Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

"Anong Florentina? Flora hindi Florentina. Kakambal mo ba 'yung nasa kabilang upuan? Anong pangalan niyo? Gusto mong kumain muna tayo ng breakfast? Tumayo ka muna at sabihin mo sa 'kin ang nangyari sa inyo." sabi pa niya.

Tinitigan ko lang siya. Kamukha niya talaga si Florentina. Pero, narito na ako sa present! "Flora right? Ako si Daina at 'yung kakambal ko ay si Deisy. Bakit kami napadpad dito? Ah wala nagparty lang ako kagabi kaya kami napadpad dito."

"Ba't kayo basa? Hindi naman umulan kagabi? Gusto mo bang gisingin natin ang twin mo so that kumain tayo ng breakfast." dagdag pa niya.

Nilapitan namin si Deisy. "Deisy gising na. Nakabalik na tayo tsaka hindi ka ba nagugutom? Hooooy gising na!"

Nagising si Deisy na walang kaalam-alam at akala niya ay si Florentina ang kaharap niya. "F-Florentina? Diyos ko huwag mo na kaming multuhin nananahimik na kami dito at sana-" bigla kong tinakpan ang bibig niya.

"Si Flora 'yan hindi si Florentina. Magkamukha lang sila kasi isa siyang Lazaro, pwedeng apo nina Florentina. Nakabalik na tayo sa present kaya huwag ka nang magtaka kung may makikilala tayong Lazaro ang apelyido." bulong ko kay Deisy.

Nagpakilala si Flora kay Deisy. "Hi! I am Flora Lazaro and you're Deisy right? Kanina ko pa kayo ini-invite para kumain ng breakfast, hindi pa rin kayo sumasagot."

"Oo kakain kami ng breakfast nang sa gano'n ay mabusog kami." dahil na rin sa pagpunta namin sa, medyo naiba ang pananalita ko.

Bigla kong naalala ang kotse namin noong nagpunta kami dito. "Sandali lang, titingnan lang namin kung nandiyan ba 'yung kotse namin. Naiwan sa labas ng parking lot."

"Sa 6-Mix na tayo magbreakfast para malapit sa parking lot. Baka nga nandiyan pa ang kotse niyo." tugon ni Flora.

Naglakad kami pababa sa simbahan. Pumasok sina Deisy at Flora sa store habang ako'y nagpunta muna sa parking lot para tingnan kung naroon pa ang kotse. Wala na pala doon ang kotse.

Pumasok ako sa store.

"Oh anong update sa iyong car? Nariyan ba or baka naman napunta na sa mga magnanakaw?" tanong pa ni Flora.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na bigla na lang nawala ang kotse namin. Naisipan ko na lang magsinungaling. "Oh sorry Flora. Nalimutan kong wala nga pala kaming dalang kotse kay sa simbahan kami biglang natulog. Nagka-hangover lang siguro ako, medyo nahihilo pa nga rin ako."

"May bukas pa bang simbahan nang mga oras na 'yon kasi sa palagay ko, late night na kayong nakauwi." nagtatakang sinabi ni Flora.

"Ah bukas kasi ang simbahan na 'yan hanggang 8:00 PM so d'yan na lang kami biglang natulog. Parang may guard daw na nakakita sa 'min na natutulog sa labas ng simbahan kaya ipinasok niya kami. 'Yon ang natatandaan ko." sabi pa ni Deisy.

"Oh, my bad. Anyways, anong kakainin niyo for breakfast? Nagmamadali na kasi ako may kailangan pa akong puntahan. Do you have money? Ililibre ko na kayo. Sorry hindi ko pala kayo makakasabay ngayon. Just add me on Facebook and that would be great. May cellphone ba kayo? Kung wala tandaan niyo na lang ang pangalan ko, Flora Lazaro. Okay?" nagmamadali niyang sinabi.

Tumango lang kaming dalawa.

"Okay, guess I'll go now." naglapag siya ng pera sa mesa. Mga 1500 ang binigay niya at mukhang mayaman talaga siya. "Take the cash and buy your breakfast. Mamasahe na rin kayo pauwi. Basta aalis na 'ko. Okay bye!" lumabas siya sa store.

Tsaka pa lang namin pinag-usapan siya ni Deisy.

"Grabe rin pala ang pamilya Lazaro sa present 'no? Mayayaman din pala katulad natin." sabi pa ni Deisy.

"Sila mayaman talaga. Alam mo tayo, hindi tayo mapapagkamalang mayaman sa bihis nating 'to. Ang libag na ng damit natin siguro kailangan na rin nating umuwi. Do'n na rin tayo kumain. Ang baho na rin natin maligo tayo pag-uwi. Sure akong nawala tayo nang mahigit ilang buwan." sabi ko pa habang tinatanggal ko ang mga dumi sa damit ko.

I may seem okay pero sa totoo lang, may isang lalaki ang biglang pumasok sa isip ko. Walang iba kung hindi si Claudio. Naiisip ko na rin kung paano na ang buhay nina Aling Isabela.

Namasahe na lang kami. Sa jeep kami sumakay pauwi.

Naririnig ko na kaagad ang bunganga ni Mama habang sumisigaw sa mga kasambahay niya.

Agad kaming kumatok sa gate. "Ate Grace, pabuksan naman ng gate." sigaw namin ni Deisy.

"Ay ma'am Laura narito na po 'yung kambal niyo. Wait lang po Deisy at Daina." natutuwang sinabi ni Ate Grace.

Noong pumasok kami sa pinto, agad na nagalit si Mama. "Where have you two been? Aba kagabi pa kayo wala at hindi umuuwi. Ang akala ko'y manonood lang kayo ng blue moon pero inabot na kayo ng umaga bago makauwi. Kumain na muna kayo ng agahan niyo at pumasok na kayo sa kwarto niyo."

Habang kami'y kumakain, takang-taka kami kung bakit kagabi lang kami nawala. "Akala ko ilang buwan na tayong nawawala. Bakit parang kagabi lang tayo umalis para manood ng blue moon?" sabi ni Deisy.

"May idea ako na mabilis ang takbo ng oras sa past pero ang pinagtataka ko talaga, bakit tayo napunta sa past? I mean wala namang sense kung bakit tayo napunta do'n. Napakamysterious ng nangyari sa 'tin. What if panaginip lang pala ang lahat?" nagtataka kong sinabi.

"I don't think lahat ng nangyari ay isang panaginip rather, totoong nangyari sa 'tin ito. While tumakbong normal ang oras noong tayo ay nasa past, tumatakbo namang mabagal ang oras sa present. I mean, ang mahigit ilang oras lang sa present ang ilang buwang pananatili natin sa past. Ano kaya ang mga bagay na nabago natin noong nagpunta tayo sa past?" paliwanag ni Deisy.

"I think marami tayong nabago sa past. What if hindi makapag-asawa si Claudio nang dahil sa 'kin pero may naging asawa talaga siya kung hindi tayo nagpunta sa past? Maraming pwedeng mabago dahil sa pagpunta natin sa past." sabi ko pa.

"Wait I'll check my phone at baka may nagmessage." tumayo si Deisy pero bigla ulit siyang sumuka.

Agad ko siyang nilapitan. "Now I know na hindi pala talaga tayo nanaginip. Hanggang ngayon nasusuka ka pa rin."

"Yes, 'yan naman ang sinasabi ko sa 'yo." sagot ni Deisy.

"By the way dadaan ako sa grocery store para bumili ng lulutuin ko mamaya. Gusto ko sanang gumawa ng dinner para sa inyo ni Mama at bibili na rin ako ng napkins for my period. Ikaw? 'Di ba sabay tayong dinadatnan?" dagdag ko.

"Hindi pa kasi ako dinadatnan. Pero sige isabay mo na ako. Probably sa susunod pang ilang araw ako dadatnan." sagot niya.

***

Nang matapos kaming kumain, pinasok kami ni Mama sa kwarto.

"Care to explain, saan kayo galing kagabi pagkatapos nating mag-away at manood ng blue moon? Tandaan niyo na mama niyo pa rin ako."

"Nagpunta lang kami sa party ng isa naming friend at doon na rin kami natulog. Tsaka bakit po kayo nag-aalala sa 'min eh 'di ba wala na kayong paki-alam sa 'min?" sabi ni Deisy.

Naalala namin ang sinabi ni Mama.
"Bastos ka ring bata ka eh! Ano naman kung magkaroon ako ng boyfriend? Ano naman kung dito kami maglandian sa couch na favorite higaan ng ama mo?

Masama ba na magkaroon ng boyfriend? Masama ba na humiga dito sa couch at maglandian? Ano? Ano bang masama sa ginagawa namin? 'Di ba wala? Wala! Tsaka anong paki-alam mo? Alam mo, wala na akong pake sa 'yo bwisit kang bata ka! Bahala ka sa buhay mo!"

"Sinabi ko lang naman 'yon sa 'yo dahil sumosobra ka na kagabi. Kung pinabayaan mo na sana kami ni Henry na maglandian sa couch, eh 'di sana wala nang gulo. Eh ikaw namang bata ka, Deisy, kung ano-anong sinasabi mo my gosh!" sumbat pa ni Mama.

"Eh ikaw naman kasi Mama, pwede naman kasi talaga kayong sa kwarto maglandian. Sa living room po kayo naglalandian. Nakita pa nga namin kayong naghahalikan at muntikan na kayong maghubad!" sabi ko pa.

"Bakit ba binabalikan natin ang issue na 'yan? Sana kagabi niyo pa sinabi! Balik nga tayo hindi niyo pag-uwi. Oh sige, sinong kaibigan 'yung pinuntahan niyo? Sige nga, sino? Baka may ibang ginagawa kayong hindi ko alam at nagsisinungaling lang kayo. Sino?!" sigaw ni Mama.

"Kahit sabihin pa namin, hindi niyo pa rin po siya makikilala. Eh teka lang, bakit po nawala ang kotse?" tanong pa ni Deisy.

"Pinasundo ko sa driver niyo. Buti na lang at dalawa ang susi ng kotse niyo. Buti na lang at na kay Kuya Freddy ang isang susi! Sige nga, kung galing kayo sa party, bakit hindi niyo dala ang kotse niyo? Saan ba talaga kayo nagpunta?" nagagalit na sinabi ni Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro