20
Ilang minuto ang lumipas, sinabi ni Donya Priscilla na kumain na kami. Marami ring magsasaka ang dumalo pero karamihan ay umuwi agad pagkatapos kumain dahil nga may mga trabaho pa sila bukas.
Pachill-chill lang ako pagkatapos kumain. Nainis nga lang ako kay Claudio dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa 'kin.
Akala ko, kaunting salo-salo lang ang magaganap nang biglang may lalaki at babae na may hawak na gitara at nagsimulang kumanta.
"Tumayo tayong lahat at sumabay sa awitin. Nais kong magsaya tayong lahat bago umuwi. Sumayaw na tayong lahat!" sigaw ni Diego.
Hinila ni Crisanto si Deisy. Parang agad siyang pumayag.
Hiniwakan at hinila ni Claudio ang kamay ko. "Amoracia, nais kong makasama ka sa pagsasayaw. Sabayan natin ang musika."
Nainis na naman ako. Nagpumiglas ako at nabitawan niya ako. Nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya at nagkrus ang mga braso ko. "Ano ba Claudio? Parte ba 'to ng panliligaw mo sa 'kin? Kailan mo ba ako lulubayan? Sinabing hindi mo 'ko pwedeng mahalin dahil nga hindi ako nabibilang dito. Ano ka ba?"
Hinawakan ulit ni Claudio ang kamay ko. "Kapag pinagbigyan mo ang aking hiling, titigilan ko na ang panliligaw ko sa iyo. Ako'y nangangako at titigilan ko na talaga. Nais lamang kitang makasama sa pagsayaw at wala nang iba."
"Paano kung hindi mo 'to nasunod? Paano kung liligawan mo ulit ako? Huwag ako Claudio, may mga pangako ka kayang hindi mo natupad." nagtataray kong sinabi.
Pinilit pa rin ako ni Claudio. "Kapag niligawan kita ulit, maaari mong ipagawa ang lahat ng nanaisin mo. Maaari mo akong utusan na buhatin kita sa loob ng isang araw. Maaari mong sabihin sa 'kin na bumili ng pinakamahal na dyamante sa buong kalawakan. Lahat ay gagawin ko para sa 'yo Amoracia."
Pumayag na ako. "Sige, tatandaan ko ang mga sinabi mo. Pwede na tayong sumayaw sa isang kondisyon."
Tinanong niya ako. "Anong kondisyon na naman?"
"Huwag na nga, wala nang kondisyon. Sumayaw na tayo pero hindi ako masyadong marunong. Baka maapakan ko pa 'yung paa mo." sabi ko pa.
Nagsimula kaming sumayaw. Para lang kaming sumasayaw ng folk dance noong elementary.
Sa bawat hakbang ng pagsayaw namin, parang tumitigil ang ikot ng mundo. Mahigpit ang hawak ng aming mga kamay na parang hindi na kami bibitaw. Ang pagkainis ko kay Claudio ay napalitan ng tuwa.
Hindi ko napigilang maluha at matuwa nang sabay habang nakatitig kay Claudio habang nakahawak ako sa kaniyang balikat at nakahawak siya sa baywang ko.
Doon ko narealize na may nararamdaman ako kay Claudio pero huli na ang lahat dahil sinabi ko na sa kaniya na hindi na niya ako pwedeng ligawan.
Natapos kaming sumayaw na may ngiti sa 'ming mga mukha. Parang ayaw na naming matapos ang mga sandaling 'to.
"Nasiyahan ka ba? Kasi ako, umaabot sa buwan ang galak na makasama ka sa aking pagsayaw." sabi ni Claudio.
"Nasiyahan ako pero kaunti lang. Nakahihiya kaya kanina kasi pinagtitinginan tayo nina Deisy. Buti nga walang sumigaw kanina at nagsabing Yiiiieeee o 'di kaya'y nakakakilig." sabi ko pa.
Biglang sumigaw si Deisy. "Mabuhay ang bagong love team ng taon! Claudio at Amoracia!"
Agad akong tumakbo at nilapitan si Deisy. "Eh paano kung sabihin ko sa kanila na sinagot mo si Crisanto at may relasyon na kayo?"
"Sige subukan mong sabihin, hindi ako natatakot." nagmamatapang na sinabi ni Deisy.
"Alam niyo ba na sinagot na ni Amelita si Crisanto." sigaw ko.
Tinakpan ni Deisy ang bibig ko. "Talagang sinusubukan mo ako. Tumigil ka na kasi!" bulong niya.
"Hindi po totoo ang sinasabi ng kambal ko. Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan. Tuksuhan lang po 'yung mga pinagsasabi namin." dagdag ni Deisy.
Napatawa si Donya Priscilla. "Nakakatuwa talaga kayong dalawa! Oh paano? Tapos na ang sayawan, maaari na tayong uminom ng alak! Mamahalin ito at galing pa sa malayong lugar."
"Kung gano'n ay uuwi na rin kami ni Amoracia. Ako'y nagagalak at nagkita po tayong muli, Donya Priscilla. Oy kayong apat, mag-iingat kayo! Huwag magpakalasing." sabi pa ni Aling Isabela.
Umalis kami ni Aling Isabela sa mansion. Wala akong kinikibo at tahimik lamang ako habang naglalakad kami pauwi.
Nag-alala si Aling Isabela. "Amoracia, ano ang dinaramdam mo? Maayos ba ang iyong pakiramdam? Nais mo bang ipaglaga kita ng halamang-gamot? Kukuha na ako ngayon kung iyong nanaisin."
"Hindi uhm 'wag na po. Maayos naman ang pakiramdam ko. Masama lang po 'yung kutob ko na baka may mangyaring masama sa kanila." tugon ko.
Pinakalma ako ni Aling Isabela. "Hindi 'yan magkakatotoo, hinding-hindi."
"Pero paano po kung magkatotoo?" nagtatakot kong tanong.
"Huwag mong isipin ang mga ganiyang bagay. Walang masamang mangyayari sa kanila. Ganito na lang, bago ka matulog ay manalangin ka para sa kanilang kaligtasan." paliwanag ni Aling Isabela.
Naging kampante at kalma na lang ako. Kinilig lang siguro ako kay Claudio kaya masyado akong nag-overthink.
"Kumusta naman ang pagsasayaw niyo ni Claudio? Nakaramdam ka ba ng kaunting pagmamahal?" nagbibirong tanong ni Aling Isabela.
"Kaya lang naman po ako pumayag na makipagsayaw sa kaniya ay dahil sinabi niya na titigilan niya na ang panliligaw niya." sagot ko.
"Alam mo ba na parang ganiyan ang asawa ko sa 'kin. Kung hindi mo maitatanong ay hindi ko nais na ligawan niya ako ngunit ginawa pa rin niya. Sa huli ay naibigay ko sa kaniya ang matamis kong oo at humantong na ito sa simbahan." paliwanag pa ni Aling Isabela.
"Kwes, hinding-hindi mangyayari 'yon sa amin ni Claudio. Isa pa po Aling Isabela, hindi nga kami taga-rito. 'Di ba sinabi ko na sa inyo 'yung magic na hindi mawariang nagdala sa amin dito." sabi ko pa.
***
Kinabukasan umuwi na lang sila bandang umaga.
Mukha pang nahihilo silang lahat noong dumeretso sila sa carinderia. Agad namin silang inalalayan paupo.
Pinagsabihan ko kaagad sila. "Kumusta naman ang alak Deisy? Masarap ba 'yung alak na ininom niyo? Alam niyo ba na alalang-alala kami ni Aling Isabela sa inyong lahat kahihintay dahil akala namin ay sandali lang kayo. Hindi naman namin lubos na inakala na uumagahin pala kayo. Mabuti na nga lang at nasa mansion kayo nina Donya Priscilla.
Kayo Cordero, Claudio, Crisanto at Florentina, hindi niyo man lang ba naisip ang nanay niyo na mag-aalala buong gabi na parang hindi na makatulog. Sige, kayo rin, hindi kayo nagpaalam na uumagahin kayo."
"Ang sarap naman ng pagkain natin ngayong umaga, mga itinuturong aral ni Amoracia. Hindi ba maaaring pakainin niyo muna kami bago niyo kami pagsabihan ng kung ano-ano. Ako'y gutom na gutom na." sabi pa ni Cordero.
"Oy oy oy kayo, tama naman si Amoracia na pagsabihan kayo. Totoong alalang-alala ako sa inyo kagabi." ani ni Aling Isabela.
Nakita ko si Claudio na sumandok ng kanin. "Hoy Claudio, anong ginagawa mo?" tanong ko.
Sumagot siya. "Sumasandok ng makakain. Hindi niyo pa kami pinaghahain ng pagkain sapagkat nauna niyo pang ihain ang mga bunganga niyo."
"Aba bastos 'to ah!" naiinis kong sinabi.
"Kumain na nga lang tayo. Sumasakit ang ulo ko grabe." sabi pa ni Deisy.
Nilapitan ko si Deisy. "Okay ka lang ba talaga?"
"Kung hindi niyo itatanong ay alam niyo ba na si Amelita ang may pinakamaraming nainom na alak kaya siya ngayon ang hilong-hilo." sabi ni Florentina.
Pinaghain na muna namin sila para makakain na.
Napansin ko lang na tahimik si Crisanto. Wala siyang kibo at nakatulala lang. Medyo kakaiba rin ang mga kinikilos niya na parang may ginawa siyang mali. Hinayaan ko na lang siya at baka may problema lang siya.
Makalipas ang dalawang linggo...
Naging gawi na namin ang pagtitinda kasama si Aling Isabela sa carinderia. Sa katunayan, nabayaran na namin ang mga utang namin kina Donya Priscilla. Ilang linggo na ring hindi umuuwi si Diego dahil nasa Maynila siya para mag-aral.
Si Florentina naman ay nakahanap na ng bagong trabaho. Naging maid siya sa bahay nina Donya Priscilla kaya kami na lang ang nakakasama ni Aling Isabela sa carinderia ngayon.
Tinigilan na rin ni Crisanto ang panliligaw niya kay Deisy. Atleast nawalan na ng mga problema ngayon kung sakaling babalik na kami sa past. Hindi na rin kami nagkaroon ng malalim na koneksiyon ni Claudio. Nag-iiwasan na kami para sa ikabubuti namin.
Walang nabago sa samahan namin kahit na noong nalaman nila na hindi kami nabibilang sa panahon na ito. Parang mapayapa na ang buhay namin dito sa past. Parang happy ending na 'to ng aming kwento.
Pero ang totoo, may namumuong bagong pagsubok.
Didilim ang masasayang ala-ala, bubuhos ang maraming problema, guguho ang maraming pag-asa, at babahain kami ng luha na hindi namin inaakala. Parang mababago ang lahat na parang may nagbabadyang panganib na darating sa buhay namin.
Lahat kami ay nasa loob lang ng bahay. Nagsisimulang lumakas ang hangin.
"Tila nagdidilim ang kalangitan. Nangangahulugan ba itong uulan ngayon?" sigaw ni Florentina.
"Hindi maganda ang panahon ngayon. Tila may nagbabadyang panganib. Kung sakaling may mangyayaring kakaiba ay dapat tayong maging handa. Kailangan nating maging matatag at kailangan nating magkaroon ng tiwala sa isa't-isa." sabi pa ni Cordero.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro