Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

Noong naisara ni Florentina ang pinto, tsaka naglabas ng galit si Claudio. "Nakita mo na Amelita? Nang dahil sa 'yo, mawawalan pa kami ng tahanan! At nang dahil sa 'yo, saan na kami kukuha ng ipangkakain?"

"Wala ngang kasalanan si Amelita. Bakit ba ganiyan ang paraan ng pagtrato mo sa kaniya? Lagi mo na lamang kinagagalitan sina Amoracia at Amelita? Kung maaari ba, idaan natin sa maayos na usapan. Lagi na lang sigawan ang nangyayari. Hindi ba maaaring kumalma tayong lahat? Ayusin niyo naman sana ang ugali niyo!" sabi pa ni Florentina.

Nararamdaman namin Deisy na kami ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang pamilya Lazaro. Baka nga nagdadagdag kami ng problema sa kanila.

Nanahimik ang lahat. Nagkaroon ng katahimikan dahil siguro, napag-iisip na rin ni Claudio na mali siya, na mali ang ginagawa niyang paninisi kay Deisy. Kung tutuusin, wala naman talagang may gusto sa nangyari.

Ilang minuto ang lumipas, dumating si Aling Isabela. "Aalis na tayo sa bahay na 'to sa lalong madaling panahon. Tayo na lang ay magpasalamat dahil binigyan tayo ng dalawang araw upang makapaghanap ng malilipatan. Huwag na tayo mag-away dahil wala ngang may gusto ng nangyari." kalmado lang na nagsasalita si Aling Isabela.

"Pumayag ka lang na ipagbili ang bahay natin sa kanila? Ina, kayo ni Ama ang nagtayo ng bahay na 'to tapos ipagbibili niyo lang? Maaari namang si Amelita na lang ang ipagbili niyo! Gawin niyo siyang tauhan ni Ginoong San Juan, o maaring ipagbili mo ang kaniyang katawan." sabi pa ni Claudio nang may galit.

Bigla siyang nilapitan ni Aling Isabela at sinampal. "Ganiyan ba kita pinalaki? Makasarili? Walang awa sa iba? Nais mong ipagbili ang dignidad ni Amelita para lang hindi tayo mapalayas sa bahay na 'to?

Hindi nabibili ang dignidad Claudio kaya gumagawa nga ako ng paraan upang hindi tayo dumanas ng hirap. Ngunit parang mas maganda na rin na maranasan mo ang paghihirap ng buhay upang ikaw ay matauhan!"

Nilapitan ko rin si Claudio at sinampal. "Anong akala mo sa kakambal ko? Laruan na pwedeng ipagamit sa kahit sino? Produkto na pwede lang ibenta kahit saan? Claudio, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo dahil ako ang makakabangga mo hindi ang kapatid ko!"

"Maaari mong ipagbili ang bahay na 'to ngunit may isa lang akong kondisyon, palayasin mo si Amelita o si Amoracia o pwede ring silang dalawa! Pareho lang naman silang mga perwisyo sa ating buhay." sabi pa ni Claudio.

Ipinagtanggol ulit kami ni Aling Isabela. "Ay kung ikaw na lang kaya ang lumayas Claudio? Natatandaan niyo ba noong nawalan kayo ng trabaho, hindi ba't wala na kayong nahanap pang muli? Ngunit nang dahil sa kambal, dumami ang kumakain sa aking carinderia! Dumoble ang aking kinikita sa pang-araw-araw tapos sila ang tatawagin mong mga perwisyo?"

"Ano pa bang punto ng pag-aaway-away nating ito? Tila wala na 'tong patutunguhan at wala na rin itong silbi. Maaari bang magka-ayos na tayong lahat at isipin muna natin kung paano tayo makakabangon muli? Kung lagi na lang nating pinapairal ang pag-aaway, walang mangyayari. Mag-impake na lang tayo ng gamit natin at maglaan ng panahon na magpa-alam sa bahay na 'to." sabi pa ni Cordero.

Biglang tumaas si Deisy. Sinundan ko siya pero masyado siyang mabilis. Nai-lock niya ang pinto sa kwarto na tinutulugan namin.

"Deisy, kung may gagawin kang masama, huwag mong ituloy pero kung mag-eemote ka lang, sige go lang girl! Pero papasukin mo naman ako kasi para may kasama kang mag-emote." sigaw ko habang kinakatok-katok ang pinto.

"Okay lang ako Daina, hayaan mo muna ako dito." sabi ni Deisy.

Sinundan rin kami nina Aling Isabela at Florentina.

Nagtanong si Aling Isabela na alalang-alala. "Ang kapatid mo ba ay nasa loob? Wala ba siyang gagawing masama? Sana'y huwag at ayokong may mapahamak dahil lang sa mga pangyayaring ito."

Sumagot ako. "Gusto lang ng kakambal ko ng oras para sa sarili niya. Tsaka 'wag na kayong mag-alala, magiging ayos ang lahat, magtiwala lang tayo sa isa't-isa at malalampasan natin 'to."

Bumaba kaming tatlo. May sinabi si Aling Isabela. "Cordero, Claudio at Crisanto, kayo'y lumabas muna at may pag-uusapan lamang kami. Kung mananatili lang kayo dito sa loob ay tiyak na wala kaming maririnig sa inyo kung 'di puro reklamo at puro pananakit ng damdamin, lalong-lalo ka na Claudio."

Umalis ang tatlo nang tahimik. Mabuti naman at walang nagreklamo sa kanila. Masasapak ko na talaga silang tatlo, pasalamat na lang sila at hanggang sampal lang ako.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Kahit na mawawala ang tahanan namin, gagawa ako ng paraan upang mabawi ito. Nais ko na tulungan niyo akong makabangon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng carinderia. Hindi rin ako papayag na maghirap tayo ng ganito. Ayoko kayong mapahamak, lalo ang mga lalaki kong anak." paliwanag pa ni Aling Isabela.

"May iba pa bang dahilan kaya po naging parang masasama po ang ugali ng mga anak niyo? Kung mayroon po, sana kalimutan na nila 'yon. Tsaka ano pa nga ba ang dahilan kung bakit ganiyan ang tatlo?" tanong ko kay Aling Isabela.

"Nagkulang ako sa pagaalaga sa kanila. Hindi ko sila naalagaang mabuti dahil lagi na lang akong abala sa carinderia dahil ako na lang ang naghahanap-buhay matapos mawala ang kanilang ama.

Kung kani-kaninong tao sila napunta. Iba't-ibang tao ang nakaimpluwensiya sa isip nila dahil hindi ko sila napagtuunan ng pansin." sabi pa ni Aling Isabela.

"May iba pa bang way or paraan para mabago 'yung bulok na pagkatao nila?" tanong ko.

Hinawakan ni Aling Isabela ang kamay ko. "Amoracia, nais kong maging matatag ka. Alam kong kaya mong baguhin ang pagkatao ng mga anak ko. Nais ko ring gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang mabago ang pagkatao nila, kayo ni Amelita. Matatag at malalakas kayong babae. Naniniwala ako sa inyo."

"Nako Aling Isabela, hindi po namin kaya na baguhin 'yung pagkatao ng mga 'yon. Hindi namin masikmura 'yung pag-uugali nila. Pero kung sa tingin niyo po ay kaya namin ni Amelita ang pinapagawa niyo, gagawin namin para sa inyo. Para hindi na kayo mahirapan pa sa pag-uugali ng tatlo." sabi ko pa.

Niyakap ako ni Aling Isabela. "Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging 'Aling Isabela'. Nais kong tawagin niyo ako bilang inyong mga ina dahil kayo ay nararapat magkaroon ng ina. Sisikapin kong maging ama at ina sa inyong lahat lalong-lalo na sa inyo ni Amelita dahil wala na kayong magulang."

Si Papa lang ang nawala sa 'min pero dahil sa mga tampuhan namin ni Mama, parang wala na rin siya sa buhay namin. Pero okay na rin siguro. Napapad na kami dito sa past at sinabi na rin namin na wala na si Mama. Kami na lang naman ni Deisy ang nagtutulungan.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin binubuksan ni Deisy ang pinto sa kwarto. "Deisy, huling katok ko na 'to kapag hindi mo 'to bubuksan, sa kwarto ni Aling Isabela ako matutulog. Matulog ka d'yan mag-isa mo.

Uso pa naman sa past ang mga aswang, kapre, tikbalang, basta 'yung mga nakakatakot na creatures sa Pilipinas. Kaya kung hindi mo nga 'to bubuksan, matulog ka kasama ang manliligaw mong kapre."

Siguro, natakot si Deisy kaya binuksan ang pinto. "Pumasok ka na nga. Hindi kita matiis sa mga panunukso mo! Ikaw na siguro ang nanalo sa asaran natin ngayon. Pumasok ka na, ayoko matulog nang mag-isa at baka may mga aswang na pumalibot sa 'kin. Nakakatakot kaya!"

Biniro ko siya. "Buti naman at ako nanalo sa asaran. Halos ikaw lagi nagpapa-iyak sa 'kin noong bata pa tayo. Basta, matulog na tayo. Wala ngang ilaw dito, umaasa lang sila sa liwanag ng buwan. Tsaka 'yung parang lampara na may apoy."

"Ewan ko sa 'yo. Matulog na lang tayo at tutulungan pa natin silang mag-impake." sabi pa ni Deisy.

Hindi ko maramdaman sa boses ni Deisy ang saya. Halatang-halata naman kasi. Matamlay ang boses niya at nanghihina. Pinipilit lang niyang tumawa.

Kinabukasan noong gumising ako nakita ko na lang na wala si Deisy sa tabi ko. Agad akong bumaba para magtanong dahil gising na naman sina Aling Isabela.
"Nakita niyo ba ang kakambal ko? Wala na kasi siya paggising ko kanina."

Nagtaka si Aling Isabela. "Hindi ko pa siya nakikitang dumadaan. Hindi ba't kasabay mo naman siyang gumising? Bakit anong nangyari?"

"Wala na po kasi siya sa tabi ko noong paggising ko. Mukhang nawawala si Amelita." sagot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro