sawang-sawa na kaming makita si Tito Henry, ang boyfriend ni Mama. Kamamatay lang ni Papa last month pero may bago agad siyang pinalit. Hindi na nga nahiya si Tito Henry at gusto pa kaming siraan kay Mama para mapalayas kami.

At dahil do'n kaya kami nag-decide na lumayas. Actually marami pang hindi alam si Mama na nangyari sa 'min pero hindi na lang namin sinubukang sabihin. Hindi na nga rin namin alam kung saan kami titira, buti na lang at may alam si Ate Grace na pwede naming mapuntahan." sabi ko pa.

"Lumayas kayo? I can't believe na gagawin 'yan ni Tita Laura sa inyo after na mamatay ni Tito Rominick. Alam niyo, naalala ko pa noong pinatuloy niyo ako sa bahay niyo, napakabait ni Tito Rominick at tinuring talaga akong parang bisita." ani ni Kiara.

Naging mabait talaga si Papa kay Kiara. Hindi ko lang alam kay Mama kung bad mood talaga siya or ayaw niya talaga kay Kiara.

Flashback...

Nang malapit na ang aming graduation, inimbitahan namin si Kiara na pumunta sa amin para kumain ng dinner.

"Sino ba 'yang kaibigan niyo? Anak ba siya ng may-ari ng isang kompanya or 'di kaya naman galing sa isang mayamang pamilya? I would love to meet your-" naputol ang pagsasalita ni Mama nang makita ang medyo luma at masisira nang damit ni Kiara noong pumasok siya sa amin.

Nagpakilala siya. "Hello po, ako po si Kiara Buenavista. Kaibigan po ako nina Deisy at Daina. Alam niyo po ba na napakabait nila sa 'kin kaya naman sinusuklian ko ang kabaitan nila sa pagtuturo sa kanila ng mga lessons na hindi nila naintindihan."

Nakangiti lang kami nina Papa sa paligid pero ang mukha ni Mama, parang nakasimangot.

Bakas sa mukha ni Mama na ayaw niya si Kiara. "Bakit naman sira-sira na ang iyong uniform? Hindi ka man lang maka-afford ng maputi at magandang uniform."

Pinakalma ni Papa si Mama. "Laura, kaya nga pinapunta nina Deisy at Daina si Kiara dito dahil may sorpresa sila."

Agad naming kinuha ang sorpresa namin. "Sorry kung medyo late na at kung kailan malapit na ang graduation natin. Eto sana ang isoot mo sa graduation para hindi masayang ang ganda mo." sabi ni Deisy.

Parang ayaw pang tanggapin ito ni Kiara. "Bagong uniform? Maraming salamat pero sana hindi na kayo nag-abala. Kaya ko namang bumili ng sarili ko. May naipon na naman ako na pera sa mga itinitinda ko sa school."

"Kaya naman pala niyang bumili. My gosh bahala nga kayo d'yan. I can't eat dinner sa mga taong ganiyan. Tataas muna ako, may kailangan pa akong asikasuhin." umalis si Mama. Halatang-halata na ayaw niya si Kiara.

"Don't mind Laura. Medyo hindi lang siya good mood dahil natapunan siya kanina ng coffee sa office bago ang kaniyang meeting sa isang client. At alam niyo na na she need to cancel it dahil lang do'n. Gusto ko rin Kiara na makita mo ang mga paintings ko after dinner at ibibili ka rin nina Deisy at Daina ng sapatos." natutuwang sinabi ni Papa.

"Salamat po talaga Tito Rominick. Mukhang bad mood talaga si Tita Laura dahil sa mga nangyaring 'yon." dagdag ni Kiara.

"So hindi ba tayo kakain ng dinner? Nagugutom na ako at for sure ay nagutom na rin kayo. Nagtira rin kami para dadalhan mo mamaya si Tita Marlyn. So ano pang hinihintay niyo? Tara na't kumain na tayo!" natutuwa kong sinabi.

Pagkatapos naming kumain, nagpunta naman kami sa kwarto ni Papa kung saan naroon ang mga paintings niya.

Ipinaliwanag niya ang pinakauna niyang painting sa bahay na 'to. "Ito ang unang painting ko dito, 17 years ago noong pinagbubuntis pa lang kayo. Nainspired ako noon sa blue moon kaya ko 'to ginawa."

Namangha si Kiara. "Ang ganda naman po. Ang galing niyo po palang magpaint. Ang dami niyo po palang paintings dito. Para po siyang isang art gallery."

Napuno ng tawanan at kasiyahan ang gabing 'yon.

End of Flashback...

Biglang nagring ang cellphone ko. Si Ate Grace pala ang tumatawag. "Hello Daina, eh pasensiya na kasi mga 8:00 pa ako makararating. Maraming ginagawa dito sa bahay pero promise, ihahanap ko kayo ng murang apartment. Bumili na muna kayo ng agahan diyan."

"Ah sige po Ate Grace, naiintindihan naman po namin. Bibili na lang kami dito, masarap naman ang mga tinitinda dito. Oh sige mamaya na lang ulit, ipagpatuloy niyo na po ang trabaho niyo." sagot ko.

Binaba ko ang telepono.

"Is that Ate Grace? 'Yung kasambahay niyo? Ihahanap niya kayo ng bahay?" tanong ni Kiara.

"Yes, siya si Ate Grace and may alam daw siyang murang apartment pero maganda naman. Doon kami titira pansamantala hanggang sa magkaayos kami nina Mama." sagot ko.

"Bakit pa kayo maghahanap ng iba? Doon na lang kayo sa 'min. Maraming kwarto do'n and sure akong matutuwa si Mama na makita kayo. Matagal niya kayong namiss dahil kayo lang daw ang mayamang tao na walang kaarte-arte. Sabihan mo na lang si Ate Grace na nakahanap na kayo." sabi pa ni Kiara.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro