Kabanata 4.
"Saan ka na naman ba pumunta kahapon Azriel?" Asar na tanong ni Harrieta sa binata habang pinalulutang ang libro pabalik sa lalagyan nito.
"Hinanap ka sa'min ni Magistre Uno magdamag." Dag-dag nito. Napakunot ang noo ni Azriel dahil sinabi nito.
"Bakit?" Bahagyang naigulong ni Harrieta ang mga mata niya dahil talagang nagtanong pa ito kung bakit.
"Sira na ba ulo mo? Nakalimutan mo na ba ang pagsira mo sa tarangkahan ng bayan ng Luminous?" Nang maalala ni Azriel ang nangyari'y nangunot na lang ang noo niya. Hindi niya naman kasi gagawin 'yon kung hindi lang siya hinabol ng punong kawal ng pamilya niya.
"Ang alam ko'y marami sa kanila ang nasugatan." Saad ng binatang nag ngangalang Yinox habang binubuklat nito ang panibagong pahina ng librong binabasa.
"Paniguradong nakarating 'yon kay Magistre Uno. Nakakailang kasalanan ka na sa Konseho Azriel." Sabat naman ni Ezrah. Wari'y pinagagalitan nito si Azriel na prente lamang naka-upo sa silya. Sa totoo lang ay wala namang pakialam ang binata sa Konseho.
"I don't care about them." Bulong nito. Narinig ito ni Matheos kaya napahalakhak na lang ito. Umupo siya sa tabi ni Azriel at inakbayan ito sa balikat.
"Kailan pa ba nagkaroon ng pakialam ang isang Duke Azriel Carsen?" Pabiro nitong wika. Napatango naman ang mga kasama nito. Kailan nga ba nagkaroon ng pakialam ang lalaking 'yan?
"DUKE AZRIEL CARSEN!" Dumagungdong ang boses ng isang lalaki sa loob ng silid-aklatan. Dahil dito, nawalan ng pokus si Harrieta sa pagpapalutang ng libro. Nalaglag ito sa ulo ni Yinox, kaya naman bahagyang napasinghal ang binata.
"Nananadya ka ba Harri?" Kunot noo nitong tanong bago ibaling ang tingin sa paparating na si Magistre Uno. Napakamot na lang ng ulo si Harrieta, at nilingon si Azriel na parang walang pakialam.
"Alam mo na naman ba ang ginawa mo'ng kaguluhan Azriel?" Umiling ito kaya napa-iling na lang ang mga kasama niya. Masyadong arogante si Azriel kumapara sa kanila. Kahit alam na niya ang dahilan ay nagkukunyari pa rin itong walang alam.
"Hindi ba't labag sa batas ng Academia ang paggamit ng mahika para sa sariling kagustuhan?" Tumango ang mga ito, kahit si Azriel ay tumango rin bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Magistre Uno.
"Kung gayon ay bakit mo pa rin ginawa?" Magkasalubong kilay nitong tanong sa binata.
"Pero hindi labag sa batas ang paggamit nito para sa sariling kaligtasan hindi ba?" Mautak nitong pagdadahilan. Napangisi na lamang si Yinox dahil sa naging sagot nito kay Magistre Uno.
"Pinahamak ka ba? Alam mo'ng hindi ka ipapahamak ng punong kawal ng pamilya NATIN Azriel." Pagdidiinan nito. Bahagyang naigulong ng binata ang kaniyang mga mata dahil sa tinuran nito.
"Hinahanap ka na ni Hara. Siguro'y mas mabuti'ng makipagkita ka muna sa kaniya." Nakabusangot na pinagkrus ni Azriel ang kaniyang mga braso. Ang ibig sabihin ng Hara ay tiya.
Tiniklop ng binata ang hawak na libro at pinasidhan ito ng tingin. Ang lalaking kaharap niya ay ang pinsan niyang si Uno. Tatlong taon ang tanda nito sa kaniya, at ito ay isang Magistre o isang tagaturo sa Academia.
"Hindi ba't ipinagbabawal ang paglabas namin sa Academia habang oras ng klase? Isa pa, isang beses lang kami sa isang linggo maaaring lumabas, kaya bakit ako lalabas ayon sa gusto mo Magistre Uno?" Pang-aasar nito. Napabuga na lang ng hangin ang pinsan nito't napa-iling na lang sa naging sagot ni Azriel.
Talagang mautak ang isang 'to.
"Baka gusto mo'ng isumbong kita sa Punong Mahestrado?" Dag-dag nito. Bugnot na umiling si Uno dahil dito. Kahit kailan talaga'y napakautak ng pinsan niya. Talagang hahanap siya ng lusot sa lahat ng bagay.
"Bakit kayo lang ang narito sa silid aklatan? Nasaan ang iba?" Umupo si Harrieta at pinatong ang magkabilang braso nito sa pahabang mesa.
"Nasa kabila." sagot ni Ezrah. Naglakad patungo sa kabilang bahagi ng silid aklatan si Uno. Doon niya nakita ang iba pa'ng mga estudyante niyang naka-upo habang nag-uusap, iilan sa kanila'y nagbabasa, at natutulog.
"Ano't nandito pa rin kayo? Lumipat na kayo sa inyong mga upuan." Napatigil ang mga ito sa kanya-kanya nilang ginagawa. Bahagya nilang niyuko ang kanilang ulo upang magbigay galang sa kanilang maestro.
Binitbit ng mga ito ang kanilang makakapal na libro't naglakad na upang lumipat sa kabilang bahagi ng silid aklatan. Kapansin-pansin ang pagsisiksikan ng mga ito sa kabilang lamesa't upuan, walang sino man sa kanila ang nagtangkang umupo sa maluwag na pwesto ng mga maharlika.
Sila'y kabilang sa estadong pamumuhay ng mga Malaya , ngunit hindi ibig sabihin nito'y malaya na silang makisalamuha sa mga ito. Ika nga, nararapat lang na malaman nila kung sino ang mas nakakataas sa kanila.
"Bakit kayo nagsisiksikan diyan? Maluwag pa ang pwesto rito." Turo ng Magistre sa pwesto ng mga maharlika. Umiling ang mga ito't nginitian na lamang ang maestro. Hindi na rin ito nagpumilit pa't hinayaan na lamang ang gusto ng kaniyang estudyante.
"Nais ko lang malaman niyo na sa loob ng Academia'y hindi importante ang estado ng buhay. Lahat kayo rito ay pantay-pantay." Ani nito.
"Kung gayon Magistre, bakit sa loob lamang ng Academia? Bakit hindi niyo na lang gawin sa buong Illumina?" Tanong ni Azriel.
Illumina ang tawag sa mundong ginagalawan ng mga ito. May punto ang sinabi ng binata kaya napatango ang iilang estudyante sa loob ng silid aklatan. Bakit nga ba hindi?
"Masyadong maraming mamamayan sa buong Illumina Azriel. Hindi na ito kayang kontrolin ng Punong Mahestrado at Konseho." Napangisi ang binata dahil sa sinabi nito.
"Ang ibig mo'ng sabihin, kaya pantay-pantay kaming lahat rito dahil nakokontrol kami ng Punong Mahestrado at Konseho?" Mapaglaro nitong saad.
"You're making an army of puppets out of us?" Dag-dag ng binata. Bahagyang napangisi si Yinox at Matheos dahil sa sinabi nito. Talagang mahusay maglaro ng mga salita si Azriel. Huhulihin ka niya sa sarili mo'ng salita.
"Alam mo'ng hindi 'yon ang ibig kong ipahiwatig Azriel." Mahinahon na sagot nito. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng silid aklatan bago muling nagsalita ang Magistre.
"Umayos kayo ng upo." Utos nito. Kinumpas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Walang ano-ano'y may nagsilabasang mga aklat mula sa pinakatuktok ng kinalalagyan ng mga ito. Parang may sarili itong utak, at maayos na lumalapag sa mesa kung saan isa-isang naka-upo ang mga estudyante.
Paglapag na paglapag ng mga librong ito, kaagad nila itong binuklat, ngunit nagtaka na lang ang mga ito nang makitang wala namang kahit anong nakasulat doon. Nagtaas ng kamay ang isang estudyante kung kaya'y tumango na lamang ang Magistre upang bigyan ito ng pahintulot upang magsalita.
"Bakit wala po itong sulat?" Takang tanong nito. Sasagot na sana ang Magistre nang biglang bumukas ang pinto ng silid aklatan. Iniluwa roon ang isang babaeng hingal na hingal sa kakatakbo. Nang makita niyang nagsisimula na ang klase ay kaagad siyang yumuko upang humingi ng paumanhin.
"Paumanhin po Magistre." Pumasok ito sa loob at naghanap ng mauupuan.
"Sa susunod ay 'wag ka na sanang mahuli sa klase Erycha." Tumango na lamang ito't niyuko ulit ang ulo.
"Ganiyan ba talaga ang mga Alipin? Masyadong iresponsable? Tsk!" Parinig ng isa sa mga kaklase niyang babae. Rinig na rinig ito ng dalaga ngunit mas minabuti niyang hayaan na lamang ang mga ito. Wala namang magandang idudulot kung papatulan niya pa.
Kusang bumukas ang mga libro sa harap nila. Tinitigan nila ito ng mabuti, ngunit wala talaga silang makitang kahit ano ma'ng letra na naroroon. Kunot noo silang napatunghay upang tingnan ang reaksyon ng Magistre.
"Napansin niyo ba kung saan nakalagay ang mga aklat na iyan?" Tumango ang mga ito. Ito ay nagmula sa pinamataas na bahagi ng aklatan. Malabong may makabasa at makakuha ng aklat na 'yon pagkat nasa pinakatuktok ito.
"Lahat ng mga aklat ay nasa tama nilang lalagyan. Kaya nasa itaas 'yan upang walang sino man sa inyo ang makakuha. Kaya rin hindi nakikita ang mga nakasulat diyan upang hindi niyo mabasa." Nakangiti nitong saad.
"Let me guess, this is the Ancient Book of Spells?" Napasuntok sa hangin ang Magistre dahil sa sinabi ni Harrieta.
"Tumpak Harri." Nagning-ning naman ang mga mata ng dalaga dahil sa sinabi nito. Higit sa lahat ng mga maharlika, si Harrieta ang pinakamahilig sa salamangka at wikain. Kaya naman nasasabik itong malaman kung anong klaseng salamangkang wikain ang kanilang tatalakayin sa araw na ito.
Saglit na lumiwanag ang aklat sa kanilang harapan. Agad nila itong tiningnan, at namangha ang mga ito nang lumabas ang mga letra mula rito.
Ancient Book of Spells
Pagkatapos nila itong mabasa ay kaagad din itong nawala na parang bula. Napasinghap ang mga ito dahil ngayon pa lang sila nakakita ng librong may ganoong katangian. Napangiti ang Magistre dahil sa naging reaksyon ng mga ito. Kahit sa mga mata ng mga maharlika ay hindi maitatanggi ang pagkamangha.
Inangat ng Magistre ang kaniyang kaliwang kamay, at kasabay nito ay ang mabilis na pagbuklat ng mga pahina ng aklat. Pagkatapos ng ilang sandali, tumigil ito sa isang partikular na pahina. Tulad ng kanina ay wala pa rin itong sulat.
Naghihintay ang mga itong may lumabas na mga letra upang sa wakas ay kanila ng mabasa. Hindi nga sila nabigo, pagkat pagkatapos ng ilang segundo'y may letra ng unti-unting umuukit sa pahina nito.
"Flamma Ignis Descendare..." Umangat ang tingin ng mga estudyante sa Magistre nang magsalita ito. Ang kaniyang sinabi ang siyang nakasulat sa libro.
"Woah!" Namangha ang mga ito nang lumabas ang nagbabagang apoy mula sa magkabilang kamay ng Magistre. Iilan pa sa kanila ay napapatayo at napapatakip na lamang ng bibig dahil sa mangha.
"Burning Fire Descend. " Basa ni Azriel sa nakasulat dito. Inangat niya ang kaniyang tingin upang pagmasdan ang nagbabagang apoy mula sa kamay ng kaniyang pinsan na si Uno.
"Go ahead and try it. Make sure to focus your inner self, blend in with your feelings and emotions. More importantly, say it correctly and accurately." Unang sumubok nito ay si Azriel. Tumayo siya't inangat ang magkabila niyang kamay.
"Flamma Ignis Descendare..." Napatingin ang mga estudyante nang magsalita ito. Pagkatapos ng ilang sandali ay may bumalot na apoy sa palad ng binata. Tinitigan niya ito ng mabuti, at pagkatapos ng ilang segundo'y nakaramdam siya ng pang-iinit ng palad niya.
Inangat niya ang tingin niya sa Magistre. Bakit nakakaramdam siya ng init? Habang tumatagal ng tumatagal ay mas lalo itong umiinit, at napapaso na siya. Nakagat niya ang kaniyang labi habang nakatingin sa tila ba nakangising mukha ng pinsan niya.
How am I supposed to turn it down?
"What's the matter Azriel?" Pinaningkitan niya ito ng mata. Nagkukunyari pa'ng hindi niya alam ang nangyayari. Minsan talaga ay mahilig maghiganti ang pinsan niyang 'to.
"My hands are burning." Kinuyom niya ang kaniyang palad upang maibsan ang hapdi na nararamdaman niya sa kaniyang mga kamay.
"Of course, you just chant a spell. You're hands are bur--" napatigil na lang ito sa pagsasalita nang biglang sumigaw si Azriel.
"My hands are literally burning! Take it off! Defuse the spell! Now!" Natawa na lang ang iba pa'ng mga maharlika dahil sa inakto nito. Kahit ang Magistre ay bahagyang napahalakhak dahil sa naging reaksyon nito.
"Class, what you witnessed is the reverse effect. Take Azriel as an example, you must connect your words with your desire to let it out. Kailangang kapag nagsasambit kayo ng salamangkang wikain, siguraduhin niyong may paggagamitan kayo nito." Mahaba nitong paliwanag habang nakatingin pa rin sa pinsan niyang mukhang nasasaktan na dahil sa apoy na nakabalot sa kamay niya.
"Defuse this spell Uno! Defuse it!" Pinagpapadyak ni Azriel ang paa niya dahil sa init na nararamdaman niya. Ilang segundo na lang ay talagang bibigay na siya sa init na nararamdaman niya. Parang gustong-gusto na niya itong ilublub sa tubig.
"Uno? Now you're not even calling me as your Magistre? Ni hindi mo man lang nga ako magawang tawaging 'Kuya'. Kahit kapamilya kita'y nararapat mo pa rin akong galangin Azriel." Lihim na napasinghal si Azriel dahil sa biglaang pagseryoso ng boses nito. Kahit magkunyari pa siyang seryoso ang boses, alam na alam niyang inaasar lang siya nito.
"Fine! Defuse this Kuya! Defuse this shi--" bago pa ito makapagmura ay kinumpas na ng Magistre ang kaniyang mga kamay.
"Quia Aqua..." Bumuhos mula sa kamay nito ang isang tubig kaya nawala ang apoy. Bakas na bakas sa mukha nito ang isang napakalawak na ngiti. 'Yon ay dahil ngayon niya lang muli narinig na tawagin siya nitong 'Kuya'.
Asar na umupo si Azriel sa upuan habang pinupunasan ang kamay niyang nabasa ng tubig. Nagpipigil naman sa tawa ang mga maharlika nitong kasama. Bahagya pa'ng tinapik ni Matheos ang balikat niya upang kamustahin ito, pero inikutan niya lang ito ng mata.
"Shut up Theo, sasapakin talaga kita." Banta nito. Busangot na humarap ang binata sa Magistre na nakangiti pa rin ng wagas.
Damn you Uno, damn you.
"Magistre! I want to try it!" Masiglang wika ng babaeng nag-ngangalang Nori. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon.
"Flamma Ignish Deshendare!" Natawa ang ilan sa mga ito dahil mali kaniyang pagkakabigkas. Dahil sa mga katagang binitawan niya, imbis magkaroon ng apoy ang kamay niya, ang paa niya ang nagkaroon ng apoy. Nagtatalon ito sa sakit dahil gaya ng nangyari kay Azriel, nakakaramdam din ito ng pagkapaso.
"Whaaa! Anong nangyari? Magistre tulong po! Ah!" Tinanggal na nito ang sapin sa paa habang nagtatatalon. Napuno ng tawanan ang buong klase dahil dito. Kahit si Matheos at Harrieta ay hindi na rin napigilan ang pagtawa.
Si Azriel naman ay nakatuon lang ang pansin sa hawak niyang kwintas. Isa itong kwintas na may sing-sing na pendant. Nakita niya lang itong nakalutang sa ilog habang sinasagip niya ang babae. Sa totoo nga'y una niya itong nakuha bago pa masagip ang babaeng 'yon.
Inangat niya ito habang iniikot-ikot ang sing-sing. Kulay pilak ang kwintas nito't ginto naman ang sing-sing. Sino kaya nagmamay-ari nito?
Sa kabilang dako, prenteng nakasandal ang ulo ni Lucy sa puno habang tinatanaw ang kulay asul na langit. Kanina pa siya tingin ng tingin rito't nakakaramdam na siya ng pangangalay sa leeg.
"INA! INA! MAY MASAMANG ELEMENTO ANG BAGAY NA 'YAN! INA! TULONG! MASAKIT SA TAINGA!"
Nangunot ang noo nito nang marinig ang sigaw ni Sapphira. Pumasok ang dalaga sa loob ng kubo upang silipin kung ano ang dahilan kung bakit ito nagsisisigaw. Bumungad sa kaniya si Sapphira na naka-upo sa lapag habang tinuturo ang nag-iingay niyang phone. Tumutunog ito na parang bomba kaya masakit talaga ito sa tainga. Siguro ay nahulog niya ito kaya nag-iingay.
Lumapit ang ina nito't pinatayo si Sapphira. Nagtataka ito kung ano ang bagay na nagdudulot ng labis na ingay. Wari'y nagtataka sila kung ano'ng klaseng bagay ito. Kung kaya'y bago pa man maitapon ng mag-ina ang bagay na iyon, lumapit na ang dalaga upang kunin ito at patayin ang tunog.
"A-ate Lucy, Ano ang tawag sa bagay na 'yan?" Kumapit si Sapphira sa laylayan ng damit ng ina niya kaya bahagyang natawa si Lucy.
"Ito ba?" Winagay niya ito malapit sa mukha ni Sapphira, na siyang ikinaatras ng bata upang mailayo ang sarili niya.
"Ang tawag dito ay phone. Teknolohiya ito at hindi isang masamang elemento Sapphira." Nakagat ni Lucy ang labi niya upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Natutuwa kasi siya sa reaksyon ng bata. Naihahantulad niya talaga ang mga ito sa mga taong kweba noong sinaunang panahon, walang kaalam-alam sa mundo.
"Saan nagmula ang bagay na 'yan Ate Lucy?" Natahimik ito saglit. Paano niya ba 'to sasabihin? Paano niya sasabihin na nagmula ito sa mundo ng mga tao?
"Nalimutan ko eh." Ginulo na lamang ng dalaga ang buhok ni Sapphira't tinago sa bulsa ang phone niya. Mabuti na lang at full charge pa ito, at ang mas nakabuti pa ay isa itong solar android phone. Maaari itong i-charge sa init ng araw. Hindi siya magkakaroon ng problema kahit walang kuryente.
"Tita Martina." Pagtawag nito sa pangalan niya.
"T-tita?" Taka nitong tanong. Napakamot ng batok ang dalaga.
This is really weird and funny. Talaga ba'ng nasa ibang panahon ako? O baka naman nasa ibang mundo? Simpleng salita lang ang sinabi ko ngunit hindi nila maintindihan?
"A-ahh, pasensya na po. Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig ko." Yumuko ito upang magbigay paumanhin. Parang wala naman kasing galang kung Martina lang ang sasabihin niya.
"May lugar po ba kayong maaaring pagliguan? Mabaho na po ako." Pag-iiba ni Lucy ng usapan. Inamoy-amoy niya pa ang damit niya upang amuyin ang sarili. Umiling si Martina kaya nanlaki ang mga mata niya. Wag mo sabihing...
"Kami'y mga Alipin lamang Lucy, binibili pa namin ang tubig sa bayan. Kung kaya'y isang beses lamang kami sa isang linggo nakakaligo." Literal na umawang ang bibig ng dalaga dahil sa sinabi nito.
I-isang beses lang sa isang linggo nakakaligo?
Hinakbang nito ang kaniyang mga paa upang amuyin sila. Hindi naman nangangamoy ang mga ito kahit isang linggo lang ang ligo nila. Tanging dungis lang sa katawan at kasuotan ang palatandaan na hindi pa sila naliligo.
Sana'y ganiyan din ang mga tao sa mundo na kinabibilangan ko. Sa'min ay isang araw pa lang walang ligo, amoy sabog ka na.
"May ilog sa labas, bawal ba kayo maligo roon?" Tanong ng dalaga habang nakatingin sa ilog.
"Sagrado ang ilog na 'yan kaya ipinagbabawal ang pagligo riyan, liban na lamang kung ikaw ay may dugong Maharlika." Nangunot ang noo nito. Ilang beses na ba niyang narinig ang katagang 'yan? Sa pagkakaalala niya, Maharlika ang may pinakamataas na antas ng pamumuhay noong sinaunang panahon, at ilang beses na itong inuulit noong nasa elementarya pa lamang siya.
"Maari niyo ba'ng ipaliwanag sa'kin kung ano ang ibig sabihin ng Maharlika, Malaya, at Alipin?" Tumango si Martina at nagsimulang ipaliwanag ang lahat kay Lucy. Habang nakikinig ito sa sinasabi niya'y napapa-iling na lamang ang dalaga. Wala rin palang pinagkaiba ang antas ng pamumuhay nila rito, sa antas ng pamumuhay sa mundo ng mga tao.
Ang mga Maharlika ay maihahantulad niya sa mga mayayamang tao na nakakayang gawin ano man ang gusto nila dahil sa pera. Ang mga Malaya naman ay maikukumpara niya sa mga taong hindi mahirap ngunit hindi rin ganoon ka yaman. Ang mga Alipin naman ay mga mahihirap na walang karapatan sa kahit ano ma'ng bagay.
This place is unfair and wasted. Masyado nilang nilulugmok ang mga Alipin.
Kung sa mundo niya'y nakakamit pa ng mahihirap ang hustisya at karapatang pantao, rito naman ay hindi. Napa-iling na lamang ito.
Paano ba ako napunta sa lugar na 'to. Scratch that, talaga ba'ng totoo 'to, o baka naman nacoma lang ako sa totoong buhay at naglakbay ang kaluluwa ko rito?
Natawa na lang ang dalaga sa iniisip niya. Hindi 'yon ang importante sa sitwasyon niya ngayon. Ang kailangan niya makahanap ng tubig upang makaligo. Pagkatapos ng ilang sandali, nagpaalam na lang ito kay Martina na aalis kasama si Sapphira upang makapag ikot-ikot sa gubat. Pumayag naman ito't inutusan na rin si Sapphira na maghanap ng makakain.
Sa paglilibot nila, sa wakas ay may nakita si Lucy ng namamasa-masang lupa. Hindi ito gaano kalayo sa tirahan nila. Tinali niya ang buhok niya't kumuha ng matulis at matibay na kahoy upang gawing panghukay sa lupa. Napatigil sa paghahanap ng prutas si Sapphira nang mapadako ang tingin niya sa dalaga. Lumapit ito nang nakakunot ang noo.
"Ano ang inyong ginagawa Ate Lucy?" Napatingala ito nang tawagin siya ni Sapphira. Nakakatuwa talaga ang reaksyon ng batang 'to.
"Naghahanap ng tubig." Nagtataka man ito sa sinabi ni Lucy, hindi na siya nagtanong pa. Nagpatuloy siya sa paghanap ng pagkain, at ang dalaga naman ay patuloy sa paghukay ng lupa.
I've never imagined I could possibly do this. This place is really far from civilization. Napakaraming pagkukunan ng tubig dito sa gubat pero wala ni isa sa kanila ang gumawa man lang ng balon para makunan ng tubig? Is this some kind of a joke?
Pagkatapos ng ilang oras na paghuhukay, napangiti na lang ito nang makita niyang may tubig na dumadaloy mula sa partikular na parte ng lupa na hinukay niya. Tinukod nito ang kamay upang sukatin ito. Mula kamay niya hanggang kili-kili ang lalim nito pababa.
Malubog pa ang tubig kaya hinayaan na lang niya muna ito. Sinandal niya ang ulo niya sa pinakamalapit na puno't pinikit ang kaniyang mga mata. Naririnig niya ang huni ng mga ibon, pati na rin ang napakahinhin na haplos ng hangin. Huminga ito ng malalim, iidlip muna siya saglit.
Sa ikalawang pagkakataong pagmulat ng mata ko, sana'y magising na ako sa panagip na 'to.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro