Chapter 43
Mia Jasmin's POV.
Taas noo akong naglakad papunta sa conference room upang ibigay sa kanila ang hand written na pagpasa ng trono sa kanila upang sila ang mamuno ng buong Underground.
"Hindi matutuwa si Tita Miyu at Tito Vince," mahinang wika ni Zai kaya naman matipid akong ngumiti at hinayaan silang dalawa ni Kent sa likuran ko dahil si Luke ay prenteng nakatitig lang sa dinaraanan niya sa tabi ko.
"Sobrang simple lang naman pala ng kagustuhan nila, sana noon pa." Tamad na tamad kong sabi.
"Watch your steps." Bilin ni Luke kaya naman umayos ako ng lakad.
Hindi na lang pala buhay ko ang hawak ko kundi pati buhay rin ng anak namin. Nang makapasok sa conference room ay sakto nandidito ang magulang ko. "What is that?" My mom questioned.
Even si daddy tinitignan niya ang hawak kong papel, huminga ako ng malalim at tumikhim. "You can have this and stop bothering us." Mahinang sabi ko at nilapag sa mahabang babasagin na mesa ang papel ng kasulatan.
Kukunin pa sana ni mommy pero inabot na ng huklubang matanda ang sulat at tinupi. "Ipapasa na namin 'to para wala ng atrasan." Malakas na sabi non.
"What the hell is that?" Tanong ni mommy sa akin.
"Pinasa ni noona ang kapangyarihan niya as a founder sa kanila." Sagot ni Kent kaya ng tignan ko si mommy ay hindi niya ako makapaniwalang tinignan.
"Bakit? Anong kapalit?" Tanong ni daddy at tsaka nilingon ang lahat.
"Kalayaan at katahimikan natin daddy, sawa na ako sa gan'tong buhay. Gusto ko sa isang lugar na tahimik, pirmi at hindi tayo mapapahamak." Explain ko sa kaniya at tsaka bumuntong hininga.
"Sa oras na ma-aprubahan ito ay maari niyo ng lisanin ang lugar na ito." Nakangising sabi ng isa.
"Sa oras na pabayaan niyo ang lahat ng nandidito babalik ako para guluhin ang buong patakaran." Paalala ni daddy sa kanila.
"Isa ka na lamang mababang uri, Vince Sandoval." Nakangising aniya nito kaya kumuyom ang kamao ko.
"Ngunit hindi ako, ngayong hindi na sila ang founder huwag mong kalimutan na umalimpusta ako ng marami dahil pangalawa ang Luna." Aniya ni Luke at hinawakan ang kamay ko.
"Kung hindi dahil dito, hindi ka maliligtas Masked Man. Pakatatandaan mo 'yan." Mayabang na sabi ng isang matanda na batid kong kasing taon ni Lola Jessie.
"Tingin mo?" Sumbat ni Luke.
"Bakit hindi ba?" Tanong ng lalake na 'yon pabalik.
"Kalabanin mo muna ako bago mo ako yabangan." Nakangising sabi ni Luke at inilapit ako sa kaniya.
"Mas mabuti kung lalayo tayo sa virus, baka kumalat pa sa atin." Bastos na sabi ni Lauren at tsaka hinila si Zai at Kent Axel. Sinabay naman ako ni Luke papalabas habang si mommy at daddy ay nasa gilid naming dalawa.
"Usap tayo," aniya ni mommy kaya naman sumunod kami sa kanila.
"Saang bansa niyo gusto pumunta?" Tanong ni mommy pagkapasok na pagkapasok sa kwarto naming dalawa ni luke.
"Sa kung saan payapa tit--"
"Mama or mom." Pagtatama ni mommy kaya naman napalunok ako lalo na ng magkatinginan kami ni daddy.
"Balik kayo Maldives." Suhestyon ni daddy..
"Sasama kami," dagdag niya kaya naman lumunok ako at sinulyapan ang tyan ko ng tumunog iyon. Gutom na naman siguro ako.
"Hindi ko alam kung anong kaya kong itulong pero isasantabi ko muna ang galit ko sainyong dalawa." Mahinang sabi ni daddy at nag-iwas tingin.
"Buti naisip mo hubby--"
"Miyu." Naninitang aniya ni daddy alanganin naman na tumawa si mommy.
"Kung katahimikan ang kapalit ng kapangyarihan na yun handa kaming isugal 'yon. Lalo na't ngayon dalawa ang mapapahamak sa pamilya ko pag nagkataon hindi ko maatim." Mahinang sabi ni daddy kaya lumabi ako dahil parang hinaplos ang puso ko.
"I love you daddy, mommy. Sobra-sobra po." Bumutong hininga si daddy at nag-iwas tingin.
"Mahal rin namin kayo, kahit na ikaw Luke. Bata ka pa lamang ay kilala ka na namin kung kaya't hindi ka namin kayang pabayaan." Matamis na sabi ni mommy kaya ngumiti ako at lumapit sa kanila para yumakap.
"Oh hubby akala ko ba isaanta--"
"Miyu isa p--"
"Oh sige magalit ka." mataray na sabi ni mommy agad na lumabi si daddy at niyakap na lang rin ako kaya napangiti ako.
"Pagpahingain mo na muna ang mag-ina mo Luke, lalabas muna kami." Paalam ni daddy kaya naman naupo ako sa kama at tahimik na pinanood ang paglabas ng magulang ko.
Nang makalabas sila ay awtomatiko na nag-alis ng damit si Luke kaya napatingin ako sa katawan niya. "B-Bakit ka naghuhubad?" Kinakabahan kong tanong kita pa rin ang latay ng latigo sa kaniyang katawan.
"I have to change clothes, may bahid ng dugo na ang damit ko." Sagot niya at dumeretso sa drawer kaya naman tumayo ako at pumunta sa likod niya.
Sinulyapan niya ako sandali at tumingin ng kaniyang dadamitin. "Wear sando baby," wika ko at hinawakan ang gilid ng latay niya.
"Does this hurt?" Mahinahon kong tanong ng makakita siya ng damit ay humarap siya sa akin at tinitigan ako.
"You're not teasing me right?" Tanong niya kaya umawang ang labi ko at mabilis na umiling bilang sagot.
"Wala naman akong ginagawa." Tanggi ko.
"I want to marry you instant." Sambit niya at ngumiti tapos isinabit ang kaniyang sando sa balikat at hinawakan ako sa dalawang balikat ko.
"I can't wait to kiss you after those sentence. May I now pronounce you Man and Wife." Napangiti ako ng maisip ang eksena na iyon sa isip ko dahil sa sinabi niya.
Nang tingalain ko siya ay nakangiti siya sobrang ganda nun, para bang nangyayari sa harap niya ngayon ang iniisip. "Hahawakan kita dito." Pinanood ko siyang hawakan ang baba ko at itaas gamit ang kaniyang daliri.
"Tapos tititigan ko ang mga mata mo at bababa 'yon sa labi mo." Napatingin ako sa labi niya ng yukuin niya ako at pagkatitigan lalo. Bahagyang umawang ang kaniyang labi at ngumiti.
"Maglalapat ang labi natin, tapos maalala mo yung unang beses kitang hinalikan ng nakainom ako dahil akala ko isa lamang panaginip iyon." Sa hindi inaasahan ay nakangiti akong naluha sa pagpapa-alala niya.
"I was just twenty-one years old back then and you're just sixteen years old.." Nakita ko kung papaanong kumislap ang mga mata niya.
"I fell in love with you at my early age, I was just a kid when I first laid my eyes on you baby." Matamis niyang sabi kasabay ng pagngiti at pagtulo ng kaniyang luha sa mata dahilan para yakapin ko siya kahit na wala siyang suot pang-itaas.
"Still I'm the happiest alive because I met you and you're mine." Bulong niya kasabay ng pagdampi ng labi niya sa mga noo ko.
"I love you so much Mia, so so much baby." Napaluha ako at niyakap pa rin siya.
"I didn't expect myself to fall for you back then, When I was 9 years old sabi ko sa isip ko. Ang tanda-tanda mo magkakagusto ka sa akin, sasaktan mo lang ako. Pero nang umapak ako sa 16 years old naiinis ako kasi andaming nagkakagusto sa'yo." Narinig ko kaagad ang mahina niyang tawa.
"Well I was born to be yours." Natatawang sagot ni Luke kaya mahina ko siyang napalo sa bandang braso.
"And I was born to be a Garcia." Umukit at gumuhit sa labi niya ang ngiti dahil sa sinabi ko.
"I can't wait to see our baby, I'll name him Jeremiah Laze Garcia." Napatitig ako kay Luke dahil ang ganda ng pangalan niya.
'Jeremiah Laze Sandoval Garcia..'
"And I'll name her Liezel Jami Garcia." Lumunok ako tapos ngumiti.
"Bakit ang ganda ng pangalan nila? Kailan mo naman 'yan ha?" Kwesyon ko sa kaniya.
"Hindi pa nga tayo nasa isip ko na ang mga pangalan na ito. May letter J at M para sa Mia Jasmin at L naman for name." Nakangiting sabi niya.
"After mo ipanganak ang first born natin gagamutin kita, pagagalingin kita tapos iisa pa tayo baby." Nahampas ko siya kaagad dahilan para mapaaray siya dahil nasagi ko ang sugat niya.
"Sorry." Mabilis kong bawi tapos ngumiti.
"Get rest baby, You need to get rest." Mahinahon niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko at maayos na iginiya patungo sa kama.
"Pero gutom ako.." Mahinang pagrereklamo ko.
"What do you want to have then?" Tanong niya at naupo sa tabi ko, bahagya pa siyang humarap sa akin upang makita ako.
"Ikaw." Nakangisi kong sabi na ikinangisi niya ngunit pinisil niya lamang sa mahinang paraan ang ilong ko kaya lumabi ako.
"'wag dito," wika niya at nilingon ang kaniyang gilid na para bang may dumating na tao kahit wala naman.
"Biro lang naman eh," aniya ko habang natatawa mukha bang gagawin namin yun eh may baby kami.
***
"You're being unfair!" Napabangon ako kaagad ng marinig ang tinig ni Lauren sa labasan ng kwarto namin.
"Ate Mia!" Kinabahan ako ng isigaw niya ang pangalan ko kaya napatayo ako kasabay ni Luke.
Mabilis kaming lumabas at halos mapatakip ako sa bibig ng makita si mommy at daddy na naka-posas habang si Lauren at Zai ay nagpupumiglas.
"Anong ginawa niyo sa magulang ko!?" Malakas kong sigaw at gigil na gigil silang sinamaan ng tingin.
"You're all powerless Sandoval." Kumuyom ang kamao ko ngunit hindi ko namataan si Kent Axel sa mga nandidito.
"Ipapatapon kayo sa malayong lugar sa kung saan kailangan niyong mamulubi!" Maganda ang ngiti ng lalake habang isinisigaw niya iyon kaya naman ngumisi ako.
"Pulubi? Hindi ba't namulubi lang naman kayo sa amin?" Tanong ko sa kanila na ikinasama ng mukha nila.
"Matutuwa sana ako dahil nagmayabang kayo, pero hindi niyo naman pinaghirapan ang mga iyan. Nakuha niyo lang dahil binigay ko ng walang kahirap hirap." Nang mamaliit kong sabi tapos ay tinignan sila mommy at daddy na alam kong sinadya nilang alisan ng malay dahil lugi sila.
"Ganito ba ang gagawin niyo kapalit ng maayos na usapan?" Tanong ko.
"Mga tanga kayo dahil naniwala kayo na patatahimikin namin ang buhay niyo, masyado ka pa nga talagang bata hija. Mas sinira mo ang buhay niyong lahat dahil sa pagbigay mo ng kapangyarihan sa amin." Nakangisi nitong sabi kaya kumuyom ang kamao ko.
"Pwede ka ng mamatay." Mariin at masama ang loob kong sabi.
√√√
@/n: Keep safe and enjoy! Thank you for supporting this story love lots 💕
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro