Chapter 42
Mia Jasmin's POV.
Matapos mabendahan ang sugat ko ay magkakaharap pa rin kami ngunit may mga baril ng nakatutok sa amin at ganun rin sila daddy tinututukan nila ang mga kontrabida ng buhay namin.
"Nasaan na ba ang mommy mo Kent Axel?" Kwestyon ni daddy kung kaya't sinimulan ko munang ayusin ang baril upang magamit ko ng maayos.
"Itigil niyo na ang ginagawa niyo kay Luke at ng matapos na lahat!" Sigaw ko sa kanila at humakbang papalapit sa kanila.
"Mia." Mariing sabi ni daddy sa likod.
"Mia Stay away from me." Mariing sabi ni Luke antok na antok siya kung tignan dahil ang dami niya ring sugat.
"I won't," saad ko at ng makalapit sa kaniya ay huminga ako ng malalim at hinawakan ang kaniyang pisngi ngunit iniiwas niya iyon.
"Lumayo ka sa akin, Mia please." Pakiusap niya kaya naman inasinta ko ang padlock ng kaniyang rehas at ng oras na maasinta iyon ay pinaputok ko ito dahilan para masira.
"Sharp Shooter." Napalunok ako ng marinig ang tinig ni Zai sa likuran ko.
"Tangina bro ang weak mo." Aniya ni Zai at tinulungan akong alisin si Luke sa kaniyang pagkakarehas.
Nang maalis si Luke ay inalalayan siya ni Zai ngunit lahat kami ay natigilan ng sunod sunod na marinig namin ang maiingay na galing sa labasan.
"Glad they're here." Nakangising aniya ni Zai kaya nangunot ang noo ko.
"Doctor gamutin mo muna siya," wika ni Zai sa akin kaya naman ng alalayan ko na si Luke ay rinig ko ang mabigat niyang paghinga.
Iniinda ang sakit ng mga latay ng latigo sa kaniyang katawan tanging pambaba lang kasi ang kaniyang suot. Inalalayan ko siya papasok sa kwarto ay ng makarating ay idineretso ko siya sa Sofa.
Nang makakuha ng pang gamot sa kaniya ay binalikan ko siya ngunit napansin ko na nakapikit siya napagod siguro bumuntong hininga ako at kumuha ng pang linis ng sugat niya.
"Ugh.."
"Relax," wika ko at huminga ng malalim inihanda ang pantakip ng mga yon.
Habang ginagamot ko ang sugat niya ay pinararamdam niya sa akin na nasasaktan talaga siya bumuntong hininga ako at ng magamot ang sugat niya ay tinitigan ko siya.
"Luke," wika ko mapungay ang mga mata niya akong tinitigan, antok na antok ang mga mata.
"I told you.." Mahinang sabi niya ngunit hindi ko naunawaan ang tinutukoy.
"What?" Kwestyon ko at naupo sa kaniyang tabi.
Naramdaman ko naman ang kamay niya sa bewang ko dahilan para nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit?"
"Let me die for both of you.." Nang sabihin niya yon ay tinalasan ko ang tingin sa kaniya.
"Mukha mo, walang mamamatay sa atin." Mariing sabi ko sa kaniya.
"Mia, baby don't forget to remind our child that I'll always be here." Wala pa man at hindi pa man nangyayari sumasama na ng tuluyan ang loob ko.
"Luke naman nakakainis." Inis kong sabi sa kaniya.
"I love you." Lumabi ako at pinagkrus ang braso.
"Tumigil ka na." Banta ko.
"Why?"
"Because you're nonsense. Hindi nakakatuwa Luke!" matipid siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko kaya iniiwas ko iyon.
"Galit ako sa'yo."
"Galit ka pa rin? Akala mo ba niloloko kita?" Kwestyon niya.
"Oo." Mariin kong sagot.
"Hindi ako natutuwa," saad ko at bumusangot.
"Let me rest baby.." Mahinang sabi ni Luke at pumikit kaya bumuntong hininga ako at hinayaan ko na muna siya tinulungan ko siyang ihiga ng maayos.
"Rest then." Mahinang aniya ko at inayos ang kaniyang buhok tahimik naman siyang hinayaan lang ako kung kaya't sa pagtayo ko sana ay maingat ngunit niyakap niya akong muli sa bewang.
"Stay beside me, I don't know when will be my last.." Napairap ako sa kaniyang sinabi at ihinilig na lang ang ulo ko sa kaniyang braso.
Ng tingalain ko siya ay ngumiti siya sa akin at inabot ang labi ko dahilan para ipikit ko ang mga mata at salubungin ang mainit niyang halik. "I love you baby, mahal ko kayong dalawa. Sobra sobra." Mahinang sabi niya at idinikit ang ulo ko sa kaniyang dibdib.
***
Nagising ako nang maramdaman ko ang lamig ng aircon sa balat ko bumangon ako at mabilis na hinanap si Luke ngunit hindi ko siya mamataan sa buong kwarto nagtataka akong tumayo at hinanap ang tsinelas ngunit walang kahit ano. "Luke.." Pagtawag ko sa kaniya.
Ngunit walang kahit anong tugon galing sa kaniya kaya naman naglakad ako papalabas ng kwarto walang suot na tsinelas nanlalamig ang katawan ko dahil madilim pa rin sa labas ng pasilyo at ang tahimik. Sa paglalakad ko ay natigilan ako ng mapadaan sa kwarto ni Kent Axel.
"Noona will kill us, ayoko." Mariing sabi niya kaya naman hindi ako gumawa ng ingay.
"It's the only way." Nang marinig ko si Lauren ay nangunot ang noo ko.
"What? maraming paraan, hindi ako sangayon sa gusto ni Hyung. Even though match sila ng Heart ayoko. Hindi matutuwa si Noona." Mariing sabi ni Kent Axel rinig na rinig ko kung kaya't naiinis ako.
Nagpa-plano na naman sila ng wala ako, parati na lang ba silang maglilihim sa akin? parati na lang nila akong sinasaktan sa paglilihim nila. Kung para sa akin bakit ganito?
"Iyon mismo ang gagawin ni Luke to save his own family. Bakit kaya ba ni Ate Mia na mas piliin ang sarili niya kesa sa anak niya?" Tanong ni Lauren.
"Ang pangit ng ginagamit mong words." Inis na tinig ni Kent.
"Parang hindi mo naman pamangkin yung anak niya, Sabagay hindi ka naman namin kadugo." mariing sabi ni Kent kaya napatikhim ako.
"You're being mean Kent Axel." Mariing sabi ni Lauren kaya bumuntong hininga ako at tsaka aalis na sana not until may marinig pa ako.
"Hindi ba mapigilan ng Luna? yung mangyayari?"
'Luna? bakit ang mga Luna?'
"I don't know yet, hindi naman daw nila pwedeng pigilan si Hyung Luke. I mean Hyung is the founder and they're just allies. Hindi rin macontact ang parent ni Hyung, hindi ko na nga maunawaan kung sino ba talaga ang kalaban natin." Inis na explain ni Kent.
"Una akala ko ang mga kinginang kampon ng demonyo lang pati na pala si Satanas." Kumuyom ang kamao ko at iniwan ang kwarto na iyon tapos tsaka ako pumunta sa Conference room I guess.
Nang buksan ko yun ay nagulat silang lahat at dito ko napagtanto na nandidito silang lahat bukod sa parents ko at kay Zai and Luke maaring pinaplano na nila kung papaano kami tatalunin.
"Handa akong iwan ang founder na posisyon tigilan niyo lang kami!" Malakas na sigaw ko sa kanila.
"Handa ka?" Tanong ng isang hudyo kaya nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Kung kapalit non ay katahimikan ng buong pamilya ko papayag ako." Naninindigan kong sabi sa kanila.
"Posisyon mo isusuko mo kapalit ng Lalakeng iyon?" Tanong pa nila, mukhang sila ang mga traydor.
"Yes."
"Then let's do it." Mabilis na sabi nito kaya naman tinitigan ko sila.
"Ihahanda ko ang kasulatan babalik ako." Mahinang sabi ko at tinalikuran sila kaya naman ng makalabas sa kwartong iyon ay natigilan ako ng makita si Luke na magka-krus ang braso at nakatitig sa akin.
"Halata ko na ang baby bump mo." Tukoy niya umaastang walang narinig sa mga sinabi ko sa loob.
"Really?" Tanong ko.
"Yup."
"Magdadalawang buwan pa lang naman." Mahinang sabi ko at tsaka naglakad ng mapansin niya ang paa ko ay tumigil siya.
"I can't carry you baby, Just wear this." Wika niya at pinasuot sa akin ang kaniya kaya naman sinuot ko yun at naglakad na.
"Are you planning to give up your position to save me?" Tanong niya kaya tiningala ko siya at tipid na nginitian.
"Yeah?"
"Don't do it baby, makakaligtas man ako sa ngayon ngunit hindi rin magtatagal." Inis ko siyang hinarap at pinakyu.
"Shut the fuck up." Nagulat siya ngunit natawa sa ginawa ko.
"That's bad." Tukoy niya at hinawakan ang kamay ko.
"Pakyu ka eh."
"Bahala ka baka first word ng baby natin is Pakyu." Lumabi ako at mas pinagbusangot ang mukha ko.
"Gusto ko ng Sisig." Saad ko.
"Sisig?!" Gulat akong napalingon sa gilid ko dahil malakas iyong sinabi ni Zai.
"Yeah?"
"Sakto! gusto ko rin ako na bibili? basta libre niyo ako. kahit limang cup of rice lang tapos tatlong order." Aniya ni Zai kaya napailing iling ako sa kagaguhan niya.
"Matanda ka na wala ka pa ring girlfriend?" Tanong ko sa kaniya.
"Wag mo 'ko kausapin. Bibili na ako?" Tanong niya kaya natawa ako, iniiwasan ang usapang girlfriend.
"Buy a lot." sabi ni Luke at inakay ako papasok sa kwarto habang sumunod rin si Zai na nakalahad ang kamay.
"Wala ka bang pera?" Tanong ko.
"Nasunog. Hindi pa naman ako nakakapunta sa bangko." Sagot niya.
"Tangina ilang bilao ba?"
"Lahat yan." Sagot ni Luke sa tanong niya.
"Ano pa? mahirap lumakad pasyudad sagarin niyo na magpabili," aniya ni Zai at lumabi parang nag-iisip pa ng bibilhin.
"Ice Cream." Suhestyon ko.
"Sige-sigeeeeeee!" Mabilis siyang lumabas ng kwarto kaya naman lumabi ako at humanap ng papel at ballpen upang maisulat yun ngunit may nasa isip ako.
"Will you call Kent Axel?" Tanong ko kay Luke tinitigan niya ako ng may buong pagtataka ngunit tumango at sinunod ako.
'If they think they're wise enough I'll play with them fire versus water..'
√√√
@/n: Pwede na sana i-update? Sana hahahaha Keep safe LUXIANS lovelots!
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro