Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT

Late 2016...
Ako si Daina. Ako ang kapatid ni Deisy. Kaming dalawa ay dumanas ng mga paghihirap, pasakit, at kabiguan.

Ako ang magsasalaysay ng mga pangyayaring bumago sa aming buhay, mga pangyayaring dumurog sa aming puso at mga pangyayaring bumuo ng mga masasaya at masasakit na ala-ala.

•••

Masaya naman talaga kami. Mahal na mahal kami ng magulang namin. Sila ang pinakamagandang regalo sa amin.

Joke lang. Para ngang mas mahal pa Mama ang company namin kaysa sa 'ming mga anak niya.

Si Deisy, gustong-gusto na mapunta sa kaniya ang kompanya. Pinapabayaan ko na lang siya dahil ang gusto ko talaga, maging chef. Malayong-malayo sa clothing company ng pamilya namin.

"Ma, kapag ipapamana niyo na sa 'min ang kompanya, kanino ito mapupunta? Sa akin or kay Daina?" tanong pa ni Deisy kay Mama.

"Huwag mo na nga akong tanungin ng mga ganiyan! Nakakastress grabe!" Actually, masungit talaga si Mama sa 'min pero noong buhay pa si Papa, napakabait niya.

***

Five years ago, doon na nagsisimula ang maliliit na problema namin.

Nagagalak na sinalubong ni Mama si Papa galing sa visit niya sa Laguna. "Rominick, how's your day?"

"Papa, kanina ka pa namin hinintay ni Deisy!" binigyan namin siya ng maiinit na yakap.

"It's bad very bad uhm nakasagasa ako." mabilis niyang binanggit.

"Nakasagasa, Papa?" tanong ni Deisy.

"Muntik nang makasagasa what I mean." he laughs.

Dito si Papa ay nagpakita ng mga signs of cancer. Natumba siya with his nose bleeding. Nagpacheck-up siya and eventually, he was diagnosed with Leukemia.

We thought it was the saddest day of our life noong na diagnosed siya pero hindi pa pala.

We really love blue moon, pero minsan lang ito nagpapakita. Tuwing may blue moon, lagi naming inaabangan. Pinaghahandaan namin ito. Naibili pa nga kami ni Papa ng telescope para lang dito dahil mahal na mahal namin ang blue moo.

Nagpapa-alala rin ito ng mga memories ni Papa. Napakagaling niyang artist. Marami na siyang nagawang paintings, pero ang pinakasikat ay ang blue moon painting niya.

At dahil nga gandang-ganda kami sa blue moon, 'yon ang naipangalan ni Papa sa aming kompanya. Blue Moon Inc.

Naalala ko rin ang mga huling sinabi ni Papa bago siya mawala na parang hindi tinutupad ni Mama. Nanay ba talaga namin siya?

Nagsimula na ang mga problemang mamalaki sa buhay namin noong nawala na si Papa.

"Papa? Please huwag kang sumuko! Marami pa tayong gagawing adventures at marami pa tayong blue moon na titingnan sa lilipas na panahon." nangingiyak na sinabi ni Deisy habang si Papa ay nakahiga sa kaniyang death bed dahil sa Stage 4 Cancer.

"Ano ka ba Rominick! Huwag mo naman kaming iwan! Grabe ka huwag naman please! Huwag mo kaming iwan!" umiiyak din si Mama noon.

Tumutulo ang luha ko noong mga oras na 'yon. Hindi ako makapagsalita dahil nanghihina ako.

"Makinig kayo okay? Laura, dahil sasandali na lang ako sa mundong ito," pinutol ni Mama pag-uusap ni Papa. "Anong sandali na lang? Magtatagal ka pa 'di ba?"

"Laura, gusto kong ibigay mo kay Deisy ang kompanya balang araw. Daina, gusto kong tuparin mo ang pangarap mo na maging chef. 18 years old pa lang kayo kaya malayo ang mararating niyo. Mahal na mahal ko kayo." nanghihinang sinabi ni Papa.

Pagkatapos ng mga sinabi niya, nawala na siya. Hindi na niya makayanang lumaban.

Nagluksa kaming lahat. Walang gabing hindi kami umiiyak, walang gabing hindi kami naging malungkot.

Hanggang lumipas ang isang buwan. Si Mama, agad nakamove-on at nagkaroon ng boyfriend.

Nakita namin ito ni Deisy na naglalandian sa couch. Galit na galit si Deisy. "Napakabastos talaga ni Mama, hindi man lang pinaabot ng isang taon ang pagkamatay ni Papa. Isang buwan pa lang pagkatapos niyang mamatay tapos may boyfriend na agad! Mawala na respeto ko kay Mama huwag lang ang respeto niya kay Papa! Lalapitan ko talaga 'yan!"

Pinigilan ko si Deisy. "Ano ka ba Deisy? Pabayaan mo na! Magulang pa rin natin siya kaya dapat nirerespeto pa rin natin. Pabayaan mo ma siya sa desisyon niya."

"Mawala na nga ang respeto ko sa kaniya, huwag lang kay Papa. Ikaw ba, makakaya mo bang ganiyanin si Papa? Ang bastos lang kasi! Humanda talaga siya!" galit na galit, nilapitan ni Deisy si Mama para konpromtahin.

"Ano mama? Pagkatapos mamatay ni Papa, may bago na siyang kapalit? Hindi ba pwedeng respetuhin mo muna si Papa, paabutin mo man lang ng isang taon bago ka makipagrelasyon? Tapos ano? Hiningan ka niya ng pera hanggang maubos ang lahat-lahat ng pera natin.

Dito pa kayo naglalandian sa couch? Dito rin madalas humihiga si Papa 'di ba? Ganiyan ka ba kabastos Ma?" galit na galit na sinabi ni Deisy.

Tumayo si Mama at nagalit. "Bastos ka ring bata ka eh! Ano naman kung magkaroon ako ng boyfriend? Ano naman kung dito kami maglandian sa couch na favorite higaan ng ama mo?

Masama ba na magkaroon ng boyfriend? Masama ba na humiga dito sa couch at maglandian? Ano? Ano bang masama sa ginagawa namin? 'Di ba wala? Wala! Tsaka anong paki-alam mo? Alam mo, wala na akong pake sa 'yo bwisit kang bata ka! Bahala ka sa buhay mo!"

Sumagot si Deisy. "Oo walang masama sa ginagawa niyo! Pero ikaw ang masama! Matatanggap pa namin kung pinaabot mo muna ng ilang buwan or isang taon ang pagkamatay ni Papa, pero isang buwan pa lang!

Siguro kaya mabilis kang makahanap ng bago, kasi noong buhay pa si Papa, may affair na kayong dalawa!"

Tumayo ang kasama ni Mama at nagalit rin kay Deisy. "Bastos talaga ang batang 'to! Wala talagang respeto. Hindi ba pwedeng bago pa lang kaming magkakilala ng Mama mo?"

Pinigilan rin siya ni Mama. "Henry, baka pwedeng huwag ka na munang makisabay hayaan mo na munang kami ang mag-usap ni Deisy."

"Bago pa lang magkakilala pero naglalandian na agad dito sa couch. Ang sabihin mo Mr. Henry, isa kang patay gutom sa yaman!" sigaw ni Deisy.

Pinigilan ko na si Deisy. "Uhm Deisy, tumigil ka na please. Nakakahiya na. Halika na nga sa kwarto."

"Walang nakakahiya dito, lalo na sa mga walang respeto kay Papa katulad ni Laura at Henry! Mga malalandi!" hinila ko na si Deisy pabalik sa kwarto.

Pinagsabihan ko si Deisy sa loob dahil parang nababastusan na rin ako sa mga sinasabi niya.

"Deisy, ikaw pa ba 'yan? Kasi parang hindi na. 'Di ba dati masaya lang tayo, palagi nga tayong nakikipaglaro noon kay Mama. Bakit ganiyan ka? Bakit nawawala na pagiging mabuti mo?" tanong ko kay Deisy.

Nagalit rin sa 'kin si Deisy. "Hindi mo ba nagets ang punto ko? Wala silang respeto kay Papa kaya nawalan na ako ng respeto sa kanila. Daina, ayokong nababastos si Papa. Para kasing hinintay lang ni Mama na mamatay siya para magkaroon ng bagong karelasyon."

Pinagsabihan ko si Deisy. "Deisy naman, sana nagtimpi ka na lang. Nadadaan naman sa maayos na usapan ang mga problema sa pamilya natin. Ikaw kasi, lagi mo na lang inuuna ang init ng ulo. Sabi nga ni Papa sa 'tin noon, kapag lalo kang nagalit, mas lumalaki ang problema."

"Eh buti sana kung maliit na problema 'yan. Halos buong araw na nga siyang wala rito sa bahay, dito pa maglalandian nung kaniyang bebe loves. Napakalandi talaga." nagsungit na naman si Deisy.

Pinagsabihan ko ulit siya dahil parang sumosobra na siya. "Hoy, 'yang bunganga mo! Hindi ka naman pinalaking ganiyan ni Papa! Bayaan mo na kasi si Mama. Huwag mo na lang pansinin." niyakap ko si Deisy nang mahigpit.

Siguro kaya ganiyang sumagot-sagot si Deisy dahil sa barkada niya.

Inaya ko siyang magpunta sa paborito naming lugar. "Gusto mong punta tayo sa simbahan? Gusto mong doon tayo manood ng blue moon?"

Agad siyang pumayag. "Sige sasama ako! Wait lang, hindi ko nga alam na may blue moon pala ngayon. Ba't hindi mo sinabi?"

"Nagalit ka kasi kay Mama. Buti na lang naalala kong may blue moon ngayon. Pero, ito ang first time na hindi natin makakasama si Papa sa pagtingin sa blue moon." nalulungkot kong sinabi.

"Ihanda mo na ang telescope. Basta, doon tayo sa simbahan mamaya."

Sa Sta. Ana Church kami palaging nagsisimba. Kami nga lang tatlo at hindi kasama si Mama. Lagi naman siyang busy sa kompanya.

Magandang tingnan ang blue moon doon dahil medyo mataas ang lugar niya. Wala ring nakaharang na puno. Sana nga lang hindi maulap.

Pagkalipas ng ilang oras, gabi na at handa na kaming pumunta sa simbahan. Alam ko rin na maraming tao doon ang pupunta para makita ang blue moon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro