Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2




"Deisy! Sumakay ka na nga sa kotse!" sigaw ko sa kaniya. Bahagya na rin akong naiinip kasi medyo mabagal talaga siyang kumilos, para bang walang nangyari kanina.

"Wait lang Daina! Kukunin ko lang yung telescope." sagot niya. Bahagya siyang nataranta nang maalala 'yon.

"Narito na telescope! Bumaba ka na kasi!" matagal talagang magbihis si Deisy. Gusto niya rin na elegante ang mga sinosoot niya sa tuwing may mga simpleng events katulad nito. Makinang-kinang pa talaga ang shirt na soot niya.

Noong bumaba na si Deisy, sumakay na kami sa kotse. Wala kaming driver ngayon kaya ako na lang ang nagmaneho.

Noong makarating kami sa simbahan, marami-rami na rin ang mga taong nag-aabang sa once in a lifetime na event na 'to particularly sa mga mahilig sa astronomy.

Maganda ang disenyo ng simbahan dito dahil medyo pataas ito at hindi maraming puno. Maganda talaga para magview ng mga events na ganito.

"Deisy, ikaw na magdala ng telescope. Hahanap lang ako ng lugar kung saan pwedeng i-park ang kotse." sabi ko kay Deisy.

Bumaba si Deisy ng sasakyan dala-dala ang telescope. Ako naman, naghanap na ng lugar kung saan ko ipapark ang kotse. Medyo kakaunti kasi ang lugar na pwedeng magpark.

After few minutes nakahanap na ako ng lugar. Bahagyang madilim at nakakatakot nga lang dahil ako lang mag-isa narito. Hanggang sa isang kotse ang dumating at natakot ako kaya hindi muna ako bumaba.

Isang lalaki ang bumaba sa kotse. Kumatok siya sa bintana. Tumirik ang mga balahibo ko at nanlaki ang mga mata ko. Nakahoodie pa talaga ang lalaki at parang may bubunutin talaga sa bulsa niya. Umiwas ako ng tingin.

"Miss, alam mo ba kung nasaan ang simbahan dito?" tanong niya.

Nang marinig ko ang tunay na dahilan, binuksan ko na ang bintana ng kotse. "Huwag mo akong nanakawan! Nagmamakaawa ako sa 'yo."

"Saan nga yung simbahan dito? Gusto ko sanang makita ang blue moon ngayong gabi. Please ituro mo na lang, wala akong gagawing masama sa 'yo." mahinahon niyang sinabi. Nakahinga ako nang maluwag at doon ko rin nakita ang mukha niyang medyo gwapo. Hays!

Tinuro ko sa kaniya ang direksiyon. "D-diyan sa may pataas, dumeretso ka lang d'yan. Makikita mo ang simbahan."

Noong nakalayo-layo na siya, tsaka pa lang ako bumaba sa kotse at dumeretso sa simbahan dala-dala ang mabigat na telescope.

Sinalubong agad ako ni Deisy. Mukhang nainis siya sa 'kin. "Bakit ba napakatagal mo? Nagpunta ka pa bang America para lang humanap ng parking lot? Kabwisit ka naman eh! Tingnan mo yung buwan, natakpan na ng ulap."

Ipinaliwanag ko sa kaniya nangyari. "May lalaki kasing nagtanong sa 'kin papuntang simbahan. Akala ko masamang tao kaya hinintay ko munang makalayo siya bago ako magpunta dito."

Biglang nagsigawan ang mga tao. "Oh my gooooosh! WOOOOOOH! Wala na yung ulap! Makikita na ulit natin ang blue moon!"

"Daina, yung telescope!" natutuwa niyang sinabi.

Nai-setup ko ang telescope. Agad kaming naghati para makita namin pareho ang blue moon. Hindi man visible sa naked eye, nakikita naman namin 'to sa telescope.

"Naalala mo nung tayong tatlo nina Papa ang nakatayo dito at tumitingin sa buwan? Parang pinakabonding na natin 'yun. Wish ko lang talaga, hindi na lang namatay si Papa." biglang napatingin sa'kin si Deisy nang may maluha-luhang mata.

Mangiyak-iyak na rin ako nang maalala ang mga masasayang ala-ala naming tatlo nina Papa. "Ano ba, pinapaiyak mo lang din ako! We were supposed to be happy dahil blue moon ngayon. Last time na nakita natin 'to was two years ago! Stop making me cry!"

"If papa was he, everything could be better. We would have been happier, stronger, and be like a family. Pero things get complicated nang mawala siya kaya sana narito na lang siya." napilitan siyang ngumiti. Malapit na ring tumulo ang luha niya pero kahit gano'n, puno pa rin ng galak ang puso niya kasi may blue moon ngayon.

Dama ko kay Deisy ang kalungkutan niya. This was the worst and saddest time na nakita namin blue moon. Before, ang saya namin pero ngayon wala na, nawala ang saya. Wala na ang kasiyahan namin eh, si papa.

"Nakakapanghinayang Deisy, nakakalungkot talaga. Pwede namang mamatay na lang yung mga kriminal, mga corrupt na politicians, basta mga masasamang tao. Bakit si Papa pa ang nawala sa mundo?" nanghihina kong sinabi habang napapahinga nang malalim. Wala akong magawa para mapigilan ang unti-unti kong pagluha.

"Wala eh, wala na tayong magagawa. Kailangan na lang natin maging matatag. Tayo na lang dalawa ang magkasangga, bahala si Mama sa buhay niya. Yakapin na nga lang kita." Deisy hugged me tightly while we watch the blue moon.

Natigil ang pag-iyak ko nang makaramdam ako ng gutom. "Deisy, nagugutom ako. Saan may malapit na convenience store dito?" sabi ko pa.

Tinuro ni Deisy ang direksiyon. "Bumaba ka lang ng simbahan. May makikita kang tindahan doon. Anong bibilhin mo?"

"Anything na mabibili doon. Cup noodles, hotdogs etc. Basta nagugutom ako." sagot ko kay Deisy.

"Sige ako rin ibili mo ng kahit ano. Maganda yung mainit na kasi nilalamig na rin ako dito." Deisy added.

So nagpunta ako sa sinabi ni Deisy na tindahan. Napalitan na lang ng gutom ang kalungkutan namin!

"6 Mix Store? Mukhang masarap ang hotdogs dito. Nakakagutom!" agad akong pumasok sa loob nang masaya.

Dumeretso agad ako sa cashier. "Miss may hotdog pa po kayo?"

Sumagot ang kahera. "Ma'am sorry pero naubos na po. Maraming bumili kanina pagkatapos ng mass sa simbahan."

Nakita ko rin ang lalaking nagtanong sa akin kung nasaan ang simbahan. "Tatlo nga pong cup noodles. Palagyan na rin po ng mainit na tubig." ani ng lalaki. Pero infareness, maganda mga ngiti niya.

"Baka sinusundan na niya ako. Ano kayang kailangan niya sa 'kin? Bwisit talaga." bulong ko sa sarili ko.

"Ano po 'yon ma'am? May sinasabi kayo?" tanong ng kahera.

"Uhm wala, cup noodles na lang dalawa. Yung spicy seafood kasi napakalamig sa labas. Tsaka tubig at isang maliit na gatas." tugon ko.

Dinala ko ang cup noodles na may mainit na tubig pataas ng simbahan. Ang sakit sa kamay!

Binigay ko kay Deisy ang cup noodles niya. "Oh kumain na tayo, gutom na 'ko."

Nagreklamo si Deisy. "Napakaspicy naman nito! Ang hanghang! Bakit mo naman binili ang spicy flavor, alam mo namang ayaw ko sa mga mahanghang na pagkain."

Ibinigay ko sa kaniya ang tubig at gatas. "Oh tubig tsaka gatas. Kaya kita binilhan niyan, para naman matikman mo yung ilang mga lutong Pinoy katulad ng Bicol Express, Sisig at mga pagkain na mahanghang. Adobo nga may sili eh!"

Tinukso niya ako. "Wala kang magagawa kung ayaw ko sa spicy foods. Atleast, sa akin mapupunta ang kompanya."

"Hindi ka sure Deisy! Kung gusto na ni Mama na ibigay at ipagkatiwala ang kompanya pero sa tingin ko, hindi muna kasi madamot si Mama! HAHAHAHHA" pagbibiro ko sa kaniya.

"Hoy grabe ka talaga! Hindi naman makasarili si Mama!" naiinis niyang sinabi.

"Ba't kanina sinabi mong makasarili siya tapos ngayong tungkol sa kompanya pinag-uusapan ganiyan mga sinasabi mo! Grabe ka Deisy! Joke!" nagtawanan lang kaming dalawa habang kumakain at tumitingin sa blue moon.

Mga 9:30 PM, nagpunta muna kami sa loob ng simbahan para magdasal bago magsara. Nakatabi na rin sa kotse ang mga gamit na ginamit namin kanina.

"Lord, maraming salamat sa mga blessings. We really appreciate lahat ng 'yon. Sorry kung naging pasaway kami ni Deisy at suwail na anak. Patawarin niyo rin kami kung nagalit kami kay Mama kanina." sinundan ni Deisy ang pagdarasal ko.

"Sorry rin po kung sinagot ko si Mama. Patawarin niyo na lang din po kaming dalawa sa mali naming ginawa. Amen."

Nagsign of the cross na kaming dalawa.

"Deisy, dala mo ba ang cellphone mo?" tanong ko sa kaniya.

"Naiwan ko sa bahay! Hayaan mo na, uuwi na rin tayo mamaya. Ikaw dala mo ba?" tugon niya.

"Naiwan ko rin ang akin." sagot ko.

Inaya na ako ni Deisy paalis ng simbahan. "Tara na Daina, it's getting late baka mapagalitan pa tayo ni Mama."

We surely enjoyed seeing the blue moon this night. Kahit hindi namin kasama si Papa, inisip ko na lang na kasabay namin siyang tumatanaw sa asul na buwan.

Isang liwanang na asul ang kuminang sa buwan na nasinagan ko. Bahagya kaming nasilaw ni Deisy na naging dahilan ng unti-unti naming pagkahilo. Nagkahiwalay kami ni Deisy ng upuan sa magkabilang panig ng simbahan. Doon kami ay bigla na lang nahilo at natumba.

Nagising na lang kaming nakahiga sa upuan ng simbahan. Nagtataka kung bakit kami narito pa rin.

May isang babae na kakaiba ang damit ang lumapit sa 'kin. "Binibini? Ayos ka lang?" tanong niya sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro