Chapter 46
Luke's Point of View.
I found myself crying excessively, It feels like it can't be stop. It hurts so much that I can't even stand and walk by my own, I'm a doctor but i kept asking myself.
'Why do I feel so useless? Why i can't save my family?'
I looked up as I heard the doctor walks out from the room where Mia is, my heart begun to beat faster than I thought it would be.
"How's my daughter?"
"Is she okay?"
"Is the baby alright?"
"Calm down please," the doctor answer in a calm way.
"She's now conscious, but the main problem is her condition is not stable anymore. Its all because she's not taking any medication for her heart because of the baby." I closed my eyes and cupped my face using my cold hands.
"You mean it can attack anytime? At any moment?" Tito Vince confirmed.
"Yes, and it can lead to severe injury that will take her life and the baby.." My hand turned into fist.
"I'm a doctor.." I said in between..
"If she could possibly wait and be stable until her due date would there be a chance that both of them can be save?" I hope he would would say yes.
'Just please I'm begging..'
"I can't give you a sure answer, as your fellow doctor I understand the situation and I know you do too. But I am not saying that there is no chance at least 1% over 99% there is." Napapikit ako at tumango tango.
"That's what I like to hear, Thank you."
"Are you going to do the operation doctor?" He questioned.
"I will with my team."
"Okay then, We'll put her on ICU for the mean time and for her safety. We can't inject medications for her heart to secure the baby's safety." He announced and bow his head a little.
"I need to go.." We just nod our heads and let the doctor leave then afterwards the other team comes out from the room with Mia lying on a stretcher.
I can vividly see her bump, we need more weeks until her due date. "Let's go." I was about to step my right foot but then my knees started to weaken but Tito Vince and Zai helped me.
"Let's pray and god will provide okay?" Tito Vince said that made me nod like a stupid kid.
"That's good keep your strength, You'll save our daughter, your family." Sa muli ay tumango tango ako at sumunod sa kung saan dadalhin si Mia.
As we reached the ICU we waited for their guide. I mean we're doctors but we can't just provoke their works. Nang lumabas sila ay lumapit sila kaagad sa amin. "I'm a doctor from GRS hospital Philippines." Mahinang sabi ko.
"Your whole name sir?" Kwestyon nitong babae na blonde ang buhok.
"Luke Garcia."
"And I'm Zai Garcia we're fellow doctors." Singit ni Zai.
"Okay sir, We'll find her record from that hospital and then we'll update you and your team to be ready." I just nodded and walk near Mia's room.
Mula sa pagkakatanaw ay nakita ko ang paggalaw ng kaniyang pilikmata kung kaya't binilisan ko ang pagkuha ng protective suits at surgical mask to be safe.
"Stay there." Bilin ko sa kanila at pumasok sa loob.
Nang makapasok ay lumapit ako sa kaniya upang tignan ang kalagayan niya I stretched my hands just to reach her face but then she opens her eyes. It looks so tired and sad yet grateful to see me.
"B-Baby." I tried not to cry in front of her, ayokong isipin niya dahil makakasama sa kaniya kung aalalahanin niya kami.
"O-Our baby?" She questioned.
"He's safe baby.." Mahinang sagot ko at niyuko siya para halikan sa kaniyang noo hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"I love you so much M-Mia." Nakagat ko ang ibabang labi ng mag-crack ang boses ko dahilan para tumikhim ako sa ngayon ay nakababa ang mask ko.
"I thought i'm already gone.." Bulong niya.
"No.." Umiling iling pa ako at inayos ang kaniyang buhok.
Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at ngintian ko siya kahit na gustong gusto ng lumuha ng mata ko sa takot. "What do you want to have baby? Aren't you hungry huh?" Tanong ko sa kaniya at tsaka muli ay ngumiti habang tinititigan ang kaniyang mukha.
"I'm afraid that my heart will stop again." She calmly said.
"I don't want our baby to be in danger so please make my heart beat when it stops. Okay?" Nakagat ko ang ibabang labi at napaiwas tingin.
"Answer me.."
"Okay baby," wika ko at tsaka huminga ng malalim gustong gusto kong tumalikod ngunit hindi ko kaya na hindi siya makita kahit ilang segundo lang.
"I know I'm already in a worst situation," saad niya dahilan para huminga ako ng malalim upang pigilan ang bugso ng damdamin.
"You also know how much I love you, Mmm?" Napatitig ako sa kaniya sa kaniyang tanong kung kaya't tumango ako bilang sagot.
"Look at your eyes baby, Umiyak ka na naman." Napapikit ako nang sabihin niya 'yon kasabay ng paghawak sa mga pisngi ko na nasisigurado kong lumuluha na naman.
"H-Hindi naman, I don't know what are tears--"
"You're kidding me." Mahina pa siyang tumawa kaya nakagat ko ang ibabang labi niya.
"Si mommy at daddy nasaan?" Tanong niya at tumanaw pa kaya naman hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay.
"Control your emotions okay?" Bilin ko.
"Tatawagin ko sila para makausap mo," wika ko pa tapos ay pilit siyang nginitian.
"Okay.." Ngumiti siya.
Naglakad ako papunta sa labasan at sinalubong naman nila ako kaagad. "You can go inside po, just maintain her emotion. Kung maari tita huwag kayong magbabanggit ng kahit ano na makakasama sa kaniya." Habilin ko sa kanila.
"Hijo Mom at dad na ang itawag mo sa amin." Pilit akong ngumiti at niyakap muna sila.
"Sige na, Kent Axel mamaya ka na pumasok baka ma-stress pa ang ate mo sa'yo." Sa sinabi ni Tita Miyu ay umawang ang labi ni Kent.
"Luh, ako na naman.." Dismayado niyang tugon.
Nang makapasok sila ay naupo muna ako sa tabi ni Zai "Kamusta siya?" Tanong niya sa akin.
"Gano'n pa rin, mahinang tumatawa, bossy pero hindi tulad ng noon." Mahina kong ssabi at napahilamos ng mukha.
"Magtiwala tayo.." Sagot niya at tinapik ang likod ko.
"'Di na ba magbabago ang desisyon mo?" Tanong niyang muli.
"H-Hindi ko kayang mawala ang isa sa kanila, 'di ko kaya." Impit kong sabi at napayuko kasabay ng mahinang pag-iyak mula sa mga palad ko.
"Tangina bro 'wag kang umiyak makikita ka niya." Bulong ni Zai kung kaya't inawat ko ang sariling mga mata upang hindi na lumuha.
"Hayaan mo hyung, makakatulong sa kaniya ang pag-iyak na 'yan." Singit ni Kent.
***
Isang linggo makalipas ang pangyayari at gano'n pa rin ang kalagayan ni Mia ngunit kumakain naman siya, panay na lang ako buntong hininga at mabuting inaral ang gagawin naming operasyon hindi niya pa alam ang tungkol sa operasyon.
Nandidito na rin ang team na makakasama ko at kabilang nito si Dr.Romeo, Nurse Roma, Nurse Jill, Nurse Chi, at si Dr.Lucille habang nandito naman si Dr.Althea at Dr.Shane bilang extra. "Doctor Miaaaaaaaaaaaaaa alam niyo na ba ang Gender ng baby niyo?" Pandadaldal ni Dr.Althea.
Mabuti na rin at nalilibang si Mia habang nandidito sila. "Surprise ang gusto," wika ko sumisingit sa usapan nila.
"Pero feel ko lalake 'yan." Dagdag ko pa na ikinatawa nila.
"Pustahan na lang gusto niyo?" Tanong pa ni Zai at naupo habang kumakain ng kung anong kutkutin.
"At ano namang pauso mo aso?" Sumbat ni Dr.Shane kaya natawa ako dahil sumama agad ang mukha ni Zai.
"Epal, Kulang ka sa aruga? alagaan kita diyan." Natawa kaming lahat ng hindi makasagot si Dr.Shane.
"Ew asa ka naman 'no," wika ni Dr.Shane kaya ngumisi na lang ako.
"So anong pustahan 'yan?" Tanong ni Nurse Chi.
"Simple lang, Sinong naniniwala na lalake 'yan?" Tanong ni Zai kaya nagtaas ako ng kamay at gano'n rin si Nurse Chi, Zai, at Kent Axel.
"So kayo naniniwala kayo na babae 'yan?" Tanong ni Zai.
"Oo."
"Yup."
"Sige kung babae 'yan bibigyan namin kayo tig-iisang sasakyan your choice tapos house and lot." Hamon ni Zai dahilan para mapaubo ako.
'Risky kingina.'
"At pag lalake naman?" Tanong ni Mia na nakasandal sa kaniyang kama.
"Buy us yatch." Nanlaki ang mata nila pero si Mia ay nakakunot lamang ang noo at ang labi ay naglapat.
"Patas yan hoy," dagdag pa ni Zai kaya natawa ako at ngumisi.
"Ang mahal ng yate!" bulalas ni Dr.Althea.
"Paghahatian niyo 'yan kami rin tulong tulong sa bayarin pag nanalo kayo." Aniya pa ni Zai kaya naman napalunok ako.
"Any car of your choice and house and lot, Individually tayo ah pati kami rin." paglilinaw ni Zai.
"Deal, Ako bahala." Aniya ni Mia kaya napangisi ako.
"Milyon sa milyon hindi na lugi." Sumbat niya pa kaya napaubo ako.
"Yaman amp." Bulong ni Zai.
"HAHAHAHAHA game!" hamon ni Kent.
"Mia, Shane, Althea, Lucille tapos ikaw Jill seryoso yan ah." Tukoy pa ni Zai.
"Tapos kami ni Kent, Achi, Luke. Apat kami lima kayo." Tinuturo pa talaga ni Zai.
Nabuo ng kwentuhan ang buong kwarto habang nagiginhawaan akong stable ang lagay ni Mia ngayon dahil sobrang kalmado lang siya. Calm music, magandang paligid, Tv na panay cartoons.
Hindi muna namin hinayaan na may balita o ano pa man sana ay magpatuloy ang hangarin ko.
Muling dumaan ang ilang linggo na maayos si Mia kahit papaano ngunit madalas na siyang tulog at nagpapahinga lang sumasakit rin ang kaniyang tyan dahil sumisipa ito.
Hindi rin ako umalis sa kwarto dahil habang nalalapit kinakabahan ako at lubusan kong nararamdaman ang takot. "Babyyyy.." Nakangiting bati ko nang makalabas ng banyo katatapos ko lang naligo.
Nakita ko naman ang matamis niyang ngiti ngunit malamlam na mga mata. "Baby malapit na ang araw na pinakahihintay ng lahat." Mahinang sabi niya dahilan para pakabugin non ang dibdib ko.
"H-Hindi ako sigurado sa mangyayari pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita sobra kayong dalawa ni baby.." Mahabang sabi niya na nakapagpabago ng nararamdaman ko.
Dinalaw ako ng matinding kalungkutan. "Huwag kang magpaalam." Mahina kong sabi.
"Per—"
"Please Mia ayokong naririnig ang nga 'yan." Kalmado kong sabi gustong maluha.
"P-Papaano kung wala ng panahon at oras para marinig mo ang mga 'to?" Sa sinabi niya ay awtomatikong kumuyom ang kamao ko kasabay ng pagtulo ng nagbabadyang luha.
"Tangina naman.." Mariing mura ko at napaiwas sa kaniyang gawi dahil ayokong makita niya akong umiiyak.
"I'm sorry.." Mahina at pabulong niyang sabi habang ang kamay ay nakahawak sa ibaba ng shirt ko.
"I-I already know that you are going to undergo an operation, my operation." Natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"H-How?"
"Luke huwag mong ituloy ang plano mo, hindi ako pumapayag." Sambit niya pa at nagtataka ko siyang pinanood ng may kuhanin siya sa kaniyang ilalim ng unan at nagtataka kong tinignan ang high-tech recorder.
"Mia." Naninita kong sabi ngunit tinanggap ang inaabot niya.
"I-I know e-everything," saad niya kaya naman tinignan ko ang malungkot niyang ngiti at ang kaniyang titig sa akin kinakabahan kong pinindot ang play button.
"The baby or Mia?" It was Zai's voice.
"I'm s-saving Mia.." napapikit ako ng marinig ko ang iba pang usapan.
"What about your baby? Are you just gonna let it be gone?"
"I-I don't know, I-I l-love them both. They are my family, It's our own flesh and blood so tell me how can someone choose between that options?"
"You think it's easy?"
"Tangina, kung pwedeng ako na lang bro. Sana nga ako na lang huwag na sila."
"Anong magagawa natin? Nandidito na. Kung ako man hindi ako pipili hindi ko kaya pumili pero kailangan eh kailangan nating gawin ito."
"Zai tumahimik ka na please lang, kinakaya ko pa lahat. Hangga't maari ayokong naririnig o nalalaman ni Mia ang ganitong usapan."
"Malalaman niya pa rin."
"Malalaman niya pa rin bro."
"Para mo siyang pinagtaksilan dahil siya ang pipiliin mo at hindi mo susundin ang nais niya."
"Hindi naman madali. Bakit ba ganiyan kayo. Tangina."
"Nakakapagod rin pala."
"Ang sama kong ama, wala akong kwentang ama. Sabi nila ama ang poprotekta sa anak pero tignan mo 'ko!"
"Pagmasdan mo 'ko. Hindi ko maatim na kahit hindi ko papatayin ang anak ko sa pagpili ng kaniyang ina pakiramdam ko ako talaga ang tumapos sa kaniya."
"Sana ako na lang.."
"Kung may pagkakataon."
Umawang ang labi ko at napayuko sa mga narinig. "D-Do you hate me now?" Mahinang bulong ko.
"N-No.. Y-You're the father of our child I know it's hard baby. I swear I do understand you.." Mahinang sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"J-Just save the baby. M-Mamamatay rin ako dahil sa puso ko—"
"Mia please.." Tinakpan ko ang dalawang tenga at tinalikuran siya.
"Stop saying that."
"I can always hear your sobbing every night, I always hear your every curse inside that bathroom. I'm sorry if i'm hurting you baby." Mabilis akong natigilan at nilingon siya.
"M-Mia.."
"Ayokong mahihirapan ka.."
"Luke, ayaw kong nahihirapan ka ng dahil sa akin." Emosyunal niyang sabi dahilan para maramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido mula sa akin mata.
"H-Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka, Kaya b-bigla ay gusto kong babae ang anak natin dahil nais kong maging simbolo niya upang maramdaman mo ang presensya ko kahit wala ako." Sa sobrang sakit ng mga naririnig ko ay napaluhod ako sa sahig at sumandal sa kaniyang kinahihigaan.
Niyuko ko sa kaniyang kamay ang noo at doon umiyak ng umiyak. "T-Tama na. Tama na ayoko mangyari ang sinasabi mo." Pakiusap ko at umiling iling habang umiiyak.
"G-Gusto kong maging handa ka—"
"F-Fuck! Ayoko na marinig 'yan." Mariing sabi ko at tinakpan ang dalawang tenga.
"Please ayoko sa gusto mo, ayoko sa gusto mo." Nakikiusap kong sabi.
"Mia just stay.. Stay with me please? H-Hindi ko kaya ng wala ka. 'Wag namang ganito nakikiusap ako please.." Tinignan ko siya habang pinagdidikit at pinagkikiskis ko ang mga palad.
Nakikiusap..
"I-Isama mo na lang ako.."
"Luke.." Hirap niyang sambit hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Papakasalan mo pa ako 'di ba? Baby naman.."
"Nangako ka sa akin.."
"I-I know b-but I'm already weak." Pagkasabi niya non ay tumulo ang luha niya.
Inabot niya ang pisngi ko at pinahid ang mga luha do'n samantala ang kaniyang mga mata ay lumuluha rin.
"I swear.. I'm wishing every day that I hope he saves me because I s-still want to be— to b-be with my f-family.." Umawang ang labi niya at tinakpan niya iyon ng hindi niya mapigilan ang paghikbi.
"I-It pains me knowing that I won't be able to enjoy time with my family or be with both of you in a family day.." Napaiwas tingin ako nang marinig ang kaniyang sinabi.
"It pains me k-knowing that our child will be teased because his/her mother is gone.. Y-You know m-my dream is t-to have a happy family I can bond with after my duties at the hospital—" natigil siya dahil rinig na rinig na ang kaniyang pag-iyak.
Naupo ako sa kaniyang tabi at niyakap siya. "L-Luke," She called me I stared at her eyes that is full of tears. "Please s-save me. I still want to watch us being a happy f-family.." Umiiyak niyang sabi dahilan para mahigpit ko siyang yakapin kasabay ng pagluha ko sa kaniyang balikat.
'Sometimes fate can be so playful, playful but painful...'
√√√
“L-Laze? W-Wake up..”
@/n: Sometimes a happy ending can be tragic, Someone will accept the ending and just be happy but others will say 'no this is not supposed to happen', 'how can this be the ending? Why isn't it happy?', 'so tragic not a good ending'.
Let's get ready for the last chapter, maybe?
Keep safe and I hope you enjoyed this chapter lovelots! I still have classes at 7am but here I am HAHAHAHA using wattpad at 4:32am goodnight!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro