16
Kinabukasan, naghanda kami para sa pagdating ng anak ni Donya Priscilla San Juan na si Diego. Nagmadali kaming mag-ayos at magpaganda. Nagsuot kami ng pinakamagandang damit na makikita namin sa bahay nina Aling Isabela dahil parang prinsipe ang makakaharap namin.
Nag-antay lang kami sa labas ng bahay, nagbabaka-sakaling dumating na si Diego. Imbis na si Diego ang dumating, isang babae ang lumapit sa 'min.
"Paumanhin kung ngayon lang nasabi ni Don Diego na hindi siya makakarating ngayon." sabi ng babae.
Sumimangot ang mga pagmumukha namin. "Paasa naman pala 'yang Don Diego na 'yan. Kabwisit." bulong ni Deisy.
"Ngunit huwag kayong mag-alala sapagkat nais niya kayong magtungo sa kanilang tahanan. Nais din niya na doon niyo mismo lutuin ang adobo. Sasamahan ko kayo patungo doon." dagdag ng babae.
Ang nakasimangot naming mga mukha ay napalitan ng ngiti hanggang tenga. Pagkatapos naming mag-ayos-ayos, sinamahan na kami ng babae papunta sa bahay nina Don Diego.
Hindi man kalakihan ang bahay nila, halatang-halata naman na maunlad sila sa buhay dahil sa disenyo nito. Hitik na hitik sa disenyo ang bahay nila at napapaligiran pa 'to ng mga magagandang halaman.
[[CTTO]]
Agad kaming sinalubong nina Donya Priscilla at ang asawa niya.
Hindi ko pa alam ang pangalan kaya itinanong ko 'to kay Aling Isabela. "Ano nga po palang pangalan ni Ginoong San Juan?"
"Graciano San Juan ang ngalan niya. Maaari mo siyang tawagin bilang si Don Graciano o Ginoong San Juan." sagot ni Aling Isabela.
Noong pumasok kami, trinato nila kami na parang sosyal at mayayamang bisita. "Magandang Araw, sa inyong lahat. Nasasabik na si Diego na makilala kayong lahat, lalong-lalo na si Amelita na may masiyahing katangian. Kayo ay tumuloy sa pamamahay namin sapagkat ngayong araw, kayo ang aming mga panauhin." sabi ni Donya Priscilla.
Napangiti agad si Don Graciano sa pagdating namin. Agad siyang napatanong kay Donya Priscilla. "Mahal ko, sino d'yan si Amelita? Ako'y nalilito sapagkat tila wala silang pagkakaiba."
Binati agad nila Aling Isabela at Florentina. "Magandang araw sa inyo, Don Graciano at Donya Priscilla."
Agad naman kaming nagpakilala. "Magandang araw po sa inyong lahat! Ako po si Amoracia Cruzana. Kung kayo po'y nalilito, mas matangkad po ako ng kaunti kaysa sa kakambal ko."
Nagpakilala rin si Deisy kay Don Graciano. "Ako po si Amelita Cruzana. Sabi po nila ay may kasungitan po akong dala pero joker or mapagbiro daw ako. 'Yung isa pang pagkakaiba namin ay mas marami akong pimples kasi ako po 'yung mas naii-stress sa aming dalawa kaya po-"
Pinutol ko ang pagsasalita ni Deisy. "Deisy tumahimik ka na, marami ka nang mga salitang nasasabi na hindi nila naiintindihan." bulong ko sa kaniya.
Napangiti si Don Graciano. "Nakakatuwa talaga itong si Amelita. Kayo'y pumasok na sa aming tahanan. Ilang sandali na lamang at makikilala na kayo ng aming anak na si Diego."
Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Napakaraming mga gamit at napakalinis. Para kang nasa loob ng isang museum.
[[CTTO]]
Pinaupo kami ni Don Graciano. "Dito muna kayo, tatawagin ko si Diego upang kayo'y makilala."
Kinausap kami ni Donya Priscilla. "Kumusta na ang pamumuhay niyo? Siguro naman ay nabalitaan niyo na sa aming bukirin na nagtra-trabaho sina Cordero, Claudio at Crisanto. Sila raw ay masisipag sa trabaho nila ayon sa kanilang mga kasamahan."
Napangiti si Aling Isabela sa narinig niya. "Ako'y natutuwa sa inyong ibinalita Donya Priscilla. Kung hindi niyo po maitatanong, dati ay napatalsik sila sa trabaho dahil sa kanilang mga katamaran ngunit ngayon ay masisipag na sila."
Natuwa rin si Donya Priscilla. "Kung gano'n ay malaki na pala ang kanilang ipinagbago. Ngunit bakit sila biglang nagbago? Ano ang dahilan?"
Hinawakan ni Aling Isabela ako at si Deisy sa balikat at ngumiti. "Silang kambal ang bumago sa katauhan ng tatlo. Kung ano-ano ang ginawa nilang pag-aaway ngunit sa huli, ang mga anak ko pa rin ang humingi ng tawad."
Ilang minuto ang lumipas, may narinig na kami na boses ng lalaki. Maangas siyang magsalita. "Makikilala ko na talaga sina Amelita at ang kakambal niya?"
Noong pumasok siya, alam ko na agad na si Don Diego 'yon. Matangos ang ilong, maputi, at mayaman syempre.
Ipinakilala siya ni Don Graciano. "Siya ang aking anak. Siya si Diego Ponce San Juan, ang aking tagapagmana."
Biglang tinitigan ni Don Diego si Deisy. Umiwas naman siya ng tingin.
"Siya ba si Amelita? Kay ganda niyang babae." sabi ni Don Diego.
Hiyang-hiya si Deisy dahil binibigyan siya ng compliment ng isang mayamang lalaki pero kung tutuusin, mayaman din naman kami sa present.
Binulungan ko si Deisy. "Hoy! 'Wag ka ngang mahiya d'yan! Mayaman din naman tayo ah! We have something called 'Standards' kaya kung magkakagusto siya sa 'yo, hayaan mo!"
"Wow, magkakagusto agad siya sa 'kin? Spoiler ka sa buhay ko Daina? Mas nauuna ka kaysa sa kaniya!" sabi pa ni Deisy.
Binati agad namin si Don Diego. "Magandang Araw po Don Diego!"
"Maganda na talaga ang araw ko sapagkat nasilayan ko ang napakagandang mukha ni Amelita. Siya lang ang aking kailangan upang maging kompleto ang araw ko." sabi pa ni Don Diego.
Nahiya rin si Don Graciano. "Anak, hindi ba't masyadong mabilis ang ginawa mo? Tila nais mo na yata siyang ligawan."
"Hindi ba maaaring pinupuri ko lamang siya? Hindi ko pa nga nalalaman ang tunay niyang pagkatao." -Don Diego.
"Alam mo anak, si Amelita ay nakakatuwa lamang kapag mayroon siyang kaaway. Hindi ba't sinabi ko na 'yan sa 'yo?" -Donya Priscilla.
Tumayo si Aling Isabela. "Ang mabuti pa'y ipagluluto ko muna kayo ng adobo. Hindi po ba't sinabi niyo na dito niyo na ipaluluto ang adobo?"
Natulala si Don Graciano at parang may inaalala. "Sinabi ko ba 'yon? Sinabi ko nga pala sa isa nating tauhan. Nakahanda na ang mga kasangkapan sa kusina. Maaari na kayong magluto."
"Ang isasama ko lamang ay si Amoracia, maiiwan sina Florentina at Amelita. Nais kong patawanin kayo ni Amelita at Florentina." sabi pa ni Aling Isabela.
Nagpunta kami sa kusina para lutuin ang adobo pero kahit na malayo kami, naririnig ko pa rin ang maingay na boses ni Deisy. Kumakanta siya ng kung ano-ano at hindi mawariang mga kanta. Naririnig din namin ang halakhakan nilang lahat.
Noong natapos na naming lutuin ang adobo, naihanda na namin ito at dinalhan na sina Ginoo at Ginang San Juan at para ipatikim na kay Don Diego.
"Kami po ay mapalad sapagkat ipinagluto namin ngayon ang isa sa pinakamayamang pamilya sa ating bayan. Kami po ay nagpapasalamat sa inyo sa mga tulong na ginawa niyo para sa aming pamilya." sabi pa ni Aling Isabela.
"Siya nga po pala Aling Isabela may nais akong tanungin. May kasintahan na po ba si Amelita?" tanong ni Don Diego.
Sinaway siya ni Donya Priscilla. "Diego, hindi ba't sinabi ng ama mo na huwag ka munang manliligaw sa kaniya? Huwag kang gagawa ng kahihiyan sa ating pamilya."
"Wala pa po akong kasintahan at hindi pa po ako handa na magkaroon ng kasintahan. Gusto ko po munang makabalik sa present este gusto ko pong umunlad sa buhay bago po mag-asawa." sabi pa ni Deisy.
"Kumain na muna po kayo at tikman ang adobo na niluto ni Ina at ni Amoracia. Tiyak na masisiglahan kayong tatlo sapagkat napakasarap niyan." -Florentina.
***
Hapon na rin noong maka-uwi kami dahil napasarap ang kwentuhan namin. Pagkatapos ngang kumain ni Diego, agad na lamang siyang umalis ng bahay. Si Deisy naman, parang nabwisit rin kay Don Diego. Parang gusto kasing ligawan ni Don Diego si Deisy. So far, wala namang naging problema dahil nga ayos na kaming lahat.
Naging masaya sina Don Graciano at Donya Priscilla sa 'min, lalong-lalo na kay Deisy. Napakasaya talaga ng bonding namin sa kanila.
Nauna pa palang maka-uwi ang triplets kaysa sa 'min.
Nagsungit agad si Claudio. "Nasaan ang ating kakainin? Wala man lang dito sa lamesa."
Tinarayan ko si Claudio. "Napakademanding mo na naman Claudio. Akala ko ba hindi ka na magiging ganiyan? Sino kaya 'tong lalaking humingi daw ng tawad pero hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago?"
"Biro lang sinasabi ko Amoracia. Kumusta nga pala ang pagbisita ni Don Diego dito? Ay hindi pala. Kumusta ang pagbisita niyo kay Don Diego? HAHAHA." -Claudio.
Hinampas ko siya sa braso nang napakalakas. "Hindi nakakatuwa Claudio. Gusto mong bugbugin kita? Akala mo kung sinong joker."
Pinagsabihan na naman kami ni Aling Isabela. "Mag-aaway na naman kayo hindi ba? Mauuwi na naman ito sa sakitan dahil sa inyong hindi pagkakaunawaan."
"Hindi ko rin mawarian sa kanila ina kung bakit lagi silang nag-aaway kahit na nagkapatawaran naman. Ako'y tataas muna sapagkat may nalimutan akong linisin kanina." sabi pa ni Florentina.
"Tataas na rin muna kami ni Amoracia. Magbibihis lang kami." banggit ni Deisy.
Hahakbang na kami ng hagdan pero lumapit si Crisanto. "Sandali lamang, may kailangan akong sabihin at ito'y mahalaga lalong-lalo na kay Amelita."
"Ano 'yon?" tanong ni Deisy.
Hinawakan ni Crisanto ang mga balikat ni Deisy at biglang hinalikan sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro